FORBIDDEN REVENGE: She Stole My Man, I Steal Her Uncle

FORBIDDEN REVENGE: She Stole My Man, I Steal Her Uncle

last updateLast Updated : 2026-11-20
By:  YANIE writesUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
5Chapters
4views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Pitong taong pagmamahalan ang binuo ni Harold Valderama at Armienza Lilac Montecillo sa isa’t-isa. Ngunit sa isang iglap, gumuho ang lahat nang malaman ni Lilac na hindi pala siya ang babaeng pakakasalan ni Harold– kundi si Venice Montemayor na first love nito.  Sa ngalan ng pag-ibig at kayamanan, gagawin ni Venice ang lahat upang tuluyang maagaw sa kanya si Harold. Ngunit hindi magpapatalo si Lilac. Sa gitna ng matinding pighati at pagkabigo sa nasirang relasyon ay nakaisip siya ng mapanganib na paraan para makapaghiganti– ang akitin ang tiyuhin ni Venice na si Warren Montemayor.  Si Warren ay isang kilalang doktor at makapangyarihang bilyonaryo. Malamig, strikto at hindi ito madaling mapasunod. Lalo na nang malaman niya ang maduming laro na ginagamit ni Lilac para saktan ang kanyang pamangkin.  Ang hindi alam ni Lilac, matagal nang may lihim na pagtingin si Warren sa kanya. At ngayong nagkaroon siya ng pagkakataong mapalapit dito ay mas lalong sumidhi ang pag-ibig na matagal na nitong ikinukubli– ayaw na nitong mawalay pa sa kanya.  Handa kayang kagatin ni Warren ang pain ni Lilac kung mismong siya ay nahuhulog rin sa bitag? 

View More

Chapter 1

Chapter 1

LILAC

Aksidente kong narinig ang pinag-uusapan ni Harold at Richmond sa opisina. Nakatayo sila sa harap ng floor to ceiling window. Parehas nakatalikod kaya’t hindi nila napapansin ang pintong may siwang.

“Pare, sigurado ka ba sa ginagawa mo?” tanong ni Richmond.

“Oras na maikasal sa akin si Venice, siguradong mapapasa akin na ang kayamanan nila.”

Venice? His first love, Venice?

“Pinagawa ko na kay Lilac ang wedding dress niya. She will be the most glamorous and stunning bride in the whole city.”

Wedding dress? My wedding dress?

Nanginginig ang kamay ko habang pilit tinatakpan ang aking bibig.

I spent 10 nights working on it. Nasugatan pa ang mga kamay ko dahil sa mga beads na kailangang tahiin ng masinsin.

Hindi ko akalaing sa ibang babae niya ibibigay ang kasal na pinapangarap ko.

“Kay Lilac?! hindi ba’t siya ang long time girlfriend mo?”

“Wala akong balak na pakasalan ang babaeng iyon. She’s just good for fun.” saad ni Harold na tumawa na para bang isa akong malaking biro.

“Sayang naman na hindi siya ang pakakasalan mo. Maganda rin si Lilac at makinis pero hindi ba’t nangako ka sa kanya?”

“It was all part of the game, Richmond, ginawa ko lang iyon para kusa siyang gumawa ng wedding dress para kay Venice at isa pa, wala siyang karapatang tumanggi, hawak ko ang nanay niyang may sakit kaya kailangan niyang sumunod sa gusto ko.”

“Speaking of her mother, any updates about the kidney transplant? diba urgent na iyon?” tanong ni Richmond.

“Relax, everything is under control.”

“Anong ibig mong sabihin?”

“I made sure na hindi matutuloy ang kidney transplant. Sinabihan ko na ang mga tao ko na wag i-release ang approval.”

“Seryoso? bakit mo ginawa iyon?!”

“Because I need her to stay. As long as her mother needs treatment, she won’t dare leave me. She’ll do whatever I ask her to do.”

Seven years… biglang bumagsak ang mga luha ko. I loved him for seven years. I even gave up my career just to help him in the company. I can’t believe that he will do this to me.

Naninikip ang dibdib ko ngunit biglang nagring ang phone ko dahilan upang mapatingin si Harold mula sa siwang ng p***o. Kaagad akong nagtago para hindi niya ako makita. Kinuha ko ang phone ko, tinakpan at tumakbo palayo.

Sa may pasilyo ay sinagot ko kaagad ang tawag dahil galing iyon sa ospital. Sinabi nilang nagse-seizure at sumusuka ng dugo ang mommy ko kaya nagmadali akong pumunta sa ospital.

Nang makarating ako ay saktong inililipat siya sa ER. Mabilis na dumating ang doktor para tignan ang nanay ko.

Sa ER ay hinarangan ako ng nurse.

“Ma’am, pasensya na po pero hindi po kayo pwede sa loob.”

“Nurse, please, iligtas niyo po ang mommy ko, siya na lang po ang pamilyang meron ako, please po!”

Isinara na ng nurse ang p***o at naiwan akong nakatayo doon.

