Nainis si Anton dahil iniwasan siya ni Grrtchen sa eroplano pa lang. Tinakasan pa siya nito. "Gretel!" Walang lingon-likod ang babae. Napangisi ang mga kasamahan nila. Hindi plano ni Gretchen na ituloy ang anumang kaugnayan niya kay Anton kaya hindi niya ibinigay contact number nito. Hindi rin siya nagpahatid kung saan siya nakatira ngunit kung talagang iaadya ng pagkakataon na muli silang magkita. Hindi magawang sulyapan ni Gretchen ang lalaki ng makita niya sa loob ng compound si Anton. "Magkakilala kayo?" "Ha a e, Tita. Sort of" Inilapag na ni Gretchen ang isang container na tama lang para sa isang tao at patakbo siyang umalis. "Pasensiya kana, Iho. Masyado kasing mahiyain si Gretel. Hay naku, ipapakilala nga kita sa kanya eh para may makasama ka sanang mamasyal at hindi ka nagkukulong sa kuwarto mo." Napakamot si Anton ngunit hindi niya pinalampas ang pagkakataon na dalawin si Gretchen sa unahang bahay. Pagkatapos kumain ay nag-inat-inat ito sa terrace ngunit sinisilip k
Nagsalin ng alak sa baso ang binata at naalala ang nangyaring drag racing sa pagitan nila ni Archie. Hinawakan niyang mabuti ang kanyang manibela at tinapakan ang accelerator ng kanyang sasakyan matapos niyang makita ang pagbaba ng flaglet. Muli siyang pinagpawisan ng malamig at nakita ang isang nakakatakot na pangitain ng siya ay maaksidente. Nagpaikut-ikot ang kanyang kotse sa kalsada at sumalpok siya sa isang sementadong harang. Hinding hindi siya maaaring maaksidente sa pangalawang pagkakataon habang nasa alangain ang buhay ni Gretel.Muling nangarap si Anton ng kasal sa hinaharap dahil kay Gretel.“Gretel! Whew, bakit ba ang rupok mo, Anton?” Lumabas si Anton at naglakad-lakad. Pagtapat sa unang bahay ay tinawag si Gretchen. “Gretel! Gretel! Gretel! Lumabas ka diyan at kausapin mo ako. Harapin mo ako!”“Hello, Tony.” Nasa taas ito ng terrace.“Halika rito. Lumabas ka diyan at harapin mo ako.” Pasuray-suray na ang lalaki sa dami ng nainom. Mukhang hinahamon nito ng away ang babae
Nag-alala si Gretchen ng husto para sa ina. May nag-send sa kanya ng picture nito. Nakasuot ito ng pangkatulong sa mansion ng mga Baker. Hawak niya ang dalawang trash bag sa gate.“I told you! Hindi ka kasi nagkikinig sa akin. Sabi ko sa inyo, lalabas din ang tunay na ugali ng mga babaeng ‘yan. Hindi ka ipagtatanggol ng kinasama mo. Mama, sana ay matauhan ka na ngayon. Mama.” Iyak ng iyak si Gretchen sa loob ng banyo habang ibinababad ang sarili sa ilalim ng malamig na tubig.Hindi na niya naisip ang nangyari sa kanila ni Anton.Awang- awa siya sa ina. Hindi iyon ang gusto niyang mangyari noong umalis siya. Hindi niya gustong siya ang papalit sa mga gawaing – bahay na iniwan niya. Kahit patang-pata ang pakiramdam ng babae ay pinilit niyang kumuha ng plane ticket online.“Tita Celeste, I have to go and see Mama. Not much but I’ll call you back as soon as I get there.” Biglaan ang uwi ni Grethen hindi na siya nakapagpaalaam kay Anton. Wala rin naman siyang balak magpaalam dito ng maayos
Bumalik sa Pilipinas si Anton. Lalong dumoble ang sakit na kanyang naramdaman sa pag-alis ni Gretel ng hindi nagpapaalam. Hindi niya naintindihan kumbakit. Nagi-guilty tuloy siya sa nangyari. Hindi niya tatakasan ang kanyang pananagutan sa kanya. “BAKIT? BAKIT? Bakit kailangan nila palaging umalis ng hindi nagpapaalam? BAKIT?” Galit na galit na sumigaw si Anton sa loob ng kanyang unit. Umalis si Pauline ng hindi nagsasabi ng totoong dahilan at ganoon din ang ginawa ni Gretel. Ang mas masakit pa nito, hindi niya alam kung saan hahanapin ang babae. “Kumusta ang bakasyon mo?” tanong ng ina pagkabalik niya. Nakita ni Danes na malungkot ang anak. “Balita ko, may nakilala ka daw babae sa Mexico? Magkuwento ka naman.” But, Anton is not in the mood to talk and share his experience. “Mama…” “Yes, Anton.” Inakbayan siya ni Danes habang nakaharap sa salamin ng kanyang condo at nakatanaw sa mga building na nakapaligid dito. Tinapik ni Danes ang anak ng malaman ang tungkol sa babaeng kanyang na
