Share

Chapter 23

Luhennce went home early. Tamad na tamad akong nagbihis, Saturday ngayon means...no work. Mas nababagot ako dahil wala nanaman akong gagawin. Pinili kong sa labas nalang mag-almusal. Naka jogger pants lang ako na gray at gray na top before I goes off Kendrick's cafe.

Nang makapasok ay pasimpleng hinanap ng mga mata ko si Kendrick. Kumunot ang noo ko ng hindi ko siya roon makita. Nakaupo na ako't lahat lahat ngunit wala talaga siya, kaya nung may lumapit sa akin na waitress ay agad na akong nagtanong.

"Si Kendrick?"

"Wala po si sir ngayon mam, may pinuntahan po." Muling nagsalubong ang kilay ko, was it...Clarisse? Magkikita ba sila ulit?

Para akong nawalan ng ganang mag-almusal kaya tanging inorder ko lang ay isang cup ng cappuccino.

Nakahalumbaba lang ako habang nakatingin sa labas, nagulat pa ako ng medyo umambon. Hindi ko napansin na hindi kagandahan ang weather. Kanina pa ba ako lutang?

<
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status