Share

#68

  “OPO, Nay.” Tumango ako habang pinapakinggan ang mga payo ni Nanay. Tinawagan ko siya ngayong umaga para ipaalam ang pag-uwi namin ni Auntie Levi ngayong linggo. Lubos naman siyang natuwa sa binalita kong ‘yon. Nang tanungin niya ako kung bakit kami uuwi ay hindi ko na sinabi ang mabigat na dahilan. Mas maganda sigurong si Auntie na lang ang magsabi kay Nanay. “Hindi naman po ako nagpapakapagod. Huwag na po kayong mag-aalala, Nay. Ayos lang po ako.”

  

  “Masaya ako na uuwi ka na, anak. Miss na miss ka na namin dito, lalo na ng kapatid mo. Umaayos na rin ang lagay ng palayan natin kaya hindi mo na kailangang manatili riyan sa Maynila para magtrabaho. Mas kampante kami kapag nandito ka kasama namin,” ani Nanay sa nagsusumamong boses.

  

  Gumuhit ang malungkot na ngiti sa labi ko. Huminga ako nang malalim habang nakaupo sa kama at nakatingin sa mga damit do’n

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status