Share

Kabanata 14

Author: Moneto
Halo-halo ang emosyon na nararamdaman ni Old Master Taylor. Eksaktong-eksakto ang hula ni Fane.

Malaki ang pagpapahalaga ng Old Master sa kanyang reputasyon. Noon, pinakasal niya si Selena kay Fane para hindu sumabak sa giyera si Ivan. Ang desisyon niyang yon mismo ay nakaapekto sa reputasyon ng Taylor family.

Hindi niya inasahan na may mas malaki pang kahihiyan na darating. Isang araw pa lang na kasal si Fane kay Selena noong ipadala siya sa digmaan kinabukasan. Subalit, di kalaunan, nalaman nilang buntis si Selena.

Alam niyang nalasing si Selena noong gabing yun. Inisip pa nga niya na posibleng pwinersa ni Fane ang sarili niya kay Selena.

Hindi niya inasahan na sasabihin ni Selena siya ang may gusto nun. Halos atakihin siya sa puso dahil sa sinabi ni Selena.

Iyon ang dahilan kung bakit pinalayas niya si Selena, ang mga magulang nito, at ang labing apat na taong gulang nitong kapatid mula sa Taylor Residence.

At yung pagpapahirap kay Selena sa paghahanap ng trabaho at mga panggigipit sa kanya, pakana iyon lahat ni Ivan.

"Sigurado ka ba na pwede kong isulat kahit magkano?"

Nagulat si Fane at ngumisi habang nagtatanong.

"Oo naman! Isulat mo lang diyan!"

Natuwa si Old Master Taylor nung makita niyang nasilaw sa pera si Fane. Natatangi ang kagandahan ni Selena. Higit pa dito, mahusay siya sa pagpapatakbo ng negosyo. Kung hihiwalayan niya si Fane, hindi siya mahihirapang maghanap ng mayamang mapapangasawa.

Sa katunayan, narinig niya na nililigawan ni Young Master Clark si Selena.

"Syempre naman, tutuparin ng Old Master ang mga sinabi niya. Dali na, sulatan mo na yan!" ang sabi ni Fiona.

Tuwang-tuwa si Fiona nung marinig niya ang usapan ng dalawa. Agad niyang nilapitan ang nakatulalang si Selena. "Tingnan mo anak. Sinabi ko na sayo na bibiguin ka lang niya. Pinili mong palakihin ang anak niyo at hintayin siya sa loob ng limang taon. Limang taon kang naghirap, pero mas pinili pa rin niya ang pera? Ito ang reyalidad ng buhay!"

Natulala lang si Selena. Nakaramdam siya ng kawalan ng pag-asa. Ilang taon siyang naghintay, lahat ng paghihirap na tiniis niya, pero bandang huli…

"Fane, tanga ka ba? Saan ka pa ba makakakita ng ganitong klaseng asawa? Ipagpapalit mo ba talaga ang asawa at anak mo para sa pera? Limang taon naghirap si Selena. Lahat ng paghihirap at panlalait tiniis niya! Namulot pa nga siya ng basura at sumuko na lang sa paghahanap ng trabaho!"

Lumapit si Joan at tiningnan si Fane. Puno ng pagkadismaya ang kanyang mga mata. "Hindi mo pwedeng balewalain yung mga paghihirap niya!"

"Ma, pabayaan mo na siya!"

Napuno ng matinding lungkot ang mga mata ni Selena. Napunta lang sa wala ang limang taong paghihirap na tiniis niya.

"Naiintindihan mo na ba? Wala nang pag-asa ang mga lalaki. Sinabi ko na sayo na ipalaglag mo yung bata, pero hindi ka nakinig!"

Dagdag pa ni Cecilia, "Hayy, kahit na hindi ako makahanap ng boyfriend, mas okay naman yun kaysa makahanap ako ng walang kwenta gaya!"

Naluluha na si Selena. Halata ang kawalan niya ng pag-asa habang tinitingnan niya si Fane. "Nakapagdesisyon ka na ba?"

Ngumiti si Fane. "Nakapagdesisyon na ako!"

Pagkasabi niya nun, nagsimula siyang sulatan ang tseke.

Pagkatapos, agad niyang binalik ang tseke. "Tapos na ako. Sabi mo isulat ko kahit magkano!"

"Hehe, oo naman, tutuparin ko ang sinabi ko!"

Halatang nadismaya si Zeus nung makita niyang pinili ni Fane ang pera.

Noong una, bahagyang tumaas ang respeto niya para kay Fane. Inisip niya na kung magpakita ng kakayahan si Fane at kung aalagaan nitong mabuti ang kanyang apo, matatanggap niya ito. Sa kasamaang-palad, binigo siya ni Fane.

Subalit, natulala siya matapos niyang tingnan ang tseke.

Nakasulat sa tseke ang mga numerong, "999999999999999999…"

May ellipsis pa nga sa dulo ng mga numero!"

"Bata, niloloko mo ba 'ko?"

Nagdilim ang ekspresyon ni Zeus. Naging kakilakilabot ang ekspresyon ng kanyang mukha.

