Share

Kabanata 15

"Hindi maaari to. Kinikilala na ni lolo na parte ng Taylor family si Fane?"

Nagulantang ang ilan sa mga miyembro ng Taylor family nung marinig nila ang sinabi ng Old Master.

'Dating paborito ni lolo si Selena. Mukhang humupa na ang galit ni lolo sa mga nagdaang taon. Kung sabagay, dugo pa rin ng Taylor family ang dumadaloy sa mga ugat ni Selena.' Ang iniisip ng isa sa miyembro ng Taylor family.

"Lolo!"

Pinigil ni Selena ang kanyang mga luha. Alam niyang palihim siyang sinusubaybayan ng kanyang Lolo. Hindi lang magawa ng matanda na ibaba ang kanyang sarili.

Para kay Zeus Taylor, mas ma halaga sa kahit ano ang kanyang reputasyon.

"Pero?" Sumimangot si Fane. Alam niyang hindi magiging ganun ka simple ang lahat.

"Pero, hindi natin pwedeng ipagwalang bahala na lang ang pagbalik mo sa braso ni Ivan!"

Muling nagbago ang tono ng boses ng matanda habang nagsasalita siya. "Kailangan mong magbayad ng danyos!"

"Tama yun. Tama si Lolo. Nabali ang braso ko. Ang sabi ng doktor aabutin ng isa hanggang dalawang buwan bago gumaling ang braso ko kahit na gumamit pa 'ko ng pinakamabisang gamot!"

Dahil sa sermon ng Old Master kanina, Nana tiling tahimik si Ivan.

Agad siyang nagbunyi nang magsalita ang kanyang Lolo para sa kanya.

"Ganito na lang: Bibigyan kita ng isang buwan, Fane. Kaarawan ko din sa susunod na buwan. Kung makakapagbigay ka ng sampung milyon sa loob ng isang buwan, kikilalanin kita bilang parte ng Taylor family!"

"Pero, kapag nabigo kang ibigay ang hinihingi kong pera, kailangan mong hiwalayan si Selena dahil pa tunay lang iyon na wala kang kakayahan at hindi ka karapat-dapat na maging asawa ni Selena!"

"Bukod pa dun, Nabali ang braso ni Ivan dahil sayo. Kailangan mo siyang bayaran ng sampung milyon bilang danyos! Ayos lang ba?"

Ang sabi ng Old Master kay Fane habang nakatingin sa kanya.

"Lolo, hindi ba;to parang sinasadya mong gawing mahirap ang kundisyon mo para sa kanya? Isa lang siyang delivery boy dati. Ngayong sundalo na siya at nakabalik na siya mula sa digmaan, paano siya makakaipon ng ganun kalaking halaga sa loob lang ng isang buwan!?"

Nag-aalala si Selena nung marinig niya ang mga kundisyon ng kanyang lolo. Anong pinagkaiba nun sa pagpapalayas niya kay Fane? Ibang paraan lang to.

"Pwede mo bang baba an ang halaga Old Master? Masyadong malaki yun. Hindi nga niya kayang maglabas ng isang milyon, paano pa ang sampung milyon!"

Sumama ang loob ni Joan. Ayaw niyang palampasin ang pagkakataon niya na magkaroon ng isang pambihirang manugang na gaya ni Selena.

"Hindi pwede. Kung hindi niya kayang magbigay ng sampung milyon, paano siya magiging karapat-dapat sa anak ko?"

Sumabat sa usapan si Fiona. Dagdagan pa niya, "Hmph! Kung kaya niyang kumita ng sampung milyon, pwede na yung maging betrothal gift para sa anak ko. Pagdating ng oras, kailangan ibigay niya sakin yung pera. Kung hindi, hindi ng-hindi ko siya kikilalanin bilang manugang ko!"

"Hindi pwede yan."

Nagsalita si Ivan, "Kung kaya niyang kumita ng sampung milyon, dapat sakin ma punta yun. Nasaktan ako. Hindi naman pwede na wala akong makuha, di ba?"

"Hindi pwede. Hindi naman aabot sa sampung milyon yung pagpapagamot mo!"

Hinding-hindi palalampasin ni Fiona ang pagkakataong ito. Ilang taon siyang naghirap. Kung may sampung milyon siya, maaari siyang ma buhay ng komportable.

"Hehe, kabayaran sa nangyari sakin yung sampung milyon na sinabi ni Lolo, hindi para sa betrothal gift. Hindi mo ba naintindihan yun?" Humalakhak ng malakas si Ivan. Natahimik si Fiona sa mga sinabi ni Ivan.

"Sa loob ng isang buwan, tama?"

Nag-isip si Fane at nagsalita, "Ganito na lang. Isang buwan mula ngayon, sa kaarawan ni Lolo, babayaran ko si Ivan ng sampung milyon bilang danyos, magbibigay ako ng dagdag na sampung milyon sa biyenan ko para sa betrothal gift, at bukod pa dun, magbibigay ako ng mga regalo na may kabuuang halaga na sampung milyon kay Lolo! Tatlumpung milyon lahat-lahat yun. Kapag di ko nagawa yun, ako mismo ang makikipaghiwalay kay Selena!"

