JACK'S POV:
"What are you tryin' to say? May nagawa ba kami kaya naisipan mong pag-usapan ngayon ang tungkol sa organisasyon ko?" Komento ko sa naging tanong niya.
Umiling naman siya sabay labas ng buntong-hininga. Hinawakan niya pa ang kaniyang tuxedo at may kinapkap sa loob nito. Pinagmamasdan ko lang ang bawat kilos niya–ang bagay na nasa kamay niya. Anong meron doon?
'An envelope?'
"Saktong ikaw pala ang namamahala sa Black Rose, pinabibigay ng isang kalaban. Noong una nakakapagtaka na dinala sa akin ang sulat. I thought I don't have any relation with Black Rose Organization. Pero ngayon nasagutan na." Hindi makapaniwala niyang sabi.
Napatango-tango na lang ako at kinuha sa kamay niyang nakalahad na sa akin ang envelope. Muli ko pa siyang pinasadahan ng tingin at maging si Tita na nakatitig din sa akin.
"Haist...ano bang meron sa envelope na ito at nagawa pang ibigay sa iyo kaysa ilapit na sa amin. Tsk!" Walang emosyon kong komentaryo at tuluyan na ngang nakuha ang isang papel na may nakalagay na sulat.
Pinasadahan ko muna ang bawat sulok ng papel bago ilapag ang envelope sa lamesa. Naramdaman ko rin ang pagdating ng mga inorder namin pero hindi ko na iyon pinansin pa.
What's this? Pinagloloko ba ako ng mga ito? Anong sinasabi nilang...wait! What?
"Are you sure na galing sa kalaban talaga ito?" Paninigurado ko pa sa daddy ko na nagtataka rin sa naging asal ko.
" Oo anong tingin mo sa akin manloloko?"
"Tsk. Who ever they are...hindi talaga ako nakikipagbiruan sa kanila." May halong pagbabanta kong saad sa aking sarili at kinuyom na lang ang aking kamao–kung saan nandoon ang papel na kakabasa ko pa lang.
"What do you mean? Ano bang nasa loob ng sulat?"
"The Mafia King in Black Rose is gay. Because of our organization name. Kung sino man ang tinutukoy mong 'kalaban' siguraduhin niya lang na lalaki siya. Kung nagkataon na siya pa pala ang bakla, mapapatay ko siya ng wala sa tamang oras." Matapos kong sambitin iyon ay napag-isip-isip kong tumayo na sa aking pagkakaupo. Nagtataka pa ang dalawa sa aking naging kilos.
"Saan ka pupunta? Nandito na—"
"Sa 'yo na lang 'yan, Dad. May dapat pa akong gawin."
" H-huwag mong sasabihin na hahanapin mo na sila?"
" Ano ako tanga? Mag-isip ka nga sa dami ng kalaban ko matutukoy ko agad ba sila? May importante lang akong gagawin. Diyan na kayo." Walang galang na aniko at naglakad na para lang lumabas ng restaurant na ito.
"JACK KREAN MILLER! BUMALIK KA RITO! WALANG KAKAIN NG LASAGNA MONG HANEP KA!"
Narinig ko pa ang sigaw ni Dad sa buong pangalan ko at maging sa lasagna na in-order ko. Ako pa ang may problema? Kung ayaw niya, e di bigay niya sa nangangailangan. Hindi ko naman talaga gustong umu-order nu'n.
"Ma'am please...h-huwag naman pong ganito...ka-kahit ano gagawin ko basta huwag lang ninyo akong paalisin." Dinig kong pagmamakaawa ng isang babae matapos kong makarating sa counter.
Parang pamilyar din ang boses nito ngunit hindi ko na matukoy kung sino. Saka kahit na gusto ko pang lingunin ang babae ay hindi ko na nagawa. Kailangan ko pang pumunta sa bookstore bago sa organization ko.
Hindi ko papalampasin ang ginawa sa akin ng kalaban na iyon. Kung sino man siya, humanda lang siya sa gagawin kong pag-turtore sa kaniya o sa myembro niya. Hindi ko sila mapapatawad.
"Hindi! Kung ganiyan ka lang din naman. Ano pang aasahan ko sa iyo? Kung gusto mo talagang may disenteng trabaho, magtino ka!"
