LOGINNang muling bumalik si Roselynn sa Pilipinas, pakiramdam niya ay parang binilang niya ang bawat araw na parang countdown sa pagkain ng instant noodles — matagal, paulit-ulit, at minsan, walang lasa.
Limang taon. Limang taon ng pagmumuni-muni, pagtitipid sa abroad, at binge-watching ng mga K-drama habang iniisip kung kailan siya magiging leading lady ng sarili niyang buhay.
Pero ayun na nga — bumalik na siya. Buhay, buo, at mas empowered. Hindi na siya 'yung dating Roselynn na palaging umiiyak sa banyo habang kinakain ang last slice ng cheesecake. Ngayon, kaya na niyang ipaglaban ang sarili. At oo, pati ‘yung cheesecake.
Umagang-umaga, lumapag ang eroplano sa isang abalang terminal na amoy kape, jetlag, at konting ulam sa loob ng maleta.
"Roselynn! Dito!" sigaw ni Becky sabay baba ng bintana ng kanyang kotseng medyo masungit na rin ang aircon. Kumakaway siya na parang nasa parade, habang naglalakad si Roselynn na bitbit ang kanyang maleta, backpack, at konting dignity.
Ang bilis talaga ng panahon. Parang kailan lang, sila'y mga teenagers na sabay umiiyak dahil sa heartbreak sa F******k Messenger. Ngayon, mga dalagang tunay na may mga trauma… este, karanasan na sa buhay.
Magkasabay umuwi sina Roselynn at Drake nang araw na 'yon. Si Becky — certified bestie at bunsong kapatid ni Drake — ang sumundo sa kanila. Wala raw siyang choice. “Pag-ibig sa kapatid at kaibigan ‘to, ha,” aniya habang nagmamaneho na parang Grab driver na walang star rating.
Kinagabihan, sinundo ni Drake si Roselynn para sa family dinner. Gaya ng inaasahan, halos magpiyesta ang magulang nila sa tuwa. Literal na may lechon. At hindi pa man sila opisyal, tinawag na siyang “manugang” ng nanay ni Drake habang iniabot ang mangkok ng sinigang.
“Anak, ikaw na bahala sa anak kong si Drake ha. Masyado ‘yong pihikan sa gulay,” ani Tita habang kinikindatan siya.
Kinabukasan, nakapustura na si Roselynn para mag-apply ng trabaho. Todo blouse, slacks, at confidence. Kaso, nagka-emergency si Drake — nabahing daw nang sunod-sunod at hindi makalabas ng bahay. Sabi niya, “baka flu, baka allergy, baka destiny.”
Kaya ayun, si Becky na naman ang sumundo sa kanya. Sakay sa kotse, naupo si Roselynn sa passenger seat, kinabit ang seatbelt, at bumuntong-hininga.
“Saan tayo magda-drive thru?” tanong ni Becky, “Kailangan mo ng fries para sa lakas ng loob.”
Ngumiti si Roselynn. “Oo nga, baka mas ma-hire ako kung amoy gravy ako.”
"Alam mo ba, pagkauwi mo kagabi, sinabon agad ako ng nanay ko!" reklamo ni Becky habang nginangasab ang isang ensaymada. "At syempre, ikaw na naman ang comparison queen niya. Parang ako raw ay barangay tanod sa tabi ng Miss Universe!"
Napailing si Roselynn. "Ano na namang pa-sakit sa dibdib ang sinabi ni Tita?"
"Sabi ba naman niya, ‘O ayan si Roselynn, ang kinis, parang baby’s butt, ang bihis, parang may sariling stylist! Ikaw, parang hinabol ng bagyo tapos ginupitan ng lasing!’ Tapos dinagdagan pa niya ng ‘Ano ba naman, Becky! Maawa ka sa mata ng tao. Magdamit kang parang babae, hindi yung mas siga ka pa sa kuya mong si Drake!’"
