Sa mga sandaling ito, nababatid kong maraming naglalaro sa isipin ni Joaquin dahil sa mabilis na pagbabago ng ekspresyon sa mukha niya. Kumpiyansa ako na wala akong ginawang mali ngunit hindi ko alam kung paano ko magagawang ipaliwanag sa kaniya ang sitwasyon gayong wala akong maalala. " Anong ibig sabihin nito? " Pinasadahan niya ako mula ulo hanggang paa. Gumuhit sa mga mata niya ang sakit ngunit nang ibaling niya ang tingin kay Terrence, madilim na ekspresyon na ang nakita ko sa kaniya. " Joaquin, n-nagkakamali ka. Kung ano man ang tumatakbo ngayon sa isip mo, walang katotohanan 'yan. " Mabilis akong lumapit sa kaniya at tinangkang hawakan ang braso niya ngunit umatras siya palayo saakin nang hindi inaalis ang matalim na tingin kay Terrence. " Lovato, wala kang balak magpaliwanag? " lalo akong kinabahan dahil sa tono ng boses ni Joaquin. Nararamdaman ko ang tensyon na bumabalot sa buong kuwarto at hindi ko alam kung paano ko ito magagawang pigilan. Nagtama ang tingin namin ni T
" Dawn, ibaba mo 'yan..." Nanginging ang boses kong pakiusap kay Dawn ngunit bumungisngis lang siya sa harap ko at humakbang palapit saakin dahilan ng pag-atras ko. " You are funny as hell! Bakit takot na takot ka? Wala pa naman akong ginagawa! " tila tuluyan ng nawala sa sarili si Dawn dahil halos hindi na siya makahinga sa pagtawa niya. Mangiyak-ngiyak siyang nakatingin saakin habang nakahawak sa kaniyang tiyan. " Chill, bakit ba paatras ka nang paatras? Baka naman mahulog ka sa hagdan? " Lumingon ako sa likuran, may tatlong hakbang mula sa aking kinatatayuan bago ako makarating sa tuktok ng hagdan. Binalik ko ang tingin kay Dawn. " Paano mo...paano mo nagawang makapasok rito sa bahay? " " Natural sa pintuan! Ang stupid naman ng tanong mo. " Naiiling niyang sagot. Sumandal siya sa railings habang patukoy na pinapaikot sa kamay niya 'yong balisong. " Kawawa ka naman kagabi. Mag-isa ka lang sa kama, ano? Malandi ka kasi, eh. Kung sino-sino na lang talaga pinapatulan mo." Sandali
Bastos, mayabang at walang modo. Iyon ang mailalarawan ko sa isang empleyado ng kompanya na palaging naglalakas loob na kalabanin ako. Sa lahat ng opinyon ko, palagi siyang may komento. Masyadong mataas ang tingin niya sa sarili niya at pakiramdam niya, alam na niya ang lahat. Alam kong isa siya sa mga mahuhusay na mamamahayag na kinikilala ng Updated, kaya kung ipatatanggal ko siya sa trabaho, alam kong maraming tututol, kaya naman ako na ang gumagawa ng paraan para siya mismo ang sumuko at mag resign. Anong silbi ng mahusay na mamamahayag kung bastos at mayabang naman? " Miss Zenaida, mayroon tayong freedom of speech pero hindi sa ganitong paraan mo gagamitin 'yon. Kung kalokohan lang naman ang gusto mong isulat, sa social media ka na lang sana nagkalat. " " Excuse me? " Gumuhit sa mukha niya ang insulto sa sinabi ko. " Chief, grabe naman kayo kung makapagsalita. Unang-una, wala po akong alam kung bakit nag puro symbol ang fonts ng aticle ko. Alam ko sa sarili ko na pulido ang ga
Matagal akong nakatingin sa harap ng salamin, pinagmamasdan ang aking kabuon lalo na ang bandang tiyan. " Mukhang hindi naman halata, " bulong ko sa sarili suot ang isang kulay asul na blouse na tinernuhan ng itim na pants. Inalis ko mula sa pagkaka-paragan ang laylayan ng suot kong damit upang takpan ang unti-unting umuumbok na tiyan. Sa huling pagkakataon, tinignan ko ang sarili sa harap ng salamin kung mukha na ba akong presintable bago ako tuluyang lumabas ng kuwarto." Ate, may singkuwena ka ba d'yan? " ang salubong saakin ng kapati kong lalake, si Zachary." Bakit? Saan mo gagamitin? " tanong ko habang nakataas ang kaliwang kilay dahil sa pagkakaalala ko, nagbigay na ako sa kaniya ng isang linggong allowance. Miyerkules pa lang ngayon, imposibleng naubos na niya agad ang mga 'yon." Pandagdag lang sa pagpapa-book bind ng thesis namin. Apat na kopya raw pala ang kailangan, kaya kailangan ulit namin magbigay, " sagot niya saakin at kung babasehan ang expression niya, mukhang nags
