LOGIN"Makinig ka sa akin, Rassel. Dalawa ang anak natin—pawang babae. Oo, hindi mo biological na anak si Mona, pero buong buhay niya, ikaw na ang kilala niyang tatay. Ikaw ang Santa Claus na walang regalo, at tagapayo sa love life na laging palpak. Kaya sana, sana naman, kasama din siya sa plano.."
Hindi pa man natatapos si Lorie, biglang nagsalita si Rassel, na ilang buwan nang naka-bakasyon grande sa banig ng karamdaman.
"Ano ba 'yan, Lorie? Huwag ka na pa-suspense! I-shock mo na ako nang diretsahan. Alam mo naman, mahal kita nang sobra... kaya lahat ng sasabihin mo, irerecord ko sa isipan ko."
Hinawakan ni Lorie ang payat na kamay ni Rassel. Sa sobrang payat, puwedeng gawing drumstick sa biology class.
"Alam kong mahal mo kami ni Mona. Pero heto, napansin mo ba? Plano mong pag-aralin si Roselynn sa abroad—fine, sosyal ka girl! Pero paano naman si Mona? Dalawang taon lang ang tanda niya kay Roselynn, pero ayun, kung saan-saang baranggay na tumatambay. Gabi-gabi, parang may raket. Gusto ko lang na mag-aral din siya sa ibang bansa… baka sakaling hindi siya maging future contestant ng Face to Face.”
Nakatayo si Roselynn sa pintuan, naka-fold arms, mukhang nagme-meditate pero sa totoo’y umiinit na ang batok.
“Matanda lang si Mona sa’kin ng dalawang taon. Pero habang ako nagre-review para sa Math quiz, siya naman ay nasa second round na ng inuman kasama ang mga ‘Bestie Wagas’ barkada. May sigarilyo, may alak, may midnight snack pa—boyfriend ng iba."
Hindi niya talaga naramdaman na itinuring siyang kapatid ni Mona. Minsan nga tinawag pa siyang "the lesser Kardashian."
Si Rassel Palomar, sa kabilang banda, ay hindi mayaman. Pero mas masipag pa siya sa rice cooker—hindi tumitigil kahit pa masira ang katawan. Wala na itong ginawa kundi mag over time at mag isip ng part time job.
Kahit may sakit, hindi niya ginalaw ang ipon sa bangko.
Ayon pa sa doktor:
"Sir, kapag hindi kayo nagpagamot, delikado kayo. Baka hindi na madugtungan ang buhay niyo."
At ang sagot ni Rassel:
"Ayoko. Sayang 'yung pangtuition ni Roselynn sa 'Land of Milk and Honey.' Kung mamamatay ako, eh 'di wow. Para sa anak ko ang aking inipon.."
Hindi naman talaga siya fan ng pagpapagamot. Sabi nga nila, kapag ang pasyente na ang sumuko, kahit sinong doktor o albularyo, wala na.
Isang araw, kinausap si Roselynn ng kanyang ama—drama mode, may background music na "Maalaala Mo Kaya."
"Anak… wala akong maipamamana sa’yo. Ni blender, wala. Pero may kaunting ipon ako sa bangko. Pag nawala ako, wag kang iyak-iyakan, ha? Lahat naman tayo d’yan din pupunta. Basta, pag nailibing na ako, go na! Fly high, ka na! Abutin mo ang mga pangarap mo. Wag mo na kaming gayahin ng nanay mo—mahilig sa komplikasyon. Hindi mo kami kailangan para maging successful. Trust me, anak, G****e and YouTube are free. Basta unahin ang aral kaysa sa afam ha."
At hanggang ngayon, tuwing naaalala ni Roselynn ‘yun, natatawa-luha siya.
"Si Papa talaga. Ang drama. Pero love ko 'yun kahit mas madalas kaming mag-usap sa panaginip kesa sa personal."
Alam niyang gagawin ng kanyang ama ang lahat para makapag-ipon para sa kanyang pag-aaral — kahit pa minsan ay nagpapaka-superhero na parang wala nang bukas. Kaya bilang anak ng isang mapagmahal (at minsan, pasaway) na ama, ginawa rin niya ang lahat para lang maisalba ang buhay nito.