Tumawa si Roselynn habang umiiwas sa talsik ng ensaymada ni Becky. "Grabe si Tita, kung makalait akala mo contestant sa Drag Race!"
"Hindi ba?" umirap si Becky. "Sabi ko nga sa kanya, ‘Eh kung sumama na lang ako kay Roselynn pa-U.K., baka ngayon flawless na rin ako at marunong nang gumamit ng moisturizer!’"
"Ay naku, wag kang magreklamo. Doon, ang gatas mahal, at ang init ng tsaa hindi pang kaluluwa kundi pang sunog ng dila!" sagot ni Roselynn, sabay turo sa manibela. "O, mag-drive ka na lang. Huwag mo nang isipin ang ‘verbal spa treatment’ ni Tita."
Nagkatawanan sila habang binabagtas ang kalsada.
Pagkalipas ng halos isang oras, narating na nila ang Andrade Technology Corporation.
"Naku, sana hindi malate si Kuya kung mag-aapply siya rito. Yung boss diyan, masungit raw—grouchy version ng Santa Claus." bulong ni Becky habang nagta-type sa phone. "Kuya, bilisan mo! Baka sumablay ka na naman gaya nung interview mo sa Petron, kung saan sinabi mong ‘gasoline boy’ ang dream job mo."
"Grabe ka sa Kuya mo," natatawang ungol ni Roselynn.
Habang abala si Becky sa pagmemensahe, sinubukan ni Roselynn mag-search sa phone tungkol sa kompanya. Baka sakaling may tips siya makuha para sa interview.
Ang lumitaw? Mga walang kakuwenta-kuwentang artikulo gaya ng:
“Asher Andrade: Mysterious Young Tycoon or Secret K-pop Trainee?”
“10 Facts About Andrade Corp That Will Make You Say ‘Huh?’”
"Puro kalokohan laman nito," bulong niya sa sarili.
Ang presidente raw ng kumpanya ay si Asher Andrade, 29, fresh pa sa kalendaryo at kalendaryo lang din ang merong detalye tungkol sa buhay nito. Hindi pa tiyak kung single ito, may asawa, o secretly kasal sa trabaho.
“Parang familiar yung pangalan,” bulong ni Roselynn habang kinikilatis ang litrato nito.
Napalunok siya. Naalala niya bigla yung dati niyang pinapantasyang lalaki sa high school.
Pero ngumisi rin siya. “Nako, Roselynn, fantasy mo lang iyon. Malay mo, masungit pala iyan at mahilig makipaglaro sa mga babae?"
Naalala rin niya yung chismis dalawang taon na ang nakalipas—yung napaka-K-drama level ng pag-aagawan ng magkapatid sa pamumuno ng kumpanya.
Yung original na tagapagmana raw, si Simon, nadethrone. Tapos bigla raw may lumutang na long-lost apo, si Asher, na parang karakter sa teleserye: “Biglang Lilitaw, Biglang CEO.”
“Parang telenovela lang ang kwento nito, ha…” bulong niya habang pinipigilan ang sarili na kiligin sa profile pic ni Boss Asher na parang Calvin Klein model.
************
ANG kumpanyang pag aapplyan niya, ay nakakaintimidate na, kahit pa sa building pa lang siya nakatingin, "ang taas naman nito."
Nagmamadali si Drake na pumasok doon. Ng aral pa siya tungkol sa kumpanya, dahil ayaw niyang mapahiya sa harapan ni Roselynn.
Dapat, makapasa siya sa interview na ito!
Ang panel sa interview, ay matataas na executives. Lima sila doon, kabilang si Asher Andrade.
Matapos mainterview ang isang taong mula sa kilalang university, tumingin ang interviewee sa magiging expression ni Asher.
Napansin niya, na ang boss niya ay nakatingin sa surveillance camera, "ano naman ang tinitingnan ni Mr. Andrade doon?"