"Tsk!" Napapailing na lang ako sa huling narinig ko mula sa manager 'ata' bago tuluyang makalabas ng restaurant.
Palingon-lingon pa ako sa buong paligid ko kung saan ko ba pinark ang kotse ko. Ordinary car lang ang ginamit ko ngayon kaya nakakapagtaka kung alin ba sa mga ito ang kotse ko.
Naghakbang pa ako papunta sa kaliwang daan at tuluyan ko na ngang nakita ang palatandaan ko sa kotse ko. May mga bt21 na nakalapag sa unahan ng kotse.
Papalapit na rin sana ako roon para makaalis na agad ako ng restaurant nang may dumaan sa harapan ko. Natamaan pa ako sa aking balikat kaya napakaliwa ang posisyon ko, buti na lang hindi ganon kalakas ang impact ng babae kung hindi lagapak kami sa sahig.
Akala ko nga ay titigil siya sa akin para mag-sorry pero halata rito na nagmamadali siya. Saka napansin ko rin na may salamin ito sa mata. Parang nakikilala ko na siya.
Parang siya 'yung waitress kanina. Yeah! She is! Per–teka...bakit umalis na agad siya sa trabaho niya, 'e kaaga-aga pa naman?
Siya ba ang pinapagalitan kanina ng manager? Pero bakit naman? Saka bakit ko ba inaalala ang babae na 'yon, dapat nga ay magalit ako rito dahil hindi siya marunong humingi ng tawad.
"Haist! What's wrong with you, Jack?" Naiiling na singhal ko sa aking sarili at napasapok na lang sa aking noo. Napangiwi ako dahil sa lanit nito.
'Napakatanga mo naman talaga kahit kailan. Tsk!'
Dumiretso na lang ako sa kotse ko. Kung ano pa ang magawa ko sa sarili ko dahil lang sa babaeng 'yon. Hindi ko nga kilala, pero ang lakas ng impact ng presensya nito.
"Haist!"
***
"What are you doing, Ms. Samantha?" Galit na singhal ko matapos makita si Samantha na nakikipaglandian sa mga kalalakihan na nasa counter.
Habang ang mga kababaihan naman ay naiinip na sa kabagalan nito sa serbisyo niya.
Ang iba ay napapamura na lang sa inis. Samantalang ang iilan ay naglalakad na lang para umalis.
May narinig pa ako sa isang customer na masamang tingin sa aking bookstore matapos niyang makalayo sa aking direksyon.
'I've knew it! Hindi talaga ako nagkakamali sa mga konklusyon ko.'
Halata naman sa librarian ang pagkagulat. Napatayo at mabilis na yumuko sa aking harapan. Na akala mo ay sa gano'ng paraan ay mapapatawad ko siya.
'Tsk!'
Ngunit hindi ko pinansin iyon. I walk towards the direction of librarian/sales lady. Basta kahit ano na lang ang itatawag ko sa kaniya.
"This is not hour of flirting. Hindi kita sinuswelduhan ng malaki para makipaglandian ka lang. But, if you really like to flirt and seduce some guys. Then, bakit hindi natin lubos-lubusin pa. Hmm?" ismirks on my librarian whose name is Samantha. Halata naman sa babaeng ito ang pagkagulat at panlulumo.
Ang mga lalaki rin ay napalayo na dahil ramdam nila ang masamang presensya ko. Ngunit ni isa rito ay walang umalis sa bookstore ko.
"S-Sir...I-I'm sorry...I-I will never do...i-it...a-again...j-just please...s-spare my life." Umiiyak na anito bago nagmamakaawa sa akin. Hahawakan na sana nito ang kamay ko upang mas lalong maging makatotohanan ang kaniyang pagmamakaawa, nang mahigpit na hinawakan ko ang noo nito.
Wala akong pakealam kung babae pa ba siya o hindi. Kapag tungkol sa pag-aari ko, hindi ko papalampasin ang mga taong walang kwenta katulad ng babaeng ito.
"Oh, sweetie I'm not going to kill you. But, I'll help you to seduce guys, you want?" Mabilis na umiling nang umiling ang babae.
Halata rito ang kaba sa maaari kong gawin.
"N-no...no...si-sir please...no!" But she can't stop me. She can't stop her boss who ripping her uniform.
