Share

4. Namimiss ko ang anak ko

Penulis: Middle Child
last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-14 09:25:42

Napailing si Roselynn habang nakatitig sa kisame ng kanyang kwarto. Bakit nga ba parang biglang may eksenang pang-Korean drama sa utak niya? "Ako lang yata ang bida na hindi alam kung sino ang leading lady sa sariling backstory..."

Hindi niya man lang nasilayan ang mukha ng babaeng nagsilang sa kanya. Ni pangalan, wala. Parang delivery lang sa Shopee na walang return address.

Biglang nag-vibrate ang cellphone niya. Tumatawag si Rebecca Yulo, a.k.a. Becky—ang certified chismosa, moral support, at self-proclaimed life coach niya.

Sinagot niya ito agad.

Walang “hello-hello.” Diretso agad ang boses ni Becky, parang may dalang megaphone.

“HOY! IMPAKTA KA! Pinagtataguan mo ba ko? Bakit hindi ka nagpaparamdam? Totoo ba talagang mag-aaral ka abroad, ha? E paano kung ma-bully ka don? Paano na ang flying kick kong pang-Karate Kid?!"

Nagpapatuloy si Becky habang halatang nasa isang kainan. Kita sa screen na nasa maliit siyang restaurant, mukhang hinihintay ang food delivery niya na mukhang overdue na sa buhay.

"At alam mo ba? Nabalitaan ko—ang mga lalaki sa UK, mabilis mag-mature! Meaning, mabilis silang magka-abs at... magka-‘intensyon.’ At ang mga dorms?! Diyos ko, parang hideout ng mga nagpapabembang! Ingat ka don, ha! Kapag hindi mo na matiis ang pangangati ng kiffy—gumamit ka ng kontra-bata! Pills o condom lang yan, ‘wag mong gawing tadhana!”

Napatingin si Roselynn sa screen habang si Becky ay busy pa rin sa kanyang 'sex education pep talk'. Pero ang mata niya, napako sa TV sa likod nito.

Breaking news.

Isang 45-anyos na tycoon—rich, mysterious, and emotionally unavailable, as usual—ay biglang napabalitang may anak na babae?! Pero walang may alam kung sino ang nanay.

Parang na-freeze si Roselynn.

“Rose? Hoy, Roselynn!”

Napansin ni Becky ang biglang katahimikan. “Beh? Huwag kang ganyan, parang may na-possess sayo. Naubusan ka ba ng load o ng pag-asa sa buhay?”

Nangilid ang luha ni Rose. Ang dami niyang gustong kalimutan. Ang panganganak. Ang kontratang pinirmahan. Ang... anak.

Pero paano mo nga naman kakalimutan ang isang taong literal mong niluwal?

Hindi siya sumagot. Dahan-dahan niyang pinindot ang “End Call,” naglakad papuntang banyo at naghilamos ng malamig na tubig. Akala niya, parang sa teleserye, mawawala lahat ng problema kapag naghilamos ka. Spoiler alert: Hindi.

Pero kahit papaano, nalamigan ang mukha niya—kahit ang puso niya ay parang sinabuyan lang ng yelo, pero hindi tinanggalan ng kirot.

"Hindi kaya… tama si Mona? 'Kung anong puno, siya rin ang bunga.' Aba, para naman kaming prutas sa palengke. Kung nanay ko’y manggang hilaw, ako ba’y manggang kalburo?!"

Lumaki si Rosalie na parang side character sa sariling buhay—wala ang nanay, laging busy ang tatay, at si Lolo? Well… si Lolo ay certified chismosa ng barangay. Kahit ang buhay nilang mag-ama, ginagawang pang-kwento habang may gin at chicharon.

At oo, palagi siyang binubully. Hindi niya alam kung bakit ang kawalan ng nanay ay parang may points sa mga tao para gawing material sa comedy bar.

"Hoy Rosalie, asan nanay mo? Nag-grocery lang? 20 years ago?"

Wow! napakagaling! May bagong banat na naman si Totoy sa kanto.

Minsan talaga, gusto niyang i-unfriend ang nanay niya sa utak. Kung may "report as irresponsible mother" sa isip, ginawa na niya.