"Next!" sumigaw ang isang interviewee para sa susunod na applicant,
Ang camera, ay nakatuon sa labas, kung saan ang mga applikante ay naghihintay na matawag. Makikita doon kung paano sila nagbebehave privately.
Biglang nangunot ang noo ni Asher, ng makita ang isang pamilyar na pigura ng isang babae.
"Siya!!" sabi niya sa isipan niya.
Twenty three na ngayon si Roselynn, at hindi na siya ang dating bata na basta na lang makaupo, at walang pakialam sa paligid. Malaki ang ipinagbago niya. Ang kanyang simpleng ngiti ay nagbibigay sa kanya ng malakas na sex appeal!
Biglang bumalik sa isipan ni Asher ang nakaraan nila five years ago, kung saan, umuungol ang babaeng ito at umiiyak sa harapan niya, dahil sa gabi gabi niyang pag gamit sa katawan nito.
********
"Darating na si kuya," sabi ni Becky kay Roselynn.
Umupo ng tuwid si Roselynn at inalis ang kanyang mga mata sa cellphone na kanina niya pa tinititigan.
Hindi kasi malaman ni Roselynn, kung bakit parang kilala niya si Asher.. parang nakita na niya ito somewhere.. o literal na ang mga mayayamang lalaki ay halos magkakapareho ng mga sports? ang basketball?
Pero parehas kasi ito ng apelido, at ang crush niya noon na si Andy noong high school.
"Sorry Rosie, nalate ako," medyo hinahapo pa si Drake ng lumapit sa kanya.
"Okay lang, hindi ka pa naman natatawag," nakangiting sagot niya.
"Wag na nga kayong mag public displays na dalawa, nakakahiya naman sakin no! baka maisipan ko na rin magjowa niyan," reklamo pa ni Becky.
"Saka ka na lang maghanap, kapag nagpakasal na kami ni Roselynn," biro ni Drake.
"Go! magpakasal na kayo! para lalong matuwa ang mga magulang natin, at ng matupad na nila ang pangarap nila na magkaanak ng isang kagaya ni Roselynn," umikot pa ang mga mata ni Becky ng sabihin iyon.
Tumangu tango lang si Drake, saka tiningnan si Roselynn.
Sa totoo lang, naguguluhan pa si Roselynn.
Masaya siya sa buhay niya ngayon, dahil nalagpasan niya ang kanyang traumatizing past dahil kay Drake. Malaki ang naitulong nito sa kanya.
Bago pa magtapat sa kanya si Drake, alam na niyang may pagtingin ito sa kanya. Pero ang kanyang nakaraan, ay nagbigay sa kanya ng pakiramdam na wala siyang kwentang tao. Kaya pinili niyang iwasan ang damdamin ng lalaki, at ng lahat ng lalaki na umaaligid sa kanya..
Kahit pa ayaw niya, nanatili si Drake na nariyan sa kanyang tabi, hindi tumigil ng panunuyo sa kanya, at tinulungan siyang unti unting makabangon mula sa nakaraan.
Akala niya, noong ipagtapat niya sa lalaki na naging surrogate mom siya, ay iiwasan na siya nito, subalit hindi!
Nanatili ito sa tabi niya, at sinabi na hindi naman niya kasalanan iyon, naging biktima lang siya ng pagkakataon.
Kaya iniisip niyang napakaswerte niya dahil may isang Drake na maunawain na dumating sa buhay niya.
"Next! Drake Yulo!" tinig mula sa loob.
"Ako na.." paalam ni Drake sa kanya.
"Good Luck.." sagot niya sa lalaki.
Pagpasok niya sa loob, agad niyang naramdaman ang matalim na tinging iyon sa kany, kaya iniligid niya ang kanyang mga mata para hanapin iyon. Sino pa? ang presidente ng korporasyon!
Nakita ni Asher kung paano makipag flirt si Drake kay Bianca kanina.
Maganda ang naging interview kay Drake, banayad, at professional ang mga tanungan.
