Valderama Twin ay maghaharap na sa publiko 💀 Note: Bumalik na ang alaala ni Drako, pero nagpapanggap lang siyang may amnesia pa rin dahil kay Drugo.
Third Person's POVSa tahimik na hotel room na tinutuluyan ni Claudette, tanging tunog lang ng mahinang ulan sa labas at ang marahang tik-tak ng wall clock ang maririnig. Nakaupo siya sa gilid ng kama, yakap-yakap ang tuhod habang pinipigilan ang muling pagdaloy ng luha.Hindi siya sigurado kung pagod lang siya o talagang ubos na. Sa dami ng sugat na iniwan ng mga nakaraan, wala na siyang lakas para maniwala, lalo na kay Killian.Hanggang sa may kumatok.Pagbukas niya ng pinto, bumungad ang pamilyar na mukha ng kapatid niya—si Caleigh. May dala itong maliit na overnight bag, at may bakas ng seryosong intensyon sa mga mata.“Ate Caleigh?” tanong ni Claudette, bakas ang pagtataka. “Anong ginagawa mo rito?”“Can I come in?”Tahimik siyang tumango.Pagkapasok ni Caleigh, hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa. Umupo siya sa silyang kaharap ng kama, at diretso sa mga mata ni Claudette tumingin.“Nakausap namin si Killian,” panimula niya.Napapitlag si Claudette. Halos mabalewala ang init ng ts
Killian Nicolaj "Ano'ng sinabi n’yo?" mariin kong tanong, pilit pinapakalma ang sarili. Tumindig si Lolo Rafael mula sa kanyang upuan sa study ng mansion. Mabagal ang kilos niya, pero matalas ang tingin, parang laging may hawak na baraha na siya lang ang nakakaintindi. At ngayon, ang mga salitang binitiwan niya ay para bang isang bala na dumiretso sa sentido ko. “Tatanggalin namin si Claudette sa Adamson.” Umigting ang panga ko. Napasuntok ako sa lamesang nasa harapan namin. “You’re crossing the line!” "Hindi ba’t matagal na naming sinasalo ang lahat ng kahihiyan mong ginawa, Killian? Ngayon, buntis mo pa ang dating asawa ng kapatid mong si Larkin. Anong gusto mong gawin ko? Palakpakan ka?" "Si Claudette ang babaeng mahal ko. Anak ko ang dinadala niya!" sigaw ko, halos hindi ko na ma-control ang galit. "At iyon nga ang problema." Umikot siya sa paligid, parang isang matandang hari na pinaplano ang huling hakbang ng laban. “Ayokong maging katatawanan ang pamilyang ‘to. Kung mana
Mainit ang paligid ng conference hall ng Adamson University—hindi dahil sa panahon kundi sa tensyon na dala ng general assembly. Lahat ng professors, department heads, at staff ay naroon. Lahat pormal, nakaupo, may mga hawak na notepad, o cellphone, abala sa tahimik na pag-uusap.Ako naman, tahimik lang. Nakaupo sa dulong bahagi. Wala sa mood. Wala sa sarili. Ang iniisip ko lang ay kung paano makakaligtas sa araw na ito nang hindi na muling madudurog.Pero parang tinadhana talaga ng pagkakataon na ako ay paulit-ulit na pahirapan.Pagbukas ng double doors sa harap, isang pamilyar na tindig ang dumaan.Si Killian.Agad akong napatigil sa paghinga. Nakasuot siya ng navy blue suit, maayos ang buhok, at kahit anong pilit kong sabihing wala na akong pakialam, tumitibok pa rin ang puso ko sa bawat hakbang niya papasok sa hall.Pero hindi pa roon natapos ang lahat.Sumunod na dumating si Margaux. Nakasuot ng fitted white dress, may bitbit pang bouquet ng bulaklak na tila props lang sa isang s
Mabilis ang mga hakbang ko palabas ng ospital. Hindi ko na makita nang maayos ang paligid dahil sa luha. Parang sinasakal ako sa sakit, sa galit, sa bigat ng lahat ng natuklasan ko. Lahat ng pinaniwalaan ko… kasinungalingan. Pilit akong huminga nang malalim, pero parang hindi sapat ang hangin sa paligid. Ang dibdib ko ay tila pinipiga ng paulit-ulit. Halos matapilok ako habang nagmamadali palabas. Gusto kong mawala. Gusto kong tumakbo palayo. “Clau! CLAUDETTE!” Narinig ko ang sigaw ni Killian mula sa likod. Napalingon ako. Patakbo siyang papalapit, pero bago pa siya tuluyang makalapit, dalawang lalaki—mga bodyguard ni Don Rafael ang agad humarang sa kanya. “Sir, pinasabi po ni Don Rafael—huwag po munang habulin si Miss Claudette.” “Move!” galit na sigaw ni Killian. “Wala kayong karapatang pigilan ako!” “Paumanhin po, Sir. Order po ‘yon ng Don.” Nakita ko ang desperasyon sa mga mata ni Killian. Nakataas ang kamay niya, parang gustong abutin ang kamay ko kahit ilang metro pa ang
Magkahawak ang kamay naming lumalabas ng restaurant ni Killian, parehong may ngiti pa sa labi. Parang may sariling mundo ang puso ko—puno ng saya, puno ng kilig, puno ng pag-asa para sa kinabukasan naming dalawa. Hawak ko pa ang kamay niyang may lamig ng metal mula sa singsing na bagong suot sa daliri ko. Fiancé na niya ako. Sa wakas, ako na talaga. Walang ibang babaeng papakasalan si Killian. Ngunit ilang hakbang pa lang palabas ng pintuan nang biglang tumunog ang cellphone ni Killian. Tiningnan niya ang screen at agad nawala ang ngiti sa labi niya. "Shit," mahina niyang bulong, saka mabilis na sinagot ang tawag. "Hello?" Hindi ko narinig kung ano ang sinasabi ng nasa kabilang linya, pero nakita ko kung paanong unti-unting nabura ang liwanag sa mukha ni Killian. Nangunot ang noo niya. Nabitawan niya ang kamay ko. "Anong sabi mo?" tanong niya, nanginginig ang boses. "Saan dinala si Lolo? Okay… okay, I’m on my way. Stay there. Huwag ninyong iiwan si Lolo kahit anong mangyari." Pag
Claudette Aoife Villamor Hindi ko alam kung mas kaba o excitement ang nararamdaman ko habang nakaupo kami sa loob ng clinic. Tahimik lang si Killian sa tabi ko pero ramdam ko ang panaka-naka niyang tingin sa akin. Para bang binabasa niya kung ayos lang ako. Hindi ako sanay sa ganito. Sa atensyon. Sa pagkalinga. “Relax,” sabi niya, marahang hinaplos ang palad ko. “You’re gripping that bag like it’s gonna save you.” Napatawa ako nang mahina. “I’m just… nervous.” “Me too,” bulong niya, saka ngumiti. “But in a good way.” Bago pa ako makasagot, lumabas ang nurse at tinawag ang pangalan ko. Agad akong napatayo, medyo nanginginig ang tuhod. Tumayo rin si Killian, hindi ako iniwan. “Kasama po siya?” tanong ng nurse, nakangiti. “Fiancé,” mabilis na sagot ni Killian. Napalingon ako sa kanya, bahagyang nagulat. Ngumiti lang siya sa akin, parang sinasadyang iwasan ang mata ko. Pero ramdam ko ang kabang tinatago rin niya. Fiancé? Hindi ko pa nga siya sinasagot. Pilit kong pinakalma an