ONE PERFECT WEDDING DAY

ONE PERFECT WEDDING DAY

last updateLast Updated : 2022-07-28
By:  Bb.TaklesaOngoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
3 ratings. 3 reviews
33Chapters
3.0Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

Who wants to become a replacement in someone else wedding day? Anthony Enriquez has a long history of failed relationships until it was concluded with a marriage but all of a sudden, the bride ran away with another man at the very last minute. Gretchen Kennedy is a modern-day Cinderella who was forced to escape from humiliation of her nasty step sisters and harassment from her step-father. Trying to seek safety and refuge, she went as far as Mexico. The two brokenhearted people yet single at the moment accidentally met in Mexico. Anton and Gretchen never imagined themselves being forced to marry a total stranger as a replacement bride and groom for that once in a lifetime special occasion any man and woman could ever dream of. The two imperfect people were matched by fate to make them believe that love at first sight and marriage can really happen. However, after consuming the first hundred days together, they made a serious decision to face the giant in their own lives. How will Anton and Gretchen forget the memory of their perfect replacement marriage? Will they accept the challenge of a real married life or remain single forever?

View More

Chapter 1

Chapter 1: SHE' S NOTHING!

A month ago, “I’ll come home, Mama.”

Ngunit si Gretchen ang nasorpresa. Pumasok ang sasakyang sumundo sa kanya mula sa airport at pumasok sa isang magara at kilalang subdivision. Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang Baker’s Mansion.

Taas – noo ang tatlong babaeng nasa harapan niya. Nakapameywang pa si Angelica. Nakahalukipkip pa si Angela at si Angel naman ay kukurap-kurap pa ang mga mata habang inaayos ang kanyang salamin upang makitang mabuti ang babaeng nasa harapan niya.

Mahigpit siyang niyakap ni Gretel. Masaya niya itong sinalubong at binati. Humarap siya sa mga babae.

“Girls, this is Gretchen. You’re Ate Gretchen.”

And her life was turn upside down simula ng araw na iyon.

Sabado ng umaga.

“Gretchen!” malakas na sigaw ni Angelica mula sa kanyang kuwarto. “Nasaan na ang false eyelashes ko?” Halos himatayin si Gretchen pagpasok sa loob ng kanyang kuwarto. Kalilinis lang niya sa loob nito ngunit para na namang dinaanan ng ipu-ipo.

“Gretchen, where are you?” malumanay ngunit nakakapangalisag ng mga buto ang tawag ni Angela. Pang horror ang peg. “Mali-late na ako sa date ko, wala pa ba ang make-up artist na tinawagan mo?”

Ayaw ng pumunta ng make-up artist dahil hindi na raw niya alam kung paano pa pagagandahin ang kanyang mukha. Inilihim na lang iyon ni Gretchen kaysa naman ma-high blood pa si Angela kapag sinabi niya iyon.  

Ngumiti-ngiti pa si Angela at kinindatan ang sarili sa salamin.

“How was it?”

“Hindi na masama. Puwede nang pagtiyagaan? Pero sa susunod, book an appointment early sa sikat na make- up artist. I want to look fabulousa!” Hinawakan ang kanyang balikat ngunit may diin kaya napangiwi sa sakit na naramdaman si Gretchen.

“Hindi ka pa ba tapos diyan, Ate Gretchen? Ako naman.”

“Coming!”

Wala nang pressure pagdating kay Angel. Simple lang ang gusto niya. Konting blush on at lipstick ay okay na.

“How about you? Do you have a date tonight?” Umiling si Gretchen.

Bago umalis ang mga ito ay ihahatid pa niya sa garahe, dala ang kani-kanilang mga bag. Hihintayin din niya ang mga sundo nila at sisiguraduhing nakuha rin niya ang plate number ng kotseng kanilang sinakyan.

“Saturday is always a worse day ever,” pabagsak na naihampas ni Gretchen ang kanyang apron sa sopa sa loob ng kanyang kuwarto.

Hindi na niya narinig ang pagbukas ng pinto at pagpasok ng kanyang ina.

“Gretchen…” sabay-haplos sa ulo nito ngunit napapitlag sa sobrang gulat si Gretchen at pati si Gretel at nagulat din.

“Mama…” hinagod ng babae ang kanyang likod habang nakayuko ito. “Bakit po ba natin kailangan pang umalis sa dati nating bahay? How did you meet this man?”

