LOGINAkala ko mababaon ko na sa limot ang nakaraan. Eighteen years ago, I walked away from the man I loved, clutching the tiny life growing inside me, shattering my own heart to protect my child. Binuo ko ang mundo ko mula sa simula, pinalaki si Gian nang may lakas at pagmamahal, at hinubog ang reputasyon ko bilang Queen Verdict, hindi matatalo at matatag sa korte. Para sa akin, ang Maynila, ang lungsod ng pagkakanulo, ay mundo na isinara ko na magpakailanman. But life has a way of dragging you back into the fire. Nang mapilitan akong humarap sa imperyo ng Aragon sa korte, I’m not prepared for the ghosts of my past especially Nathan, now standing across the courtroom from me, representing the family that once tore us apart. Ang tensyon ay matindi, personal, at imposibleng balewalain. At si Laura, na parang anino ng dilim, na may bulong ng tukso at kaguluhan, nagpapakita kay Nathan ng dahilan para makalimot sa akin. I thought I could protect Gian from Nathan’s world, from their tangled history, but fate has other plans. Nang dumating ang panganib, napagtanto kong ang pag-ibig, katapatan, at tiwala ay laban sa sarili rin. Ang obsesyon ni Nathan, ang walang tigil niyang pagsunod, ang matinding proteksyon niya ay nakakaakit, nakakatakot, at nakalilito lahat ng sabay. I have a choice: let him back into our lives or keep the walls I’ve built, shielding my son from heartbreak again. Ngunit sa larong ito ng kapangyarihan, paghihiganti, at pagnanasa, natutunan ko ang isang bagay: a Queen rises, scars and all, to claim her throne. At gagawin ko ang lahat para protektahan ang pamilya ko, kahit harapin ang lalaking minahal ko noon ,kahit pa harapin ang aking mga kahihinatnan and the consequences I never imagined.
View More“Buksan mo na, Nate… may surprise ako.”
Tahimik ang hallway ng private lounge ng hotel, pero ramdam ko ang bass ng tugtog mula sa ballroom sa ibaba...parang tibok ng dibdib ko, mabilis, sabik, puno ng pangako. Nakahawak ako sa maliit na sobre sa loob ng clutch ko, halos madurog sa higpit ng kapit ko. Isang pirasong papel lang ‘yon, pero buo nitong binabago ang mundo ko. Ang anak namin. Huminga ako nang malalim, saka muling kumatok. Walang sagot. Napangiti pa ako, iniisip na baka nagbibihis siya o nag-aayos ng huling detalye para sa graduation ball naming dalawa. Latin honors kaming pareho. Ilang taon naming pinaghirapan ang gabing ito. Ilang gabing puyat, luha, sakripisyo at pangarap. “Nate?” mahina kong tawag, sabay tulak sa pintong bahagyang nakabukas. At doon, sa isang iglap na parang sinadyang durugin ang lahat ng inipon kong tapang, nakita ko sila. Hindi ko agad naintindihan ang eksena. Ang una kong napansin ay ang salamin sa dingding na nagbalik ng repleksyon ng dalawang aninong magkadikit. Sumunod ang tunog ng marahang ungol, isang hiningang naputol. At saka ko nakita nang malinaw: si Nathan, ang lalaking minahal ko nang buong-buo, nakasandal sa bar counter, hawak ang batok ng babaeng matagal ko nang kinatatakutan. Si Laura. Ang ex niya. Ang karibal ko. Ang babaeng ilang ulit nang sumubok na wasakin kami. Ang mga labi nila ay magkadikit. Walang pag-aalinlangan. Walang bakas