Muling bumalik ang mga mata ni Asher sa camera, upang muling magmasid.
Napansin niya na si Roselynn ay nininerbiyos para sa interview ng iba. Para itong nanay na naghihintay sa anak kung pumasa sa exam!
"Maldita talaga ang Mildred na yan.." bulong ni Susana kay Helen. "Kahit kailan, hindi na ibinagay sa event ang kanyang outfit.. Feeling ko, ang nais niya palagi ay maging center of attraction.""Baka center of distraction. Mayaman siya, kaya kailangan natin siyang pakisamahan.." ganting bulong ni Helen, "Wag kang mag-alala.. sisiguraduhin nating mauubos niya ang salapi niya dito..""Ang talas kasi ng dila, nakakinis!" gigil subalit puno ng composure na wika ni Susana. "Parang palaging bagong hasa..""Sinabi mo pa.. alam mo naman yan, yumaman lang dahil kay Andong.. sa kasamaang palad, itinuring na lucky charm ng pamilya, lumaki tuloy ang ulo.""True.. hindi kagaya natin na likas ng mayayaman kaya pino kumilos. Ewan ko ba, talagang money can't buy class..""Class picture lang," nagakatawanan silang dalawa dahil sa sinabi ni Helen.Habang nag-uusap sila, lumingon si Susana sa auction stage. Nakita niya si Mildred na abala sa pagbibigay ng mga bid, tila walang pakialam sa ibang tao. Sa
SA isang gala nights!Naghanda ng isang auction si Susana. Para na rin maligtas siya sa gulong kinasasangkutan niya. Hinihintay na lang niya ang tawag ng kanyang mga tauhan upang mag update sa kalagayan ng kambal.Kasalukuyan silang nagsasaya ng kanyang mayayamang amiga.Wala sa kanyang hinala, na may aberyang naganap. Hindi siya nagbubukas ng telepono kapag nasa gala, dahil mas priority niya ang makaattract ng mga negosyanteng maaaring makasama sa negosyo.Kapag namatay ang mga anak ni Asher, sigurado siyang masisiraan ng ulo ang lalaki, at ang kanyang biyenan, ay ilalagay niya sa home for the aged hanggang bawian ng buhay.Dahil doon, tanging ang anak niyang si Simon ang may karapatan sa lahat ng kayamanang mayroon ang pamilyang Andrade!Masaya ang buong event hall.. bumabaha ng pagkain, naghahalo ang mamahaling amoy ng perfume at ang amoy ng mamahaling alak.Ang mga bisita ay kanya kanyang umpukan, at yabangan ng mga alahas na nakasabit sa kanilang mga braso at leeg.Maraming nagdo
“DADDY…” halos sumigaw si Roselle nang makita ang ama. Ang boses niya’y nanginginig, halo ng takot at pananabik. “Bakit po umiiyak si Miss Rosie?” tanong niya sa maliit na boses, habang nakatingin sa sekretarya ng kanyang ama.Lumapit si Asher, tahimik ngunit mabigat ang bawat hakbang, at hinawakan ang maliit na kamay ng anak. “Anak…” ang tinig niya’y puno ng lungkot at pagsisisi. “Anak… siya ang— siya ang mommy mo…”Tumigil si Roselle sa paghinga. Nakatitig siya, parang hindi makatanggap ng katotohanan. Totoo ba? Ang sekretarya ng kanyang daddy… ang babaeng palaging nakangiti, laging mahinahon… siya pala ang mommy niya? Paano nangyari iyon? Bakit hindi niya ito nalaman noon?Hinawakan ni Asher ang kanyang mukha, pinatingkad ang bawat salita. “Walang kasalanan si mommy sa paghihiwalay niyo. Hindi niya alam na nag-eexist kayo… Ako, ako ang nagkamali. Matagal ko na pinagsisisihan, pero hindi ko na nahabol ang lahat. Nakaalis na siya ng bansa noong mga oras na iyon…”Napahinto si Roselle
