ログインHindi dahil gusto mo ang isang tao at gagawa ka ng paraan upang magkalapit kayo, magkakaroon ka na ng tsansang maging kayo. Hindi rin porket pinipilit mong maging relevant sa buhay nila, ibig sabihin e mapapansin ka. Minsan, mananatili't mananatili kang nobody sa buhay nila.At ganoon na nga ang naranasan ni Lyle kay Ridge.Sinubukan niyang maging parte ng buhay nito, magbukas ng pinto ng oportunidad para sa kanilang dalawa at umasang may tsansa silang dalawa. Pero sa huli, sa ibang tao pa rin nakatingin si Ridge — iba pa rin ang minahal nito at wala siyang palag doon.Kaya heto siya ngayon sa kalagitnaan ng kawalan. Pinagmamasdan ang binatang kay tagal niyang minahal na sumaya sa piling ng iba. Bubulong na lamang sa hangin at sasabihing sana... sana siya na lang.
もっと見るEPILOGUE 16 years ago… "H-HUH?! I-interviewhin ko po iyong mga members ng basketball team? Bakit po ako?!" Nagugulantang na tanong ni Gian sa adviser ng broadcasting. Natigilan siya nang mapansin ang pagtigil din ng adviser nila. Hindi maintindihan ang pagkagulat na nadama niya. Kinukumpirma lang naman niya ang unang assignment para sa darating na Intrams. Hindi sinasadyang magtunog galit o ano. Mukha lang. Halos dumulas sa ilong niya ang makapal na salamin nang malaman ang designated task niya sa intrams. Nakakagulat lang talaga na sa lahat ng assignment, doon pa talaga siya sa pinaka mahirap na gawin na-assign! Gian isn't an extrovert and he is struggling with human interactions, so he knows that there is a huge probability that he may fail this assignment. As much as he does not want to, he expects himself to mess up if he does this task... and he does not want to fail.
CHAPTER 30 WALANG araw na hindi naisip ni Gian ang ginawang paghalik kay Lyle. Pero nagsisisi ba siya? Syempre, hindi. Natatakot, oo. Baka sa susunod kasing makita niya si Lyle, baka mangatog talaga ang tuhod niya't matumba siya. Hindi pa nakatulong na mabilis lumipas ang weekends. Pipikit ka lang sandali, Lunes na naman. Pupwede rin naman siyang lumiban ngayon sa trabaho pero ayaw niyang iwan ang negosyo. Ayaw niyang pa-distract kahit mahirap. Hindi naman niya makausap si Zamiel dahil may problema pa rin sila ni Ridge. Kaya ang kinausap niya, ang kakambal nito. Ang sabi naman sa kanya ni Zachariel, umamin na siya lalo na't itatanong at itatanong daw ni Lyle kung bakit niya ito hinalikan. Bakit nga ba kasi niya hinalikan? Noong Sabado, nalunod si Gian sa tuwa na suotin ang mga damit na ginawa sa kanya ni Lyle. May kung ano rin na bumulong sa kanya na halikan ito noong magkalapit ang mga mukha nila. Nag
CHAPTER 29.2 OH God, what have they done? Pagkatapos nilang maghalikan ni Gian, naging awkward ang lahat sa pagitan nila. Pareho silang nagugulat sa presensya ng isa't isa. Hindi mapakali sa tuwing nagkakatinginan o masasagi ang isa't isa. Hindi pa nakatulong na mukhang may balak na mag-celebrate ang mga magulang niya para i-welcome si Gian sa pamilya! Samantalang… hindi naman sila! Ngunit sa kabila ng lahat, nairaos naman nila ang lahat. Nalunok niya rin ang pride para kuhanan ng litrato si Gian. "Pasensya ka na sa komosyon," paghingi ng paumanhin ni Lyle habang inihahatid si Gian sa labas ng bahay nila, tungo sa sarili nitong kotse. Naglakas loob siya kahit na tumatanggi ang binata kanina. Pero frick, hindi dapat iyong pamilya niya ang ikakahingi niya ng paumanhin. Iyong halikan kamo dapat nila! Matapos sumigaw ng ganoon ng kapatid niya, hindi na sila nakaakto ng m
CHAPTER 29.1 NEVER did Lyle ever thought that Gian would agree to his request almost immediately. Matapos nilang mag-usap ni Ridge, dumiretso siya sa café ni Gian sa kagustuhang makita ito. Anyway, it's exhausting to confess your old feelings towards the person you used to like. It drains a lot of energy and courage. And as lame as it may sound, kay Gian siya humuhugot ng "enerhiya" nitong nakaraan. The male's presence would automatically fill him with energy. Gaganahan na siya magtrabaho. Bonus nalang na ito rin ang personal na naghahanda ng mga in-order niya. Noong dumating siya, hindi niya naiwasan na magtaka nang makita itong namumutla. Nababalisa na nakatayo sa harap ng entrance ng café. Hindi naglalakad pero halatang nag-aalala at malalim ang iniisip. Mukhang kaunti nalang, malulunod na sa anxiety. And Lyle can still remember how relieved Gian was when he saw him. It st
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
レビューもっと