"HI. You must be the new A.E, right?" Ang tanong ng isa sa kanila na siyang may pinaka approachable na mukha. Pinagmasdan pa siya nito ng matagal at tila pinag-aralan ang hitsura niya. Ngayon lang siguro ito nakakita ng isang assistant na may pagka-manang manamit. "Hmm, yes. What can I help you with, sir?" She politely answered. "Oh, I'm Levin Montes by the way. We're looking for your boss." "A-ah, sorry, Mr. Montes but my boss is occupied at the moment and doesn’t want to be interrupted." Tsaka siya ngumiti ng bahagya. Sumabat naman ang isang morenong lalaki, "Don't worry, we can handle him." Naglakad ito patungo sa conference room ni Demus. Sumunod naman ang dalawa pa. Hinabol niya ang mga ito. "Wait mga sir," aniya at humarang sa pinto ng conference room. "Hindi po talaga siya maaring maistorbo, mainit ang ulo niya. Parang ganito oh." Sabay mwestra ng tila umuusok ang ilong. Ngumisi lamang ang tatlo. "You're funny, Miss. Pero gaya nga ng sabi n
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-08-27 อ่านเพิ่มเติม