HALOS mapanganga ako nang makarating kami sa bahay ng magiging amo ko. Napakalaki nito. Tila ba isang glass house dahil sa mga naglalakihang glass window. Para bang tatlong malalaking bahay na pinagdikit-dikit at maganda ang kinalabasan, nakakaakit dahil din sa kulay na napili para sa mga haligi nito. . . puti at kulay abo ang mga pader samantalang kulay kayumanggi naman ang mga naglalakihang pinto. Ang mga berdeng halaman at bermuda grass naman na nasa harapan ng bahay ay nagdadala ng lamig sa aking mga mata. Inikot ko ang aking paningin. Animo'y ginto ang malaking gate samantalang may malawak na parking space na halos kasya ang limang kotse. "We're here!" bulalas ni Ma'am Eisha. "A-Ang laki naman po ng bahay ng kapatid mo, Ma'am. . ." Hindi ko napigilan ang bibig ko habang patuloy ang pagkamangha sa mga nakikita. Tumawa sina Ma'am Eisha at Fatima marahil ay dahil sa reaksyon ng mukha ko. Sino ba namang hindi mamamangha sa ganitong kagandang bahay? Sa pelikula lang ako naka
NAGISING ako pasado alas dos ng madaling araw nang makaramdam nang pagkauhaw sa tubig. Nanunuyo ang lalamunan ko dahilan para bumangon muna ako at lumabas ng kwarto. Tumikhim ako at saka naramdaman ang sakit sa aking lalamunan pagkatapos ng ilang pagkalunok. Huwag naman sana akong magkaubo. Huminga ako nang malalim at naglakad sa madilim na pasilyo. Naglakad ako pababa ng hagdan at napatingin sa kabilang parte ng bahay kung saan makikita ang malawak na kwarto kung saan galing si Sasha kanina. May kaunting ilaw akong naaaninag galing do'n kaya baka nakauwi at nagpapahinga na ang amo ko. Sinikap kong maglakad ng tahimik at dumiretso sa kusina. Kumuha lamang ako ng baso sa cabinet at maingat na nagsalin ng tubig mula sa water dispenser nang maramdaman ang pagpasok ng kung sino galing sa aking likuran. Hindi ako nakagalaw at natigil sa pag-inom ng tubig. Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng fridge kaya naisip ko na baka ang amo ko 'yon! Dahan-dahan akong lumingon sa gawi niya.
UMAHON ang matinding kaba sa dibdib ko. Napatingin ako sa kanyang mukha at kitang-kita ko ang lamig sa kanyang mga mata, pirming nakatikom ang mapupulang labi at kalmado ang perpektong panga. Tumagal ang titig niya sa akin na animo’y binabasa niya ang nasa isip ko. Agad akong napayuko nang hindi makayanan ang mga titig na ‘yon. Masyado akong kinakain ng kaba na hindi ko na alam kung ano'ng dapat gawin. “I made a breakfast for you because you cooked for me last night,” saad niya. Naramdaman ko ang paglakad niya na mas lalong nagpatigas ng mga paa ko mula sa kinatatayuan ko. Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng fridge. Narinig ko rin ang pagkuha niya ng baso at pagsalin dito ng tubig. Pigil ang bawat hininga ko habang nakayuko at tahimik na pinapakinggan ang kanyang bawat galaw. Hindi ko rin napigilan ang pagkagat sa aking ibabang labi. “I’m glad that you already stopped working in that freakin' bar," pahayag niya pagkatapos ay sunod kong narinig ang pag-inom niya ng tubig. T
NAKAKAINIS mang isipin ngunit naubos ko ang pagkain na hinanda para sa akin ng lalaking ‘yon. Aminado ako na masarap siyang magluto pero kahit na gano’n ay hindi magbabago ang tingin ko sa kanya. “Masama ka pa rin,” saad ko habang pinagmamasdan ang halos malilinis na pinagkainan ko sa countertop table. “Masarap ka ngang magluto pero dahil pangit ang ugali mo, galit pa rin ako sa ‘yo.” Tumahol si Sasha habang nakaupo pa rin sa kabilang silya. Animo’y naintindihan niya ang mga pinagsasabi ko at dinidepensahan ang amo. Ngumuso ako at nangalumbaba sa mesa. “Ayaw mong pinagsasalitaan ko nang hindi maganda ang amo mo, Sasha?” pagkausap ko rito. Tumahol itong muli. Hindi ko napigilan ang mapangiti. Napakaganda at talinong aso naman nito. Alam na alam kung saan at kanino papanig. “Siguro ay mabait siya sa ‘yo kasi alaga ka niya pero hindi siya mabait pagdating sa ibang tao. . . lalo na sa akin. Kung alam mo lang kung ano’ng mga kalokohan ang ginawa niya sa akin sa bar, baka ako na a
