Share

Chapter 5

FAMILY GATHERING

"Are you excited?" Tanong ni ate sa akin na may malawak na ngiti.

"Of course!" Sagot ko kay ate na excited na excited. Ang tagal ko na din kasing hindi nakita si mommy since nag enroll ako sa university namin.Hindi nga pala namin pina alam ni ate kay mommy at daddy na uuwi kami sa bahay.

"Ate, hurry up!" Inis kong sabi kay ate.Mga babae nga naman ang tatagal kumilos uuwi lang naman kami sa bahay bakit kelangan pa mag make-up.

"Ma u-una na ako sayo sa parking lot ha i lock mo nalang tong pinto since nasa akin naman na yung susi." Pag mamadali kong sabi kay ate at lumabas na ako ng aking unit.

Habang nag lalakad ako papuntang elevator ay nag isip isip muna ako ng pwedeng ibigay kay mommy. Naisip kong pumunta muna kami ni ate sa flowershop para bumili ng favorite flower ni mommy, which is tulip flower para ibigay kay mommy.

Nang maka rating na ako sa elevator agad ko namang pinindot ang open. Nang mag bukas nga ito ay pumasok na ako. Dahan dahang sumasara ang elevator.

"Wait!" Sigaw ng isang pamilyar na boses sa akin. Agad naman niyang hinarang ang kanyang kamay dahilan para mag bukas uli ang elevator.

Inangat ko ang tingin ko at tinignan siya ng walang reaction.

Bakit andito tong kumag na to? Bakit andito siya sa condominium? Tanong ko sa aking sarili habang naka tingin sa kawalan.

"Ehem,Ground floor please" kai said. Tinignan ko ang floors button at pinindot ang ground floor since dun naman din ang punta ko sa may parking lot.

"So, we're in the same condominium" Kai added.

Hindi ko siya kinibo at naka tingin parin sa kawalan. Hindi naman kami close para mag usap. I don't care with him.

"Bingi naman pala to." Saad niya. Agad na nag pantig ang tenga ko at tinignan siya ng masama. "We're not close. So bakit kita kakausapin?"saad ko sa kaniya.

Since nasa 5th floor lang kami ilang sandali lang ay nasa ground floor na kami. Agad namang tumunog ang elevator at bumukas ito. Dumiretso na nga ako papuntang parking lot.

Naka rating na nga ako ng parking lot at inantay si ate sa gilid. Habang si kai naman ay dumeretso papunta sa kanyang sports car.

Kinuha ko ang phone ko para i check kung anong oras na and it's already 11 O'clock AM. Na e-excite na nga ako makita si mommy gusto ko na siyang ma yakap.

In just a few minutes andito na nga si ate."Bunso, can you hold it for me, ako na mag da-drive. Yung car ko nalang gagamitin natin." Saad ni ate. Agad ko namang kinuha ang kanyang bag at pumunta na kami kung saan naka parked yung car ni ate.

"Ate, daan muna tayo sa flowershop. Bi-bilhan ko lang si mommy ng tulips." Tumango naman si ate.

Habang nag da-drive si ate ay tumawag naman ako kay mommy para kamustahin siya.

"Hello, Mom?" Ani ko.

"Yes, dear.? How are you?" Tanong sa akin ni mommy.

"I'm doing well, kasama ko si ate ngayon may pupuntahan lang kami. How about you mommy?" Saad ko kay mommy.

"Oh i see, mag ingat kayo ng ate mo haaa. Marami pa akong gagawin bye." Ani ni mommy at agad namang binaba ang phone call.

Nasa kala gitnaan na nga si ate sa pag da-drive at malapit na kami sa flower shop.

"By the way, wala kabang pasok?" Tanong ni ate sa akin habang naka tingin siya sa daan.

"Nope, until saturday." Saad ko sa kanya.

Afterwards ay nasa flower shop na nga kami at agad naman ako binati ng mga staff.

"Good Morning sir." Masiglang bati sa akin ng mga staff.

"Good morning, can i order one bouquet of tulips?" Saad ko sa kanila habang naka ngiti.

