Prologue
Fake
Inis na binabagtas ni Raymond ang pagbalik sa classroom dahil nalimutan niyang dalhin ang drawing board niya. May binigay pa namang homework ang Drafting Teacher nila na si Mr. Pagdanganan at kung hindi niya magagawa iyon, paniguradong magja-jumping jack uli siya sa harap ng klase sa buong durasyon ng pagtuturo ng teacher na 'yon. Iyon kasi ang ginawa niya nang minsang mahuli sa klase.
Malapit nang mag-alas sais ng gabi at ayaw naman ni Raymond na abutan ng pagsasara ng gate kaya mabilis na ang lakad niya. Bakit ba kasi malilimutin siya?
"So, Dennis, iiwan ko sa'yo 'tong test papers, a? Paki-check na lang, ano? Nandito na 'yong answer keys."
"Sige po, ma'am. Ako na po ang bahala."
Natigil si Raymond sa paglalakad dahil sa narinig. Ginalaw niya ang ulo at sinilip kung nasaan ang ingay at nakita niya si Dennis kasama ang Math Teacher nila na magkausap at nakaupo sa upuan ng mini stone table na kaharap ng kanilang classroom. Hindi nagpakita si Raymond at nakinig muna. Dahil may mga halaman na nasa pagitan nila, hindi siya napansin. Humilig siya sa pader at tinanaw ang dalawa.
"Ang bait mo talagang bata. Salamat, a? Bukas dalhin mo na lang sa Faculty at pakilagay sa table, okay? Aalis na 'ko. Ingat sa pag-uwi, Dennis!"
Tumaas ang sulok ng labi ni Raymond nang makitang kinuha nga ni Dennis ang mga test papers at inisa-isang tingnan. Nakaalis naman na ang gurong kausap nito kanina. Bumalik ang tingin niya sa kaklase.
Maraming nagsasabi na mabait 'tong si Dennis. Pero para sa kanya, iba ang nararamdaman niya. Sa bagay, mukha nga namang mabait si Dennis dahil maamo ang mukha nito. Lalo na 'yong mga mata nito na napaka-inosente kapag titingnan.
Hindi nga lang niya alam kung totoo ba ang pinapakita nito. Kadalasan kasi, tama ang intwisyon niya sa mga bagay-bagay.
Nagkibit-balikat si Raymond at umalis siya sa pagkakasandal sa pader. Tahimik siyang naglakad at umiwas sa mga halaman para makapunta kay Dennis at huminto sa may likod nito. Tatanungin niya sana kung nandito ba ang susi ng classroom nila dahil naka-lock na noong magawi ang tingin niya sa pinto.
Inangat niya ang kamay para sana kalabitin si Dennis ngunit nahinto sa ere ang kamay niya dahil sa narinig na nagpalaki ng mga mata niya.
"Tanginang baboy na 'yon, ang kapal ng mukha na mag-utos sa akin? Akala mo naman binabayaran niya ako para mag-check ng mga papel na 'to?! Mukha ba akong utusan? Siya nga 'tong mukhang katulong, akala mo maganda! Kung hindi ko pa alam, makikipag-date lang iyon! Gagawa pa ng excuse? Ang kapal ng mukha na iwan sa akin 'tong mga gagawin niya! Tapos kapag nagtuturo sa klase, hindi mo alam kung anong sinasabi?! Mas mabuti pang manood ako ng tutorials sa YouTube tungkol sa lessons kesa makinig sa kanya, puro lang naman tungkol sa lalaki niya ang sasabihin niya!"
Dinig ni Raymond ang pagbagsak ni Dennis ng mga papel na hawak sa mesa. Siya? Hindi pa rin makapaniwala sa mga narinig. Alam niyang mukhang peke 'tong si Dennis... pero hindi ganito ang inaasahan niya na talagang ugali nitong isa.
"Kung tuhugin lang siya ng stick, pwede na siyang maging lechong baboy! Nakakabuwisit talaga! Ang tamad-tamad ng baboy na 'yon pero sumusweldo! 'Di pa kasi mag-resign at makipag-date na lang!"