Tumambay lang siya sa labas ng kwarto ng ospital, habang pinapanood ang bonding moment ng kanyang ama at madrasta. Dapat sana’y sweet iyon — kaso ang dating sa kanya? Parang pilit. Parang scripted. Parang teleserye sa tanghali na puro acting lang.
Kaya imbes na maiyak sa kilig, napairap siya at umalis na lang.
Pagbaba niya sa hagdan, natiyempuhan pa niyang makasalubong si Mona.
"Oooh, ang aking mabait na stepsis," ani Mona, may hawak pang sigarilyo na parang props lang sa fashion shoot. Humithit ito at saka ibinuga ang usok, direkta sa mukha niya. “Disi-otso ka na pala. Ang tatay mo? Nasa ospital. Ang bulsa? Ewan ko kung may laman pa. Gusto mo ba kitang i-recommend sa mga… ‘suki’ para makaipon ka?”
Tiningnan lang siya ni Roselynn nang walang reaksyon. Sa loob-loob niya, gusto na niyang sabunutan ito at itali sa poste. Pero chill lang. Mahalaga ang self-control. Kaya ngumiti siya nang matamis at sumagot, “Wow, thanks ha. So gusto mong mag-twinning tayo? Parehong bayaran, pareho ring walang dignidad?”
Napataas ang kilay ni Mona, at nagdilim ang mukha. “At may lakas ka na ng loob sagutin ako?”
Nilagpasan lang siya ni Roselynn na parang walang narinig.
“Pa-demure ka pa! Sa tingin mo, hindi ko alam? Kahit tatay mo, sinabi na ang nanay mo raw ay—”
Pero hindi na niya tinapos pakinggan. Bumaba na lang siya ng hagdan habang umiiwas sa drama. Pagod na siya.
**************
SUMAPIT na ang ikapitong buwan ng pagbubuntis ni Roselynn.
Nararamdaman na niya ang pagsipa ng kanyang anak sa kanyang sinapupunan. Ang kanyang puso ay nagagalak, na malamang nakabuo siya ng baby. Ang bilis lumaki ng bata.
Biglang lumipad ang imagination niya, kung ano ang magiging hitsura ng kanyang magiging anak.
babae kaya o lalaki?
Napansin niya ang labis na paglaki ng kanyang tiyan. Dahil ba iyon sa kinakain niyang mga pagkain? parang doble ang laki niyon kaysa sa regular na mga buntis
Simula ng marinig niya mula sa kanyang ama sa ospital, na pumapayag itong ipadala si Mona sa abroad kasama niya para mag aral, madalang na siyang pumupunta doon.
Hindi naman sa hindi niya mahal ang kanyang ama, iyon ay dahil sa napakalaki na ng kanyang tiyan. Para siyang hinipan na lobo. Ang bigat na ng kanyang tiyan, kaya hirap na siyang maglakad.
Isa pa, lagi namang katabi ng kanyang ama si Lorie. Ni hindi nga niya alam kung dahil sa pagmamahal kaya ito nananatili doon, o dahil sa perang iniipon ng kanyang tatay.
Wala na siyang magawa, kundi ipaubaya na lang ang lahat sa panahon.
***************
Matapos makapagpahinga ng tatay ni Roselynn mula sa pagpapagaling, nalaman niyang muli itong nagtatrabaho ng walang pahinga at napunta sa mga business trips. Naiinis siya, ibinigay niya ang lahat tapos ganito lang ang gagawin ng tatay niya?
Ilang beses niyang sinubukan itong tawagin, subalit palagi na lang hindi ito sumasagot.
*******
Pagkatapos ng bagong taon, nalalapit na ang kanyang panganganak.
Nasa isang private room siya ng ospital, at inaalagaang mabuti ng mga naroroong nurse at doctor. Minomonitor nila palagi ang kanyang kalagayan.
Hindi pa niya nakikita man lang at nakikilala ang hitsura ng lalaki, pero minsan, nag uusap ang mga doctor sa paligid niya tungkol dito. Wala silang binabanggit na pangalan, pero base sa usapan, hindi ordinaryong businessman lang iyon.