Pero habang nakahiga siya sa kama, bigla niyang naalala ang balita kagabi — tungkol sa isang hot tycoon na may anak pero walang nanay sa eksena.

"Hmm. Tycoon. Wala ring nanay ang anak. Gosh. Soulmate ko 'yung bata!"

Napabangon si Rosalie at parang contestant sa game show na may time limit, agad kinuha ang phone at nagsearch.

Search: “Fit tycoon na may anak, walang jowa.”

Result: Sorry, no exact matches found. Try “thirsty woman seeks answers.”

Wala. Wala siyang makita kahit isang video. Ni boses ng tycoon, deadma si G****e.

Pero hindi siya sumuko. Pinilit pa rin niyang mag-scroll at stalk kahit 2% na lang battery niya.

Hanggang sa—tok! namatay ang phone.

At siya? Para ring nadiskarga. Parang cellphone na walang charger, o buhay na walang WiFi.

Sumubsob siya sa unan.

"Anak ng… hindi ko na alam kung ako’y may mystery baby o may mystery daddy. Ano ba ‘to, teleserye? O game show?"

Tapos napatawa na lang siya, habang pinagmamasdan ang kisame.

"Thanks, Ma. Ang galing mo. Ipinamana mo pa sakin kung ano ang ginawa mo!"

SA ISANG EXCLUSIVE SUBDIVISION SA MAKATI... (bawal ang mahihirap)

Sa mansyon ng mga Andrade, sinabayan ng liwanag ng kristal na chandelier ang pagkinang ng pilak at porselana sa hapag-kainan. Umaapaw ang pagkain—roast beef, salmon, mga pagkaing banyaga—na para bang pista, kahit walang okasyon.

Tahimik ang lahat, maliban sa mga kutsarang tumatama sa plato.

Dalawang nars ang pumasok, maingat na itinutulak ang stroller ng kambal. Tumigil sila sa tabi ng pinakamatandang Andrade—si Antonio, nakaupo sa wheelchair, mahina ang katawan pero matalim pa rin ang mga mata.

Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha sa mga bata, saka bahagyang ngumiti. "Ang mga batang ito... kamukha ni Asher. Siguradong paglaki nila, magiging napakagwapo at napakaganda."

Halos hindi makagalaw ang mga nasa hapag. Pilit ang mga ngiti, tila ba may laman ang bawat sulyap.

Antonio, hawak pa rin ang manibela ng pamilya, ay ngumiti. Ito na yata ang huling kahilingan ng matanda, ang makita ang apo ni Asher bago siya tuluyang tangayin ng panahon.

"Sa loob ng dalawang taon," aniya habang tumitig sa mga anak at apo, "kung hindi dahil kay Asher, baka pinulot na tayong lahat sa kangkungan! Dahil sa kanyang sipag, muling bumangon ang ating kumpanya. Hindi ba kayo sumasang-ayon?"

Tahimik. Walang nagsalita. Tanging tunog ng aircon ang umuugong.

Napatingin si Antonio sa bawat isa. Kita niya. Ramdam niya. Ang inggit. Ang pagdududa.

"Matanda na ako," pagpapatuloy niya, mas mababa ang tinig. "Panahon na para ipasa ang pamamahala sa mas bata. Simon, gusto kong matuto ka sa kuya mo. Lagi kang dapat nakabuntot sa kanya."

"Opo, Lolo..." mahinang tugon ni Simon, nakayuko, pilit kinakain ang hiya.

Pero hindi natahimik ang lahat.

Si Susana, ina ni Simon, biglang napapadyak. “Dad, anong ibig mong sabihin?” may galit sa tinig niya. “Apo n’yo si Asher, pero apo n’yo rin si Simon! Bakit parang... parang utusan lang ang anak ko?”

Sumingkit ang mga mata ng matanda. Pero nanatiling kalmado. Hindi siya tumugon.

Wala roon si Asher. Walang makakatutol sa kanya.

Isang matagal na katahimikan ang bumalot. Tanging isang alalay ang lumapit kay Antonio.

"Tawagan mo si Asher," utos niya. "May kailangang pag-usapan."