Nang marinig ni Raymond 'yon, napahawak siya sa bibig dahil gusto niyang bumunghalit ng tawa. Hindi sa masama siya pero totoo naman ang sinabi ni Dennis. Mukha talagang lechon ang guro nila sa Math kapag tinusukan ito ng kawayanโteka, bakit ganoon na rin siya mag-isip? Kasalanan 'to ni Dennis, e! Pati siya, nahahawaan na yata!
Mukhang narinig ni Dennis ang impit na halakhak ni Raymond na ikinalingon nito. Nang makita ni Dennis na may tao nga sa likuran nito, namutla ito at nanlalaki ang mga mata na napatitig sa kanya.
"N-narinig mo 'yon?!" mahina nitong singhal. Wala sa loob na napatango si Raymond na lalong kinaputla ni Dennis.
Matagal na tumitig si Raymond sa kaharap. Umayos naman ito ng tayo at tumingin sa kanya, nahimig na ang sarili.
"Anong tingin 'yan?" tanong niya.
"Don't ever tell anyone what you heard today," may pagbabantang nakalakip sa boses ni Dennis.
Tumaas ang parehong kilay niya. Wala naman talaga siyang balak sabihin sa iba ang narinig niya. Anong makukuha niya kung sabihin niya sa iba na mapagpanggap 'tong si Dennis? Bukod sa chismis, wala na. Hindi naman siya mabubusog kung gagawin niya iyon, e. Aksaya sa laway.
Pero ano kaya ang gagawin ni Dennis kung lokohin niya ito na ipagsasabi niya ang pangit na ugali nito? Masubukan nga.
"At anong gagawin mo kung sasabihin ko sa iba?" Nanlaki ang mga mata ni Raymond nang inisang hakbang ni Dennis ang pagitan nila at hinigit ang kwelyo ng suot niyang uniporme.
"Ano ba?" Hinawakan ni Raymond ang kamay ni Dennis na nakahigit sa suot niya. Hindi iyon binigyang pansin ng lalaki, ang ginawa nito ay nilapit ang mukha sa kanya na may pang-uuyam na ngiti sa labi.
"Do you think they will believe you? Lahat sila ang kilala, iyong mabait na ako. Tingin mo dahil lang sa sasabihin mo sa kanila, paniniwalaan ka?"
Tinulak ni Raymond si Dennis at binigyan ng nakakalokong tingin. Pinagpag niya ang nagusot na uniporme at binalik ang blankong tingin dito.
"Kahit hindi ko sabihin, may makakaalam pa rin ng bulok mong ugali. Isa pa, sino ka ba? 'Di ka sikat para pagchismisan, oy."
Namula si Dennis dahil sa galit. Umamba ito ng suntok kay Raymond ngunit nasalo niya ito at hinatak ang hawak na kamao. Napasubsob sa kanya ang lalaki at mabilis nitong inangat ang ulo para tapunan siya ng nakakamatay na tingin. Yumuko siya nang kaunti para makita ang nag-aapoy na mga mata ni Dennis. Mahinang napahalakhak si Raymond.
"O, kita mo? Lumalabas na kaagad sungay mo sa simpleng sinabi ko? Ingat ka, Dennis, ikaw mismo ang magbubuko sa'yo. Good luck sa pagpapanggap."
Binitawan niya ito at tumalikod na. Bahala na iyong drawing board na naiwan sa classroom. Baka kapag tinanong niya pa si Dennis tungkol sa susi, baka 'di lang amba ang gawin nito sa kanya.
Bahagya niyang ginalaw ang ulo at nilingon ang direksyon ni Dennis. Nakita niyang pinagsisipa nito ang batong upuan nang paulit-ulit. Palihim siyang natawa.
Pretender.
Bagay na tawag 'yon kay Dennis. Masyadong peke. Baka pati made in China na mga gamit, mahiya rito. Hanggang kailan kaya nito kayang magpanggap?
Bakit kaya hindi niya abangan kung kailan ni Dennis ilalabas ang sungay nito? Mukhang magandang tanawin iyon.
