Walang ganang bumangon si Gretchen ng umagang iyon dahil sa nangyari sa pagitan nilang magkakapatid. Sinusunod lang niya ang sinasabi ng in ana siputin ang mga blind dates niya.
“Anong nangyari sa date mo kay Philip? Sabi ni Angelo, pogi raw siya. Matangkad na lalaki at nakapagtapos sa Harvard. He majored in Economics.”
“Mama, I am not interested in any of them.”
“Kailan mo balak mag-asawa?”“Kailan ninyo balak umalis sa impiyernong ito?” Nakatikim din siya ng sampal sa ina.
“Hindi mo kailangang tawaging impiyerno ang bahay na ito.”“Then, tell me… bakit po kayo nandito? Bakit ninyo pinagtitiyagaan si Tito Angelo? Mahal mo ba siya? Sino ba siya sa buhay ninyo? Sabihin ninyo sa akin ngayon, para maintindihan ko!” Hindi na nakatiis si Gretchen. Pasigaw niyang tanong sa ina.
“This is not the right time, Iha!”
“Tinitiis ko po ang lahat kahit apihin nila ako at magmukha akong basahan basta’t makasama ko lang po kayo.”Tinakasan ni Gretchen ang marangyang buhay sa kanyang lolo makasama lang ang kanyang ina sa mansion.
“Hindi po muna ako magtatrabaho. I want to stay here with you, Mama. I missed you so much!” Iyon ang sinabi niya ng una silang magkita matapos ang mahabang panahon ng pagkakalayo nila.
Gretchen spent her ten years to study abroad. And all she got is humiliation from strangers na akala niya ay ituturing siyang kapatid pagbalik niya ng Pilipinas.
“Uy, panget!” tawag ni Angelica sa kanya. Siya talaga ang may lakas ng loob na tumawag sa kanya ng pangit.
“Yes, panget!” Nabigla siya sa kanyang sinabi at umilag kaagad sa kausap dahil alam na niyang hahampasin siya nito. “Yes, my dear sister na maganda. Anong kailangan mo?” Pinalitan niya ang tono ng kanyang pananalita at nilambing ang kapatid. Kaya namang abutin ng kanyang kamay ang kanin ngunit parang senyorita na gusto pa niyang pagsilbihan siya.
“How’s your date, Angelica?” tanong ng ama. Abala naman si Gretel na binibigyan ang lalaki ng kakainin.Ipinakita nito ang kanyang daliri. Nanlaki ang mga mata ng ama.“I am engaged, Papa. And he wants to marry me as soon as possible.” Napapalakpak pa ang lalaki sa magandang balitang narinig.“What did you give him?”“Ano po ba sa tingin ninyo ang dapat kung ibigay kung pakakasalan naman niya ako?” Napangisi ang ama. Alam na niya kung ano ang ibig nitong sabihin.“Sana hinintay mo munang ikasal kayo bago mo ibinigay.” Komento naman ni Gretel.“I am not like this woman here who preserves her virginity to the one she loves and marries in the future. What is that nonsense? You can’t even enjoy life kung nakasalalay lang sa lalaking iyon ang iyong kaligayahan. At kailan mo pa siya makikilala? Ni wala ngang magkagusto sa iyo eh!”
“Kung kailan, puti na ang uwak.” At hindi na napigilan ni Angela ang sarili sa katatawa.“That’s my girl. Dapat aggressive para magustuhan ka.”
“I learned so much from you, Papa.” Sabi pa ni Angelica.
“How about you Angela, dear?”
Inilabas nito ang isang black ATM card. Inilapag sa lamesa at ipinakita sa ama.“The brightest of all. Talagang pinapagana mo ang iyong utak, Angela.”
“Balak na po naming magpakasal next month.”
“Bakit parang nagmamadali naman kayo?” Natahimik ang lahat at nagkatinginan. Hindi naman nangiming sabihin ni Angela ang totoo.“I am two-weeks pregnant, Papa.”
Naibagsak ni Angelo ang kubyertos sa kanyang plato. Mas matindi pa pala itong si Angela sa kanyang ate. First date daw nila ay may nangyari na sa kanila dahil sigurado siyang mahal niya ang lalaki.“Kailan pupunta ang lalaking iyon at ang kanyang mga magulang dito sa bahay?”
“Pa, ipapasundo na lang daw po tayo nina Mama this Saturday so that we can make the necessary arrangement.”
“How about you, my Angel?” Hinaplos ni Angelo ang ulo ng kanyang anak. Kaga-graduate lang ni Angel sa kanyang culinary course.
“We are taking our time to know each other, Papa.”
“Mayaman ba? May mansion? Ilan ang kotse? Nakita mo na ba kung makapal ang laman ng bulsa?”
“P- papa… I think, it’s inappropriate to know all these on our first date. Iyon po ba ang tinanong ni Mama sa inyo noong una kayong mag-date?” Natigilan ang lahat. Pinigilan ni Angela ang kapatid.Tiningnan siya ng ama. “NO…”
“Exactly, did you ever asked Mama if she owns a mansion and how many cars does she own or how much money she had in her bank account on your first date?”
