Owned by Contract, Tied by Fate (SPG)

Owned by Contract, Tied by Fate (SPG)

last updateLast Updated : 2025-09-05
By:  RehUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
15Chapters
5views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Serena’s POV Matagal kong inakalang hawak lang ako ng kontrata—isang papel na pumirmi sa buhay ko, sa katawan ko, at sa kalayaan ko. Pero ngayong nakahiga ako sa tabi ni Damien, natatakpan ng init ng balat niya ang lahat ng sugat sa puso ko, alam kong mali ako. Hindi na kontrata ang nagbubuklod sa amin. Hindi na utang. Hindi na desperasyon. Ako mismo ang pumili sa kanya. Dahan-dahan niyang hinila ang kumot pababa, inilantad ang bawat bahagi ng katawan kong kanina pa nanginginig, hindi dahil sa takot kundi dahil sa pananabik. Mainit ang hininga niya sa leeg ko, at ang bawat halik na inilapat niya ay parang panata na hindi na niya ako bibitawan. “Wala nang papel na nagdidikta sa’yo, Serena,” bulong niya habang pinapadaanan ng labi ang balikat ko. “Ako na ang pipiliin mo. Ako na ang kailangan mo.” Napapikit ako, hinayaan ang katawan kong lunurin ng bawat haplos niya. Hindi na ito transaksyon. Hindi na ito kasunduan. Ito ay kagustuhan naming pareho. Nagtagpo ang mga labi namin, mas mariin, mas buo—parang wala nang bukas. Ang bawat paghinga niya ay naging akin, ang bawat ungol ko ay naging kanya. Hanggang sa wala nang natira kundi ang mga katawan naming nag-uusap, nagsasanib, nagtatakda ng bagong simula. At sa gitna ng dilim ng kwarto, habang pareho kaming nilalamon ng init at ng pagmamahal, alam kong wala nang atrasan. Ako si Serena Villareal. Hindi na bilang alipin ng kontrata, kundi bilang babaeng kusang nagpa-angkin, kusang nagmahal, at kusang nagpasakop—sa lalaking siya ring nagpalaya sa akin.

View More

Chapter 1

Ang simula ng alok

(Serena’s POV)

Alas-sais ng gabi at ramdam ko pa rin ang bigat ng araw. Mula sa ospital, diretsong umuwi ako dala ang resibong parang pasabog na hindi ko kayang pigilan—₱400,000 ang kailangang bayaran sa loob ng tatlong araw, o tuluyan nang mawawala si Mama sa ICU.

Halos mabasag ang dibdib ko sa kaba. Ako ang panganay. Ako ang inaasahan. Pero saan ako kukuha ng ganoong kalaking halaga? Kahit pagsama-samahin ang lahat ng ipon at kita ko sa overtime, kulang na kulang pa rin.

Humigpit ang hawak ko sa bag ko habang naglalakad sa madilim na kalsada pauwi. Nararamdaman ko ang gutom, ang pagod, at higit sa lahat—ang desperasyon.

At doon, pumasok sa isip ko ang isang pangalan.

Damien Salvatore.

Ang boss kong mayaman, makapangyarihan, at kilala sa pagiging malupit. Kung ayaw mo ng problema, huwag mong tatawirin ang landas niya. Pero ngayong gabi, wala na akong choice.

---

Alas-nuwebe ng gabi nang tumayo ako sa tapat ng Salvatore Holdings. Mataas, makintab, at nakakatakot ang gusali. Tahimik ang paligid pero sa loob, alam kong may mga ilaw pa sa top floor kung saan naroon si Damien.

Hinga, Serena. Para ito kay Mama.

Dumiretso ako sa elevator, halos mabingi sa tibok ng puso ko. Pagbukas ng pinto sa top floor, nandoon ang sekretarya niya. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa—pagod, pawisan, halos luhaan. Pero nang makita niya ang mukha ko, hindi na niya ako pinigilan.

