Share

Chapter 4

F.R.I.E.N.D.S?

Hindi ma alis sa isip ko yung mga nang yari sa'min kagabi. Agad na nga akong bumangon kahit na maaga pa para maka pag luto ako ng makakain ko. Akala ko ay umalis na si brent pero pag bukas ko ng pinto ay naka bungad sakin ang kanyang katawan na wala man lang ni isang saplot at mahimbing na natutulog. Kumuha naman ako ng extra na kumot at damit. Kincumutan ko siya at nilagay ang t-shirt at pants sa lamesa.

Pumunta naman na agad ako sa kusina para mag hanap ng ma luluto.

Afterwards agad ko naman ng inihain ang breakfast namin ni brent. Simple nga lang ang niluto ko since umaga palang naman. Nag luto ako ng sunny side up na egg and of course yung favorite kong hotdog na brown, tocino and coffee for us.

"Brent!" Sigaw ko ng magising siya.

Nan laki ang aking mga mata ng bumukas ang pinto ng condo ko.

"A-a-ate"pa utal utal kong sabi.

"Hi, bunso. Di pala ako naka pag text sayo na dito ako matutulog since wala akong pasok." Saad ni ate na masayang masaya at para bang excited siya na maka sama ako.

Habang nag bibihis si brent sa likod ni ate ay agad naman akong pumunta kay ate para hilain siya at paupuin sa lamesa at inayang kumain.

"You look like paranoid."ani ni ate at tumingin sa likod. "Who is he?" Tanong ni ate. "Ka-kaibigan ko nakitulog lang dito. Pa alis na din siya dibaaa???" Saad ko kay ate habang naka tingin kay brent at pinandilatan ko ng mga mata. "Come on, let's eat, join us" ani ni ate.

Wala akong nagawa kundi tumahimik nalang at kumain. Dahan dahang pumunta sa amin si brent at umupo sa gitnang upuan.

"What's your name?" Tanong ni ate kay brent habang nakain. "Bunso, timpla mo naman ako ng coffe." Utos sa akin ni ate.

"I'm Brent Evangelista." Pag papakilala niya kay ate habang naka ngiti. "You're so charming. So, ikaw pala yung bunsong anak nila Mr. Liam Evangelista right? One of the top 5 riches man." Ani ni ate kay brent.

"Here's your coffee ate." Singit ko sa pag uusap nilang dalawa. "You didn't tell me na magkaibigan pala kayong dalawa." Saad ni ate na may pagka mataray na boses. "Mag sha-shower nako ate may pasok pako e." Ani ko sa kanya at agad namang pumunta sa kwarto para kunin ang tuwalya.

After a few minutes ay natapos na ako maligo at naka pag bihis na din ako ng uniform ko.

"Isabay mo na to si brent at umuwi ka ng maaga." Ani ni ate. "He has a own car, Hindi ko na kelangan i hatid yan. I gotta go ate baka ma late pako. Ikaw na bahala dito sa bahay." Saad ko at agad naman ng umalis.

Wala pang isang oras ay naka rating naman nako sa university namin. Since may oras pa bago mag simula ang aming klase tumambay muna ako sa favorite spot ko kung saan lagi akong naka tambay.

Hindi sa kalayuan ay may natanaw akong isang lalaki na naka upo sa bench kung saan ako tumatambay. Si Kai na naman. Hindi ko na nga lang siya pinansin at agad akong umupo sa sahig at sumandal sa puno habang siya'y naka upo sa bench habang nag babasa.

"Pupunta kaba?" Kai said. Hindi ko nalang siya pinansin at pumikit nalang na para bang wala akong na rinig.

"Come and join us this coming sunday." He added.

"Buzz...Buzz...Buzz"

Kinuha ko ang aking cellphone sa bulsa dahil nag vibrate ito. Lagi kasing naka vibrate mode yung phone ko.

Inopen ko ang nag pop up na Group Chat.BSBA2FM(Batchelor of Science in Business Administration 2nd Years major in Financial Management.)

Kai: Hello, I would like to invite you guys to my welcoming party in BSBA2FM in my house. Here's the address.

Kai: Forbes Park, Metro manila-Makati.

Nikki: Duly Noted.

Jessica: hoy, kai same pala tayo ng village.

As usually silang dalawa lang naman lagi active dito sa GC yung iba nag si-seen nalang and nag re-react sa mga chats.

Binalik ko na nga lang ang phone ko sa bulsa at akmang tatayo na ng biglang nag salita si kai.

"Bakit hindi ka nag react sa message ko? Hindi kaba pupunta?." Kai said.

"Paki ko sa inyo."saad ko sa kanya at nag simula nakong mag lakad papunta sa first class ko.

"Tsk...sungit."kai stated.

Afterwards ay naka punta na ako sa classroom. As usual every wednesday wala kaming teacher nag bibigay nalang sya ng mga lesson sa Group chat namin.

U-uwi na nga lang ako since isang subject lang naman ang meron kami ngayon which is yung TOQMNGT or Total Quality Management every wednesday 4hours lagi time nya samin since nag chat naman siya na hindi siya makaka pasok kasi may urgent meeting sya. uuwi nalang ako.

Nag lalakad ako sa Hallway ng biglang may nag takip sa aking mga mata. For sure si Joe na naman to.

"Joe????" Pag tatakang tanong ko. Ang bango naman. As far as i know hindi nag papa bango si Joe ng mga pang manly na perfume. Nakaka refresh yung amoy nya ang bango.

"Guess who." Malamig at malalim na boses ang bumulong sa akin.