Kahit si Theodore, ang master ng Taylor family, ay lumapit para tingnan ang tseke at sinabing, "Anong ibigsabihin nito? Sa tingin mo ba magandang biro to?"

"Anong problema?"

Nagulat din si Cecilia. Nagmadali siyang lumapit para tingnan ang tseke. "Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito… bakit may ellipsis sa dulo? Gaano kalaking pera ba to?"

"Haha, Old Master Taylor, sabi mo isulat ko kahit magkano ang gusto ko. Kaya niyo bang bayaran yung nilagay ko?"

Sa puntong iyon, humalakhak ng malakas si Fane.

Lumapit siya kay Selena at hinawakan ang mga kamay niya. Seryos niyang sinabi na, "Limang taong naghintay ang asawa ko para sakin, na isang hamak na delivery boy. Tiniis niya ang lahat ng hirap, tapos susukatin niyo lang ng pera yun? Wala kapantay na kahit anong halaga ang asawa ko, kaya naman hindi niyo maibibigay yung halagang hinihingi ko!"

"Pasaway ka…"

Naghalo ang galit at tuwa ni Selena. Subalit, napuno ng kasiyahan ang kanyang puso.

Kanina lang, inakala niya na tatanggapin ni Fane ang pera at hihiwalayan siya nito.

Bandang huli, sinulatan ni Fane ng puro '9' ang tseke at naglagay pa ng ellipsis sa dulo.

"Patingin, patingin ako!"

Nagalit si Joan nung una. Agad niyang kinuha ang tseke nung marinig niya ang usapan nila. Pagkatapos niyang tingnan ang tseke, masaya niyang inabot ito kay Selena. "Selena, tingnan mo! Ito ang halaga mo sa anak ko. Wala kang kapantay!"

"Narinig ko nga Ma!"

Namula si Selena. Hindi napunta sa wala ang paghihintay niya. Hindi siya binigo ng lalaking to.

"Ang lakas ng loob mo na paglaruan ang Taylor family. Gusto mo na bang mamatay Fane? Mga guard, lumpuhin niyo siya at itapon niyo siya palabas!" Galit na galit na sumigaw si Theodore.

"Maglalaban ba tayo? Pasensya na, magaling na akong makipaglaban ngayon!" Sumagot si Fane matapos niyang marinig ang sigaw ni Theodore.

Pagkatapos ay nagsalita siya ng may ngiti sa kanyang mga labi. "Sa nagdaang limang taon, hindi ako sigurado kung ilang bundok ang mabubuo sa dami ng pinatay ko. Maraming mahusay sa kanila, pero napatay ko silang lahat. Ilang beses din akong muntik mamatay, pero nakaligtas ako dahil alam kong may naghihintay sakin pag-uwi ko. Hindi ako pwedeng mamatay!"

Lumabas ang malakas na aura mula kay Fane habang nagsasalita siya. Tila isa siyang hari habang nakatayo siya doon. "Ipapaalam ko sa lahat ng kakalaban sakin na nagkamali sila!"

"Anong sinabi ko sayo bago tayo pumunta dito?"

Sa di inaasahan, nagdilim ang mukha ni Selena habang pinagagalitan niya si Fane.

Pakiramdam niya, na mula noong maging sundalo si Fane, naging mas maaasahan siya. Pero naging masyado rin siyang mayabang.

Bukod pa dito, nasa tahanan sila ng Taylor family. Manugang lang siya ng Taylor family. Paano niya magagawang saktan ang mga kamag-anak ni Selena?

Naalala ni Fane ang pangako niya kay Selena at agad na natawa. "Ehem ehem, nagbibiro lang ako!"

Subalit, sumugod na papasok ang mga bodyguard na nasa labas.

"Labas!"

Kikilos pa lang sana ang mga bodyguard nang biglang sumigaw si Old Master Taylor.

Nagkatinginan ang mga bodyguard at nagmadaling lumabas.

"Dad, pinaglalaruan tayo ng walang hiyang to. Hindi mo ba nakikita yun?"

Galit na galit si Theodore. Subalit, hindi niya kayang suwayin ang utos ng Old Master.

Kahit na siya ang master ng buong mansyon at ang anak niya ang direktor ng Taylor Group, ang Old Master ang tunay na nagpapatakbo sa lahat. Ang lahat ng mga importanteng bagay ay dapat dumaan sa kanya.

"Hindi niya tayo pinaglalaruan. Sinabi ko sa kanya na isulat niya kahit magkano ang gusto niya. Nagkataon lang na hindi natin kayang ibigay ang halagang hinihingi niya!"

Natawa ang Old Master at sinabing, "Fane, limang taon na ang lumipas. Dumaan rin sa matinding paghihirap ang apo ko. Dahil mahal niyo talaga ang isa't isa at malaki na si Kylie. Hindi ko na kayo paghihiwalayin!"

Pagkasabi niyan nun, biglang nagbago ang tono ng pananalita ni Old Master Taylor. "Pero…"
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2505

    Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2504

    Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2503

    Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2502

    Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2501

    Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2500

    Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status