Share

NMKIMB 6

Author: Azia_writes
last update Last Updated: 2021-02-10 06:58:48

JACK'S POV:

"HAIST! I'M F*CKIN' TIRED!" Paika-ika akong pumasok sa bahay. Pagod na pagod kong isinigaw ang katagang iyon bago mapatumba na lang sa sahig. Hindi ko man lang nakita na may matatamaan ang aking mukha. Oh! Sh*t!

"AWW!" Napapikit ako nang mariin. Hindi ko mahawakan ang noo na natamaan ng b'wisit na laruang kotse-kotsehan. Namamanhid ang aking paa't kamay. Hindi ko man lang magalaw kahit isa.

'Pagod na pagod na talaga ako. Gusto ko ng magpahinga.'

"Haist..." Wala sa sariling sambit ko na naman at hindi na tumayo pa sa aking pagkakadapa. Dito na lang ako matutulog.

"Hoy! Uuwi ka na naman ng gan'yan ang kalagayan mo. Natatanga ka na naman ba, Jack?" Matinis na boses ang sumalubong sa akin at nagawa pa akong sabunutan sa aking buhok matapos niyang makalapit sa aking direksyon.

"Haist! Don't ruin my day, Froyd. Pagod ako!" Inis na singhal at pilit na ginagalaw ang aking kamay para pigilan siya na disturbuhin ako. "Gusto ko ng matulog..." Dagdag ko pa at muling pumikit. Dinadamdam ang malamig na sahig.

" Ano bang ginawa mo at pagod na pagod ka? Saka huwag ka humiga sa sahig. Malamig diyan! Hindi ka na bata, hoy!" Pagpupumilit pa nito na itaas ako.

Dahil sa malaki ako at matangkad, hindi niya magawa ang kaniyang gusto. Pandak kasi!

"Jack. Sa sofa ka humiga." May pagbabanta niyang saad pero hindi ko siya pinansin. Ayoko talagang umalis. Gusto ko lang dito.

"Pagod na pagod na ako...ganito ba mabuhay ang mga gwapo? P'wede ko na bang i-donate ang pagiging magandang lalaki ko?"

"Wow siya! Grabe siya! Hangin mo 'e.  Nasan na ang Jack na walang modo at laging galit sa mundo?"

"Nasa impyerno. Pinapasundo ka na rin."

"'Yoko nga! Mas bagay pa siya sa impyerno. Kapatid niya ata si Satanas 'e."

" What did you say?" Dahan-dahan akong tumayo sa aking pagkakadapa sa sahig. Pinagpagan ko pa ang aking buong katawan bago mapalingon sa lalaking ito na napalunok sabay ngiwi.

"Hehehe joke lang naman, Jack. H-hindi ka na nasanay..."

"Hindi. Kaya tigilan mo 'yan. Kung ayaw mong matuluyan sa akin." May pagbabanta kong saad at malakas na iginalaw ang aking kamao sa kaniyang ulo.

Mas lalong pumangit ang kaniyang itsura dahil sa ginawa ko. Pangi-ngisi lang ako at naglakad na para makapunta lang sa sofa na iyon.

"A-aray...ang sakit mo talagang manapok. T—bakal ba 'yang kamao mo?"

"Sana nga. Para natuluyan ka ng nawala. Ang daldal mo." Komento ko sabay ismid.

Umupo ako sa sofa. Nagdekwatro pero naiilang pa rin ako. May gusto akong gawin pero hindi ko maalala kung ano.

Sumandal ako sa headboard pero napalayo rin dahil hindi ako komportable. Pero biglang sumagi sa aking isipan ang nangyari kanina kaya ibinagsak ko ang aking ulo sa itaas ng sofa at in-i-spread pa ang aking paa hanggang sa dulo nito.

Muli akong pumikit at ninanamnam ang bawat hangin na dumadaloy sa aking mukha. Pero napatigil din dahil sa lalaking ito na guguluhin na naman ang tahimik kong mundo.

"Hindi mo pa nga sa akin sinasabi ang nangyayari. Ano bang ginawa mo at pagod na pagod ka?"

" Maraming customer sa bookstore. Kaya ako ang nag-asikaso." Biglang lumabas sa bibig ko.

Kaya napamulat ako ng aking mata at napalingon agad kay Froyd. Halata sa kaniyang mukha ang pagkalito sa aking sinabi.

Nagpalabas na lang ako ng mahinang buntong-hininga. "Alam kong itatanong mo rin kung bakit may bookstore sa sinabi ko, kaya uunahan na kita. Matagal na akong nagpatayo nito dahil gusto ko. Pero mahirap makahanap ng mga empleyado dahil sa ugali ko. Gets?"

Napatango-tango naman siya sabay hawak sa kaniyang baba. Nakaupo na rin siya ngayon sa bakanteng upuan.

"Bakit ba kasi hindi ka nagiging mabait sa empleyado mo? Pero sa customer mo para kang nagdilang anghel."