ng pag-atras. Parang matagal na nilang hinihintay ang sandaling ‘yon. Napatigil ang paghinga ko. Parang may malamig na kamay na dumurog sa baga ko mula sa loob. Bumagsak ang mundo ko sa katahimikang mas malakas pa sa kahit anong sigawan. Wala silang napansin. Nakahawak pa rin si Nathan sa bewang niya, ang mga daliri niyang sanay humawak sa akin na ngayon, sa ibang katawan nakabaon. Si Laura naman, nakatayo sa pagitan ng mga hita niya, nakapikit, para bang wala nang bukas. Isang hakbang pa lang sana ang layo ko para sumigaw. Para itulak sila. Para sampalin siya. Para ilabas ang lahat ng galit, sakit, at pagkabigo na naglalagablab sa dibdib ko. Pero hindi ko ginawa. Tahimik akong umatras. Isinara ko ang pinto nang walang tunog. At doon pa lang ako tuluyang nabasag. Paglabas ko sa hallway, doon bumigay ang tuhod ko. Napasandal ako sa pader, nanginginig, hinahabol ang hangin na parang ninanakawan ako ng bawat segundo. Ang sobre sa kamay ko ay nahulog sa sahig. Yumuko ako para pulutin, pero nang makita ko ang itim-puting imahe ng sonography, napahagulgol ako. Ang tanga ko. Akala ko, sapat na ang pagmamahal. Akala ko, sapat na ang pangarap naming dalawa. Akala ko, sapat na ang magiging anak namin para manatili siyang akin. Hindi pala. Tumayo ako, pinunasan ang luha, at tinupi ang papel bago ibinalik sa clutch. Kailangan kong lumayo. Kailangan kong makalabas bago pa ako tuluyang lamunin ng sakit. Sa elevator, tinitigan ko ang repleksyon ko sa salamin. Maputla. Nanginginig. “Miss, are you okay?” Hindi ko alam kung ilang beses akong tinanong ng staff habang naglalakad ako palabas ng hotel ballroom. Hindi ko rin alam kung paano ko nagawang dumaan sa daan-daang estudyante, sa liwanag ng mga chandelier, sa ingay ng tawanan at palakpakan, nang hindi bumabagsak. Ang alam ko lang, bawat hakbang ko ay may kasamang kirot. Kanina lang, habang tinititigan ko ang sonography image ng baby namin, halos hindi ako makahinga sa saya. Ilang beses kong binalik-balikan ang larawan. Maliit na hugis. Munting tibok. Buhay. Kanina lang, iniisip ko kung paano ko sasabihin kay Nathan. Kanina lang, iniimagine ko ang mukha niya. Ang gulat. Ang tuwa. Ang luha. Kanina lang, naniniwala akong ito ang gabi na mas lalo naming pagtitibayin ang panghabambuhay. At ngayon... Parang zombie akong naglalakad palabas ng sarili kong pangarap. Lumabas ako ng hotel. Naramdaman ko agad ang ng malamig na hangin ng Baguio. Nanginginig ako, pero hindi dahil sa lamig. Dahil sa katotohanan. Umupo ako sa gilid ng fountain. Hinayaan kong dumaloy ang luha ko. Hindi hagulgol. Hindi hysterical. Tahimik. Para akong basag na salamin na dahan-dahang nahuhulog. Sa harap ko, patuloy ang buhay. May nagpipicture. May nagtatawanan. May nagtatakbuhan. At ako? Nasa gitna ng graduation ball, pero parang inilibing nang buhay. “Nathan…” bulong ko, nanginginig ang boses. “Paano mo to nagawa?” Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakaupo roon. Hindi ko rin alam kung ilang beses kong pinahid ang luha ko. Ang alam ko lang, sa bawat segundo, mas lalong bumibigat ang dibdib ko. Hanggang sa tumayo ako. Dahan-dahan kong kinuha ang sobre mula sa bag ko. Tinitigan ko ang sonography image sa ilalim ng streetlight. “Sorry, baby,” bulong ko. “Hindi ko na alam kung paano ka ipagtatanggol sa mundong ganito pero pangako kakayanin natin to.” Ibinalik ko ulit ang sobre ng sonography sa clutch ko. At naglakad palayo. “Georgina!” Narinig ko ang sigaw sa likuran ko. Hindi ako lumingon. “Georgina, please!” Mas lumakas ang tibok ng puso ko. Mas bumigat ang bawat hakbang. Pero hindi ako tumigil. Hanggang sa bigla niyang hinawakan ang braso ko. Napapikit ako sa kirot. “Let go,” sabi ko, mababa, nanginginig. “Hindi,” mabilis niyang sagot. “Please, just..just listen to me.” Huminga ako nang malalim bago dahan-dahang humarap sa kanya. At doon ko nakita ang mukha ni Nathan. Gusot ang buhok. Namumula ang mata. Hinahabol ang hininga. Parang kagagaling lang sa giyera. At sa isang iglap, bumalik ang lahat ng sakit. “Bitawan mo ako,” ulit ko, mas matigas ang boses. “Gina, hindi...” “Anong hindi?” singhal ko. “Anong hindi, Nathan?” Napahigpit ang hawak niya sa braso ko. “It wasn’t what you think.” Napatawa ako. Isang maikli, mapait na tawa. “Talaga? Kasi ang nakita ko, halikan. Hindi aksidente. Hindi pagkakamali. Hindi ilusyon.” “Hindi ko siya nakita,” mabilis niyang sabi. “Akala ko ikaw.” Parang sinampal ako ng katangahan ng palusot niya. “Don’t insult my intelligence,” sagot ko. “Hindi kami magkamukha ni Laura.” “Gina, please...” “Stop.” Itinaas ko ang kamay ko sa pagitan namin. “Huwag mo nang ipagpatuloy. Mas masakit pang pakinggan.” Nakita ko ang pagkirot sa mata niya. Ang gulat. Ang takot. At para sa isang segundo, muntik na akong maawa. Pero naalala ko ang labi niya sa labi ng iba. At nawala ang lahat. “May sasabihin sana ako sa’yo ngayong gabi,” sabi ko, pilit na pinapantay ang boses. “Isang bagay na pinangarap kong ibigay sa’yo.” “Gina, please, tell me...” “Hindi na,” mabilis kong putol. “Wala nang saysay.” Parang may bumagsak sa dibdib niya. “Ano’ng ibig mong sabihin?” “Ang ibig kong sabihin,” mariin kong sabi, “hindi na kita kilala.” Nanginginig ang labi niya. “That’s not fair.” “Fair?” Napailing ako. “Ang fair ay hindi ang mahuli ang boyfriend mo na humahalik sa ex niya habang hawak mo sa bag ang larawan ng...” Nakita ko ang biglang pamumutla ng mukha niya. “Anong larawan?” Huminga ako nang malalim. “Forget it.” Hindi ko na kayang sabihin. Hindi sa harap niya. Hindi sa ganitong paraan. “Gina, please,” ulit niya, halos pabulong na. “Huwag mo akong iwan.” Doon tuluyang bumigay ang kontrol ko. “Too late,” sagot ko, mariin. “Iniwan mo na ako kanina the moment you decided to kissed her back.” At tuluyan kong hinila ang braso ko mula sa pagkakahawak niya. Tumakbo ako. Hindi ko na alintana ang tingin ng mga tao. Hindi ko na ininda ang lamig. Hindi ko na inisip ang sasabihin ng mundo. Ang alam ko lang, kailangan kong lumayo. Lumayo sa kanya. Lumayo sa sakit. Lumayo sa mga pangarap na hindi na kailanman mangyayari. Nakarating ako sa parking lot na halos hindi na makahinga. Sumandal ako sa kotse ko, napapikit ako at napabuntonh hininga. “Get it together, Georgina,” bulong ko sa sarili ko. “For your baby.” Muling bumalik sa isip ko ang sonography image. Para kanino