Share

Chapter 34

Inabala ni Lenie ang sarili sa iniinom niya na kape para lang di niya makita ang mga pasimpleng sulyap sa kanya ng binata habang nag sisibak ito ng kahoy. Bawat hampas nito ng palakol ay lumalabas ang mga masel nito sa braso. Nakasuot din ito ng white t-shirt at maong pants, lalo tuloy itong nag mukhang sexy model sa paningin niya. Hindi niya mapigilang mapalunok sa tuwing dadako ang tinging niya sa mukha nito na ngayon ay pawis na pawis na.

Halos mabuga niya ang iniinom na kape ng bigla itong mag hubad ng t-shirt dahil basa na iyon ng pawis. Kahit malamig naman ang panahon dahil may paparating na bagyo pakiramdam niya pinagpapawisan rin siya, kaya naman tumayo na lamang siya at pumasok sa loob ng bahay dahil baka mag kasala pa ang kanyang mga mata.

Lihim naman napangiti si Damian sa inakto ni Lenie, kahit na may amnesia ito ang gawi nito ay di pa rin nagbago. Madali pa rin itong mailang sa kanya kahit na ba ilang beses na rin nilang nakita

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status