Ako pa ang sinisi. Dapat ang mga iyon ang sabihan niya. Hindi ko naman kasalanan kung gagawin ko iyon, hindi nila nirerespeto ang amo nila na sinu-swelduhan sila ng malaki. Pero sila naman ay todo landi, 'yung iba nagnanakaw pa ng libro na best selling tapos ibebenta ng mas mahal sa iba.

Hindi ko rin gagawin iyon kung walang dahilan. Hindi ako basta mananakit at mamahiya ng tao kung wala silang kamalian.

"Tsk."

"Paano kung isumbong ka ng mga iyon sa pulis? Ano na naman gagawin mo?"

" I have many proofs. Baka siya pa ang mahiya sa mukha ng pulis." Asik ko sa kaniya at muling umidlip.

" Anong proofs? Saan mo naman nakuha ang mga proofs na iyan saka makakatulong ba iyan sa kaso na isasampa sa iyo?"

" Of course! Hindi ako tanga, Froyd. Tandaan mo 'yan. Ang tagal na nating magkaibigan, hindi mo pa ako kilala. I have my own ways. Huwag mo na lang alamin pa ang proofs na iyon. Hahaba pa ang kwento. Kilala na kita, gusto ko ng magpahinga." Pagpapatigil ko sa maaari niyang sasabihin.

Hindi na lang siya kumibo sa kaniyang kinauupuan. Nanatili lang siya roon habang pinagmamasdan ako. Naiiling na lang ako at muling tinuon ang sarili sa pagtulog.

"Hindi ka ba kakain ng gabihan? Gumawa ako, medyo hindi nga lang tama ang lasa hehehe. "

" Kakain ako mamaya. Magpapahinga lang ako saglit. Ano bang niluto mo?" Mahina kong tanong sa kaniya.

" Ahh... Ayon sa nabasa ko sa google, tawag daw doon ay adobong manok. Natatakam kasi ako sa kulay kaya gumawa ako, sobrang tamis pala."

" Anong klaseng pagkakaluto mo sa adobo?"

" Sinunod ko lang ang procedure 'e. Pero namali lang ako sa isa."

" Ang ano?"

" Imbis na asin ang ilagay ko, asukal pala. Parehas kasing puti 'e kaya akala ko asin na siya."

" Tsk. Atleast you're doing great. P'wede ka ng itapon sa labas. Punyeta ka!"

" Grabe naman. Proud ka bang talaga sa akin o nanglalait ka?" Mala-emosyonal na tanong nito sa akin.

Kaya nilahad ko sa kaniya ang kanang palad ko at pinakita sa kaniya ang gitnang daliri ko.

"Hindi ba halata? Saka tigilan mo ako Froyd! Hindi ako makatulog sa 'yo 'e. Kung gusto mong matulog, maglapag ka na lang sa baba ng hihigaan mo. Huwag mo akong b'wisitin!" Inis na singhal ko at muling ibinalik ang aking palad sa aking mukha.

Imbis na magtampo na naman itong lalaking ito, ay natuwa pa sa kaniyang narinig. Any minute na lang talaga mapapatay ko na ang nasa harapan ko.

"SALAMAT!"

Malakas na sigaw niya at naramdaman ko na lang ang mga yapak niya na palayo sa aking direksyon. Napapailing na lang ako sa pagiging isip-bata ni Froyd at muling ibinaling ang sarili sa pagtulog ko.

'Sana ay hindi na siya mangialam pa sa aking pag-idlip.'

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Notorious Mafia King Is My Boss   NMKIMB EPILOGUE

    LINZIE's POV: Tapos na ang kasal ni Ace at ganap na bagong mag-asawa na sila ng asawa niya. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala, noon ay mukha pa lang siyang bata sa aking paningin. Ngayon ay hindi na. Para na siyang isang nakakatakot na tao na hindi dapat binabangga. Matipuno at bakat na bakat na rin ang dibdib nito sa sobrang sikip sa kaniya ang damit na pangkasal. Napalingon naman ako sa katabi niya. Masaya itong pinagmamasdan ang asawa, halata talaga sa mukha na kontento na siya. Ganon din si Ace. They really fall in love with each other. I hope ganon din sa akin, sana kung hindi ako naging tanga noong mga panahon na 'yon sana katulad din ako ni Ace na masayang pinagmamasdan ang kaniyang minamahal. At sinasabi sa sarili na… Sa wakas! This is it! He's really mine. 'I really love him. I'm still inlove with the man who made me happy and lucky. Binigay niya sa akin ang mga bagay na hindi ko nakuha noon. Tinulungan niya akong umangat sa buhay.' Pero… dahil sa katanga