EXTRA#5: Glimpse in the mundane life of Dennis Raymond was having a dinner with Dennis and their son at their restaurant when Den's handphone that was placed on the table suddenly rang. Agad na masamang tingin ang ipinukol niya r'on at bahagya na lang siyang nginitian ng asawa. Sinagot nito ang phone at nakita niya ang pagseryoso ng mukha ni Dennis."There's an emergency?! Is there any casualties?"Agad itong tumayo at dinampot ang mini bag nito at isinukbit iyon sa katawan."You're going to work, 'Dy? You didn't finish eating your food pa po?" tanong ni Ramiel dito at itinuro ang pinggan nito.Yinuko ni Dennis ang ulo para magtapat ang mukha nila ng anak. "Yes, I'm sorry, baby, but Daddy's gotta go to hospital. Sabayan mo na lang si Papa Raymond mong kumain, okay? Babalik din ako."Malungkot na tumango si Ramie
EXTRA #4: Wedding "Thank you so much for your help, Syrius. Kung hindi dahil sa ’yo, baka kung saan ako pinulot."Malaki ang pasasalamat niya kay Syrius. Dennis just realized, if Syrius didn’t give him an advice from time to time, he will screw things up. Kung hindi rin nito hinanap ang tatay niya, baka natagalan pa ang paghaharap nila ng ina.A lot of years already passed but Syrius remained the same. Ito pa rin ang kaibigan na matatakbuhan niya kapag may problema siya at malaki ang pasasalamat niya sa Diyos dahil hindi siya nito iniwan.Mahinang tumawa si Syrius. Kinabig siya nito para yakapin. Nakailang tapik sa likod niya si Syrius bago siya nito bitiwan."Are you happy?" tanong nito pagbitiw sa yakap. Tumango-tango siya at ngumiti rito. Syrius also smiled at him. "Iyon lang naman ang gusto
EXTRA #3: Raymond (Dreams) Tumingin si Raymond sa paligid. Pakiramdam niya, nakita na niya ang paligid kahit na sa pagkakaalala niya, hindi pa naman niya narating ang lugar na ito.Parang nasa karnibal siya na hindi. Maraming tao sa paligid at nilalagpasan lang siya.Tae. Nasaan ba siya? Nasaan si Dennis? Bakit siya nandito? Nakidnap ba siya o kaya prank ba ’to?Naglakad-lakad si Raymond para makita kung nasaan ba siyang banda ng lugar pero bukod sa mga nadadaanang mga bibilhan ng pagkain at nalalagpasang mga tao, wala siyang makitang kakilala. Saan ba siya nagsuot?Hanggang sa..."Can I have that candy, Mommy?"Mabilis na lumingon si Raymond sa pinanggalingan ng boses. Doon, nagulat siya dahil parang pinaliit na Dennis ang nasa harap niya ngayon.
EXTRA #2: Toys Dennis was kinda vexed when Raysen called nonstop and told him (when he picked the phone) to meet the other on the coffee shop where the hospital he's working is near. According to Raysen, Dennis will be surprise by the gift he'll be having.Dennis let out a sigh after the call.Raysen is such a... busybody. Really.Maybe because of the word 'gift' somewhat piqued his interest, he went to the department head to ask for an hour break. Buti na lang at walang gaanong pasyente ngayong araw.Sumaglit siya sa coffee shop na sinabi ni Raysen. Iilan na lang ang tao sa loob ng shop dahil tapos na ang peak time. Pagpasok niya pa lang, natanaw niya kaagad ito dahil sa bungad lang naman ito nakapwesto. Raysen's wearing a light blue shirt with washed grey jeans while Dennis is still in his white coat. R
EXTRA #1.2: Syrius (Part II: Woke up to the Present) Who would believe Syrius if he's going to tell them that he went back to the past? No one. They would just think he lost his marbles. Well, even himself cannot believe that this kind of thing happened to him! Noong mga unang linggo ng pagbabalik niya sa nakaraan, pakiramdam ni Syrius ay hindi iyon totoo kaya araw-araw niyang sinasapak ang sarili tuwing gigising para makumbinse na hindi siya nananaginip lang. Ngunit noong mapatunayan naman ni Syrius na totoo ang lahat, doon siya gumawa ng paraan. He finally have the chance to make things right this time. For him, for Zenon. And for Dennis. And he will start at Dennis. To change their past and got the future that he wants for them, Syrius didnโt enroll to the school he went to in h
