"Bilisan niyo ang pagkilos!" Wika ng isang kawal-bampira sa mga aliping nagtitimpla ng kanilang mga inumin.
Pag-iyak,pagtangis at paghihirap ng mga aliping katulad ko ang halos naririnig ko sa bawat araw na dumarating at lumilipas. Sa tingin ko habang-buhay na nga talaga kaming makukulong sa bangungot na ito.
"Anak,bakit ka tulala" tanong ni Ina at tinignan ang direksyon kung saan ako nakatingin.
"Batid kong nais mo silang tulungan,pero nak! Bago ang iba sarili mo muna"wika ni ina at ipinagpatuloy ang kanyang ginagawa.Napa-isip ako kung tama ba si ina o mali.
Ipinagpatuloy ko na lamang ang aking ginagawa ng marinig kong nagsisisigaw si Bon patungo kay ama at hingal na hingal pa ito.
"Mang Grego,may-y tao na namang nahuling tumatakas"saad nito habang hinahabol ang kanyang hininga.
"Anong parusa ang ipapataw sa kanya?"tanong ko naman.
Sasagot pa sana siya ng marinig namin ang tapak ng mga kabayo.....ang tagapagbalita ng mga bampira ay paparating.
"Mag-sikinig kayong lahat! Isang alipin ang nagtangkang tumakas at ngayon ay nasa kamay na ng mga kawal. Utos ng hari na lahat ng alipin ay dadalo sa pagpaparusang ito. Ang sino mang hindi dadalo sa pagpaparusang gaganapin ay paparusahin din ng kamatayan"anunsyo ng tagapagbalita.
Nanginig sa takot ang ilan sa mga ito. At ang iba naman ay nangangamba.
"Sandali!" Tutol ko sa tagabalita.
Napatingin naman lahat ng tao at bampirang naririto.
"Hindi ba't masama para sa mga bata ang masaksihan ang pagpaslang sa isang nilalang? Lalo na't kauri namin ito!?- walang paghihinayang na mungkahi ko.
"Isa ka lamang alipin binibini! Wala kang karapatang magmungkahi ng anumang opinyon" inis na wika ng tagabalita.
Sasagot pa sana ako ng pigilan ako ng aking ama sa pamamagitan ng paghawak sa aking braso.
"Paumanhin Ginoo,ang aking anak ay makati lamang ang dila"saad ni ama.
"Sabihin mo sa iyong anak na mag-ingat sa pananalita! Baka kaparusahan din ang aabutin niya"saad muli ng tagabalita at pinatakbo ang kabayo nito.
"Sana mahulog ka sa kabayo"bulong ko sa aking sarili.
Tumingin naman ng masama ang aking ama sa akin at nagtungo ito sa loob ng aming munting tahanan. Alam ko na ang ibig-sabihin ng tingi na iyon kaya sumunod na lamang ako sa kanya.
"Napakatigas ng ulo mong bata ka!"galit na wika ni ama habang siya ay nakatalikod mula sa akin.
"Ama,hindi ba't tama lamang ang aking sinabi? Nais ko lang protektahan ang mga batang naririto" pagmamatigas sa wika ko.
"Ang ginagawa mong iyan ay magpapahamak sa iyo at sa lahat ng naririto! Elaxi,ang buhay mo ay kasing halaga ng bilang ng limpak-limpak na ginto."paliwanag ni ama pero wala akong naintindihan.
"Ama wala akong naintindihan sa lahat ng sinabi mo" saad ko at hinarap ang aking ama.
"Elaxi, para sa akin ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Kaya mangako ka na kahit na ano mang mangyari,manatili ka lang sa aking likuran at poprotekahan kita." Sambit muli ni ama pagkatapos ay lumabas na ito sa aming tahanan.
Sa matagal na panahon kaming naririto paulit-ulit kong naririnig ang salitang iyon galing sa aking ama. Pero ni minsan hindi ko naiintindihan sinubukan kong alamin kung ano ang ibig sabihin nito pero kahit isang paliwanag ay walang sinabi si ama. alam ko, batid ko na mayroon siyang tinatago sa akin at sana balang araw ay malaman ko ito. Sana.
Grego POV*
"Tuna'y ngang napakaganda mo aking sinta". Wika ko sa aking butihing minamahal.