HABANG nakahiga sa kama si Roselle, si Roselynn ay nakahawak sa maliliit na kamay ng bata. Nais niya ipadama dito ang init ng kanyang pagmamahal. Ayaw niyang bigyan ang sarili ng pagkakataong bitawan ang bata.Patuloy ang kanyang pag iyak.Dumating sina Simon, Becky at Drake. Nakita nila ang kaawa awang lagay ng bata."Kumusta daw si Eli?" tanong ni Simon."Tinatahi na ang kanyang sugat." si Asher iyon. "Nabaril siya habang papatakas.""Oh my God!" natutop ni Becky ang kanyang bibig matapos marinig ang sinabing kalagayan ng bata."Matapang talaga si Eli.." huminga ng malalim si Simon, "wag kang mag alala kuya, sisiguraduhin kong mapaparusahan si mommy. Hindi ko kayang tanggapin na maaatim ng kanyang konsensiya na manakit ng mga inosenteng bata.""Salamat naman, Simon, at hindi mo pinapanigan ang mommy mo.." sabi ni Asher."Kuya, ikaw ang nagturo sa akin, na kapag mali, wag nating piliting tuwidin ang naging baluktot. Tama lang na malaman niya, na walang kama kamag anak kapag nagkasala
Dahan dahan ang takbo ni Eli, na tila may iniinda. Bigla niyang napansin na basa ang kanyang damit. Ng hawakan niya ang kanyang bandang tiyan, at nahawakan ang mainit init na likidong tumutulo mula doon. Hanggang sa tuluyan na siyang mapaluhod.Natakot si Roselle at akmang babalikan ang kapatid, subalit marahas na sumigaw si Eli."Wag kang babalik! tumakas ka na!""Pe- pero--" nagdadalawang isip ang bata kung susundin ang iniuutos ng kapatid."Takbo!!!" may bahid ng galit sa tinig ni Eli, "kahit anong mangyari, wag kang lilingon!"Sinunod ni Roselle ang utos ng kapatid. Pinahid niya ang kanyang mga luha, saka nagmamadaling tumakbo. Ang determinasyong makatakas at makahanap ng tulong ay nag uumapaw sa kanyang puso.Sa pagtawid niya sa mga barb wire na bakod, nasabit ang kanyang binti, at tuluyan na iyong nasugatan. Hindi niya ininda ang sakit. Sa kanyang murang edad, malinaw na ang nasa isip niya, kailangan niyang humingi ng tulong!Isang putok ng baril, at daplis ng hangin ang naramda
"Eli.. natatakot ako.." ang tinig ni Roselle ay talagang tinig ng isang batang nawawalan na ng pag asa, "gutom na gutom na ko.. ayaw tayong pakainin ni Lola..""Wag kang kakain ng ibibigay niya.. baka mamaya, lasunin niya lang tayo.." bulong ni Eli, "isa pa, wag kang matakot, hindi kita pababayaan.." niyakap niya ang umiiyak na kapatid.Para sa isang limang taong gulang na bata, si Eli ay mas matured mag isip. Kuhang kuha niya ang ugali ng ama, na parang isang matanda.Ayaw niyang kakaawaan siya ng iba, at ayaw niyang magmukmok lang sa isang tabi at hintayin na lang ang kanyang kamatayan.Para sa kanya, kung hindi ka lalaban at magpapatalo ka na lang, wala kang silbi sa mundo!Iniikot niya ang kanyang mga mata sa paligid, at nakakita ng isang ref.Binuksan niya iyon. Kahit paano, buhay naman pala ang ref, at maraming tubig na selyado pa. Subalit hindi siya nagtangkang kumuha ng isang inumin. Para sa kanya, sa lugar ng isang kaaway, walang safe kainin, o kahit tubig na inumin."Wow! ma