“NO…” muling sagot ni Angelo.“What I know is I can love this man and I think we can be together in the future so… mansion, cars, and money will just a secondary thing.”Sumeryoso si Angel sa kanyang ama.
Pagkatapos kumain ay si Gretchen na ang bahala sa dirty kitchen. Sinundan siya ng ina at sinamahan niya ito habang naghuhugas ng plato.
“How about you?”
“How about me? I am okay, Mama. Don’t worry about me. Masaya na ako sa mga prinsipe at prinsesa sa Disney to have a happy ending story.”
“Kailan mo naman balak ipakilala sa akin ang lalaking bumihag sa iyong puso?”
“Mama, stop it! Kinikilabutan po ako sa inyo. Ano ba ‘yang sinasabi ninyo?”“Anak, hindi ka forever sa tabi ko. I know, one day…iiwan mo ako at sasama ka sa lalaking mapapangasawa mo.”
“Date pa more hanggang sa masabi mong “He’s the ONE!” sabi ni Gretel.
Pagkatapos tingnan kung maayos na sa kusina ay nagtungo na ito sa kanyang kuwarto. Nagbukas siya ng telebisyon at isinalang ang bagong DVD about a princess and how she was able to find a man from a royal family.
Hindi niya inasahan ang pagpasok ni Angel. Naka-pause muna ang pinapanood ni Gretchen.
“Ate Gretchen, anong gagawin ko?”
“Bakit?”
“Hindi naman mayaman si Marco just like what Papa wants me to marry. Anong gagawin ko? Makikipaghiwalay ba ako sa kanya?”“Anong sabi nito?” At dinama ang tibok ng kanyang puso.
“Mahal ko siya.” Niyakap ni Gretchen ang kapatid.
“Huwag kang mag-alala. You made a good fight for your love.”
Inihilig nito ang kanyang ulo sa balikat ng ate at nagtiwala sa sinabi nito.
“Kailan mo sasabihin sa mama mo ang tungkol sa relasyon natin? I can’t wait to meet her. Tell me and I’ll be there.”Ilang beses na siyang pinapadalhan ng mensahe ni Oakley. Lalo lang sumasakit ang ulo niya sa lalaki kapag nangungulit siya.Isa pang hindi inaasahang bisita ang pumasok sa loob kasama ang ilang mga alalay nito. Nahintakutan ang lahat dahil pakiramdam nila ay may giyerang magaganap.“SINO DITO SA MR. ANTHONY ENRIQUEZ?” tanong ng matanda. May tungkod na ito ngunit buo ang boses at hindi halata ang katandaan sa kanyang boses. Maginoo ngunit astig ang dating.“Tatawagin ko lang po.” Mabilis itong pumasok at sinundan ang lalaki sa loob ng opisina ni Anton.Tumayo kaagad si Anton at sinalubong ang matanda. Iniabot nito ang kanyang kamay ngunit hinawi ito gamit ang tungkod. Inilapit ang kanyang mukha nang malapitan.“Hmmm, ikaw si Anton.” Sinipat-sipat niya ang lalaki. Inikutan niya ito at tiningnan mula ulo hanggang paa kahit paika-ika na itong maglakad habang nakatungkod.“Kilala mo ba ako?”“Yes, Sir. Kayo po ang may – ari ng buong building na ito.” Tumango-tango ang matandang don.“Good! But there is one thing I want to warn you about.” Nakinig mabuti ang binata.Si Mr. Esteban ang may-ari ng Skycraper Tower.