Agad naman nilang binigay saakin ang isang pink bouquet of tulips. Kadalasan nag ra-wrapp pa sila ng tulips. Pero ngayon naka wrapped na agad. Binigay ko na nga ang cash at agad ng umalis.

Malapit na kami sa Ayala Land Premier kung saan kami naka tira. Matagal na kaming naka tira dito simula pa noong maliliit pa kami ni ate.

In just a few minute ay naka rating na nga kami sa bahay at dali dali akong bumaba habang si ate naman ay pinapark ang sa-sakyan.

Pinindot ko na nga ang door bell para pag buksan ako ng gate.

Pag bukas ng gate ay agad naman akong na gulat.

"Surprise! Welcome home!" Saad ng mga maid at nila mommy at daddy sa akin.

As far as i know hindi nila alam na darating ako dito. Humanda to sakin mamaya si ate for sure pina alam niya kila mommy na darating ako. Para namang may birthday ang daming handa na naka latag sa lamesa. Ang ganda at ang aliwalas parin dito sa garden. Walang pinag bago.

Agad ko namang niyakap si mommy at inabot sa kaniya ang flowers.

"Nasaan yung akin?" Tanong ni Daddy at nag sitahimikan naman ang lahat.

Hindi parin ma alis sa isip ko na nang babae si daddy nung bata pa kami at nakita ko si mommy na humahagul gol sa iyak. Until now na iinis parin ako sa kaniya.

"Let's eat na. Tara na at ma upo." Pag babasag ni mommy sa katahimikan.

Umupo naman ang lahat at kasama naming kumain ang mga maid. Tinuturing na rin kasi namin sila bilang pamilya.

Habang kumakain kami at masayang nag ku-kwentuhan. Napa tanong ako kay mommy.

"Mom, i thought may meeting ka?" Tanong ko kay mommy.

"Joke lang yun kasama yun sa plano namin ng ate mo."saad naman ni mommy sabay tawa.

Bumaling naman ang tinignan ko kay ate at tinignan ng masama. "Sabi mo hindi mo sasabihin kay mommy!" Ani ko kay ate.

Tumawa nalang si ate at si mommy.

"By the way, hanggang kelan ka dito?" Tanong sa akin ni Daddy.

"Until saturday."saad ko kay daddy na may malamig na boses habang nakain.

"So, uuwi ka ng sunday?" Tanong sa akin ni mommy.

"Yes, may welcoming party akong pupuntahan."Saad ko kay mommy sabay ngiti sa kanya.

"Where?"tanong sa akin ni mommy.

"Sa Forbes Park po sa makati." Saad ko kay mommy.

Agad namang binalot ng katahimikan ang paligid. At tumingin ako kay mommy. Nag tinginan naman sila ni Daddy at sabay smirk.

"Is there something wrong?" Tanong ko sa kanila.

"Wala naman anak." Saad ni mommy habang pilit na ngumiti.

Afterwards agad naman akong tumayo at nag pa alam sa kanila na pupunta ako sa aking kwarto. Matagal ko na kasing hindi na kikita yung kwarto ko.

Maayos parin at ma aliwalas katulad dati. Na higa ako sa kama at naka tingin sa sala. Nakaka miss dito ang tahimik. Huni ng ibot at bulong ng hangin lang ang maririnig mo.

"Buzz...Buzz...Buzz"

Nagising ako sa kawalan ng biglang mag vibrate ang phone ko.

Unknown number:

"Where are you? I'm here at your condo"

Napa kunot naman ang noo ko ng mabasa ko ang text message. Agad ko naman itong nireplyan.

Me: "Who's this?"

Unknown number: "Hulaan mo XD"

Me: "Okay, pede ko naman i block number mo."

Unknown number: "just kidding, this is me Brent."

Me: "wala ako sa Condo, nasa bahay ako nila mommy."

Saan naman nakuha ni brent yung number ko? Tanong ko sa aking sarili. Na alala ko nga pala na nag usap sila ni ate nung natulog siya sa condo ko.

"Ateeeeee!" Sigaw ko.

QUEEN OF HEARTS|_9HEARTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status