EXTRA #1: Syrius (Part I: Retelling of the Past) The first time that Syrius got to know Dennis was when he went head to head with him for an award. Pareho kasi silang naging representative ng kanya-kanya nilang school at sila ang naging matinding magkatunggali.In the end, he won the award that when it was announced, Dennis glared at his direction. Hinding-hindi niya malilimutan ang taong ito dahil ito lang naman ang hindi siya sinabihan ng congratulations at imbes, binunggo pa siya noong pababa na ito ng stage.Nawala rin naman sa isip ni Syrius ang lalaki paglipas ng panahon. Naalala niya lang ito noong naging kaklase niya ito sa Medical School. Muli, naging rivals sila ni Dennis sa usaping academics.Wala namang kaso sa kanya iyon ngunit ramdam niya ang pagkadisgusto nito sa kanya na nilalayo na lang ni Syrius ang sari
Savior Sa huli, sinuot din nila ang mga singsing na inalok nila sa isa’t-isa. Natatawa si Dennis habang pinagmamasdan ang palasingsingan niyang may singsing na suot. Kapag magagawi ang tingin niya sa kamay ni Raymond, lumalawak lalo ang ngisi niya.Kaya kahit patapos na sila sa pagwawalis at uuwi na, energetic pa rin si Dennis. Gusto niyang ibahagi sa lahat na fiancé na niya si Raymond. Ano kaya ang magiging reaksyon ng pamilya nila kapag binalita niya ang proposal nila sa isa’t-isa? Sa hula ni Dennis, tatawanan sila ni Raysen."Congrats for the engagement. I... saw you both kasi kanina."Tumingin si Dennis sa taong bumabati sa kanya. Ito iyong babaeng kapatid ng lalaking nakaaway niya. Alam niyang may opinyon ito sa kanilang dalawa ni Raymond kaya ang tanging ginawa na lang ni Dennis ay ngitian ito nang maliit bag
In synchronization Yumakap nang mahigpit sa binti ni Dennis si Ramiel at sinilip ang batang malakas na umaatungal ngayon. Nagtinginan ang mga tao sa kanila at siguro dahil sa ingay ng batang umiiyak, natawag nito ang atensyon ng kasama. May lalaking mabilis na lumapit sa umiiyak na bata at tinayo ito mula sa pagkakaupo sa sahig. "What happened to you, Alex?" "D-Daddy! Tulak niya ako! Tapos away ako ng bata!" anito at tinuro sila Dennis. Tinago naman ni Dennis si Ramiel sa likod niya dahil bigla itong umiyak. Diretsong tiningnan niya ang lalaki at sinamaan din ito ng tingin. "He pushed my son," sagot niya. Nilingon ng lalaki ang bata at tinanong ito. "Tinulak mo ba siya, Alex?" " E kagat niya ako, e! Kaya tulak ko siya!" Tinuro ng bata ang kinagat ni Ramiel na braso nito. "Ouchie โto, Da
Chapter FiftyBite Umayos din ang lahat pagkatapos ng naging pag-uusap nila Danilo. Hindi na muling ginulo ni Marissa sila Dennis dahil ayon sa pagkakaalam ni Dennis, bantay sarado ito ng asawa. The company was left for his dad to manage this time and the mess Marissa made, his father was the one who fixed it.Nang maayos ang gulo tungkol sa mga kumpanya, nakipag-partner daw ang Buenavista Corporation sa company ng Tito ni Raymond. Well, he doesn’t really put his mind on that news. Basta ba wala nang problema, masaya na si Dennis.Ngayon, narito siya sa bahay nila Raymond at dinalaw ang kapatid. Dahil na rin nabalitaan niya ang pagkuha nito ng entrance exam for Accountancy, Business and Management. Plano raw nito na tumulong sa kanya na mag-manage ng company sa hinaharap. But what about his dream? Gusto nitong maging writer o kaya naman painter, hindi b