Nagsimula ng panibagong buhay sina Gretel at Gretchen sa dati nilang bahay. Sinikap nilang punan ang kanilang pagkukulang sa isa’t isa. Ginawa nilang makabuluhan ang kanilang mga araw habang sila ay magkasama. Itinulak ni Gretchen ang wheelchair ng ina. “Puwede naman kasi akong maglakad eh!” “Mama, huwag na po kasing matigas ang ulo ninyo.” Nagpaaraw sa bakuran ang mag-ina. Pagkatapos ng ilang minuto ay nagtungo sila sa lilim ng malaking puno. “Mama, masaya po ba kayo kahit dalawa lang tayo?” Nangingilid ang luha nitong tumugon sa kanyang anak. Hinawakan ni Gretchen ang kamay ng ina at ikiniskis sa kanyang pisngi. “Wala na pong mang-aapi sa atin dito.” “Napakasuwerte ko dahil napakabuti mong bata, Iha!” “Masuwerte rin po ako dahil naging mama ko kayo.” buong pagmamahal na niyakap ni Gretchen ang babae. Muli niyang sinulyapan ang ina. “Parang may kulang sa inyo?” “Ano?” Kinapa ang sarili kung mayroon ngang kulang. Inilabas ni Gretchen ang isang tila professional make-up kit box n
Unti-unti pa lang nakakabangon si Anton sa kanyang kalagayan. Wala ni isa ang nag-reply sa kanyang mga message request na may pangalang Gretel Kennedy sa social media account nito.“I feel so pathetic, Pare!” Nilagok niya ang buong laman ng kanyang baso. Napapikit sa sobrang tapang ng alak na kanyang ininom at muling nagsalin ng alak.“Pare, bakit hindi mo na lang kulitin ‘yung tita niya sa Mexico. Bakit kailangan mo pang magpakahirap na hanapin siya sa kanyang social media account? Paano kung plano talaga niyang magtago sa iyo? At saka, bakit kailangan mo pa siyang hanapin kung ayaw naman niyang magpahanap sa iyo?”“Ah, basta, Pare. Tulungan mo na lang ako!”“May nangyari ba sa inyo noong babae kaya hindi mo siya makalimutan? Why not find another woman? Madali lang ‘yan.”“I have a precious moment with her. I can’t forget her.”“My precious!” Ginaya pa ni Basil ang pagkakasabi ng gollum sa isang palabas. Napangisi ito habang tinitingnan ang miserableng sitwasyon ng lalaki.Matapos ng
Halos sabay sa panganganak ni Gretchen ang pagbubukas ng GK-Skin Clinic and Beauty Care Spa. Mabilis ang Wanshin Construction sa kanilang mga renovations at very spacious ang dating ng bawat palapag ng mabuksan ang mga pader upang pagdugtuging ang magkatabing unit nito. Naplanong mabuti ang iba’t ibang klase ng mga kuwarto para sa iba’t ibang serbisyo. Marami ang natuwa sa unique taste and fresh idea ng mismong may-ari. Sa gawing labas, maging mga nagdaraang sasakyan at mga commuters ay napapalingon ulit sa buong building. Napapa-wow ang kanilang reaksiyon. Nagmistulang isang mall ang buong gusali dahil sa sari-saring beauty and skin care products and services ang matatagpuan dito. Bawat palapag ay parang loob lang ng cabinet ng isang babae sa pagpapaganda ng sarili. Lahat ay mga exclusive products ni Oakley mula rin sa kanyang sariling business. In a matter of months ay pinag-usapan ito sa iba’t ibang social media platforms. May mga artista ang sumubok na magpa-derma at garantisado a
BAKER’S MANSION7PM“OMG! Someone has spotted GK owner.” Halos himatayin si Angelica ng makita si Gretchen sa isang video clip ng balita.“Ang tanyag na Beauty Goddess ng ngayon ay sikat na sikat na GK Skin Care and Beauty Care Spa ay lulan ng eroplano galing pa ng America. Kasama nito ang kilalang dermatologist na si Dr. Oakley Williams at kilalang multi-billionaire CEO.” balita ng news anchor. Umismid lang si Angela sa narinig.“We can come and meet her.” Ginaya ni Angela ang sinabi ng kapatid.“O, ngayon ambait -bait mo kay Gretchen ha! Natatakot ka ba na pagbayarin ka niya sa pagpapa-facial mo sa clinic niya.” Hindi pinatulan ni Angel ang babae.“In fairness, very gentle sa skin ang mga products nila ang maganda ang effect sa balat ko sabi ni Marco.”Sinipat-sipat din ng dalawa ang kanilang mukha at tiningnan kung may nagbago ba ngunit sumimangot ang mga ito.“Parang hindi effective akin. Bakit ganoon? Kailangan ko bang i-try ang iba pa niyang services? Magpa-diamond peel kaya ako