Short
Not Your Backup She-Wolf

Not Your Backup She-Wolf

By:  No SummerCompleted
Language: English
goodnovel4goodnovel
10Chapters
3.2Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Eight years of loyalty—wiped out by three days of her batting her lashes. At the bonfire, I swore the Alpha would finally mark me. Instead, I watched him fasten a sparkly little pendant around her neck. When the fire broke out, he ditched me—flames snapping at my heels. Said I could "handle myself," then played hero carrying her out. She showed up at my herb shop all smug, called me a "mutt no one wants." Then he showed up—Alpha on his knees outside my door, begging for another shot. I nodded toward my shelves. "These heal every wolf in Stormborne... except the Alpha who couldn't see what was right in front of him."

View More

Chapter 1

Chapter 1

"Hindi na ako masaya, Mateo! Gusto kong bumalik na sa asawa ko!"

Madiin kong tinakpan ang mga tainga sa sigaw ni Nanay.

"Sa tingin mo ba natutuwa pa ako sa ganitong sitwasyon, Yura?! Hindi!"

Mas nagsumiksik ako sa sulok ng pader sa sigaw ni Tatay. Heto at mag-a-away na naman sila. Dumadagundong sa kaba ang puso ko at hindi mapigilan ang panginginig ng mga labi.

Sa tuwing nangyayari ito ay tila ako kinakapusan ng hininga ngunit umaasa pa ring magiging maayos sila.

"Dear God, please, bind my parents with love and no hatred. Gusto ko po na buo kami at hindi magkahiwa-hiwalay, Papa G," mahinang usal ko bago pumikit.

Ngunit namulat rin ako sa malakas na paghampas ni Tatay sa mesa. Mas lalo pa akong sumiksik sa pader dahil doon. Hindi mapigilang umalpas ang mahihinang hikbi sa aking mga labi sa kaba at takot na nararamdaman.

"Bakit kasi binuhay mo pa itong batang 'to?! Tapos ano? Iiwan mo sa'kin?!"

Napahikbi nang tuluyan matapos makita ang hintuturo ni Tatay na nakaduro sa akin. Nanakit ang lalamunan at kusang nalaglag ang mainit na likido sa aking pisngi. Walang tigil. Nalasahan ko pa kung gaano kaalat ang mga iyon.

"Walang kasalanan ang bata, Mateo-"

"Hindi ko 'yan kayang alagaan! Babalik din ako sa asawa ko at hindi niya panigurado tatanggapin ang bata," humina pa ang boses ni Tatay sa dulo.

Maghihiwalay sila!

Ang bata kong kaisipan ay doon lamang natuon, sa kanilang paghihiwalay. Mas lumakas ang hikbi ko at marahas na umiling.

"Mas lalo namang hindi 'yan tatanggapin ni Frank!" si Mama na naglalagay ng gamit sa kanyang maleta.

"Aalis na rin ako kung ganoon." Mabilis din na kinuha ni Tatay ang sarili niyang maleta.

"Ano'ng balak mong gawin sa anak mo? Itapon sa ampunan?" si Nanay na masama na ang tingin.

"Bahala na!"

Mas humikbi ako sa isiping wala ni isa akong makakasama sa kanila. Wala ni isang may gusto sa akin.

Ayaw nila sa akin!

"N-anay, h-uwag p-o n-inyo akong iwan!"

Nagmamadali akong tumakbo at pilit inabot ang laylayan ng damit ni Nanay.

"Nay-"

"Magtigil ka diyan! Hindi kita pwedeng isama roon! Mas magagalit ang asawa ko kapag nakita ka!" Winaksi nito ang kamay ko at saka nagmamadaling umalis.

"Nay!" Humagulhol ako at halos maubusan ng hininga kaiiyak.

Nanlalabo pa ang paningin kong tinatanaw ang bultong papalayo ni Nanay nang dumaan din sa harapan ko si Tatay bitbit ang maleta niya.

"Tay! S-ama po ako." Pilit ko pang niyakap ang mga binti niya.

Ramdam ko ang pagkatigil niya. Ang akala ko ay mananatili siya noong araw na iyon para sa akin. Ngunit hindi.

"T-ay, s-ama p-o a-ko! N-ay!"

Ngunit nabibingi sila at walang balak pakinggan ang aking kamusmusan. Walang lumingon o humakbang pabalik.

|Y_S|

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Welcome to GoodNovel world of fiction. If you like this novel, or you are an idealist hoping to explore a perfect world, and also want to become an original novel author online to increase income, you can join our family to read or create various types of books, such as romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel and so on. If you are a reader, high quality novels can be selected here. If you are an author, you can obtain more inspiration from others to create more brilliant works, what's more, your works on our platform will catch more attention and win more admiration from readers.

No Comments
10 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status