ANMELDENShe needed money. He needed a wife. They entered this marriage for their own reasons, but will their hearts lead them somewhere neither ever intended to go? Love Was Never in the Contract.
Mehr anzeigenCalista Gale Almores' POV“Ano na naman ba ito?”Hindi ko agad napansin ang litrato.Nasa sahig ito, bahagyang nakasingit sa ilalim ng pinto ng kuwarto ko. Akala ko noong una ay papel lang na nahulog mula sa isang dokumento, kaya yumuko ako para pulutin.Pero nang makita ko ang larawan, nanlamig ang mga kamay ko.Ako iyon.Kasama si Alejandro.Kuha ang litrato noong gabing dumalo kami sa business gathering. Nasa labas kami ng venue, at nakahawak siya sa kamay ko habang papunta sa sasakyan.Hindi ko alam kung sino ang kumuha niyon. Mas lalong hindi ko alam kung paano ito nakarating sa harap mismo ng kuwarto ko.Binaliktad ko ang litrato.May nakasulat sa likod.HINDI IKAW ANG UNANG BABAENG PINILI NIYA.Ilang segundo akong nakatitig sa mga salitang iyon.Hindi ako agad nakagalaw. Parang may kung anong bumigat sa dibdib ko, kahit hindi ko pa lubos na naiintindihan ang ibig sabihin ng mensahe.Unang babae?May nauna ba sa akin?At kung mayroon, ano naman kinalaman ko room? Kinuha ko ang
Calista Gale Almores' POVIlang beses kong inayos ang laylayan ng suot kong damit habang nakatayo sa harap ng salamin.Dark blue silk dress. Simple ang design, pero halatang hindi basta-basta ang presyo. Si Teresa ang pumili nito para sa akin matapos sabihin ni Alejandro na kailangan kong sumama sa isang business gathering.Hindi ko alam kung bakit mas kinakabahan pa ako sa damit kaysa sa mismong event.“Ma’am Calista, naghihintay na po si Sir Alejandro sa ibaba,” paalala ni Teresa.Huminga muna ako nang malalim bago lumabas ng kuwarto.Nakita ko agad si Alejandro sa may pinto. Nakasuot siya ng black tailored suit, maayos ang pagkakatali ng necktie, at walang kahit anong bakas ng pagmamadali sa kilos niya. May kausap siyang lalaki sa telepono, pero nang makita niya ako ay agad niyang tinapos ang tawag.“You look good.”Napatingin ako sa suot ko. “Talaga?”Hindi na ito sumagot. Lumapit siya at inayos nang bahagya ang isang hibla ng buhok ko na napunta sa mukha ko. Pagkatapos, kinuha ni
Calista Gale Almores’ POVHindi ko alam kung dapat ba akong matakot o mainis sa litrato sa ibabaw ng kama ko.Sino ang nag-iwan no'n? Paano niya nalaman na nandito ako? At bakit parang gusto niyang ipaalala sa akin na hindi ordinaryong kasunduan ang pinasok ko?Paulit-ulit kong tiningnan ang sulat sa likod ng litrato.HINDI KA NIYA PINILI NANG BASTA-BASTA, CALISTA"Eh, ano ngayon kung hindi?” bulong ko sa sarili ko. "Hindi naman ako nag-audition para maging asawa niya.”Pero kahit anong pilit kong gawing biro ang lahat, hindi mawala sa isip ko ang litrato. Lalo na ang ideyang may taong palihim na sumusubaybay sa amin.Nang marinig ko ang katok sa pinto, mabilis kong itinago ang litrato sa drawer."Come in.”Bumukas ang pinto at bumungad si Alejandro. Nakasuot siya ng itim na pantalon at puting polo, nakatiklop ang manggas hanggang siko."Dinner,” sabi niya."Alam ko. Seven o'clock, di ba? Hindi pa naman ako nakakalimot sa loob ng isang oras.”Tiningnan niya ang relo niya."It's seven
Calista Gale Almores’ POVHindi ko alam kung matalino ba ang desisyon kong pakasalan si Alejandro Enzo Salvatier o isa na naman itong malaking pagkakamaling pagsisisihan ko sa huli.Pero pagod na akong tumakbo sa mga problemang hindi ko naman ginawa. Kung may paraan para mabayaran ang utang ng kuya ko at makapagsimula ulit, bakit hindi ko susubukan?Kaya nang tawagan ko si Alejandro, diretso na ako sa sagot."I'm in,” sabi ko nang sagutin niya ang tawag."Excuse me?”"Pumapayag na ako. Sa kasal. Sa kontrata. Sa lahat ng napag-usapan natin.”Sandaling katahimikan ang sumunod."Good. My driver will pick you up at seven tomorrow morning.”"Bukas agad?”"Do you have a problem with that?”"Wala. Nagtatanong lang naman.”"Then be ready.”Pinatay niya ang tawag bago pa ako makapagreklamo.Napatingin ako sa cellphone ko. "Ang sarap talaga niyang kausap. Parang laging may kaaway.”Pero kahit naiinis ako, nakahinga rin ako nang maluwag. At least, may malinaw na akong gagawin.Kinabukasan, dumir

![Mr. Bodyguard, It's Hard To Love You [Filipino]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)










Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.