Wala siyang alam sa kanyang kalagayan, walang nag iexplain sa kanya, hanggang mapagdesisyunan ng mga doctor na iunder na siya sa caesarian section.
Dinala siya ng mga ito sa operating room. Matapos mainjectionan ng anesthesia, wala na siyang naramdaman pang kahit anong sakit.
Matapos niyang alagaan ang bata sa tiyan niya ng siyam na buwan, ngayon, bigla na lang itong inalis doon.
Kailangan na nilang maghiwalay ng landas ng baby niya.
Masakit sa damdamin na isipin, na maghihiwalay na sila ng landas ng kanyang anak. Parang hinihiwa ang kanyang puso.
Bago pa niya mamalayan, tumulo na ang kanyang luha mula sa mata, patungo sa gilid pababa sa tainga.
Pero bakit niya ito dadamdamin? kung sa umpisa pa lang naman, alam na niyang kasunduan lang ang lahat? bakit ang sakit sakit pa rin?
Nakabantay si Mrs. Ali kay Roselynn sa buong proseso at kita niya sa mukha ng babae ang lungkot at sakit.
Sa wakas, pagkatapos ng lahat, dadalahin na si Roselynn sa recovery room. Binulungan siya ni Mrs. Ali, "anak, nineteen ka pa lang, napakabata mo pa. Mabuhay ka ng maayos at masaya. Magiging secreto lang ang lahat ng ito habang buhay."
Inaalo man siya ng matanda, ang mga salitang iyon naman ay parang nakakasakit.
"Maaari- ko bang malaman kung-- babae o lalaki ang aking anak?" pakiusap niya dito.
"Babae ang anak mo, at napakaganda!" gata ng bilin ni Asher, iyon lang ang sinabi ni Mrs. Ali kay Roselynn, walang labis, walang kulang. Ayaw ng lalaki ng gulo sa hinaharap kaya iyon ang pinakamagandang sabihin dito.
Sa katunayan, kambal ang anak ni Roselynn, isang babae at isang lalaki.
Matapos marinig ang sinabi ni Mrs. Ali, nakatulog na si Roselynn dahil sa lakas na nawala sa kanya.
Napangiti siya bago tuluyang mawalan ng ulirat.
Nakapagbigay siya ng buhay sa mundo, at iyon ay ang anak niyang babae.
********
Nanatili siya sa ospital ng mga sampung araw. Sa ikalimang araw pa lang, kabisado na niya ang menu ng kantina — pati pangalan ng janitor at birthday ng nurse sa night shift.
Pagkalabas niya, hindi niya sinundo ang drama. Diretso siyang umuwi sa inuupahang kwarto na amoy cup noodles at memories ng kahapon.
Unang ginawa niya? Tawagan ang tatay niya, siyempre. Pero hindi pa man tumutunog ng pangalawang beses, may sumagot na agad.
"Roselynn, busy ang tatay mo, anong problema?" ani Lorie, ang madrasta niyang mas mabilis pa sa internet connection kung sumabat sa tawag.
Napakagaling talaga ni Lorie. Kung may amoy ang intentions, siguro naamoy na agad ni Lorie ang intensyon niyang makausap ang ama kahit nasa kabilang barangay pa lang siya.
"Kailan siya magiging available?" tanong ni Roselynn, habang pinipigil ang sarili na sumigaw ng “pakisampal mo naman ako ng konti para magising ako sa katotohanang ‘di na talaga kami close ng tatay ko!”
“Nagtatrabaho siya nang mabuti, para sa pag-aaral mo sa abroad," sagot ni Lorie na parang may script. “Gusto mo bang ipasabi kong tawagan ka niya kapag hindi na siya busy?”
"Sige, hihintayin ko na lang ang tawag niya. Siguro sabay na rin ng Second Coming," sambit niya bago pinindot ang end call.
Alam naman niyang hindi aabot sa voicemail ang request niyang iyon. Kasi kay Lorie, ang voicemail ay void at mailap.
