Share

Chapter 2

Hanggang ngayon wala pa rin balita sa asawa niya.. kay Emelyn. Tatlong taon na niya itong pinapahanap subalit until now wala pa rin magandang balita. Alam niya na buhay pa ang asawa dahil wala naman sila'ng nakitang katawan matapos ang bagyo. It's been fucking three years! at sa bawat araw na lumipas ay lalo lang nadadagdagan ang guilt niya. Kasalanan niya kung bakit nawala ang asawa.

"Sir, Mr. Lee is here he wants to discuss something to you."

"Okay. Send him in."

Si Mr. Lee ay ang finance manager ng kumpanya niya, ang E.D outsourcing solutions, isang BPO company na mostly ay US clients ang hawak na accounts.

"Good morning, Mr. Dela Cuesta,"

"Have a seat, is there any issue?" tanong niya ng makaupo ito sa harap ng mesa niya.

"Wala naman Sir, I just wanted to inform you that the HR department arranged a 2 days retreat program for our employee but this will be in batches."

"Is that necessary?" maang niyang tanong dito.

"Well, since it's from the HR I think it’s necessary."

"Okay, then what's the problem?"

"You need to approve the budget Sir. its a bit huge." binigay nito ang folder sa kanya at binasa iyon. Five hundred thousand for a 2 days retreat for hundred and fifty employees. Malaki nga. Tiningnan niya ang quotation kung saan gaganapin ang retreat activity. He was shocked when he saw the name and signature on the quotations!

Emelyn Garcia.. posible kayang? Napatitig siya sa pirma nito, bagaman may kaunting difference ito sa pirma ng asawa pero nakakatiyak siyang ang Emelyn Garcia na ito at ang asawa niya ay iisa.

"Mr. Dela Cuesta are you alright?" untag ni Mr. Lee sa kanya. Binaling niya ang tingin dito at pinirmahan ang quotation.

"This is aporoved. please proceed." sabi pa niya sabay abot dito ng folder. Nagpasalamat ito at umalis na ng kanyang opisina. Nag pasya siyang i-search ang pangalan ng retreat house baka sakaling may picture dito ang Emelyn Garcia na nakapirma sa quotation.

Mabilis niyang pinasadahan ang website ng retreat house at inisa-isa ang mga pictures doon. Puro mga pictures ito ng mga nag retreat sa lugar at mga pari at madre. Bigo siya'ng makita ang hinahanap. Isa na lamang ang naiisip niyang paraan.. iyon ay ang sumama sa mismong retreat program.

Emelyn POV

Sa wakas natapos na rin ni Emelyn ang program para sa darating nila Retreat activity para sa ED. Outsourcing solutions. Sana nga ay makatulong sila sa mga employee ng kumpanya.

Marahang katok sa pinto niya ang narining at kasunod noon ay ang pag bukas nito at pag sungaw ni faith.

"Ms. Emelyn narito po ang representative from ED outsourcing, gusto raw po kayo maka-usap."

"Okay Faith, papasukin mo na lang." Tumango ito bago niluwagan ang bukas ng pinto. Doon ay pumasok ang isang matangkad at singkit na lalake.

"Hi, I'm Mr. Lee, the Finance officer of ED BPO," iniabot nito ang kamay sa kanya.

"Nice meeting you Sir, I'm Emelyn Garcia, the manager of this retreat house, please have a sit." Ngumiti ito sakanya at umupo sa harap ng mesa.

"Naparito pala ako para ibigay personally in cash ang payment for the retreat activity of our company" iniabot nito ang envelop sa kanya at binuksan ang laman. Tumambad sa kanya ang lilibuhing pera.

"Hindi na po sana kayo nag-abala pa, maaari niyo naman itong i-deposito na lamang sa aming bank account" nahihiyang paliwanag niya dito.

"Its Ok, kapag ganyan kc kalaking amount we prefer to give it in cash. And oh by the way I hope you dont mind if we take pictures together as proof na ibinigay ko na yung bayad.. I hope it's okay with you?"

"Yeah sure, no worries." sang-ayon niya dito. wala naman siya'ng nakikitang masama roon. pumuwesto na siya malapit dito at nag selfie sila habang hawak niya ang envelop. Matapos noon ay nagpa-alam na ito sa kanya.

She smiled dahil malaking tulong ito sa center nila. Halos ilang buwan din silan'g walang naging guest kaya naman malaking tulong talaga itong dumating na blessings sa kanila.

Hindi na siya makapag-hintay na dumating ang araw ng activity nila.

Damian POV

Mr. Lee or Albert send him the picture of Emelyn Garcia at muntik na niyang mabitawan ang phone ng makita ang naka-ngiting mukha ng asawa! siya nga ito. His wife.. His beloved wife Emmy.. He suddenly remembered the day nung unang dumating ito sa mansion. He was 18 then at si Emmy ay 13 years old pero malaking bulas ito para sa edad niya.

"Mom who is she?" tanong niya sa ina pero ang mata ay nakatingin sa nakayukong dalaga. Naka palda itong mahaba at long sleeve na blouse. 'baduy' ng porma nito sa isip niya.

"Im glad youd here hijo, please meet Emelyn Garcia, from now on she will be staying here sa mansion. your Dad and I will sponsor her studies. please be nice to her ha" malumanay na turan ng mom niya. Nilapitan niya ito para mapagmasdang mabuti.

"hey look at me" sabi niya dito. dahan dahan naman itong tumingala sa kanya at bahagyang ngumiti. Nawala siyang bigla sa sarili ng masilayan ang mukha nito at ang ngiti nito. Napaka-amo ng mukha nito, bilugang mga mata, at mapulang mga labi. Napalunok pa siya ng mapagmasdan ang labi nito.

She's a beauty!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status