  • Notorious Mafia King Is My Boss   NMKIMB 33

    JACK'S POV:Lumipas ang mga araw, linggo, buwan at taon. Tuluyan ng naging masaya ang aking isipan at puso habang pinagmamasdan ang mga magandang bulaklak na tanging sa Hokkaido ko lang makikita.Ang Furano."Oh! Hey! Long time no see!" Napalingon agad ako sa sumigaw sa aking direksyon.Nakita ko si Ace na may hawak na camera. Nakangiti siyang lumapit sa akin.May napansin din akong singsing sa may kaniyang palasingsingan. Isang infinity ring."Sino naman ang ginayuma mong nilalang na papakasal sa iyo?"Napabusangot naman siya sabay takbo sa aking likuran. Hindi ko nakuha agad ang kaniyang naiisip kaya napa-aray na lang ako sa biglaan nitong pagsampa sa aking likuran."Hanggang ngayon pa rin ba gustong-gusto mo sa likuran ko? Kapag nagkikita tayo panay ka talon? Kung sino man ang malas na papakasal sa 'yo. Panigurado

  • Notorious Mafia King Is My Boss   NMKIMB 32

    LINZIE'S POV:Isang taon na pala ang nakakalipas. May isa na rin kaming anak ni Mike. Hindi ako nagsisisi na pinakasalan ko ang tatay ng anak ko at magiging anak pa namin.Tama lang din ang ginawa ko. Hindi talaga ako ganon marunong maghintay. Nasa parte na ng pagkatao ko 'yon. Pero ginawa ko pa rin ang pangako ko kay Jack. Naghintay ako, kaso anong hihintayin ko? Maging matanda na ako tapos si Jack may asawa't anak na pala.Kahit na may pamilya na ako. Tinuloy ko pa rin ang pagtatrabaho rito sa bookstore. Ang daddy niya na ang nagpapasweldo sa akin.Noong una malapit kami sa isa't isa ng daddy niya. Pero nang malaman na may boyfriend na ako. Biglang nagbago ang simoy ng hangin.Ang secretary na lang nito ang nagbibigay sa akin ng sweldo ko linggo-linggo."Hi Linzie!" Masayang bati ng mga taong matagal ko ng hindi nakita.Si Aze at si Fro

  • Notorious Mafia King Is My Boss   NMKIMB 31

    (After 1 year)KREIAH'S POV:"Ano na naman 'yang maling desisyon ang gagawin mo? Kuya–really?! Sa America mo talaga balak pumunta at manirahan? Akala ko ba ayaw mo sa Japan at America dahil nagreresembla sa ating magulang? What now? " Pagdududang aniko sa kaharap ko na may hawak ng dalawang maleta.Sure na sure na talaga siya sa balak niyang gawin. Hindi ko naman siya pipigilan pero...Kakaiba 'e. May nangyari ba noong mga araw at taon na wala ako?Kahit kailanman ay hindi pa man lang kami nagkakausap nang matino ng lalaking ito. Inuuna ko muna ang pamilya ko dahil matagal na naming inaasam ang ganitong buhay.'Yung walang problema at sisira sa aming pamilya na naman."Hayaan mo na si Jack. He seems serious on his decision. Basta tama na lang ngayon." Sinamaan naman ng tingin nitong si Jack ang asawa ko na natatawa na lang.&

  • Notorious Mafia King Is My Boss   NMKIMB 30

    IAN'S POV:"Bakit ngayon ka lang dumating anak?""Oo nga Kuya Yanyan!" Sabat din ni Angel sa sinabi ni Nanay pagkapasok ko sa bahay namin.Gabi na akong nakauwi rito. Hindi ko alam kung anong oras na ba, ang tanging nasa isipan ko lang ay ang mga napagdaanan ni Kuya Jack sa kamay ng mga organisasyon.Hindi ako makapaniwala. Sobrang galit na galit ako sa kaniya noon. Minura at sinusumpa ko pa siya na mamatay na siya.Pero ngayon kinain ko ang lahat. Nagpalipas ako ng buong gabi sa bahay ng girlfriend ko. Sa kaniya ko nilabas ang sakit ng nalaman ko. Sinabi ko rin sa kaniya na huwag na huwag sasabihin kay Ate Linzie ang tungkol kay Kuya Jack.Magkakagulo na naman ang lahat. Baka ibuntong sa akin nito ang galit.Pero kahit na ilang araw pa lang kami nagkakilala ni Kuya. Ramdam ko ang pagiging makatao nito. May usapan na mabangis at wala siya

  • Notorious Mafia King Is My Boss   NMKIMB 29

    (4 years later)ACE'S POV:Pinagmamasdan ko lang ang natutulog na lalaking ito na puro puno ng pasa, sugat at mga dextrose sa kaniyang katawan.Dalawang taon na ang nakakaraan magmula ng magsimula siya sa misyon niya.Iyon ay makuha ang mga flag sa bawat sulok ng kagubatan. Sobrang lawak ng gubat na 'yon. May mga nakaabang din na mga pinakamalakas na myembro sa bawat organisasyon.Noong una ay naging kampante pa ako. Kayang-kaya talagang makipagsabayan ng lalaking ito sa kahit sino.Inabot lang ng dalawang taon sapagkat ang mga flag ay nakatago. Saka kailangan niyang maipon ang isangdaang libo na mga bandila.Sobrang dami. At ang kakalabanin naman niya ay nasa isang libo lang. 'Yun lang ang napagpasyahan ng lahat.Kailangan lang talaga nito na makuha ang mga bandila na kulay pula.Pero sa paglipas

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status