Wala siyang masyadong kakilala sa lungsod. Ang tanging "relative" niya sa kasalukuyan ay ang landlady niyang si Aling Berta, na higit na malapit sa kuryente kaysa damdamin ng tao — kasi kada limang segundo, pinapaalala nito ang bayarin.
Ang anak niya? Narito rin kaya? O baka dinala na sa planeta Mars ng ama nito para hindi na niya matagpuan?
Ganito rin kaya ang feeling ng nanay niya noon? Yung tipong parang, “Anak ko ba 'yun o multo lang na bumisita sa panaginip ko?”
Hindi niya alam kung anong hitsura ng mama niya, kung may bangs pa ito, o kung TikToker na rin gaya ng ibang lola.
Namimiss din kaya siya ng mama niya? O baka mas busy ito sa Farmville?
"NASAAN kaya ang anak mo?" tanong ni Becky kay Roselynn habang iniikot ang tasa ng kape sa mesa. “Alam mo, kung alam ni Kuya Drake kung nasaan siya, malamang gagamitin pa niya ang bata para mapapayag kang sumama sa kanya. Lalo na ngayon, ramdam ko na medyo desperado na siya.”Umiling si Roselynn, pero hindi maikakaila ang bakas ng pag-aalala sa kanyang mukha. “Noon, mga limang taon na ang nakakaraan, may nakita ako sa balita. Isang business tycoon na bigla na lang nagkaroon ng anak na babae—pero parang biglaan ang lahat. Walang ina, walang paliwanag, tahimik ang buong detalye. Kasing-edad din iyon ng anak ko… babae.” Napalunok siya, saka nagpatuloy, “Isa pa, sabi ng agent ko, matanda na raw ang lalaking nakabuntis sa akin. Nasa forty-five na ang edad. Hindi ko man lang nalaman ang pangalan niya noon. Parang bangungot lang na dumaan.”Napatingin si Becky sa kanya, halatang may nadaramang duda at awa. “Roselynn… mahal mo ba talaga si Kuya Drake?” tanong nito, mababa ang boses at para ba
Tumango si Drake nang bahagya, ngunit ang ngiti niya ngayon ay malamig at napakabasag. “Sige. Kung wala talagang kasiraan si Asher, gagawa tayo ng kasiraan.”Lumapit siya sa mesa at binuksan ang drawer—mga papel, lumang envelope—tila naghahanda ng isang entretela. “Una: magkakaroon tayo ng manufactured paper trail. Gagawa tayo ng pekeng kontrata at mga invoice na magmumukhang ipinirma ni Asher sa mga shell company. Hindi natin kailangang magnakaw ng pera; sapat na ang magpakita na may conflict of interest at questionable procurement. May kakilala akong isang forger na kayang tularan ang pirma at letterhead nang hindi halata.”Sumimangot si Susan, sabik na sabik, “At itatambad natin iyon sa publiko?”“Hindi kaagad,” sagot ni Drake. “Unahin nating ilagay ang mga dokumentong iyon sa tamang tao — isang whistleblower na hindi maikakabit sa atin. Magpapadala tayo ng anonymous tip sa audit committee at magpapadala ng identical package sa isang respetadong business journalist. Pag kapag may n
"Ang bagal naman ng progress ng ginagawa mo!" inis na sabi ni Susan kay Drake. Si Susan Jimenez, ang stepmother ni Asher, ay may lihim na plano na magtatakda ng kapalaran ng buong pamilya. Sa kanyang mata, si Asher—anak sa labas ng kanyang asawa—ay hadlang sa tagumpay ng anak niyang si Simon. Nais niyang ang kayamanan at kontrol sa kumpanya ng pamilya Andrade ay mapunta sa anak na kanyang iniidolo, at hindi sa isang anak na ipinanganak sa labas.Hindi niya maipaliwanag sa iba, ngunit sa kanyang puso, hindi niya kayang tiisin na si Asher ang magmana ng lahat. Kahit si Simon, na pumasok sa ibang larangan at hindi diretsong nakikibahagi sa negosyo, ay nararapat lamang na maging tagapagmana. Nang mabigyan siya ng pagkakataon na makilala si Drake, isang lalaking kapuri-puri sa talino ngunit hindi alam ni Asher ang tunay na ambisyon, nakakita siya ng pag-asa.Malaki ang puhunan ni Susan kay Drake—hindi lamang pera, kundi pati ang lahat ng mahahalagang files ng kumpanya. Si Drake, dahil sa t
