Share

Kabanata 12

Author: Moneto
"Pagbayarin sila? Paano mo sila pagbabayarin? May kasalanan din ako sa nangyari. Tsaka, lolo ko pa rin si Old Master Taylor. Balak mo ba siyang bugbugin?"

Ngumiti si Selena at sinabing, "Sa pagkakataong to, sasamahan mo kami pero manahimik ka lang. Siguro mas mahaba na ang pasensya ni lolo sa mga nakalipas na taon. Baka hindi na nila tayo guluhin kapag kinausap ko siya."

"Sige, susubukan kong sundin ka at pipigilan ko ang sarili ko na kumilos. Baka sabihin mo na masyado akong bayolente!"

Natawa si Fane. Gusto niyang makita kung paano siya tatratuhin ng mga miyembro ng Taylor family ng hindi nila alam na siya ang Supreme Warrior. Bukod pa dito, hindi siya bumalik para maging Supreme Warrior. Ang tanging gusto niya ay mamuhay ng maayos at payapa kasama ang asawa niya at alagaan ang nanay niya.

Mabilis na nakarating ang tatlo sa Taylor Residence sakay ng isang taxi. "Napakalakas ng loob ng bwisit na yun para saktan si Young Master Taylor. Hindi ba niya alam kung gaano kakitid ang isip ni Young Master Taylor?"

"Tama yun. Mukhang hindi maganda kalalabasan nito. Sundalo lang siya, isang walang-kwentang manugang. Baka nakakalimutan niya kung sino siya?!"

Narinig nila ang bulung-bulungan ng dalawang guwardiya pagbaba nila ng sasakyan.

Ngunit, agad na nahimik ang mga guwardiya nung makita nila sila Fane.

Ngumiti ang isa sa mga guwardiya. "Nagbalik ka Miss Selena. Ipapaalam namin to agad sa Master at sa Old Master!"

"Hindi na kailangan! Kami na mismo ang haharap sa kanila!"

Halo-halong emosyon ang naramdaman ni Selena habang tinitingnan ang gate.

Marami siyang magagandang alaala dito nung bata pa siya. Sa hindi inaasahan, nung lumaki siya, puno ng pamumulitika ang Taylor family. Para sa kanya, ang pinaka hindi niya inaasahan ay ang pagpapalayas sa kanya sa lugar na to.

Dahan-dahan pumasok ang tatlo pagkatapos nilang makapag-isip-isip.

Pagdating pa lang nila sa gate ng villa ng Old Master, dinig na nila ang mga diskusyon mula sa loob.

"Sobra na yung Fane na yun. Sino ba siya sa inaakala niya?!"

"Tama yun. Ilang taon lang siyang naging sundalo. Tingin niya ba may ipagmamalaki na siya? Paano magiging makapangyarihan ang isang walang-kwenta?!"

"Bukod pa dun, nabalian ng buto si Ivan. Ang balita ko nawalan siya ng malay sa pambubugbog sa kanya!"

Nagdiskusyon ang ilang miyembro ng Taylor family na para bang isang kriminal si Fane.

"Tama yun. Nagkamali yung bwisit na yun. Argh, nakakabwisit talaga!"

Narinig ni Selena ang boses ni Fiona habang papasok siya.

Agad na sumimangot si Selena. Napahinto siya sandali.

Sa mga sandaling iyon, muling narinig ang boses ni Fiona, "Baka hindi niyo pa alam, pero kanina, sinampal niya ang Young Master ng Clark family na si Ken Clark. Natanggalan siya ng tatlong ngipin dahil dun!"

"Si Young Master Clark? Yung Young Master Clark na may gusto kay Selena? Pinuntahan niya kayo?"

Hindi napigilan ni Old Master Taylor na magtanong.

"Nakakagulat di ba?" Inisip niya na siguradong patay na si Fane at umaasa siya na hihiwalayan ni Selena si Fane para magpakasal sa kanya. Bukod pa dito, sinabi niya na ayos lang sa kanya ang tungkol kay Kylie.

"Sinong mag-aakala na babalik pa si Fane…"

Lalong nanggalaiti si Fiona. "Sa pagkakataong to, siguradong hindi to palalampasin ng Clark family!"