Nang matapos na ako na punitin ang pang-itaas at pang-ibaba nitong uniform ay ngumisi pa ako nang demonyo.
'Perfect!'
"You're welcome sweetie, don't cry. I'm just helping." Pero hindi pinansin ni Samantha ang sinabi ko. Nagmadali itong tumakbo palayo habang hawak-hawak ang maselang katawan nito dahil sa pagkakapunit ko ng kaniyang uniform.
Pangiti-ngiti pa akong lumingon sa mga madla saka yumuko sa kanilang lahat.
"I'm sorry for what my librarian's did. Kung tinatanong ninyo ako kung bakit ko iyon ginawa? Because she deserved it. Hindi dapat pinaghihintay ang mga customer... lalo na ang mga babae dahil lang sa mga LALAKING MALANDI." Walang emosyon ko pang tiningnan ang anim na kalalakihan na napaayos nang tayo, ang iba naman ay napalayo sa aking direksyon dahil sa talim kong makatingin sa kanila.
"Okay! I'm done. May bibili pa ba o aalis na rin kayo katulad ng babaeng tumakbo?" Tanong ko na lang sa lahat at dumiretso sa may counter.
Wala rin naman ang gagawa nito kundi ako lang. Saka kaya iisa lang ang nandito, imbis na marami dapat dahil malaki ang bookstore. Walang sinuman ang nangangahas na sumabak para kunin ang opurtunidad na nasa harapan nila dahil sa ugali ko 'raw'.
"Me!"
"Ako po, pogi!"
"Kuya!"
"Deserve niya 'yun kuya! Ang landi kasi!"
Gayon na lang ang pagkagulat ko sa naging sagot ng mga kababaihan. Akala ko ay pati customer ko ay mawawala.
Mapapatay ko talaga ng maaga ang Samantha na iyon kapag nangyari.
"Okay... pila lang hindi kayo mawawalan. Lahat ng mga hindi umalis ay may discount na 70% sa kinuha nila. At kung sino ang babalik ay may tyansang makuha ang matagal na nilang hinahanap na libro. Isulat lang sa bond paper na ito. Kung sino ang swerte, 'e di congratulations!"
LINZIE's POV: Tapos na ang kasal ni Ace at ganap na bagong mag-asawa na sila ng asawa niya. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala, noon ay mukha pa lang siyang bata sa aking paningin. Ngayon ay hindi na. Para na siyang isang nakakatakot na tao na hindi dapat binabangga. Matipuno at bakat na bakat na rin ang dibdib nito sa sobrang sikip sa kaniya ang damit na pangkasal. Napalingon naman ako sa katabi niya. Masaya itong pinagmamasdan ang asawa, halata talaga sa mukha na kontento na siya. Ganon din si Ace. They really fall in love with each other. I hope ganon din sa akin, sana kung hindi ako naging tanga noong mga panahon na 'yon sana katulad din ako ni Ace na masayang pinagmamasdan ang kaniyang minamahal. At sinasabi sa sarili na… Sa wakas! This is it! He's really mine. 'I really love him. I'm still inlove with the man who made me happy and lucky. Binigay niya sa akin ang mga bagay na hindi ko nakuha noon. Tinulungan niya akong umangat sa buhay.' Pero… dahil sa katanga
JACK'S POV:Lumipas ang mga araw, linggo, buwan at taon. Tuluyan ng naging masaya ang aking isipan at puso habang pinagmamasdan ang mga magandang bulaklak na tanging sa Hokkaido ko lang makikita.Ang Furano."Oh! Hey! Long time no see!" Napalingon agad ako sa sumigaw sa aking direksyon.Nakita ko si Ace na may hawak na camera. Nakangiti siyang lumapit sa akin.May napansin din akong singsing sa may kaniyang palasingsingan. Isang infinity ring."Sino naman ang ginayuma mong nilalang na papakasal sa iyo?"Napabusangot naman siya sabay takbo sa aking likuran. Hindi ko nakuha agad ang kaniyang naiisip kaya napa-aray na lang ako sa biglaan nitong pagsampa sa aking likuran."Hanggang ngayon pa rin ba gustong-gusto mo sa likuran ko? Kapag nagkikita tayo panay ka talon? Kung sino man ang malas na papakasal sa 'yo. Panigurado