Hindi ko na mabilang kung nakailang beses na akong nagmura sa isip ko habang nakatayo sa waiting shed at naghihintay ng masasakyan papasok sa trabaho. Alas singko nang madaling araw, gumigising na ako para ipaghanda ang sarili ko. Mga ala-sais y medya, aalis na ako ng bahay para magtungo sa waiting shed at maghintay ng masasakyan pero alas siyete na, nakatayo pa rin ako sa gilid ng kalsada kasama ang mga kagaya kong commuters na nakikipagunahan sa pagsakay sa bawat humihintong sasakyan. Karamihan ay mga estudyante ang kasama ko at handa silang makipagbunguan sa kahit na sino makapasok lang sa loob ng sasakyan. Tumingin ako sa suot kong relos, alas-siyete mahigit na pero puñeta, wala pa rin akong masakyan! " Hayaan na ang jeep! " Napalingon ako sa kaliwa ko nang marinig ang sigaw ng isang barker. Naging alerto agad ang mga kasama ko habang papalapit ang jeep sa gawi namin at hindi pa man ito humihinto, nag una-unahan na ang mga tao sa gilid ko para sumakay sa jeep. Kahit anong sita
" Anyare? Nag bardagulan na naman kayo ni Chief? " tanong ni Miss Lizzie— ang aming Senior Editor na kabaliktaran ng aming Chief Editor. Kung gaano kasungit 'yong isa, ganoon naman ka-approachable si Miss Lizzie. " Miss Lizzie, 'di ba po napa-check ko naman sainyo 'yong article ko na may title na 'Babae Ako, Hindi Babae Lang '? Bigla kasing naging Wingdings 'yong font na sa pagkakaalam ko po, Times New Roman ang naka-apply doon, " saad ko saka kinuha ang cellphone ko upang pumunta sa email para tignan 'yong files na na-send ko kay Miss Lizzie. Pagka-open ko, agad kong ipinakita sa kaniya 'yong files na mas malinis pa sa budhi ng Chief Editor namin. " Tignan niyo, okay naman 'yong font. " " Alam mo sa totoo lang, hindi ko rin alam ang sagot d'yan, Miss Zenaida. Nabasa ko nang buo 'yong files na na-submit mo saakin pero 'yong article na na-published mo kagabi, Wingdings talaga ang naka-apply. Kaninang madaling araw ko lang nakita. " Nakangiting saad nito na alam kong paraan para pagaa
" Ate, wala kang pasok ngayon? " tanong ni Zachary nang magkasalubong kami sa kusina. " Alas-otso ang pasok mo 'di ba? Mag a-alas siyete na. " " A-absent ako, " tipid kong sagot saka kumuha ng tasa para lagyan ng kape at asukal. " May mainit pa bang tubig? " " Wala na, teka magpapakulo ako. " Kinuha ni Zachary 'yong takure sa loob ng cabinet para lagyan ito ng tubig. " Himala at a-absent ka, ate? Kapag masama nga pakiramdam mo, pinipilit mo pa sarili mong pumasok. Ngayon, mukhang okay ka naman. So, bakit a-absent ka? " Tumingin ako sa paligid bago ako mag desisyong sagutin ang tanong ng kapatid ko. " Ikaw ba, papasok ka pa rin kung binuhusan mo ng maiinom 'yong professor mo? " Nanlaki ang mata nito saka dali-daling nilagay sa kalan ang takure bago ako lapitan. " Ate, sino ang binuhsan mo? Boss niyo? " " Huwag kang maingay. " Pinandilatan ko siya ng mata dahil baka marinig siya nila Mama. " Oo, ginawa ko 'yon kagabi. Buwisit, eh. Rinding-rindi na ako sa ugali niya. Daig pa ang ma
" Archer? " halos lumuwa ang mata ko nang makita ang isang guwapong binata sa harap ko. " Anong ginagawa mo rito? " " Nag r-relax. Katatapos lang ng shooting namin malapit dito, " anito saka kumaway sa mga kasama ko. " Kanina pa kayo rito? " " Hindi naman masyado.Kasisimula pa lang namin. Tara dito, maupo ka sa table namin. May mga kasama ka ba? " tanong ni Ruiz, saka tinapik ang natitirang space sa tabi niya pero sa gilid ko naupo si Archer. Binigyan ako ng kakaibang tingin ni Ruiz at Jana pero pinandilatan ko lang sila. Tumingin ako kay Terrence na saktong napatingin rin saakin, bago ko ilipat ang tingin kay Moira na muntik ko ng malimutan na kasama pala namin. Abala ito sa pagkain ng buffalo wings, mukhang ito lang ang dahilan kaya sumama siya saamin. " Ako lang mag-isa ngayon. Tumakas lang kay Manager Cha, ayaw kasi akong payagan lumabas, " ani Archer, " Tapos naman ng makunan 'yong lahat ng scene ko sa movie kaya akala ko marami na akong time mag unwind, pero ayaw naman ako pay