Ang mga nagliliyab na mga ibon ay lumipad sa buong lugar na nag-iwan ng bakas saan man ito magpunta. Bawat isa sa mga ibon ay gawa sa apoy, at kahit ang mga balahibo ay umiikot habang binubuo ang disenyo ng apoy.“Ito marahil ang pinaka malakas na skill na ginamit ni Dale. kung tama ang pagkakatanda ko, ang Divine Sky Crows ay isa ding intermediate red level skill. Subalit, mahirap sabihin sa unang tingin kung aling cultivation level na siya dito. Marahil nasa pareho siyang lebel ng kay Wesley.” Ang kulay ng matingkad na pula ang pumuno sa buong battle platform na makikita sa mga mata ng mga manonood. Nilabas na ni Dale ang kanyang alas—ang fire attribute skill na kung saan siya magaling. Alam niya na malalagay lang siya sa alanganin kapag nagpatuloy siya dahil napagtanto niya na wala siyang laban kay Wesley.Habang sumisigaw, binato niya pareho ang namumula niyang mga patalim sa ere. Kaya niyang kontrolin ang mga patalim gamit ng kanyang isipan. Kaagad na sumanib ang mga patalim s
Ang mga nagliliyab na mga ibon ay ang condensation ng enerhiya ni Dale at bumalik na sa orihinal na kulay pulang mga liwanag, at tuluyang naglaho sa paligid nung tinamaan ng espada ni Wesley. Ang bilis ni Wesley sa pag-atake ay sobrang bilis na kahit na patuloy is Dale sa pagpapalabas ng mga nagliliyab na mga ibon gamit ng kanyang true energy, may malaki pa ding butas sa pulutong nito. Sinugod Wesley ng butas nang sapat na ang laki nito para makadaan siya at kaagad na lunitaw sa harapan ni Dale. Nanigas ang kanto ng bibig ni Dale, hindi niya inaasahan na makakalagpas si Wesley sa kanyang pulutong.Walang laban ang mga nagliliyab na ibon kay Wesley. Suminghal lang si Wesley at naglabas ng nakakasilaw na liwanag ang tatlong talampakan na espada. Ang dalawang maliit na bituin na umiikot sa paligid ng kanyang espada, ay nagkalamat at ang liwanag nito ay lumipat sa espada, na naging dahilan para maging kasing liwanag ito ng kalawakan.Nang makita ito, lumamig ang batok ni Dale. Muli si
Isang runner disciple ang pumasok sa laban para dalhin si Dale pagkatapos patayin ni Deacon Ambrose ang protective formation. Namumutla sa sakit ang mukha ni Dale at nakatitig siya nang masama kay Wesley, na salungat nito, ay walang emosyon. Kaagad itong umalis sa labanan nang hindi man lang tumitingin kay Dale pagkatapos ibalita ni Deacon Amrbose ang resulta. Isang ingay na parang limang daang patong sumisigaw ang narinig pagkatapos ng laban. "Walang laban si Brother Dale kay Brother Wesley. Makikita na ito simula pa lang kaya hindi nakakapagtakang si Brother Wesley ang nanalo." "Sa totoo lang, tingin ko dapat mas mataas ang ranggo ni Brother Wesley kumpara sa dati niyang ranggo. Ang tanging dahilan kung bakit nakarating si Brother Dale ng rank 143rd ay mas matagal na siya sa Academy. Sa husay, siguradong mas malakas si Brother Wesley. Wala akong dudang kapag nabigyan ng oras, marami pang disipulo ang malalagpasan ni Brother Wesley!" Kahit na mas mataas ang ranggo ni Dale kay
Kahit siya ay hindi matukoy kung ang lakas ng loob ba ni Fane ay dahil may magandang plano ito o kung nagpapanggap lang ba ito. Halos lahat ay iniisip na nagpapanggap lang si Fane at kinamuhian siya ng lahat dahil dito. Kanina pa nakatitig si Wesley sa kanya mula noong bumaba ito sa labanan. Inaasahan niyang matatakot nang sobra si Fane at nagalit siya nang sobra nang hindi ito mangyari. "Siguro nagpapanggap lang siyang hindi siya natatakot! Imposibleng hindi siya natatakot. Talagang mas magaling siyang umarte kaysa lumaban." Hindi niya hininaan ang boses niya ngunit sa halip ay sinabi niya ito nang napakalakas at pinatingin niya ang iba kay Fane nang nagtataka. Hindi sila nagdudang nagpapanggap lang si Fane dahil sa pagiging kalmado nito. Nang hindi inaalala kung anong magiging tingin nito sa kanila, nagsimula silang magsalita. "Hay, naiinis ako kapag nakikita ko siyang kalmado! Maiintindihan ko kung kalmado siya kapag hindi niya pa nakikita ang kakayahan ni Brother Wesley. Hind