Maya-maya, lumabas ang mukha ng binata sa video call.

"Yes, Lolo? May problema ba?" tanong ni Asher mula sa loob ng isang marangyang hotel, nakasuot ng coat, nasa isang business trip.

"Panahon na para bigyan natin ng pangalan ang apo ko. Maganda siguro... Timothy. Galing sa Biblia. Malalim ang kahulugan."

Tahimik ang lahat. Ngunit kita sa mukha ni Susana ang pagkainis. Sinapo niya ang noo, saka umirap. Nagtitimpi.

Nag-isip sandali si Asher, saka tumugon sa mahinahong tinig. “Lolo... maganda rin po ang Elijah. Ang ibig sabihin, ‘The Lord is my God.’”

Tumango si Antonio, ngumiti ng malalim. “Maganda nga. Siya na ngayon si Baby Eli.”

Tahimik ang mesa, ngunit ang damdamin ay naglalagablab.

Samantala, hindi na niya pinakialaman ang pangalan ng kanyang apong babae. Dahil pakiramdam ng tatay nito, na ang anak na babae ay dapat ginagawang prinsesa at binibigyan ng mas madaming pansin at pag aalaga. Hahayaan na lang nila ang bata, kung anong pangalan ang nais nito paglaki..

****************

Mabilis na lumipas ang mga buwan...

At heto na nga, may paandar si tadhana: si Roselynn, na dating tahimik at simpleng babae sa barangay, ay paalis na... pa-U.K., baby!

Pero hindi niya makakasama ang mortal niyang kinaiinisang stepsis na kontrabida—Mona—na mas naunang sumakay sa eroplano para raw “mag-adjust sa timezone.” (Aba, sosyal!)

“Kapag naroon na kayo, huwag niyong kalimutang ibalita sa akin ang latest kay Roselynn at Mona, ha?” bilin ni Rassel kay Drake Yulo habang naghihintay sila sa departure area.

Si Drake—na certified tall, dark, and may baong ukulele sa backpack—ay kuya ni Becky, a.k.a. Roselynn's bestie and number one taga-bash kay Mona.

Matagal nang pangarap ni Drake na mag-aral abroad, pero indecisive king siya. Hanggang sa isang araw…

“Kuya, si Roselynn pupunta ng U.K.”

At parang gatas na kumulo sa microwave, biglang nag-init ang motivation ni Drake.

“Tamang-tama, gusto ko ring... mag-aral ng accent,” aniya, sabay practice: “Bruh, whatchu sayin', innit?”

Ayun, sumama siya. Pero hindi lang para sa British education. Nope. Para ‘yun sa isang British-inspired second chance sa pag-ibig.

Para kay Drake, si Roselynn ang kanyang first love. Oo, ‘yung tipong noong Grade 6 pa lang siya, nahulog na siya sa ngiti ni Rose nang manghingi ito ng papel.

“Ingatan mo si Rose, ha?” bulong ni Becky habang niyayakap ang kanyang kuya. “At please lang, huwag mo nang pansinin si Mona. Baka mamaya, maamoy ka pa niya at isama ka sa toxic behavior niya!”

Napangiwi si Drake.

“'Di ba siya allergic sa success? Hindi ko siya kailangang iwasan. Iwas na siya by default.”

Cut to: immigration line. Habang naglalakad si Roselynn, pasimpleng sumusulyap siya sa ama niyang nananatiling nakatayo, hawak ang lumang camera, naka-zoom sa anak niyang paalis na.

Si Roselynn naman, parang artista sa teleserye.

Nagkatinginan sila ng tatay niya—may eye contact, may background music sa isip niya (most likely “Leaving on a Jet Plane”), tapos kumaway siya ng kaunti...

Pero hindi niya namalayang may hawak na maleta si Drake sa likod niya.

“Oops! Sorry! Hindi ko sinasadyang mabangga ‘yung pangarap mong makalayo,” biro ni Drake habang hinahawi ang kanyang hair na sinabayan ng fake British accent.

“Wow, nag-British ka na agad?” sabay irap ni Roselynn.