"Sana'y maging makaganda at kapalaran nating dalawa mahal ko,sana'y mamuhay tayong dalawa sampu ng ating mga anak sa mga darating pang-panahon."
Nagising ako dahil sa panaginip na iyon. Isang panaginip mula sa nakaraan.
"Grego anong nangyayari sayo?"tanong naman ni Callista.
"Napanaginipan ko na naman siya. Natatakot ako paano pag..."putol na sambit ko.
"Hindi! Hindi mangyayari ang nais mong sabihin! Walang sinuman ang makakalam,wala"wika ni Callista at niyaya muli akong matulog.
Sana'y wala ngang makakaalam ng katotohanan. Upang maging ligtas ang aking pamilya.
Huminga ako ng malalim at muling bumalik sa pagkakahiga.
Elaxi POV*
Nagising ako dahil sa malakas na pagsigaw ni ama marahil ay nananaginip na naman ito. Kaya agad akong tumayo upang gisingin siya ngunit huli na ako.
Naabutan ko sila ni inang nag-uusap. Kaya minabuti kong pakinggan ito."Grego anong nangyayari sayo?"tanong ni ina
"Napanaginipan ko na naman siya. Natatakot ako paano pag..."putol na sambit ni ama dahil biglaan na nalang nagsalita si ina
"Hindi! Hindi mangyayari ang nais mong sabihin! Walang sinuman ang makakalam,wala"magaang wika ni ina ngunit sa bawat pagbigkas niya ng mga salitang ito ay batid kong may bahid ito ng pagka-kaba.
Anong lihim ang tinatago ni Ina at ama? May kinalaman ba ito sa akin o isa sa mga kapatid ko? Bakit pakiramdam ko may ibig-sabihin lahat ng binibilin sa akin ni ama?. Mas lalong nadaragdagan ang "bakit at kung ano" sa aking isipan.
Sasali pa sana ako sa kanilang usupan nais kong ipaintindi nila ang lahat pero nakita kong bumalik sa sila sa pagkakahiga at muli silang natulog. Alam kong pagod sila sa pagtatrabaho kayat minabuti ko naring bumalik sa aking higaan.
Mula sa aking higaan tanaw ko ang kalangitan. Umaga man o gabi,nababalutan parin ito ng kadiliman. Napaisip ako kung ano bang itsura sa labas ng Vamparian. Kung ano ang itsura ng langit at kung ano ang makikita dito bukod sa kadilimang natatanaw ko ngayon.
Sinubukan kong ipikit ang aking mga mata pagkatapos kong pagmasdan ang mapait na kawalan ngunit tila may tumatawag sa aking pangalan mula sa labas. Nilibot ko ang paligid gamit ang aking mga mata ngunit ni isang bakas ng tao o bampira ay wala akong nakita maliban na lamang sa tinig na hindi ko mabatid kung tinig ng ginoo o binibini.
Tumayo at lumabas,sinundan ko ang tinig na ito. At ito at nanggagaling malapit sa palasyo.
"Sinong tumatawag sa pangalan ko?"mahinang sambit ko.
Papahakbang na sana ako patungo roon ng makarinig ako ng kaluskos mula sa aking tambayan. Tumigil na ang tinig na tumatawag sa akin kaya tinahak ko na lamang ang daan patungo sa malaking puno kung saan ako tumatambay. Pagkarating ko doon ay tumigil na rin ang pagkalukos ng kung ano mang nilala ito. Ngunit naramdaman ko ang malamig na hanging dumadampi sa aking balat. Parang mayroong tumatakbo-takbo sa aking paligid.
"Sino ka!"sambit ko ngunit nanatili ang malakas na hangin.
"Huwag mo na akong takutin,matagal na akong takot"dagdag ko pa ng biglang may humawak sa aking noo,itinutok niya ang matutulis nitong kuko sa aking leeg at hinawakan ang dalawang kamay ko gamit ang isang kamay niya.
Para akong nawalan ng kaluluwa sa mga oras na ito dahil ni isang bahagi ng katawan ko ay hindi makagalaw.Ito na ba ang katapusan ko?
