Share

CHAPTER 53

Author: Author Lemon
last update Last Updated: 2025-10-02 15:24:43

MAAGANG nagising si Kola kinabukasan dahil ang sabi ni Demus sa kaniya kagabi ay mamasyal sila sa hacienda sakay ni Bladimor. Naghilamos lamang siya at gumayak bago lumabas ng kaniyang silid. Pinakiramdaman ni Kola ang silid ni Demus na nasa harapan lamang ng silid niya ngunit tahimik na roon at tila walang tao sa loob. Marahil ay mas maaga itong gumising.

Mabilis siyang bumaba at lumabas ng ancestral house ngunit hindi rin niya nakita sa paligid si Demus. Tanging ang mga trabahador lang sa hacienda ang naroroon na binabati siya sa tuwing madadaanan niya ang mga ito. Napakabait ng mga taong naroon at mukhang mga masayahin.

Dahil hindi niya nakita si Demus ay nagpasya siyang puntahan si Lola Lucia sa kubo nito, at gaya ng inaasahan niya ay gising na ang matanda at nakaupo sa balkonahe ng kubo habang nagkakape, may mahina itong musika na nangagaling sa maliit na radyo.

Agad na sumilay sa mga labi ni Lola Lucia ang ngit nang mamataan siya. "Napaaga yata ang gising mo, hija?
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Criselda Rojas
peste binitin lang tayo mg update isa lang peste talaga
goodnovel comment avatar
Rhein Yan
update please
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • ONE NIGHT WITH THE BILLIONAIRE (TAGALOG)   CHAPTER 56

    "WOW! grabe ang laki naman ng bahay mo!" Hindi napigilang bulalas ni Kola habang nililibot ang paningin sa bahay na pinagdalhan nila ng mga gamit ni Rain. Malaki ang bahay at maganda ang interior design nito, tipong pinag isipan ang bawat detalye n'on. Pero napansin ni Kola na hindi pa kumpleto ang gamit na naroon. "Ikaw lang ba ang nakatira rito?" Usisa niya at tinignan ang babae habang tinatanggal ang mga gamit sa ibang box. Napansin ni Kola ang malungkot na ngiti na sumilay sa labi ni Rain ngunit daglian din iyon nawala. "Ako lang for now. Pero magh-hire ako ng kasambahay this week," anito sa masigla ng tinig. "Kailangan mo nga maghanap ng kasama sa bahay kasi ang laki, parang nakakatakot mag-isa," wika ni Kola na lumapit sa ibang box na hindi naman kalakihan at tinulungan na si Rain sa ginagawa. "I'm not scared here, just a little bored maybe," ani Rain at tumingin kay kola. "Salamat talaga at sinamahan mo ako. How can I repay you ba?" A genuine smile curves her lips.

  • ONE NIGHT WITH THE BILLIONAIRE (TAGALOG)   CHAPTER 55

    MATAPOS ang dalawang araw na nilagi nina Demus at Kola sa hacienda ay umuwi na sila sa Maynila. Hiling lang ng dalaga na sana ay makabalik pa siya roon balang araw dahil para sa kaniya ay isang paraiso 'yon. "S-salamat sa pagpaparanas sa akin ng buhay sa hacienda," ani Kola nang tumigil sa parking lot ng condo ang kotse ng binata. Gabi na n'on at medyo ramdam na ni Kola ang antok at pagod dahil sa byahe. "You don't have to thank me, Miss Matias. I just followed your list, remember?" Napatango ang dalaga at ngumiti. Kung sana lang na higit pa sa lima ang ipinagawa nito sa list. Mas marami pa sana silang magagawa ng magkasama. "S-sige na baba na ako," paalam niya sa binata at akmang bababa na siya ng kotse nang biglang hinila ni Demus ang braso niya. Bago pa makapagtanong si Kola kung bakit ay inangkin na ni Demus ang labi niya na lubos niyang ikinagulat. "There was so much more I wanted to do when we were at the hacienda… but I had to stop myself, Miss Matias,"