Tikom ang bibig ng ina at hindi na ito magsasalita. Palagi na lang ganoon ang nagiging takbo ng kanilang usapan. Walang nagawa si Gretchen kundi tumayo at sarili na rin niya ang kanyang inasikaso upang makalabas man lang matapos ang buong linggong nakakapagod sa loob ng mansion.

Alila ang tingin sa kanya ng mga kapatid.

Gretchen Kennedy is the eldest of all… and the yaya of them all. Nagmadali na siyang umalis ngunit hindi para siputin ang kanyang blind date. Kadalasan, may mga isini-set-up na date sa kanya ang step-father nito ngunit hindi niya sinisipot ang mga ito.

“Hoy, Gretchen! Abah, masyado namang high standard ka at pinaghintay mo si Oswald sa kanyang restaurant. Para sabihin ko sa iyo ha! Mayaman ang lalaking iyon. May tatlong branch siya ng restaurant sa iba’t ibang mall kaya huwag kang choosy.”

Yeah, sisipatin lang niya ang lalaki sa hindi kalayuan at saka ito magpapadala ng mensahe na hindi siya makakarating. Kitang-kita niya kung paano mainis ang mga lalaki. Natatawa na lang siya pagtalikod niya.

Uubusin lang niya ang kanyang oras sa pag-iikot sa mall. Pupunta sa mga cosmetics section at makikiusyoso sa mga saleslady doon. Manunuod kung paano mini-make-apan ang mga babaeng napadaan lang at nahila nila upang ayusan.

Saka siya uuwi.

Dahan-dahan pa siyang aakyat sa hagdan habang dinig na dinig niya ang kuwentuhan ng kanyang mga kapatid. Kanya-kanya silang pagbibida sa naging date nila. She is used to those girl thing pero hindi siya madaling kiligin sa mga usapan.

She has never experience that love at first sight moment that she kept hearing from the three of them. Hindi siya maka-relate kung paano nangyayari iyon sa dalawang taong first time lang magkita at may love na kaagad sa isa’t isa.

“Love kaagad? That’s impossible. ‘Yung iba nga diyan, kapag bumibili ng damit, halos ikutin ang buong mall. Lahat ng stalls and clothing boutique ay pinapasok at tumitingin muna ng magugustuhan.” Napangisi si Gretchen. “Love at first sight? What a poor thing?” 

Lalampasan na niya ang malaking kuwarto ng bigla itong bumukas.

Hinila siya ni Angela.

“Where have you been?” tanong niya sa itinuturing na nakatatandang kapatid.

“Nakipag-date ka rin? Abah, mabuti at mayroong sira-ulong lalaki ang pumayag makipag-date sa iyo.” Sumimangot naman si Angelica habang nag-aapply ng midnight cream para sa kanyang pisngi. Parang beast mode ang babae.

“Why don’t you share it to us?” Hinila ni Angel si Gretchen sa loob kahit gusto na sana niyang matulog.

“Do you ever believe that she will get a decent man to date with her? Paano niya i-introduce ang sarili niya? The bottom of the class, a juvenile delinquent in States at napa-deport sa Pilipinas for not finishing her studies abroad.” Tatlong malakas na palapak ang ibinigay ni Angelica.

“Hashtag Ang babaeng walang ganda!” Mahigpit na hinawakan ni Angela ang babae ni Gretchen. Titig na titig ito sa mukha ng babae.

“A slim body but flat chested lady, who cares about her? Walang lalaki ang lilingon sa iyo dahil mapagkakamalan ka lang bakla.” Dinaklot nito ang hindi kalusugang hinaharap ng babae.

Hindi nakailag si Gretchen sa ginawa ng kapatid. Sinulyapanan niya si Angel na busy sa kati-text at inutusang hawakan ang nakatatandang kapatid.

Inikutan ni Angelica si Gretchen at nanlilisik ang mga mata nitong tumitig ng diretso sa mga mata ng kausap.

“Virginity lang ang maipagmamalaki mo kung sakali but that’s even useless kung boring ka sa kama.”

“Atleast, that is something I could give for the only man that I love before I marry him.”

Malakas na sampal ang iginawad sa kanya ni Angelica. Sinabunutan siya ni Angela as a punishment.

Walang karapatan si Gretchen na sumagot at magsalita.

Sina Angelica, Angela at Angel ang batas sa kanilang magkakapatid and Gretchen is nothing.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

default avatar
grracechoi
salamat sa pagbabasa.
2023-02-05 12:12:26
0
user avatar
Big Boss
Wala pang update si Author
2022-12-08 23:55:35
0
default avatar
lodshawty
tagal kong naghintay ulit ng bagong books mo
2022-06-13 11:54:16
1
33 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status