Hindi ko inisip na sa lupain ng Vamparian ako mamamatay. Ayaw kong dito mismo sa kinatatayuan kong malagutan ng hininga at dito maubos ang aking dugo.Napapikit ako sa sobrang kaba hindi ko mapigilang mapaluha. At ramdam ko na rin ang pagdabog ng aking puso, habang patagal ng patagal ay mas lalong lumalakas at bumibilis.
Hindi ako makagalaw. Parang naninigas ang aking katawan sa sobrang takot. Huwag naman sanang ito ang katapusan ko. "Naaamoy ko ang iyong dugo,napakabago" sambit niya kaya't napagtanto kong isa siyang lalaking Bampira. "Kapag tinikman mo ako,malalason ka at mamamatay"nangingig na wika ko. "HAHAHAHA" Weird na tawa niya at saka ako pinakawalan. Siya ngayon ay nasa harapan ko na ngunit natatakpan ng anino ng dahon ang kanyang mukha. Ng makita ko ang buo nitong katawan ay napakalma ako kahit man na nagtatago siya sa dilim ay naging magaan na ang loob ko. "Sino ka?"magaang tanong ko. "Sino ka muna?"patanong na sagot nito.Pambihira ako unang nagtanong. "Ang mga alipin dito sa Vamparian ay walang karapatang makilala."magaang wika kong muli. Sasagot pa sana siya ng biglang dumating
"Saan ka nanggaling?"-nagulat ako ng makita si Celeste na kakagaling lamang sa aking silid."Nagpahangin lamang ako sa labas"dinahilan ko naman sa kanya."Kung ganoon,bakit wala kang kawal-bampira na kasama?"-tanong niyang muli."Celeste, inaantok na ako bukas mo nalang akong tanungin." Inis na sagot ko sa kanya.Si Celeste, kung umasta sa akin parang asawa ko na. Lagi niya akong pinapakialaman sa lahat ng gagawin ko kaya naman inis na inis ako kanya. Maging ang reyna at si ama ay pinagtutulakan siya sa akin ngunit ngayon,nakilala ko na si Elaxi at nakilala na rin niya ako.Maaring siya ang daan upang lumayo ang loob ni Celeste sa akin. Nagtungo na ako sa aking silid. Hindi ko parin malimutan ang mga mata ni Elaxi m
Naramdaman ko na lamang ang hapdi sa aking leeg. Ang kuko ng Hari ay unti-unting bumabaon sa aking lalamunan."Matalas ang dila mo babae" saad nito at pulang-pula ang mga mata."Ama tama na!" Mahinahong saad ng isang nakabalabal at hinawakan ang braso ng Hari.Alam kong ang Prinsepe iyon. At sa pangalawang pagkakataon nais na naman niya akong iligtas. Tunay nga bang maganda ang intensyon niya sa akin? O ang lahat ng ito'y hindi totoo na nagkukuwanri lamang siya.Patulak akong binitawan ng hari at napaupo sa lupa."Estes tawagin mo si Tanda" utos ng Prinsepe.Ang Hari naman ay nanatiling galit sa lahat. Namumula ang kanyang mga mata na kapag tumingin ka rito'y tila nasusunog ang iyong kaluluha.Walang animo'y dumating ang tanda."Tukuyun mo kung sino ang may-ari ng buhok na ito Tanda!" Utos ng Hari na bakas parin ang galit sa mukha ni
Someone's PoV* "Nais ko siyang makita ng malapitanMaaari bang pagbuksan muli ang pinto ng palasyo para sa mga bagong Alipin? Maari ba?" Nagmamakaawang sambit ko."Siya nga ang iyong anak? Batid ko ang pagkatao niya, sapagkat nakita ko na siya." Saad ni Tanda."Nag-usap na tayo tungkol dito hindi ba? Pakiusap huwag mo itong ipaalam sa kahit sino man." Paki-usap ko."Saksi ako sa paghihirap mo bilang ina, ngunit ang hinihingi mong muling pagbuksan ang mga tao na maging bagong tagapagsilbi sa loob ng palasyo ay hindi ko matitiyak" saad nitong muli."Kung saksi ka sa paghihirap ko, muli akong nakikiusap, kumbinsihin mo ang hari".Elaxi PoV*Nitong mga nagdaang araw mas naging maghigpit ang mga kawal-bampira sa kautusan ng hari. Walang may alam kung bakit ganito na