LINZIE'S POV:Isang taon na pala ang nakakalipas. May isa na rin kaming anak ni Mike. Hindi ako nagsisisi na pinakasalan ko ang tatay ng anak ko at magiging anak pa namin.Tama lang din ang ginawa ko. Hindi talaga ako ganon marunong maghintay. Nasa parte na ng pagkatao ko 'yon. Pero ginawa ko pa rin ang pangako ko kay Jack. Naghintay ako, kaso anong hihintayin ko? Maging matanda na ako tapos si Jack may asawa't anak na pala.Kahit na may pamilya na ako. Tinuloy ko pa rin ang pagtatrabaho rito sa bookstore. Ang daddy niya na ang nagpapasweldo sa akin.Noong una malapit kami sa isa't isa ng daddy niya. Pero nang malaman na may boyfriend na ako. Biglang nagbago ang simoy ng hangin.Ang secretary na lang nito ang nagbibigay sa akin ng sweldo ko linggo-linggo."Hi Linzie!" Masayang bati ng mga taong matagal ko ng hindi nakita.Si Aze at si Fro
(After 1 year)KREIAH'S POV:"Ano na naman 'yang maling desisyon ang gagawin mo? Kuya–really?! Sa America mo talaga balak pumunta at manirahan? Akala ko ba ayaw mo sa Japan at America dahil nagreresembla sa ating magulang? What now? " Pagdududang aniko sa kaharap ko na may hawak ng dalawang maleta.Sure na sure na talaga siya sa balak niyang gawin. Hindi ko naman siya pipigilan pero...Kakaiba 'e. May nangyari ba noong mga araw at taon na wala ako?Kahit kailanman ay hindi pa man lang kami nagkakausap nang matino ng lalaking ito. Inuuna ko muna ang pamilya ko dahil matagal na naming inaasam ang ganitong buhay.'Yung walang problema at sisira sa aming pamilya na naman."Hayaan mo na si Jack. He seems serious on his decision. Basta tama na lang ngayon." Sinamaan naman ng tingin nitong si Jack ang asawa ko na natatawa na lang.&
IAN'S POV:"Bakit ngayon ka lang dumating anak?""Oo nga Kuya Yanyan!" Sabat din ni Angel sa sinabi ni Nanay pagkapasok ko sa bahay namin.Gabi na akong nakauwi rito. Hindi ko alam kung anong oras na ba, ang tanging nasa isipan ko lang ay ang mga napagdaanan ni Kuya Jack sa kamay ng mga organisasyon.Hindi ako makapaniwala. Sobrang galit na galit ako sa kaniya noon. Minura at sinusumpa ko pa siya na mamatay na siya.Pero ngayon kinain ko ang lahat. Nagpalipas ako ng buong gabi sa bahay ng girlfriend ko. Sa kaniya ko nilabas ang sakit ng nalaman ko. Sinabi ko rin sa kaniya na huwag na huwag sasabihin kay Ate Linzie ang tungkol kay Kuya Jack.Magkakagulo na naman ang lahat. Baka ibuntong sa akin nito ang galit.Pero kahit na ilang araw pa lang kami nagkakilala ni Kuya. Ramdam ko ang pagiging makatao nito. May usapan na mabangis at wala siya
(4 years later)ACE'S POV:Pinagmamasdan ko lang ang natutulog na lalaking ito na puro puno ng pasa, sugat at mga dextrose sa kaniyang katawan.Dalawang taon na ang nakakaraan magmula ng magsimula siya sa misyon niya.Iyon ay makuha ang mga flag sa bawat sulok ng kagubatan. Sobrang lawak ng gubat na 'yon. May mga nakaabang din na mga pinakamalakas na myembro sa bawat organisasyon.Noong una ay naging kampante pa ako. Kayang-kaya talagang makipagsabayan ng lalaking ito sa kahit sino.Inabot lang ng dalawang taon sapagkat ang mga flag ay nakatago. Saka kailangan niyang maipon ang isangdaang libo na mga bandila.Sobrang dami. At ang kakalabanin naman niya ay nasa isang libo lang. 'Yun lang ang napagpasyahan ng lahat.Kailangan lang talaga nito na makuha ang mga bandila na kulay pula.Pero sa paglipas