Hindi na matiis ni Selena ang mga naririnig niya, kaya binuksan niya ang pinto at pumasok siya kasama sila Fane at Joan. "Ma, hindi ko tatanggapin ang alok ni Ken! Plastic siya. Tingin mo ba talaga na magiging mabait siya sakin kapag nakasal kami? Kapag nangyari yun, hindi ko alam kung gaano katinding paghihirap ang pagdadaanan ko!"

"Sa wakas nakabalik ka na Selena. Kung hindi mo ako babayaran ng tama, hindi ko palalampasin ang nangyari!"

Noong makita niya ang pagdating ni Fane at Selena, tiningnan sila ng masama ng bugbogsaradong si Ivan.

"Di ba may kasalanan ka din, Ivan? Sinubukan mong ipakain kay Kylie yung tinapay na tinapaktapakan mo. Sa tingin mo ba mapapalampas yun ng isang ama na gaya ni Fane?"

Nagdilim ang ekspresyon ni Selena, pagkatapos ay tumingin siya kay Old Master Taylor at sinabing, "Lolo, walang kasalanan si Fane. Sobra na lang talaga yung ginawa ni Ivan."

"Yun ba talaga ang nangyari, Ivan?"

Isang patas na tao si Old Master Taylor. Tiningnan niya si Ivan at mahinahong nagtanong.

Agad na sumagot si Ivan, "Imposible yan. Nagbibiro lang ako at nagkataon na nakita yun ni Fane. Malay ko bang bigla na lang niya akong susugurin! P-p-pinilit pa nga niya ako na kainin yung tinapay!"

"Ivan Taylor, kapag nagsinungaling ka pa, babaliin ko yung isa mo pang braso!"

Hindi na natiis pa ni Fane na manood. Malinaw na nagsisinungaling si Fane.

Napaatras si Ivan nung marinig niya ang banta ni Fane. Halatang takot na takot siya.

Subalit, nung maalala niya na nasa Taylor Residence sila at hindi naman isang tunay na Taylor si Fane, malamang ay hindi siya gagawa ng kahit ano sa harap ng napakaraming tao.

Nung makakuha siya ng lakas ng loob, humakbang siya paharap. "Tingnan niyo kung gaano kawalanghiya ang taong to. Asawa lang naman siya ni Selena, ni hindi nga siya isang Taylor, tapos ang lakas ng loob niya na magsalita ng ganun sa harap ng lahat."

Lumingon si Ivan at tumingin kay Fane. Pinigilan ni Fane ang kanyang sarili sa pagsasalita.

Nagdusa ng ilang taon si Selena dahil sa kanya. Para sa kapakanan ni Selena, hindi na niya ginusto pang palakihin ang gulo. Bukod pa dito, gusto lang niya ng tahimik na buhay.

"Ang kapal ng mukha mo Fane. Kundi dahil sa isang milyon na binigay namin sayo, baka patay na yang nanay mo!"

"Napaka walang-utang na loob mo. Ganito ba ang igaganti mo sa kabutihang pinakita namin sayo?"

Agad na inakusahan ng mga miyembro ng Taylor family si Fane.

"Tama yun. Kundi dahil samin, mabubuhay pa kaya yang nanay mo?"

Nagmalaki din ang isa pang nakatatanda sa Taylor family.

Sa ka ilang paningin, mga taga labas sila Fane at Joan, mga mahirap na mula sa lower class.

Kung hindi nabuntis si Selena sa bastardo nilang anak, wala sanang kinalaman si Fane sa Taylor family.

“Eh!”

Sa mga oras na yun, napansin ng isa sa mga babae na mula sa Taylor family, si Cecilia Taylor, ang shopping bag na hawak ni Joan.

"Namamalikmata ba 'ko? Puro branded yan ah!"

Lumapit si Cecilia at inusisa si Joan, na nakasuot pa rin ng uniporme sa mga oras na yun, at sinabing, "Ninakaw niyo ba 'to?!"

Agad na napansin ng lahat ang mga shopping bag dahil sa pag-uusisa ni Cecilia. Malinaw na mga international brand ang mga ito. Kaya ba nilang bumili ng mga ganun kamahal na gamit?

"Binili to ng anak ko para samin ni Selena. Kahit na mahirap kami, may dangal pa rin kaming pinangangalagaan. Kahit kailan ay hindi namin magagawang magnakaw!"
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2505

    Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2504

    Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2503

    Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2502

    Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2501

    Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2500

    Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2499

    Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2498

    Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2497

    Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status