  • ONE NIGHT WITH THE BILLIONAIRE (TAGALOG)   CHAPTER 54

    "TEKA Demus, A-anong ginagawa mo?" Kabadong tanong ni Kola habang papalapit si Demus na ngayon ay tuluyan ng nahubad ang damit na suot. Napangisi ang binata at nakakalokong nagtanong din sa dalaga, "What do you think I am doing, Miss Matias?" Siyempre alam na alam ni Kola sa sarili kung ano ang nais na gawin ni Demus. Umatras ng ilang hakbang si Kola at kabadong tumingin sa paligid bago muling tumingin sa binata. "Seryoso ka ba? Gagawin natin dito? Baka may makakita naman sa atin..." "Pribado ang lugar na 'to, Miss Matias. Imposibleng may papasok dito na walang pahintulot namin." "P-paano kung may napadaang mga tauhan mo?" "Ano naman ngayon kung may mapadaan? Wala naman tayong gagawing masama, maliligo lang naman tayo." Natigilan si Kola at saglit na napaisip. "M-maliligo?" Paninigurado niya. Nagsalubong ang kilay ni Demus. "Yes. Ano ba ang dapat gawin?" Shit! Mali ba siya ng naiisip? "M-maliligo lang tayo? H-hindi tayo mag..." "Mag?" Inip na usi

  • ONE NIGHT WITH THE BILLIONAIRE (TAGALOG)   CHAPTER 53

    MAAGANG nagising si Kola kinabukasan dahil ang sabi ni Demus sa kaniya kagabi ay mamasyal sila sa hacienda sakay ni Bladimor. Naghilamos lamang siya at gumayak bago lumabas ng kaniyang silid. Pinakiramdaman ni Kola ang silid ni Demus na nasa harapan lamang ng silid niya ngunit tahimik na roon at tila walang tao sa loob. Marahil ay mas maaga itong gumising. Mabilis siyang bumaba at lumabas ng ancestral house ngunit hindi rin niya nakita sa paligid si Demus. Tanging ang mga trabahador lang sa hacienda ang naroroon na binabati siya sa tuwing madadaanan niya ang mga ito. Napakabait ng mga taong naroon at mukhang mga masayahin. Dahil hindi niya nakita si Demus ay nagpasya siyang puntahan si Lola Lucia sa kubo nito, at gaya ng inaasahan niya ay gising na ang matanda at nakaupo sa balkonahe ng kubo habang nagkakape, may mahina itong musika na nangagaling sa maliit na radyo. Agad na sumilay sa mga labi ni Lola Lucia ang ngit nang mamataan siya. "Napaaga yata ang gising mo, hija?

  • ONE NIGHT WITH THE BILLIONAIRE (TAGALOG)   CHAPTER 52

    ISINAMA si Kola ni Lola Lucia sa ancestral house. Naiwan si Demus sa kwadra ng mga kabayo kasama ng iba pang mga tauhan. Ang ganda ng ancestral house ng mga Moretti. Halos mga antique furnitures ang nakikita niya, kahit nasa balkonahe pa lang sila ay nasilip niya ang mga wooden stairs sa loob. Sa mga movies niya lang nakikita ang mga ganitong disenyo noon. "Pihadong inisip mo na isa akong tauhan dito ni Demus, tama ba ako hija?" Bahagyang namula ang pisngi ni Kola nang sabihin 'yon ng matanda nang umupo sila sa mga wooden chair na nasa balkonahe. "Sorry po." Humalakhak ang matandang babae na ikinagulat niya. "Nakakatuwa ka, hija. Ang dali mo naman mapaamin. Pero sanay na ako sa mga ganiyan dahil halos lahat ng taong nagpupunta rito na hindi ako kilala ay iniisip na mayordoma lamang ako rito dahil sa kubo ako nakatira." "Bakit po pala naisip niyong sa kubo tumira kesa rito?" Biglang may lungkot na dumaan sa mukha ng matanda pero panandalian lamang 'yon dahil

  • ONE NIGHT WITH THE BILLIONAIRE (TAGALOG)   CHAPTER 51

    "CANCEL all my appointments for the next two days." Nagulat si Kola sa narinig mula sa kabilang linya. Si Demus ang kausap niya nang umagang 'yon. "P-pero importante ang meeting mo bukas kay Mrs. Sacramenta," aniya sa binata. "Just cancel it, Miss Matias." Matigas na utos ni Demus sa dalaga. Wala sa loob na napatango na lang si Kola kahit hindi nakikita 'yon ni Demus. Kailangan niyang gawin ang mga sinabi ng binata, mukhang may mas mahalaga itong gagawin kesa sa meeting nito bukas. "And grab your things for the next two days, Miss Matias." "Ah? Bakit? Saan tayo pupunta?" Magkakasunod niyang usisa sa lalaki. "Just do what I said. I'll pick you up there in an hour." "O-okay..." Pagkatapos ay pinatay na ni Demus ang tawag. Mabilis na kumilos si Kola kahit hindi niya batid kung saan sila tutungo ng binata._______________________________ "A-ANO?! Sa Batangas tayo pupunta?" Hindi napigilang bulalas ni Kola nang malaman mula kay Demus kung saan sila pupunta K

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status