Dire-diretso ako sa opisina ni Damien. Hindi ko na kinatok. Binuksan ko na lang ang pinto.

At doon ko siya nakita—nakaupo, seryosong nagbabasa ng mga dokumento, tila walang pakialam sa mundo. Crisp white shirt, loosened tie, sleeves rolled up. Maskuladong mga braso na nakasandal sa mesa. Wala siyang reaksyon kahit pumasok ako.

“Have a seat, Ms. Navarro,” malamig niyang sabi, hindi man lang tumingin.

Umupo ako. Hindi ko na kaya ang paligoy-ligoy. “Kailangan ko ng tulong mo.”

Finally, tumingin siya. Mata niyang malamig, tila bumabaon sa kaluluwa ko. “Magkano?”

Humigpit ang lalamunan ko. “₱400,000. Para sa ospital ni Mama… at sa tubo ng utang namin.”

Hindi siya sumagot agad. Kinuha niya ang isang brown envelope mula sa gilid ng mesa at inihagis iyon sa harap ko. “Basahin mo.”

Dahan-dahan kong dinampot ang dokumento. Nang mabasa ko ang laman, tumigil ang mundo ko.

Kasal.

“Tatlong taon,” sabi niya. “Legal. Walang sabit. Pagkatapos, annulment. Walang hassle.”

Napatitig ako sa kanya, halos hindi makapagsalita. “Are you serious? Boss kita. Empleyado mo ako.”

“Do I look like I’m joking?” malamig niyang sagot. “I need a wife. And you need money. Simple.”

Parang gumuho ang tuhod ko. Hindi ito ordinaryong alok. Ito’y isang bitag na nakabalot sa gintong papel.

“Pero bakit ako? May kaya ka. May koneksyon ka. You can marry anyone.”

“Exactly. Pero ikaw ang kailangan ko ngayon. At ikaw ang lumapit sa akin.” Tumagilid ang labi niya, bahagyang ngumisi. “At least, may nangyari na sa atin noong isang gabi. Hindi na tayo strangers.”

Para akong binuhusan ng yelo. Naalala niya. Ang gabing iyon—ang halik na hindi ko dapat tinanggap, ang init na hindi ko dapat naramdaman.

Napatingin ako sa kontrata. “At ang kapalit?”

“Five million pesos. Fully paid ang lahat ng utang ng pamilya mo. Bagong apartment. Full medical coverage para sa nanay mo. In exchange, you’ll play the role of my wife for three years.”

Nanikip ang dibdib ko. Hindi ko alam kung iiyak ako o tatawa. Isang kontrata para sa kalayaan namin. Pero kapalit… sarili ko.

“Para saan ito, Damien? Para saan ang kasal?”

“Personal. Business. Image. Hindi mo kailangang malaman ang lahat ng rason.” Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, ang titig niya parang apoy na gumuguhit sa balat ko. “At tungkol sa s3x? Hindi required. Unless gusto mo.”

Napakagat ako sa labi. “Hindi kita gusto.”

Natawa siya. Isang malamig na tawa na mas lalo lang nagpadagdag ng kilabot. “Good. Mas madali kung walang feelings.”

At doon ko naramdaman ang pinakamabigat na desisyon ng buhay ko. Tititig ako sa kontrata, hawak ang ballpen, nanginginig ang kamay.

“One signature,” sabi niya, malamig at sigurado. “And your debt’s gone. Your family saved.”

---

Tumulo ang luha ko habang iniisip ang mukha ni Mama, ang hinagpis ni Ella.

Pagmulat ko, naroon pa rin siya—Damien. Tahimik. Hindi nagmamadali. Pero matatag, parang alam niyang sa huli, wala akong ibang mapagpipilian.

Nilagdaan ko ang kontrata.

At sa mismong sandaling iyon, alam kong hindi na ako makakawala.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
15 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status