Natulala si Noel sa dalawang salitang iyon. Tinitigan nila ni Brook si Fane, hindi alam ang sasabihin. Mula sa sagot ni Fane, mukhang talagang hindi siya natatakot pero imposible ito! Sigurado silang nagpapanggap lang itong kalmado. Kumirot rin ang labi ni Brook. Napakalakas na ni Wesley sa isang runner disciple na tulad niya. Imposibleng mananalo siya lavan dito sa loob ng isang milyong taon at talagang nag-aalala siya para kay Fane. Marami sa mga manonood ang nagsimulang mag-isip kung anong mangyayari sa laban ni Wesley at Fane. Tatalsik ba si Fane sa isang atake ng spada? Baka gawin ni Wesley ang makakaya niya para ipahiya ito sa pamamagitan ng paglalagay ng markang 'X' sa mukha ni Fane. Hindi lamang mapapahiya dito si Fane ngunit masisiguro rin nitong hindi siya magkakaroon ng pagkakataong magkamit ng malaking bagay sa buong buhay niya. Ayon sa ugali ni Wesley, alam nilang malaki ang posibilidad na mangyari ito. Higit sa lahat, may suporta si Wesley ng maraming makapangyariha
"Ang kapal ng mukha mong ipahiya ako ulit kahit na puro kabutihan ang pinapakita ko sa'yo?!" sigaw ni Wesley. Tinitigan nang seryoso ni Fane ang lalaking matulis ang mata at si Wesley. "Kayo ang laging nagpapahiya sa akin! At klaruhin ko lang, hindi sa gusto kitang ipahiya pero nilagay mo ang sarili mo sa posisyon kung saan mapapahiya kita! Hindi sana ganito ang nangyayari kung hindi mo ako pinilit na ibigay sa'yo ang kwartong napanalunan ko noong araw na iyon!" Tuloy-tuloy si Fane. Totoo ang sinasabi niya pero tulad ng kasabihan, masakit ang katotohanan. Nagsalita na naman ang mga tao sa paligid nila. "Nababaliw na ba si Fane? O tingin niya wala nang mawawala sa kanya dahil maraming beses na niyang ginalit si Wesley?" "Oo tingin ko ganyan nga. Mabuti pang ipahiya niya pa lalo si Wesley dahil alam niyang matatalo siya sa laban." Ang ilan sa kanila ay hindi mapigilang suminghal at umiling. "Oo, talagang baliw na siya. Lalo lang maiinis si Wesley sa sinasabi niya. Walang dudang
Mabilis na naglakad patungo kay Fane ang lalaking matukis ang mata at tinitigan si Fane na parang kakainin niya ito. "Alam ko ang binabalak mo!" 'Anong binabalak ko?' nagtatakang tanong ni Fane. Suminghal ang lalaking matulis ang mata at tinuro si Fane. "Sinusubukan mong tumakas sa laban niyo ni Wesley!" Kaagad na tumikom ang bibig ni Fane. Nakatingin siya sa lalaking matulis ang mata na para bang nakatakas ito ng ospital ng mga baliw. "Pwede bang sabihin mo sa akin kung anong sinabi ko para maisip mo 'yan? Bakit ako manghihingi ng taya sa kanya kung ayaw kong makipaglaban sa kanya?" Umiling ang lalaking matulis ang mata, suminghal, at habang kinukumpas ang kanyang kamay, sinabi niya nang malakas, "Sabu mo hindi ka makikipaglaban kay Brother Wesley kapag hindi siya nagbigay ng taya. Iyan ang payunay na ayaw mong makipaglaban sa kanya dahil alam mong si Brother Wesley ay mapagmataas at kapag nagbigay siya ng taya ay nangangahulugan itong may pag-asa kang manalo. Kinamumuhian ka
Imposibleng basta na lang palalagpasin ni Wesley si Fane sa init ng ulo nito. Kahit ang pagbugbog dito ay hindi sapat para alisin ang galit niya. Ngunit hindi talaga masyadong malapit sa isa't isa si Fane at Deacon Ambrose kaya hindi niya pinagtanggol si Fane at patuloy lang siyang nanood sa tabi. Patuloy na dumaan sa tainga niya ang komento ng mga tao at wala siyang masabi sa mga hula nito. Kahit ayaw niyang ipagtanggol ang kanyang sarili, wala siyang magawa kundi magsalita para hindi magpatuloy ang ganito. "Pwede bang tumahimik ka muna? Nagwawala ka na," sinabi niya sa lalaking matuliw ang mata. Pagkatapos, ibinaling niya ang kanyang atensyon kay Wesley na nakatingin sa kanya nang nakataas ang kilay at nakangiti. Wala talagang pakialam si Fane kung anong iniisip ni Wesley. "Tatanungin kita ulit—anong taya mo?" Naningkit ang mata ni Wesley. Sumang ayon siya sa sinabi ng lalaking matulis ang mata; ang pagbibigay ng taya ay nangangahulugang tingin niya may pag-asang manalo si Fa