KINABUKASAN.Tahimik ang umagang iyon sa bahay ni Becky. Sa malawak na veranda, nakalapag ang isang tray ng kape at mainit na pandesal. Sa tabi ng mesa, naroon si Roselynn, nakatingin sa malayo, tila iniisip pa rin ang mga pangyayari kagabi.“Roselynn?” tawag ni Becky, lumabas mula sa loob ng bahay habang pinupunasan ang kamay sa apron. “Ang aga mo yata ngayon. Hindi ka naman ganito dati, ha?”Ngumiti si Roselynn, ngunit pilit. “Hindi ako nakatulog kagabi,” mahinang tugon niya.Umupo si Becky sa tapat niya, sabay buhos ng kape sa tasa. “May problema ba sa trabaho? O baka naman… si Asher na naman ‘yan?”Umiling si Roselynn. “Hindi si Asher.”Huminga siya nang malalim, saka tumingin sa kaibigan. “Pinuntahan ako kagabi… ng kapatid mo.”Natigilan si Becky. Napatigil siya sa paglagay ng asukal sa kape. “Si—si kuyaDrake?” halos pabulong niyang tanong, tila hindi makapaniwala.Tumango si Roselynn, at marahang inilapag ang tasa sa mesa. “Oo. Nakita ko siya sa labas, habang pauwi ako. Tinawag
"ROSELYNN…"Isang tinig ang tumawag sa kanya, habang naglalakad siya pauwi mula sa convenience store. Tahimik ang kalsada, tanging langit na unti-unting nilalamon ng dilim ang saksi sa pagod niyang mga hakbang. Ang malamig na hangin ay tila nagsasayaw sa kanyang buhok, at ang mga ilaw sa poste ay pumipintig kasabay ng mabilis na tibok ng kanyang puso.Paglingon niya, natigilan siya.“Drake!” gulat niyang sabi. Agad siyang lumapit sa lalaki—at bago pa ito makapagsalita, tumama na ang kamay niya sa pisngi nito. Malakas. Maririnig pa ang tunog ng sampal sa katahimikan ng gabi.Hindi na nagulat si Drake. Parang inaasahan na niya iyon. Nakatingin lang siya kay Roselynn, hawak ang pisnging nasampal, at bakas sa kanyang mga mata ang pagod—hindi lang sa katawan, kundi sa kaluluwa.“Anong ginawa mo, ha?! Bakit mo kami iniwan nang walang paliwanag?” halos pasigaw na sabi ni Roselynn habang nanginginig ang kamay. Tumulo ang luha sa kanyang pisngi, pinilit niyang punasan pero patuloy lang itong b
“ROSELYNN…” tawag ni Becky sa kaibigan habang pinapakain ang dalawang anak ni Asher sa maaliwalas na veranda. Ang init ng tanghali ay tinatabingan ng puting kurtina na marahang sumasayaw sa ihip ng hangin. Amoy kape at tinapay ang paligid, ngunit tila wala sa loob si Becky — halatang mabigat ang iniisip.“Kumusta? Anong balita?” tanong ni Roselynn, sabay tayo mula sa upuan. Lumapit siya sa kaibigan at mahigpit itong niyakap. “Nagkita ba kayo ni Drake?”“Tinakasan niya ako,” mahinang sagot ni Becky habang pilit pinipigil ang pag-iyak.“Ha?” gulat ni Roselynn. “Anong ibig mong sabihin?”“Umalis siya ng bahay. Wala man lang pasabi. Basta na lang naglaho,” sagot ni Becky, sabay buntong-hininga. Namumugto ang mga mata niya — halatang ilang gabi nang walang tulog.Natahimik si Roselynn. Panandaliang tumingin sa mga batang masayang kumakain ng spaghetti sa mesa. “Nag-message siya sa akin noong nakaraan,” aniya sa wakas.Agad lumingon si Becky, puno ng pagtataka. “Anong sinabi niya?”Sandalin