“Practice lang. Kailangan ready ako pag sinagot mo na ako sa London, joke!.”

Nagkatinginan sila. Saglit.

Sabay sabay silang tumawa. Pati ‘yung nasa likod nila sa pila, natawa na rin.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • No Strings Attached:The Zillionaire Alluring Surrogate Woman   77. Pahiramin ng Jack!

    Maaga pa lang ay abala na si Becky. Nakasuot siya ng corporate attire: puting blouse at itim na palda, may bitbit na laptop bag at ilang folders. Habang nagmamaneho patungo sa opisina, iniisip na niya ang meeting nila mamayang umaga. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, bigla na lang siyang nakarinig ng malakas na tunog.“Argh! Ano na naman ‘to?!” reklamo ni Becky habang kinabig ang manibela at itinabi ang kotse. Paglabas niya, doon niya nakita—flat ang gulong ng kanyang sasakyan.“Naku, malas naman,” bulong niya sa sarili. “First day ng linggo tapos ganito agad? Ano ba naman yan!”Kinuha niya ang cellphone para tumawag ng towing o kahit sinong pwedeng tumulong. Pero sa kasamaang-palad, walang signal ang phone niya sa kalyeng iyon. Napabuntong-hininga siya at halos mapaupo sa gilid ng kotse.“Bakit ba hindi ako nag-aral magpalit ng gulong?”Habang iniisip niya kung anong gagawin, isang kotse ang huminto sa likuran niya. Bumaba ang driver, at sa hindi inaasahang pagkakataon—kilala ni

  • No Strings Attached:The Zillionaire Alluring Surrogate Woman   76. Natalo si Becky

    Pag-uwi mula sa kahihiyan sa coffee shop, halos kumulo ang dugo ni Becky. Hindi siya makapaniwala—ginawa siyang “espesyal na fan” ni Simon, sa harap ng napakaraming tao! Kahit sinong may matinong pag-iisip, siguradong magagalit.'Hindi pwedeng palaging siya ang may huling tawa,' galit na isip niya. Kaya kinabukasan, habang naglalakad pauwi, nakaisip siya ng plano.Magbabalik si Simon sa coffee shop sa Sabado para sa isa pang mini-event. At doon, sisiguraduhin niyang ipapakita sa lahat kung gaano ito kayabang at walang respeto.**************Sabado, dumating si Becky nang maaga. Nakaupo siya malapit sa entablado, kunwari’y abala sa pagbabasa ng libro. Pero ang totoo, may dala siyang marker na permanent—oo, permanent—at balak niyang ipapirma sa notebook niya ulit, pagkatapos ay sisigaw siya sa harap ng lahat na binabastos siya ni Simon.“Titigil ka rin sa pang-aabala mo, Simon Andrade,” bulong niya sa sarili habang nilalagay ang marker sa bulsa ng bag.Nagsimula ang event. Naroon ulit

  • No Strings Attached:The Zillionaire Alluring Surrogate Woman   75. Pagkikitang Muli

    Pagkatapos ng nakakahiyang insidenteng iniwan ni Simon sa kanya—ang malaswang autograph—nagpasya si Becky na kalimutan na lang iyon at magpatuloy sa kanyang araw. Pero tila hindi mapigilan ng tadhana ang paglalaro.Ilang araw matapos ang paghahanap ng ebidensiya, tinawagan siya ng isang kaibigan upang makipagkita sa isang bagong bukas na coffee shop sa bayan. Pagod siya at kailangan ng pahinga, kaya pumayag siyang pumunta.Pagpasok niya sa café, naamoy agad niya ang halimuyak ng bagong giling na kape. Cozy ang lugar, may mga nakaupo at nagtatrabaho sa kani-kanilang laptops, at may ilang estudyanteng nagre-review. Umorder siya ng cappuccino, saka humanap ng tahimik na pwesto sa gilid.Ngunit bago pa siya makaupo, may tumikhim sa kanyang likuran.“Well, well, well… look who we have here.”Halos malaglag ang tray na hawak ni Becky. 'Si Simon na naman?!' Nakaupo ito sa sulok, naka-shades kahit nasa loob ng café, at abala sa pag-sign ng ilang photocard na halatang dala ng fans.“Bakit para

