เข้าสู่ระบบSa Montenegro Coast idinaos ang kasal nina Hugo at Micah. Beach wedding. Napuno ng press at media ang kasalang iyon. Inilathala pa iyon sa mga magazines, newspapers at sa mga sikat na tabloids. Pati na rin sa news break ng mga telebisyon. As usual, piling bisita lang ang mga nandoon sa kasalan.Napangiti sina Hugo at Micah nang sabihin ng Judge na, 'you may kiss the bride,' napasulyap sila sa judge at mabilis ang kilos ni Hugo. Tangan na nito ang malalambot na labi ng asawa. Nagtagal yata ang halikan ng fifteen minutes. Kung hindi pumalahaw nang iyak si Meriam hindi na siguro matatapos ang halikan nilang iyon. Walang choice si Micah kundi ang lapitan ang anak. Paniguradong basa ang diaper nito.Mula kay Lily kinuha niya si Meriam, hindi pa rin kase ito tumitigil sa pag-iyak. Nang tingnan niya ang diaper nito, hindi nga siya nagkakamali. Ibinigay niya ito kay Hugo saka siya kumindat sa asawa. No choice si Hugo kundi palitan ng diaper si Meriam. Nagtawanan ang mga bisita. "Papa!" Halos
Wala si Hugo sa tabi niya nang magising si Micah. Kasabay ng pagkabog ng kanyang dibdib. Napabalikwas siya nang bangon. Napangiwi siya nang maramdaman ang pananakit ng buong katawan. Oo nga pala, pinagod siya ng husto ng asawa.Dahan-dahan siyang tumayo. Damn it! Nanginginig ang binti niya. Napaupo siya uli sa malambot na kama. Nasaan na nga ba si Hugo? Sumigaw siya, nagbabakasakaling marinig siya ni Lily which is impossible, dahil soundproof ang kwarto nila. Hindi siya makatayo ng maayos. Halatang nanlalanta ang kanyang katawan sa sobrang pagod. Hindi niya mapigilang mapangiti at magbalik-tanaw sa pangyayari kagabi. That was so amazing! Hindi niya akalaing gagawin ni Hugo sa kanya ang pangbibitin na iyon.Bumukas ang pintuan ng kanyang kwarto at iniluwa doon si Lily. May dala itong tray na may lamang pagkain. Lihim siyang nanghinayang, akala niya si Hugo. "Morning, inutusan nga pala ako ni sir Hugo na dalhan ka rito ng pagkain, nasa garden sila nina Moises at Meriam," nakangiting t
Matuling lumipas ang mga araw naging abala si Micah kasama si Lily sa pag-aalaga ng kanyang kambal na sina Moises at Meriam. Mahirap palang mag-alaga ng kambal naisip niya. Ang anak niyang si Meriam ay kunting basa lang ng diaper nito ay papalahaw na nang iyak. Napangiti siya sa kaartehan ng kanyang prinsesa. Saka ito kinumuyos ng halik. Tumigil ito sa pag-iyak at pagdakay ngumisi. Biglang naglaho ang pagod ni Micah. Si Moises naman ay abala sa paglalaro na kasalukuyang nasa crib nito. Tahimik lang ito. Umiiyak lang ito kung gusto nang dumede. Si Lily ang nag-aalaga sa kanyang kambal 'pag busy siya sa pagpapalakad sa boutique. Lihim siyang nagpasalamat dahil maganda ang takbo ng kanilang negosyo dito sa Paris. Through on-line lang ang ginagawa ni Micah sa pagpapalakad ng boutique. Binabasa niya ang mga isini-send na mga emails galing sa mga managers patungkol sa mga sales at ipini-forward niya kay Mateo. "Micah, ma-may bisita ka," medyo nauutal na tugon ni Lily sa kanya. Kumunot a
Lumipas ang ilang araw, naging masaya ang pamilya Montenegro. Lalo na ang mag-asawang Montenegro na sina Marco at Thalia. Sa wakas nakita na rin nila ang nawawalang anak. Ipinaliwanag lahat ni Micah ang mga bagay na hindi makakasama sa ina, kumbaga iyong mga tagpo na positive. Matanda na rin ang kaniyang ina't ama.Napayakap sa kanya ang halos mga binata na niyang mga pamangkin na sina Lucas, Mateo, Israel, Isaac, David at ang sutil at cute niyang pamangkin na si Rebecca na siyang nag-mana sa ganda ng ina nitong si Levi. May nangyaring family dinner sa mansion ng Montenegro. Napuno ng galak, halakhakan, asaran, kwentuhan at kulitan ang hapag-kainan. Hindi naman nagtagal sina Mike at Levi kasama ng mga bata sa bahay nina Mr. and Mrs. Montenegro at naisipan na rin nilang umuwi. Kinabukasan nagpaalam si Micah sa mga magulang na mananatili muna siya sa Montenegro Coast. Sakay ng chopper ay kumaway siya sa mga ito. She need some space. Gusto niya munang mapag-isa ulit. Paano nga ba niya
Abut-abot ang kaba ng dalawang magkaibigan. Humigpit ang hawak ni Micah sa kamay ni Lily na tila ba doon siya kumukuha ng lakas. Napasulyap si Lily sa kanya at saka ngumiti na tila ba sinasabi ng ngiti nito na tatagan niya ang kalooban. "Kaya mo 'to, ngayon ka pa ba maduduwag? Nandito lang ako sa likod mo Micah, kung anuman ang magiging kahinanatnan nito, sabi mo nga hindi ba, ilagak natin ang lahat ng problema sa Dios?" napangiti si Lily at saka niyakap ng buong higpit ang kaibigan."Salamat sa paalala Lily, samahan nawa tayo ng Dios. Hangad ko lang na man na mabuo ang pamilya ko, makasama ang lalaking mahal ko, umaasa akong mapatawad niya rin ako. Tulad nang pagpapatawad na nakita ko kina Kuya Mike at Ate Levi," muli'y hindi napigilan ni Micah ang mga luhang kusang tumulo sa kanyang mga mata.Makalipas ang ilang oras ay nakarating sila sa lugar na pag-landingan ng chopper. Bumaba agad sila at saka naglakad sa may unahan para pumara ng taxi. Ilang minuto rin ang itinagal nila bago s
Nakabalot ang mukha ni Micah habang nakahiga sa kanyang malambot na kama, isinagawa ang operation sa Isla Montenegro. Bumalikwas siya ng bangon, inilibot niya ang tingin sa kabuuan ng kwarto. Oo nga pala, ibinalik na ang dati niyang mukha."Ang sabi ng surgeon mo, babalik sila mamaya para tanggalin iyang nakabalot sa mukha mo. Micah, masaya ako para sa'yo," saad ni Aling Paz at saka hinawakan ang kanyang isang kamay. Humigpit ang yakap ni Micah sa matanda at saka siya dahan-dahang yumakap dito. Sa kabila nang lahat ng nangyari sa kanyang buhay, unti-unti nang naibabalik sa kanya ang lahat. Handa na siyang humarap kay Hugo at sabihin dito ang katotohanan. Handa na nga ba siya? O ang isip lang niya ang nagsasabing handa na siya? "Ma'am, handa na po ang breakfast ninyo," ani ng isang kawaksi at saka yumuko para magbigay galang sa kanya. Tumango lang si Micah at saka dahan-dahan siyang tumayo mula sa kama at nilapitan si Aling Paz para akayin ito. "PASENSIYA na po kayo sir, pero mataga







