Share

Kabanata 16

Author: Moneto
"Young Master Wilson, anong ginagawa mo dito?"

Binati ni Ivan ang young master ng Wilson family nung mapansin niya ang pagdating nito.

"Anong sinabi mo kanina, Young Master Wilson? Limampung milyon? Handa kang magbigay ng limampung milyon?"

Nagningning ang mga mata ni Fiona sa kanyang narinig. "Seryoso ka ba?" ang tanong niya.

Alam ng lahat na ang mga Wilson at mga Clark ay parehong mga second-class aristocratic family. Sa madaling salita, higit na mas mayaman sila kaysa sa Taylor family.

"Syempre, Tita. Mukha bang hindi kami marunong tumupad sa usapan? Miyembro pa rin ako ng Wilson family, makakaasa kang tutu parin ko ang sinabi ko!"

Natawa si Young Master Wilson habang nagsasalita siya. Pero kasabay nito, pinagmamasdan niya ang kagandahan ni Selena. Hindi niya mapigilan ang maalunok.

Napakataba ni Young Master Wilson. Sa sobrang taba niya, mukha na siyang baboy. Bukod sa napakatakaw niya, napakahilig din niya sa mga babae.

Agad na nahulog ang loob niya kay Selena noong una niyang makita ang kagandahan nito. Noong malaman niya na ikinasal si Selena sa isang delivery boy at nabuntis pa ito, nagalit siya nang husto.

Gayunpaman, hindi naglaho ang kagandahan ni Selena kahit na may anak na siya. Mas gumanda siya. Umaapaw ang kagandahan ni Selena. Gagawin niya ang lahat mapasakanya lang si Selena.

Bukod pa dito, kilala si Selena bilang ang pinaka magandang babae sa buong Middle Province. Malaking bagay ang mapakasalan siya.

"Ayos. Panghahawakan ko ang salita mo!"

Pumalakpak si Fiona at tumawag habang palapit siya kay Selena. "Narinig mo yun, Selena?" ang sabi niya. "Sampung milyon lang ang ibibigay ni Fane. Pero si Young Master Wilson, limampung milyon ang ibibigay at matagal ka na niyang gusto. Hindi na rin masama ang itsura niya. Pag-isipan mo Selena. Ang kailangan mo lang gawin ay tumango at palalayasin natin agad si Fane!"

Halos mahimatay sa sobrang inis si Selena noong marinig niya ang sinabi ng kanyang Ina. Halos hindi niya mapigilang maasiwa makita pa lang niya ang itsura ni Young Master Wilson. Kahit na hindi mabuting tao si Young Master Clark, atleast gwapo siya. Napakataba at napakalaki ng mga tenga ni Young Master Wilson. Pakiramdam niya nagmamantika na rin siya makita pa lang niya ang lalaki.

Sumagot si Selena, "Ma, gusto mo bang ipakasal ang anak mo o binebenta mo? Basta mo na lang ibibigay yung anak mo sa kung sino mang magbibigay ng mas malaking halaga? Bakit di mo na lang ako ipasubasta kung ganun?"

Dagdag pa ni Selena, "Kahit si Lolo pumayag na pakasalan ko si Fane, at mas nauna ang naging kasunduan nila ni Lolo. Paano mo nagawang baguhin na lang ng basta-basta yung naging kasunduan nila?"

"Hindi yan ang ibig sabihin ko Selena. Delivery boy lang si Fane, at ilang taon lang siyang naging sundalo. Hindi ka naman siguro umaasa na may Mara rating siya?"

Pagkatapos niyang magsalita, tumingin ng masama si Fiona kay Fane at sinabing, "Hindi ko siya minamaliit. Iniisip ko lang, makakakuha kaya siya ng tatlumpung milyon sa loob lang ng isang buwan? Hehe! Magintay ka lang. Hindi niya mabubuo ang ganun kalaki ng halaga sa loob ng isang buwan. Kapag nangyari yun, palalayasin ko siya sa pamilya natin!"

"Fane Woods? My god, siya si Fane Woods? Bumalik na yung walang kwentang tatay ni Kylie?"

Sinuring maigi ni Young Master Wilson si Fane. "Hehe. Mukhang yung itsura lang niya ang maayos sa kanya." Ang sabi ni Young Master Wilson. "Masyadong simple ang suot niya. Paano siya naging karapatdapat kay Miss Selena?"

"Dami mong sinasabi!"

Tiningnan siya ng masama ni Fane. Mahinahon nagsalita si Fane, "Tahanan to ng Taylor family. Anong ginagawa ng isang tagalabas na tulad mo dito? Kung wala kang ma halagang gagawin dito, umalis ka na!"

"Haha! Mabibigat na salita! Hindi mo ba alam kung gaano ka makapangyarihan ang Wilson family?"

