Share

Kabanata 43

Wala akong naging problema sa mga nakalipas na semestre at halos hindi ko na namalayan ang bilis ng panahon dahil isang semestre na lang ay magtatapos na ako.

Wala rin naging problema sa pag-aalaga at pagiging magulang namin ni Aki kay Ali. Naging normal na sa amin ang salitan na pag-aalaga dahil nitong mga nakakaraan ay masyado akong abala sa pag-aaral.

“Hindi ako sigurado sa oras ko, Aki baka ma-late ako dahil kailangan pa namin i-finalize ang thesis,” nag-aalangang sambit ko. Kasalukuyan kaming nasa loob ng sasakyan niya at nagmamaneho para ihatid ako papasok.

Naging ganito na ang sitwasyon namin sa tuwing magkakaroon siya ng oras at kung hindi tambak ang trabaho sa kompanya.

“It’s fine, as long as you’re coming we will wait,” aniya. Nahihiya akong paghintayin sila.

Inimbitahan kami ng pamilya ni Aki na sumama sa isang family dinner, aniya’y gusto akong makausap ng Mommy niya. Lalo akong nahiyang magpahuli dahil baka importante ang sasabihin sa’kin ni Tita.

“Ito pala ang mga damit
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status