That Seductive President is my Baby's Father

That Seductive President is my Baby's Father

Oleh:  VERARIBaru saja diperbarui
Bahasa: Filipino
goodnovel4goodnovel
Belum ada penilaian
50Bab
5Dibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Isang gabi, nakatanggap si Sanya ng hindi inaasahang tawag mula sa katrabaho. May komplikadong problema si Adler Samaniego sa kompanya, dahilan para hindi ito makadadalo sa meeting kasama ang mga investor. Bilang secretary niya, pumayag si Sanya na maging proxy ng President. Pero ang gabing iyon ay umikot sa pangyayaring hindi kailanman inakala nina Sanya at Adler. Isang mainit na gabi... na nagdugtong sa mga landas nila at nagtulak kay Sanya na harapin ang bagong kapalarang naghihintay matapos ang gabing iyon na puno ng pagkakamali. Kinailangan niyang talikuran ang karera, at takasan si Adler... ngunit paano nga ba niya matatakasan ang lalaki kung tadhana na gumagawa ng paraan para paglapitin sila?

Lihat lebih banyak

Bab 1

Chapter 1

“Sir, t-tumigil po kayo!”

Sinubukan ni Sanya na kumawala sa lalaki. Itinulak niya ang malapad na dibdib ni Adler gamit ang maliliit niyang kamay, ngunit walang saysay ang pagpupumiglas niya. Masyadong malakas ang lalaki para sa kanya. Mas lalong idinikit ni Adler ang sarili sa kanya.

Sinimulan ni Adler na atakihin ng matatalim na halik ang leeg ni Sanya. Ang karaniwang matigas at walang pusong presidente ng kumpanya ay tila ba nilamon ng nag-aalab na pagnanasa.

“T-Tutulungan kita, Sir… pero... hindi sa ganitong paraan," daing ni Sanya, habang nagpupumiglas.

Hindi pinansin ni Adler ang mga salita niya at sinimulang tanggalin ang butones ng suit nitong long sleeves. Iyon ang naging pagkakataon ni Sanya para makatakas.

Dinampot niya ang kanyang nahulog na cellphone at tumakbo patungo sa pinto. Pero hindi naging sapat ang kanyang bilis. Sa isang iglap lang ay nahawakan siyang muli ni Adler.

Sa pagkakataong ito, marahas na hinawakan ng lalaki ang braso niya at inihagis siya sa kama.

"Sir! Ano bang nangyayari sa ‘yo? Gumising ka!" sigaw ni Sanya.

Pinatahimik siya ni Adler gamit ang mapusok na halik. Awtomatikong sinampal siya ni Sanya sa mukha, galit na galit sa ginawa sa kanya ng kanyang boss.

"Tama na, sir! Sumusobra ka na!"

Ang kanyang mga salita at pagpupumiglas ay lalong nagpalala sa galit ni Adler. Sa isang iglap, nasa ibabaw na siya ng babae, mahigpit na inipit ito sa kama.

Hindi na napigilan ni Sanya ang sarili.

Umagos ang mga luha mula sa gilid ng kanyang mga mata. Pakiramdam niya ay yinuyurak ang kanyang katawan.

Walang-wala ang sakit na bumabalot sa kanyang katawan kumpara sa sakit na nararamdaman ng kanyang puso.

Sa isang iglap lang, nawala na ang virginity niyang matagal niyang pinrotektahan.

***

Nagising si Sanya dahil sa vibration ng kanyang cellphone. Kinapa ng kanyang mga kamay ang nightstand, nakapikit pa rin ang kanyang mga mata.

"Sanya, bakit wala ka pa sa opisina?" tanong ng lalaki sa kabilang linya.

"Uh, sino ito?" paos niyang sagot.

"Kagigising mo lang ba? Naku! Anong oras na? Hindi ka ba papasok sa trabaho? Kumusta si Mr. Samaniego kagabi? Ayos lang ba siya?"

Umalingawngaw sa tenga ni Sanya ang sunod-sunod na tanong ni Charles, pero isa lang ang tanong na tila ba nagpabingi sa kanya.

"Sanya!! Bakit ang tahimik mo?"

Nagsimulang bumalik ang ulirat niya. Agad niyang pinatay ang kanyang telepono nang hindi sinasagot ang tanong ng lalaki.

Malakas na kumabog ang kanyang dibdib. Naghalo ang lungkot, galit, at pagkakunsensya.

Napabaling ang kanyang mga nag-aalalang mata sa hubad na lalaking nakahiga sa tabi niya.

Payapang-payapa ang mukha ni Adler habang natutulog ito.

Napakainosente ng gwapo nitong mukha… isang tanawin na lalong nagpakirot sa tiyan ni Sanya dahil sa iritasyon.

Hindi niya maikakaila na hinahangaan niya si Adler. Sino ba namang babae ang hindi maaakit sa isang lalaking may malaking awtoridad, makapangyarihan… isang matagumpay at guwapong CEO?

Ngunit lahat ng mga damdaming iyon ay naglaho sa isang iglap at napalitan ng isang sugat na napakalalim.

"Aww..." ungol ni Sanya.

Nanginginig pa ang kanyang mga binti; bawat galaw ay nagdudulot ng sakit sa kanyang katawan. Gayunpaman, pinilit niya ang sarili na bumangon at maglakad.