Humalakhak ng malakas si Young Master Wilson at sinabing, "Wala ba talaga akong pinunta dito? Nandito ako para pag-usapan ang magiging collaboration namin ni Young Master Taylor. May bagay kaming gustong gawin kasama ang Taylor family!"

Noong marinig ni Old Master Taylor ang sinabi ni Young Master Wilson, natuwa siya at sinabing, "Haha. Bukas ang tahanan namin sa mga bisita. Umupo ka dito, Young Master Wilson!"

"Hindi na kailangan, Old Master Taylor. Kakausapin ko si Young Master Taylor!"

Tumingin si Young Master Wilson kay Ivan at nag-usisa, "Young Master Ivan, anong nangyari sa braso mo? May nakaaway ka ba? Sinong naglakad loob na kalaban in ka?"

Nanggigil si Ivan habang tinitingnan niya si Fane. Sumagot si Ivan, "Isang baliw, wala nang iba. Nakikipagbiruan lang ako sa anak niya, nung bigla na lang niya akong sinugod at binugbog."

Nagulat si Michael sa kanyang narinig. Nagsalita siya pagkatapos niyang tingnan si Fane, "Oh, so yung walang kwentang yun pala ang may gawa niyan sayo. Hindi ko inasahan na may lakas siya ng loob na saktan ka."

"Haha, ayos lang. May pustahan kami. Pagkalipas ng isang buwan, sa kaarawan ng Lolo ko, bibigyan niya ako ng sampung milyon! Bukod sa magbibigay siya ng sampung milyon sa pamilya ni Selena, bibigyan pa niya ng mga regalo si Lolo na may kabuuang halaga na sampung milyon!"

"Kapag nabigo siya, aalis siya sa Taylor family at hihiwalayan niya si Selena! Gugulong siya palabas mula mismo sa pwesto ng to!"

Humalakhak si Ivan at sinabing, "Tama, Young Master Wilson. Dapat pumunta ka sa 70th birthday ni Lolo. Kailangan mong makita kung paano gumulong ang loko-lokong yan palabas ng pinto!"

"Haha! Sige. Medyo malayo yung distansya mula dito hanggang sa pinto. Sa tingin ko matagal-tagal siyang gugulong!"

Humalakhak si Young Master Wilson at tumingin kay Selena. "Huwag kang mag-alala Selena. Oras lang ang meron ako, at hand akong hintayin ka. Makakalaya ka din kapag napalayas na sa Taylor family ang walang hiyang to pagkalipas ng isang buwan, at ibig sabihin lang nun, magiging single ka ulit. Pagdating ng araw na yun, huwag mo akong tanggihan!"

"Sige, tara na, Young Master Wilson. May mahalagang bagay pa tayong dapat pag-usapan!"

Halata ang pagmamalaki sa mukha ni Ivan. Natalo nanaman siya ni Fane, pero kung magagawa niyang mapatalsik si Fane sa pamilya nila, iyon na ang pinaka magandang posibleng mangyari!

Naniniwala siya na bagulero lang talaga si Fane. Sinabi niya lang ang lahat ng yun dahil sa pride niya. Yung totoo, interesado siyang makita kung paano ipapahiya ni Fane ang sarili niya.

Di nagtagal, umalis na si Ivan at si Young Master Wilson.

"Sige na, pwede na rin kayong umalis. Huwag mo kong bibiguin!"

Napansin ni Old Master Taylor na maggagabi na.

Kahit hindi niya inasahan ang mga ginawa ni Fane, hindi niya pa rin matanggap na ikinasal ang apo niya sa isang mahirap na nagpahiya sa kanya.

Sa sandaling ito, sa isang napakagarbong mansyon, ang pinaka mayamang tao sa buong Middle Province, na si James Loner, ay nakatingin sa isang lalaki. Pagkatapos niyang mag-isip-isip, nagsalita siya, "Yung lalaking bumalik kasama ng God of War na si Lana, ay si Fane Woods. Sa tingin ko hindi ganun kasimple ang relasyon nila. Imbestigahan mo to! Kailangan kong malaman kung anong namamagitan sa kanila!"

Ang taong kaharap niya ay ang pinaka mahusay na assistant ni James. Pinagsilbihan niyang mabuti ang Loner family.

Napasimangot ang lalaki sa kanyang narinig at sinabing, "Master, sa tingin ko hindi na kailangan yun. Kahit na may relasyon pa yung lalaking yun sa God of War na si Lana, wala naman siyang halaga para satin, di ba?"

Ngumiti siya pagkatapos niyang magsalita." Bakit hindi na lang natin atupagin yung pinaka problema natin, kung paano tayo mapapalapit sa God of War. Yun yung pinakamahalaga para satin!"
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2505

    Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2504

    Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2503

    Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2502

    Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2501

    Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2500

    Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2499

    Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2498

    Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2497

    Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin

Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status