na lang ngayon? Para sa sarili ko. Para sa anak ko. Binuksan ko ang pinto ng kotse ko. Umupo ako sa driver’s seat. Nanginginig ang kamay ko habang sinisindi ang makina. Bago ako umalis, tumingin ako sa rearview mirror. At nakita ko si Nathan. Nakatayo sa gitna ng parking lot. Mag-isa. Nakatingin sa akin na parang mawawala na siya. Para kaming dalawang taong pinaghiwalay ng digmaan na hindi na maaaring tapusin. Humigpit ang hawak ko sa manibela. “At this moment,” bulong ko, “pinipili ko ang sarili ko.” At umarangkada ako palayo. Hindi ko alam kung saan ako nagmaneho. Pumasok ako. Isinara ang pinto. At doon ko tuluyang hinayaan ang sarili kong gumuho. Bumagsak ako sa sahig. Mahigpit kong niyakap ang tiyan ko. “Sorry,” hikbi ko. “Sorry, baby. Hindi ito ang buhay na pinangarap ko para sa’yo.” Hindi ko alam kung ilang oras akong umiyak. Hanggang sa may kumatok sa pinto. Napapitlag ako. “Georgina,” narinig ko ang pamilyar na boses. “Buksan mo ang pinto. Please.” Napapikit ako. “Umalis ka na, Nathan,” sigaw ko mula sa loob. “Ayoko nang makipag-usap.” “Hindi ako aalis,” sagot niya. “Hangga’t hindi mo ako pinapakinggan.” Tumayo ako. Lumapit sa pinto. Ngunit hindi ko ito binuksan. “Wala nang dapat pag-usapan,” sabi ko. “Tapos na.” “Hindi,” mariin niyang sagot. “Hindi ito matatapos sa gano’n lang.” “Bakit?” Napatawa ako nang mapait. “Dahil may konsensya ka? Dahil nahuli kita?” Tahimik siya sandali. “Dahil mahal kita,” marahan niyang sabi. Parang may kumurot sa puso ko. Pero pinili kong maging matigas. “Kung mahal mo ako,” sagot ko, “hindi mo sana ginawa iyon.” Isang mahabang katahimikan. At saka, narinig ko ang paghinga niya sa kabila ng pinto. “Gina,” sabi niya, halos pabulong, “may sasabihin ka kanina.” Napapikit ako. “Wala na,” mabilis kong sagot. “You don't deserve it.” “Please,” ulit niya. “Sabihin mo sa akin.” Umiling ako kahit hindi niya ako nakikita.“Umalis ka na.” At sa katahimikang iyon, naramdaman ko ang bigat ng desisyon ko. Isang desisyong magbabago sa buhay naming tatlo. Lumipas ang ilang segundo. Hanggang sa marahan niyang sinabi... “Kung ano man iyon, hinding-hindi ako titigil hangga’t hindi ko nalalaman.” Napahawak ako sa dibdib ko. “Dahil kahit itulak mo ako palayo, Georgina, babalik at babalik pa rin ako.”“Love, medium rare pa rin ba o gusto mo nang well-done ngayong nasa Manila tayo?” “Medium rare,” sagot ko agad, hindi inaalis ang tingin sa menu, kahit ramdam kong tinititigan na naman ako ng anak ko na parang may binabalak. “At huwag mo akong tingnan ng ganyan.” Ngumisi si Gian. “Kasi kapag stressed ka, bigla kang nagshi-shift sa well-done. Science ‘yan.” “Law ang inaaral mo, hindi science,” balik ko. “Multidisciplinary thinker,” sagot niya sabay kindat. Napailing ako. Nasa isang steak house kami sa BGC, tahimik pero classy, sapat ang ingay para matabunan ang mga usapan, sapat ang liwanag para makita mo ang bawat galaw ng kaharap mo. Pinili ko ang lugar na ito dahil malayo sa korte, malayo sa media, at akala ko...malayo sa mga alaala. Nagkamali ako. “Love,” bulong ni Gian, biglang tumigil sa paglalaro sa cellphone niya, “tumingin ka sa kanan.” “Bakit?” tanong ko, pero sinunod ko pa rin. At sa mismong sandaling iyon, parang may humila sa sikmura ko pababa. Nakatayo sa may s