  • No Strings Attached:The Zillionaire Alluring Surrogate Woman   74. Sino si Simon

    KAILANGAN ng kumilos ni Becky.Hindi niya akalain, na sa tagal ng pagmamahal ng kanyang kuya kay Roselynn, maiisipan nito na sirain ang kanyang kaibigan. Hindi ganoong uri ng tao ang anyang kapatid, kaya malaki ang pagtataka niya kung bakit naging ganoon ito kaagresibo ngayon, na kahit siyang mismong kapatid, parang kinakalaban nito.Mabuting kuya si Drake, sa totoo lang, napaka close nilang dalawa. Ngunit bigla itong magbago ng tumaas ang posisyon at ilipat sa Laguna.Naalala pa niya, noong makiusap ito sa kanya, na hihiramin ang kanyang ID code upang magbukas ng files. Hindi naman niya inakalang gagamitin ito nito sa kalokohan.Alam niya kung saan nag uugat ang galit ng kanyang kuya.. Selos!Sino ba naman ang hindi magseselos kina Roselynn at sa kanilang boss? Lalo na, ng ilipat ito bilang PA.Nakikita niya, simula pa noong una nilang makita si Asher, na talagang may pagtingin ito kay Roselynn. Halata sa mga ikinikilos nito.Ngunit bakit?Ang isang single dad na may guwapong mukha a

  • No Strings Attached:The Zillionaire Alluring Surrogate Woman   73. Damdamin ni Drake

    DRAKE's SIDE..Tahimik na pinagmamasdan ni Drake si Roselynn habang papalapit ito sa mesa. Napansin niyang maganda pa rin ito kahit simpleng bihis lang, at may kakaibang kislap sa mga mata nito ngayong gabi. Ngunit may naramdaman siyang bahagyang lamig sa kilos ng babae—parang may nakatagong distansya. Sandali siyang napatitig, ngunit agad ding pinawi ang kutob.“Roselynn,” masiglang bati niya, sabay tayo at halik sa pisngi nito. Hinawakan pa niya ang balikat ng babae, ayaw niyang pakawalan agad. “Buti at nakarating ka.”Napansin niyang parang pilit ang ngiti ni Roselynn, pero hindi na niya pinansin. Mas mahalaga sa kanya na nagkita sila ngayong gabi. Marami siyang gustong ayusin, marami siyang gustong ihanda para sa kinabukasan nila.Pag-upo nila, nag-umpisa siyang magsalita.“Alam mo, ilang taon na rin tayong magkasama,” panimula niya, sabay tingin nang diretso sa mga mata ni Roselynn. “Sa tingin ko, oras na para mag-isip tayo ng mas seryosong direksyon. Plano kong magtayo ng negosy

  • No Strings Attached:The Zillionaire Alluring Surrogate Woman   72. Ang laro ni Drake

    Maingat na inayos ni Roselynn ang buhok niya sa harap ng salamin. Walang bakas sa mukha niya ang kalituhan at bigat ng dibdib na ilang araw nang bumabalot sa kanya. Sa loob-loob niya, parang hindi niya matanggap na ang taong minahal niya nang buong buo—si Drake—ang may kagagawan ng lahat ng sakit na naranasan niya. Lalong masakit isipin na kahit ang kapatid nito, si Becky, ay kaya din nitong ipahamak.Subalit... mahal niya ba talaga si Drake? o napilitan na lang siyang mahalin ito?Ngunit ngayong gabi, kailangan niyang magpanggap. Hindi pa ito ang tamang oras para ipakita kay Drake na alam na niya ang katotohanan. Kailangan niya ng oras, kailangan niya ng plano. Kaya nang magkasundo silang magkita sa isang tahimik na restaurant sa may Cavite, pilit niyang kinuha ang lakas ng loob.Pagpasok niya roon, agad niyang nakita si Drake. Nakaupo ito sa sulok, may hawak na baso ng alak. Nakaayos pa rin ang suot nito—maamo ang ngiti, wari’y walang itinatagong kasamaan. Parang walang nagbago, k

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status