Ayaw niyang makita siya ni Adler na naroon pa rin kapag nagising na ito. Kinuha niya ang mga damit niyang nakakalat sa sahig, pagkatapos ay pumasok sa banyo at maingat na nilock ang pinto.

Sa ilalim ng malamig na shower, ang mga nakakapasong alaala ay paulit-ulit na bumalik sa kanyang isipan na parang isang mahaba at malupit na pelikula.

Pinagtagpi-tagpi ni Sanya ang mga pagkakamali niya.

Bumalik sa kanyang isipan ang sandaling bigla siyang tinawagan ni Charles, ang personal assistant ng boss niyang si Adler, nang maghahatinggabi. Nagmakaawa ito sa kanya na maging substitute nito at samahan si Adler na makipagkita sa isang investor sa isang bar.

Pero pagdating niya roon, hindi nag-iisa si Adler. Sa halip na isang investor, kasama nito ang isang babaeng nakasuot ng pagka-sexy-sexy na damit.

Nakapulupot ang braso ng babae sa mga braso ng lalaki at hinila ito palabas ng bar. Wala siyang magawa kundi sundan ang mga ito. Sa loob ng elevator, pansin na pansin niya na patuloy lamang ang babae sa paglandi at paghawak kay Adler.

Ilang beses na tinanggihan ni Adler ang mga pag-aaya ng babae, ngunit nagpumilit pa rin ito at dinala siya sa isang kwarto. Kakaiba ang ekspresyon ng mukha ng boss niya nang mga oras na ‘yon, hindi katulad ng normal na lasing.

Agad naramdaman ni Sanya na may mali, kaya naman nagmadali siyang pigilan ang pagsara ng pinto ng kwarto. Natigilan ang babae nang makita siya.

Pagkatapos ng maikling pagtatalo nila, nagawa ni Sanya na paalisin ang babae. Dali-dali niyang inabot ang kanyang phone para tawagan ang doktor ng company pero bago pa niya magawa iyon, bigla siyang hinila ni Adler papasok sa kwartong ‘yon.

At doon na nga nangyari ang isang malaking pagkakamali…

Isang pagkakamali na sana ay naiwasan niya…

‘Sinadya kaya ni Sir Adler na i-hire ang babaeng iyon? Dapat hinayaan ko na lang sila sa anumang gusto nila! O dapat ay mas nagpursigi pa ako na makatawag sa doktor. Ang tanga-tanga ko!’

Pinikit ni Sanya ang mga mata at tumingala sa shower, hinihiling na mahugasan ng tubig ang sakit sa kanyang puso at mabura ang bawat alaala sa isip niya.

Umiyak siya nang tahimik doon, sinabunutan ang sarili at sinuntok-suntok ang dibdib.

Kahit gaano pa siya kadiin magkuskos, pakiramdam niya ay marumi pa rin siya.

Lumipas ang kalahating oras. Maputla at manhid na ang kanyang mga kamay, pero nasa ilalim pa rin siya ng umaagos na tubig mula sa shower. Halos maubusan na siya ng luha.

Wala na siyang pakialam kung matapos ang buhay niya. Bakit pa siya magpapatuloy sa buhay kung ang dignidad niya ay ninakaw na ng mismong boss niya?

Pero mabilis na bumalik sa realidad si Sanya nang sumagi sa isipan niya ang mukha ng kanyang ina. Hindi siya nabubuhay para sa sarili niya lang. Siya ang bumubuhay sa pamilya niya at kung wala siya, mahihirapan ang mga magulang niya na magpatuloy.

‘Hindi ako pwedeng sumuko. Kailangan kong bumangon at kalimutan ang lahat ng ito. Kahit na wala nang lalaking tatanggap sa isang babaeng kasingdumi at nakakadiring tulad ko.’

BRAK! BRAK! BRAK!

Ang tunog ng malakas na pagkatok sa pinto ng banyo ay pumutol sa kanyang mga iniisip.

May nawawalan na ng pasensya sa labas.

"Get out of there!"

Natigilan si Sanya nang marinig ang galit na boses ni Adler. Gumapang ang takot sa kanyang mga ugat at kalamnan. Parang tambol ang puso niya sa sobrang bilis ng tibok nito.

Huminga siya ng malalim at saka bumuga ng hangin.

Paulit-ulit niyang ginawa iyon para pakalmahin ang sarili. Magiging maayos din ang lahat, sabi niya sa sarili.

Isa na namang kalampag sa pinto ang nagpagulat sa kanya. Dali-dali siyang nagbihis at nagpatuyo ng buhok.

Huminto si Sanya sa harap ng pinto. Muli, sinubukan niyang ipunin ang lahat ng lakas ng loob niya. Pagkatapos, gamit ang nanginginig na mga kamay, pinihit niya ang seradura.

"S-sir..."

Nang makalabas sa banyo, para bang bulang naglaho ang lahat ng naipon niyang lakas.

Ang itim na mga mata ni Adler ay nagbalik ng takot niya sa nangyari sa nakaraang gabi.

Awtomatikong yumuko si Sanya, iniwasan ang matalim na titig nito. Bahagyang nanginig ang kanyang katawan at humakbang paatras.

“Why…” Tumigas ang ekspresyon ni Adler. “Why are you here?” Mabilis siyang na-corner ng lalaki, dahilan para mapasandal siya sa malamig na pader. “Anong ginagawa mo rito?! Anong nangyari?!”
Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Tidak ada komentar
50 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status