"Nababaliw ka na ba? Ganun kalaking halaga sa loob lang ng isang buwan? Hindi ka magkakaroon ng ganun kalaking halaga kahit na I benta mo pa ang kaluluwa mo!"

Takot na takot si Joan. Inisip niya na baka napuno na si Fane kaya kung anu-ano na ang pinagsasabi niya.

"Nagbibiro ka lang, di ba? Di ba sinabi ko na huwag kang magyabang?! Tatlumpung milyon! Hindi yun maliit na halaga!"

Pinagalitan siya nang husto ni Selena.

"Huwag kang mag-alala honey, kailangan kong patunayan sa mga Taylor na karapat-dapat akong maging asawa mo!"

Hinawakan ni Fane ang mga pisngi ni Selena. "Hindi ako papayag na malayo ako sayo at sa anak natin!"

Napukaw ang damdamin ni Selena. Sa mga sandaling iyon, kampante siya na hindi nagsisinungaling sa kanya si Fane.

"Sige, naniniwala ako sayo!"

Sa huli, sumang-ayon si Selena.

"Syempre. Kapag nagawa mo yun Fane, hindi ka lang namin basta kikilalanin bilang parte ng Taylor family! Patitirahin din namin ang mga biyenan mo, pati na rin ang nanay mo, sa Taylor Residence!"

Nag-isip sandali ang matanda at sinabing, "Kapag nangyari yun, pwede na uli ng matrabaho para sa Taylor Group si Selena!"

"Sige. Tinatanggal ko ang mga kundisyon mo!" Agad na tinanggap ni Fane ang mga kundisyon ng Old Master.

"Napakayabang mo bata. Gusto kong makita kung paano mo ipapahiya ang sarili mo kapag hindi mo nabuo ang tatlumpung milyong sa loob ng tatlong buwan!"

Lumapit si Ivan at tumingin ng masama kay Fane.

Naglabas si Fane ng sigarilyo at sinindihan ito. Huminga siya ng malalim. "Paano kung nagawa ko lahat yun? Kapag nabigo ako, gugulong ako palabas ng Taylor Residence. Pero kapag nagawa ko ang lahat ng sinabi ko, luluhod ka at hihingi ng tawad kay Selena. Ano sa tingin mo? Kung sabagay, sa nakalipas na limang taon, marami kang naging kasalanan kay Selena!"

"Haha, sige. Makinig kayong lahat. Isa 'tong pangako sa pagitan naming dalawa!"

"Tutal gusto niyang ipahiya ang sarili niya, pagbibigyan ko siya. Pagdating ng oras, makikita natin kung paano siya gugulong palabas ng Taylor Residence. Tandaan mo, hindi ka maglalakad palabas, gugulong ka!"

Humalakhak ng malakas si Ivan. 'Milagro na ngang nakabalik ng buhay yung basurang to. Paano pa yung pagkakaroon ng tatlumpung milyong sa loob ng isang buwan? Mangarap ka na lang!'

"Huwag kang mag-alala Ivan, hindi kami bingi. Narinig namin lahat. Kami ang magiging saksi mo!"

Naghalukipkip si Cecilia at mahinahong tumingin kay Fane. "Limang taon na ang lumipas. Pagkatapos mong makabalik at bilhan ng damit ang nanay at asawa mo, pinili mong bilhan sila ng peke. Halata sa mga suot niyo yung kahirapan niyo. Hindi ako naniniwalang makakakuha ka ng tatlumpung milyon!"

"Haha, tama ka!"

"Sa tingin o alam niyang hindi siya karapatdapat kay Selena kaya tinodo na niya yung pagyayabang niya. Pagdating ng oras, wala siyang magagawa kundi gumulong palabas ng Taylor Residence!"

"Tingnan mo siya. Kung kaya niyang kumita ng tatlumpung milyong sa loob ng isang buwan, ibig sabihin pwede ko ring gawing goal ang isang daang milyong, di ba?"

Nagtawanan ang ilan sa mga miyembro ng Taylor family.

Maraming tao ang nasa lugar. Karamihan sa kanila ay nagtatrabaho sa Taylor Group, sa ilalim ng pamamalakad ni Ivan Taylor. Sinasadya nilang mapalakas kay Ivan.

"Ikaw na mismo ang nagsabi Fane. Hihintayin ko ang sampung milyong na betrothal gift mo. Pagdating oras, huwag mo akong sisihin sa magagawa ko sayo!"

Pinaalalahanan siya ni Fiona pagkatapos niyang mag-isip-isip.

"Haha, Fiona, nabaliw ka na ba sa kakaisip sa pera? Iniisip mo ba talaga na makakapagbigay ng ganun kalaking pera si Fane para sa betrothal gift?"

Ngumiti si Ivan.

"Sampung milyong lang ang kailangan kong betrothal gift para pakasalan si Selena? Magbabayad ako ng sampung milyon. Papakasalan ko si Selena! Kung kulang pa yun, magbibigay ako ng limampung milyon! Anong gagawin mo kung marami akong pera?"

Sa sandaling iyon, pumasok ang isang mata bang lalaki habang tumatawag, kasunod ng grupo ng mga bodyguard.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status