“Love, late na naman ako sa training, may hearing ka na naman ba?” Huminto ang kamay ko sa pag-aayos ng kuwintas ko nang marinig ko ang boses ng anak ko mula sa hagdan. Tumango ako kahit hindi pa niya ako nakikita.Nakasanayan na niya akong tawaging Love mula noong ipagtapat ko sa kanya ang tungkol sa ama niya. He said he will fill me the love that his dad failed to give. “Oo Babe,” sagot ko, hinila ang blazer ko palapit sa katawan. “Dalawang arraignment at isang pre-trial. Bakit, aabsent ka na naman?” Lumabas siya sa kwarto niya, suot ang itim na hoodie at basketball shorts, basa pa ang buhok, halatang minadali ang paligo. Mas matangkad na siya sa akin ng halos isang ulo. Sa tuwing tinitingnan ko siya, parang may sumasaksak na alaala sa dibdib ko, mga bagay na pinili kong ibaon nang buhay. “Hindi,” sabi niya, sinabit ang bag sa balikat. “May scout. Kailangan kong magpakitang-gilas.” “Mag-ingat ka,” sagot ko, iniabot ang baon niyang packed lunch. “At huwag mong kalimutang kumain.”
“I need the earliest flight to Davao.”Iyon ang unang salitang lumabas sa bibig ko habang nakatayo sa harap ng airline counter, nanginginig ang tuhod ko, nanginginig ang kamay ko, at halos hindi makatingin sa mata ng babaeng kausap ko.“Ma’am, may 2:40 a.m. flight po,” sagot niya. “Last seat na po iyon.”“Kunin ko,” mabilis kong sabi. “Now.”May ilang segundo siyang nag-type. Ramdam ko ang bawat tibok ng puso ko sa tenga ko, parang countdown ng pagkalunod.“Confirmed na po. Boarding pass?”Inilapag ko ang ID ko sa counter. Hindi ko na inisip ang presyo. Hindi ko na inisip ang bukas. Ang alam ko lang, kailangan kong umalis.Ngayon.Sa loob ng airport lounge, mag-isa akong nakaupo, hawak ang maliit na maleta at ang shoulder bag na laman ang mga mahahalagang bagay gaya ng sonography image ng anak ko.Hindi ako umiyak. Wala na akong luha.Pero bawat segundo, parang may kumakaskas sa loob ng dibdib ko.Sa screen ng cellphone ko, may ninety eight missed calls.fifty three messages.Lahat gal
“Buksan mo na, Nate… may surprise ako.”Tahimik ang hallway ng private lounge ng hotel, pero ramdam ko ang bass ng tugtog mula sa ballroom sa ibaba...parang tibok ng dibdib ko, mabilis, sabik, puno ng pangako. Nakahawak ako sa maliit na sobre sa loob ng clutch ko, halos madurog sa higpit ng kapit ko. Isang pirasong papel lang ‘yon, pero buo nitong binabago ang mundo ko.Ang anak namin.Huminga ako nang malalim, saka muling kumatok. Walang sagot. Napangiti pa ako, iniisip na baka nagbibihis siya o nag-aayos ng huling detalye para sa graduation ball naming dalawa. Latin honors kaming pareho. Ilang taon naming pinaghirapan ang gabing ito. Ilang gabing puyat, luha, sakripisyo at pangarap.“Nate?” mahina kong tawag, sabay tulak sa pintong bahagyang nakabukas.At doon, sa isang iglap na parang sinadyang durugin ang lahat ng inipon kong tapang, nakita ko sila.Hindi ko agad naintindihan ang eksena. Ang una kong napansin ay ang salamin sa dingding na nagbalik ng repleksyon ng dalawang aninong












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.