Vlad POV* "Elaxi!!!!! Elaxi!!!!! Sumama ka na sa akin.Halika kana!!!!""Sino ka bakit gusto mo siyang kunin""Hayaan mo siyang sumama sa akin! Hindi kayo maaring magsama.""Bakit? Bakit ako sasama sa iyo.""WAHHHHHHHH!"Halos mahulog ako sa aking higaan dahil sa aking panaginip isang babaeng may asul na mata ang nais kunin si Elaxi.Asul na mata? Ang babaeng yun ang tinutukoy ni tanda pero bakit si Elaxi ang nais niyang kunin?Magiging madali sana ang pagtukoy sa aking mga katanungan kung nakita ko ang mukha ng nasa panaginip ko ngunit nababalutan ng Liwanag ang kanyang mukha tanging mga mata lamang niya ang aking nakita.Dali-dali akong bumangon at ginawa ang dapat gawin. Pagkatapos ay isinuot ko ang aking balabal,.hindi ako mapakali hangga't hindi ko nakikita si Elaxi. Nasaan
Elaxi POV* Tumakas na naman ako mula kay ama upang isauli kay Vlad ang balabal na naiwan niya noong una naming pagkikita.Yung lalaking tumulong sa akin kagabi ang sumalubong sa akin. Nagtungo kami sa puno ng adoben."Elaxi nasaktan ka ba? Okay ka lang ba?"sunod-sunod na tanong ni Vlad.Hindi ko siya sinagot at iniabot ko lamang ang kanyang balabal napansin kong nagtataka ito ngunit muli siyang nagsalita."Mamayang gabi susunduin ka ni Cecelion. May nais lamang akong ipakita sayo."makangiting saad nito."Bakit mo ako tinulungan?"magaang wika ko"Tinatanong pa ba yan? Mabuti kang kaibigan kaya kita tinulungan" sagot naman niya at pangiti-ngiti parin ito"Mabuti akong kaibigan sayo, ngunit ganoon ka rin ba sa akin? Kaibigan nga ba ang turing mo sa akin o isang alipin lang na kailangang utuhin?"diretsong
Ang Pagpapatuloy........Pagpasok namin sa palasyo ay may limang di katandahang mga babae ang lumapit sa amin."Sila ang magtuturo sa inyo kung ano ang gagawin niyo at kung sino ang pagsisilbihan ninyo."saad ng reyna at tuluyan na itong umalis.Sumunod naman ang Prinsepe at si Cecelion sa reyna.Lumapit ang dalawang babae sa amin ni Stella."Halika't sundan natin ang reyna"saad ng babae kay stella.Walang kibo naman ang matandang nasa harap ko. Nagtaas-noo lamang ito at naglakad. Patungo sa direksyon kung saan nagtungo ang Prinsepe at reyna.Sinasabi ko na nga bang ang Prinsepe ang pagsisilbihan ko!Ngunit wala akong magagawa kayat tatanggapin ko kung saan man nila ako ibibigay ang mahalaga ngayon ay makaisip ako ng paraan upang makalapit at malaman ang kahinaan ng hari.Hindi ko kayang patagalin pang mamalagi dito!
____Celeste POV*Hindi ako makapaniwalang kaibigan ni Vlad at Cecelion ang luna na iyon!.Nais ko siyang patayin dahil kumukulo ang dugo ko sa kanya at dahil sa kanya muling lumayo ang loob ni Vlad sa akin."Celeste nais kong ihayag mo lahat ng pangyayari!"saad ng Hari sa harap ng konseho ako magsasalita."Nasa loob ako ng silid ng Prinsepe ako ang mapapangasawa niya kaya naman nais ko siyang paligayahin kahit hindi pa kami kasal. Sa di katagalan nag-away kami ng Prinsepe dahil sa hindi kami nagkaintindihan nang biglaan nalang pumasok si Lun walang mascarilla si Vlad kaya naman hinarangan ko si Luna inihagis ko siya ng napakalakas at naitama ang katawan sa pader. Nais ko siyang patayin ngunit pinigilan ako ng Prinsepe. Hanggang sa sabihin ng Prinsepe na si Luna ay kaibigan din niya."salaysay ko."Ang ng aking anak walang kasalanan si Luna s