Tahimik na ang sitwasyon ng dumating si Clementine. Naka-lock ang pinto ng opisina ni Anton at walang nakapasok sa loob kahit anong katok nito.“May nangyari ba kanina?” Nakatalikod ang boss’ chair ni Anton at makalat sa loob. Nagkibit-balikat lang ang staff.Busy ito sa kanyang ginagawa. Hindi rin sila naglalakas ng loob na sabihin nito ang nangyari kanina dahil alam sa buong department na may gusto siya sa boss nila. Wala siyang narinig na alingasngas. Kahit si Margaux ay busy sa kanyang ginagawa ng silipin niya ito.Maagang umalis si Anton at hindi man lang niya ito nakausap. Nadatnan niyang konti pa lang ang tao sa club ng oras na iyon. Kenny G ang musikang pumailanlang sa buong lugar.Pag-upo niya ay inabutan siya kaagad ng bartender ng martini. Tinungga niya kaagad ang laman ng shotglass. Nakailang inom ay niluwagan na niya ang kanyang necktie. Napailing siya sa tuwing maaalala ang pagsugod ni Gretchen.“Anglakas ng loob! Ako pa ang susugurin na parang ako ang may kasalanan!” Na
“Kumusta ka na, Gretel? Angtagal na nating hindi nagkita. Hindi mo ba ako na-miss?” Maraming beses ng nakakatanggap ng mga anonymous message ang babae ngunit hindi niya ito pinapansin.“May sorpresa ako sa iyo! SURPRISE!” Ilang minuto lang ay nagkaroon na ng alarma ng sunog.Nagsagawa ng arson investigation sa GK-Clinic. Lahat ay nasimula sa bodega ng mga basura. Imposibleng magkaroon ng short circuit or any faulty wiring dahil kagagawa lang nito. Besides, mahigpit si Don Ador at mga kalidad na inhenyero ang kanyang inupahan upang masigurong maiiwasan ang ganitong mga klase ng problema sa hinaharap.Walang makita sa CCTV ng mismong building na iyon kaya humingi ng tulong ang mga pulis sa mga katabing building na mayroong CCTV para sa mga footages sa pagitan ng oras na naganap ang sunog. Mabilis na pinakilos ang mga imbestigador upang malutas kaagad ang kaso.Wala namang taong kahina-hinala ng araw na iyon. Tiningnan isa-isa ang attendance nila ngunit may absent pala. Iyon ang kanilang
Tiningnan ng doktor ang chart ng lalaki. Nakaupo na si Anton sa kanyang kama at bahagyang hinilot ang kanyang braso. Nanibago siya sa pagbuhat sa bata. Pina-x-ray pa kasi siya para makasiguradong walang malalang injury sa kanya.“Sir, okay na po ba ang pakiramdam ninyo?” tanong ng doktor.“Nothing serious.” tugon nito.“Puwede na rin po kayong ma-discharge ngayon. Leave the bill to us. It will be taken care of by GK Clinic.” paliwanag ng doktor.Hustong paalis na si Anton ngunit nagdadalawang – isip pa itong umalis. Nilingon niya ang kurtinang iyon. Nakatayo lang siya sa labas habang tila magulo sa katabing kama. Gusto rin sana niyang makita ang bata bago siya umalis ngunit nawalan siya ng lakas ng loob.Halos liparin ni Gretchen ang Ward Section kung saan dinala ang bata.“Bakit hindi ninyo siya dinala sa isang pribadong kuwarto?”“Hindi naman delikado ang nangyari sa kanya.” ani Gretel. “Kumusta po kayo, Mama? Hindi po ba kayo nasaktan?” Labis-labis ang pag-aalala nito sa ina lalo n
Hindi napuntahan ni Oakley si Tonia dahil marami itong ginawa. Nalaman na lang niyang hindi dumalaw si Gretchen sa ina ng ang bata mismo ang tumawag sa kanya.“Tito Oakley, is mommy there? When are you going to get me here?” Tinawagan niya si Gretchen ngunit nakapatay ang cellphone nito. Wala siyang nagawa kundi dalawin si Tonia.Gulat na gulat naman si Gretel ng makita ang lalaki sa bakuran ng mansion. Dinig ni Oakley ang pagsaway nito sa bata habang nakalublob ito sa tubig. Nasa likod-bahay sila dahil nagsu-swimming si Tonia kasama si George.“Ma’am, may bisita po kayo.” Iniwan na sila ng kasambahay.“Wala yata si Gretchen,” tanong ni Gretel.“Nasa clinic po siya.”“Oakley…” Seryosong tumingin si Gretel sa binata. “Alam kong matagal na kayo ni Gretchen. But you see, she had a daughter. Sa haba ng panahon na magkasama kayo, bakit hindi muna kayo magpakasal bago kayo magsama?”Hindi nakaimik si Oakley. Tiyak na iniisip ng kausap na hindi siya seryoso sa anak nito at baka ginagamit lan
Iniwasan ni Clem si Phoenix. Matagal nang gusto ng binata ang babae ngunit hindi rin siya nabibigyan ng pansin ng dalaga dahil si Anton lang talaga ang apple of the eye nito.“Alam mo Phoenix, huwag kang masyadong magpakahangal kay Clementine. Kay Anton lang umiikot ang kanyang mundo kaya hindi ka niya mapapansin.” Tinapat ni Margaux ang binata.Ipinagmamalaki kasi nito na crush niya si Clementine ngunit hindi naman ito siniseryoso ng babae. Sa kabila noon, hindi pa rin titigil ang binata upang makahanap ng tamang pagkakataon.Uminom ng alak ang babae kasama ni Phoenix. Nagpakalasing ito sa sobrang sama ng loob. Hindi sapat na nakaiyak na siya.“Ano bang kulang sa akin?” Nakayuko na si Clem at wala na sa sarili. Hawak niya ang bote ng alak.“Ipinagpipilitan mo kasi ang sarili mo sa kanya. Let go na kasi.”“Hindi naman ako si Elsa. Si Clementine ako.”“Oh! my darling, Clementine.” Muntik nang kantahin ni Phoenix ang sinabi niya. “Tama na kasi ang inom, halika na. Ihahatid na kita!”“Ay