ILANG minuto pa akong nananatili sa kinatatayuan ko at nakamasid lamang sa kanila. Mayamaya pa ay parang nakatulog na yata sa kalasingan ang amo ko. Si Sasha naman ay bumaba na sa sahig, halata ang pagka-excite dahil hindi matigil sa paggalaw ang kanyang buntot. Napakunot ang noo ko nang sinimulan nitong kagatin ang dulo ng pantalon ni Eionn. Walang pakundangan niya ‘yong hinila-hila. Dahil na rin sa pagiging malaking bulas si Sasha ay nahihila niyang talaga ang kanyang amo, hanggang sa tuluyan na itong mahulog sa sahig. Samantalang nagpatuloy ang aso sa paghila sa pantalon niya at parang gusto pa siyang kaladkarin. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at agad na napatakbo palapit sa kanila. “Sasha, itigil mo ‘yan! Ikaw talaga!" saway ko sa aso ngunit umaangil lamang ito at hindi tumitigil sa pagkagat sa pantalon ni Eionn. “Sasha, masama ‘yan! Nahulog na siya, oh!” Tumahol lamang ito ng ilang beses sa akin at pagkatapos ay mabilis na tumakbo paakyat ng kwarto. Aba! Ano kayang pr
HINDI ko na nasundan ang sunod na nangyari. Masyado akong nagulat sa nalaman ko na hindi ko man lang nagawang magsalita ng kahit na ano. Para bang bigla na lamang nagbara ang lalamunan at dibdib ko. Hindi ko alam kung paano pagtatagpi-tagpiin ang lahat. Higit sa lahat, masyadong binabaha ng mga katanungan ang isip ko. Napako ako sa aking kinatatayuan at tinitingnan lamang silang dalawa, pilit na pinoproseso sa isip ko ang katotohanang sumampal sa akin. “Why do you always come here whenever you’re drunk?” Halata ang iritasyon sa mukha ni Eionn nang daluhan ang kanyang kambal. Inakay niya ito patayo. Halos hindi makatayo ang kanyang kambal dahil sa sobrang kalasingan. Pinagmasdan ko itong mabuti. Ngumisi lamang ito sa akin habang namumungay ang mga tusong mata. “The bomb has finally dropped. Can you guess who is who?” natutuwa nitong pahayag sa akin. Bumungisngis pa ito habang nakaakbay sa kanyang kambal. “Ehryl, shut your fucking mouth!” galit na saway sa kanya ni Eionn.
HINALO ko ang kapeng katitimpla ko lamang. Hindi ko alam pero kinakabahan ako. Ano naman kaya ang pag-uusapan namin ng lalaking ‘yon? Bakit kailangan pa na sa kwarto niya kami mag-uusap? Ang laki-laki ng mansyon niya. Pwede naman sa sala. . . Huminga ako nang malalim at inilagay ang tasa ng kape sa platito at saka ipinatong ‘yon sa maliit na tray. Tumikhim ako, baka sakaling mai-ibsan no’n ang kaba sa aking dibdib pero hindi. Mas lalo pa yatang lumala pa yata 'yong lumala. Ilang minuto pa akong nanatili sa kusina para magpakalma. Hindi ko talaga mahagilap ang lakas ng loob para puntahan siya sa kanyang kwarto. Nakakainis na kailangan kong harapin siya gayong nahahati ang emosyon ko sa galit at pagkakunsensya. Dalawang lalaki sila. . . Hindi ko alam kung ano’ng mukha ang ihaharap sa kanya gayong ang pilyo niya palang kapatid ang dahilan ng mga galit ko. . . hindi siya. Sa huli ay mariin akong pumikit. Huminga ulit ako nang malalim pagkatapos ay kinuha na ang tray ng kape. B
MAAGA akong nagising kinabukasan. Lutang pa rin ang isip ko sa mga nangyari pero unti-unti kong tinatanggap kung ano’ng gustong mangyari ng tadhana. Naisip ko na minsan talaga ay hindi ko kalkulado kung ano’ng sitwasyon ang ibibigay sa akin. Ang tanging laban ko na lamang ay kung paano ko haharapin ang lahat kahit gaano pa kagulo ang ginagalawan kong mundo ngayon. Dumiretso ako ng kusina para simulan ang trabaho ko. Binuksan ko ang fridge. Yumuko ako ro’n at tiningnan kung ano'ng pwedeng lutuin para sa almusal. Ilang minuto akong nakatunganga ro’n hanggang sa mapagdesisyunan ko na magprito na lamang ng manok, itlog at mag-sinangag na kanin. Nilabas ko ang mga lulutuin ko mula sa fridge. Alas singko pa lang nang tingnan ko ang wall clock. Tulog pa siguro ang amo ko kaya naman mas maganda na ihanda ko nang maaga ang pagkain niya. “Same question, Elle. Bakit ka nagpahalik sa akin no’ng gabing ‘yon?Why did you surrender yourself to me?” Hindi ko alam pero hindi ko nasagot ang