Tuluyang nanghina ang mga tuhod ko at napasalampak ako sa sahig. Nayakap ko ang aking mga tuhod. Kailangan kong mag-isip at gumawa ng paraan.

Hindi pa rin napapawi ang galit ko sa narinig kong pagtataksil sa akin ni Harold kanina at pagkatapos ay nasa kritikal na kondisyon naman si mommy ngayon.

Maya-maya ay lumabas ang doktor kaya agad akong tumayo.

“Doc, ano pong lagay ng mommy ko?”

“Hindi maganda. Kritikal ang lagay niya. Her kidney function has deteriorated, and she’s experiencing complications that require immediate intervention.”

“Pero… hindi pa po ba siya pwedeng sumailalim sa kidney transplant?”

“Yan ang need i-discuss. Her condition is getting worse. We cannot afford to delay the necessary treatment any longer.”

“Doc, gawin niyo po ang lahat para mailigtas ang mommy ko.” nag-aalalang sabi ko, ngunit isang lalaki ang biglang lumapit sa amin.

“What’s the patient's condition?” tanong nito.

“Dr. Montemayor.”

Isa pang doktor. Suot niya ang isang mamahaling dark suit sa ibabaw ng kanyang puting coat. May hawak siyang medical folder ngunit ang nakapukaw ng atensyon ko ay ang apelyido niya, ‘Montemayor’

“She’s experiencing severe complications. Kailangang ma-stabilize na siya kaagad, Doc!”

Kinuha niya ang medical records ni mommy at mabilis na tinignan ang mga results.

“Prepare the operating room. I want the latest laboratory results and contact the transplant team. I’ll personally handle the case.”

“Opo, Doc.” mabilis na sinunod ng isang doktor ang mga inutos ni Dr. Montemayor.

“Dr. Montemayor, iligtas niyo ho ang mommy ko.” saad ko na desperada na.

“You’re here daughter?”

“Opo. Ako po si Lilac Montecillo.”

“Dr. Warren Montemayor. I’m a transplant surgeon. Wag kang mag-alala, gagawin ko ang lahat para iligtas ang mommy mo.”

“Maraming salamat po, Dr. Montemayor!”

“Don’t thank me yet. We still have a long way to go.”

Mabilis siyang nag utos sa mga medical staff bago pumasok sa emergency room.

Sa labas, habang naghihintay ay nag research ako tungkol kay Dr. Montemayor.

Could he be the mysterious head of the Montemayor family? Isa ang pamilya Montemayor sa mga pinaka mayayamang pamilya dito sa bansa kaya ganon na lang ka-atat si Harold na pakasalan si Venice and with Dr. Montemayor's wealthy status, I can finally be free from Harold! pero… kaano-ano ba ni Venice si Dr. Montemayor?

Kung kayang gamitin ni Harold si Venice, siguradong-sigurado akong kaya ko ring paamuhin sa akin si Dr. Montemayor.

Naantala ang pagsearch ko nang lapitan ako ng isang nurse. Sinabi niyang binayaran na daw ni Dr. Montemayor ang mga hospital expenses namin at doon– nahanap ko ang aking sagot.

Nalaman ko rin na wala pa siyang asawa o anak ngunit pine-pressure na siya ng pamilya niya at kailangan na ng tagapagmana ayon sa mga kwento dito sa ospital.

Nang matapos ang operasyon. Sinabi niya sa akin na successful ito at stable na ang mommy ko sa ngayon pero kailangan pa rin ng close monitoring at at proper post operative care.

“Thank you for everything that you did to my mother. The surgery went well at dahil iyon sayo, Dr. Montemayor, I also learned that you covered our medical bills but… can I ask one more favor?”

“What favor?”

“I need you to be my mother’s doctor from now on, hanggang sa gumaling siya.”

“And what’s in it for me?”

“Listen, I know that your family is pressuring you to have a family of your own–”

“Excuse me?” napakunot ang noo niya, mukhang hindi niya gusto ang narinig niya.

“I can be a fake girlfriend if you want. I’m a virgin but I’m not naive. We can pretend that we’re… together. I’ll let you kiss me to make it look more convincing. You can also take me to family gatherings.”

Tinignan niya ako ng dahan-dahan mula ulo hanggang paa at masasabi kong kaakit-akit naman ako ng mga oras na iyon dahil naka office attire ako. Nakabukas ng bahagya ang butones ng aking blouse agaw pansin rin ang mala-hourglass body ko. His eyes says it all. Hindi niya lang maamin.

“Forget it, Ms. Montecillo, That’s my personal problem, not yours.”

Naglakad siya palayo, hindi niya man lang ako hinintay na magsalita. Hindi ko alam kung bakit, pero para bang may kung anong dahilan kung bakit siya tumulong. At para bang hindi rin siya masaya na makita ako.

Tinanggihan niya ako, pero hindi ako susuko! Mapapasakin ka rin, Dr. Montemayor! just wait!

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


reviews

VIENNA ROSE
VIENNA ROSE
Highly recommended!
2026-11-24 00:09:45
0
0
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status