Tinanggal ko naman ang kanyang mga kamay at humarap sa boses na iyon.

"Be-be-brent?" Saad ko ng pa utal utal. Hindi parin kasi mawala sa isip ko yung mga nang yari samin kagabi. I don't know kung na aalala niya or hindi. Sa nakikita ko sa kanya parang hindi niya alam.

"Hi, how's your day?" Pag tatanong nya na para bang walang nang yari kagabi.

Siguro nga hindi niya na tatandaan since marami siyang na inom.

"Can we be friends?" He ask me out of nowhere kung pwede ba kami maging mag kaibigan. "Why?" I ask him with full of confidence.

"Ayaw mo ba? Naging mag ka kilala na tayo e naka pag overnight naman nako sa inyo naka pag usap naman na tayo at mag ka kilala naman na tayo, but if you don't want to it's fine." He stated while looking at my eyes and gives me a puppy eyes.

"Sure." Saad ko sa kanya at umaliwalas naman ang kanyang mga mata. Ang charming talaga ng muka niya lalo na't kapag binigyan ka ng nakaka lokong ngiti.

He suddenly hug me and says"Thank you Tristan." Nakaka gulat naman to pa bigla bigla.

"So, where are you going?" Tanong niya sa akin.

"Holy sh*t! Is that Brent?"tanong ng isang babae sa kasama niya."OMG siya nga!" Sabay tili na agad namang pumukaw ng attention ng nakararami.

"Brenttttt!" Sigaw ng babae.

"Brent Evangelista ng FEU???" Pa sigaw na tanong ng babae.

"He's so charming!" Saad ng isang babae.

Nang akmang aalis na nga ako he grabbed my wrist and he put his hand into my shoulder. "Soooo, where are you going? Mag de-ditch kaba ng class?" Tanong niya saakin sabay tawa. "Wala sa vocabulary ko yun." Sabay tabig ko sa kanyang kamay sa aking malikat. Ayoko kasing may naka akbay sakin nag mumuka akong soft. "Tapos na class namin kaya uuwi nako para maka pag pahinga." Saad ko sa kaniya. "I'll go with you." Brent said. "No, wala kabang bahay? Isa kayo sa mayayaman sa buong pilipinas bakit samin ka nakikitulog?" Pag tataas ko sa kanya ng boses.

"Easy...Easy, i'm just kidding. May pa welcoming party kasi Kai this coming sunday pupunta kaba? Because he invited me." Saad niya sa akin.

"I don't know, if i'm not busy maybe i can go there." Ani ko sa kanya at nag lakad nako pa alis.

Siya naman ay tumakbo pa punta sa kaniyang kotse na naka park sa tapat ng university namin.

"See you there!" Brent said.

After a few minutes ng aking pag lalakad ay naka rating naman na ako sa condo ko. "I'm home." Ani ko. Tumingin ako sa paligit at wala akong nakita na ate. Pumunta naman ako sa aking kwarto para maka pag bihis na at maka pag pa hinga.

Pag bukas ko ng pinto ay bumungad naman sakin si ate na mahimbing na natutulog. Alam kong pagod to at maraming iniisip kaya hindi ko na guguluhin. Nang maka pag bihis na nga ako ay nag isip ako kung anong pede naming makain ni ate for dinner.

"Buzz...Buzz...Buzz"

Narinig kong nag vibrate ang aking phone kaya agad ko naman itong kinuha at inopen ang nag pop up na message.

From Dean's:

Good Day!

I would like to inform you that you don't have a class for Thursday-Saturday due to hectic schedule of your teacher. Please inform your classmates. Thank you for your consideration mr. Tristan lee.

Agad ko namang finorward sa groupchat ang message ng Dean's sa akin.

[You forwarded a message]

Good Day!

I would like to inform you that you don't have a class for Thursday-Saturday due to hectic schedule of your teacher. Please inform your classmates. Thank you for your consideration mr. Tristan lee.

Nikki: OMG walang pasok for three consecutive days!

Jessica: You know the drill nikki.lol.

I turn off my phone at agad ko nang ginising si ate since mag se-7:00 PM na.

"Ate wake up!" Pag gising ko sa kanya at tinapik ang kanyang muka. Nagising naman si ate uunat-unat pa."Uwi tayo kay mommy. I missed her so much" Ani ko kay ate. "Tomorrow nalang. Gabi na." She said at tumango naman ako. "Lets have a dinner na." Sabi ko kay ate at agad naman siyang bumangon.

"What do you want? Umorder tayo through online or lets go out?"Saad ni ate ng naka ngiti.

"I think mas maganda kung sa labas tauo kumain para maka pag bonding tayo." Na e-excite kong sagot.

Agad na nga kaming nag bihis at umalis. Habang nasa daan kami at nag da-drive si ate. "Saan tayo kakain?" Tanong ni ate habang nag da-drive. Nag iisip ako kung saan kami kakain at may na isip ako. Agad naman akong tumingin kay ate at napa tingin din siya sa akin at sabay kaming ngumiti. Sabay naming sinabi ang "A MANO!."

A MANO RESTUARANT ang paborito namin ni ate simula pa noong bata pa kami. Palagi naming inoorder ang Focaccia Di Recco at Straciatella Pizza.

Nang maka rating na kami sa restaurant ay may nag assist naman samin since matagal na kami dito at kilala na din kami dito.

In just a few minutes ay may nag serve naman na sa amin. Hindi na kami binigyan ng menu since alam naman na nila kung ano yung parati naming inoorder. Kumain na kami ni ate habang nag ku-kwentuhan simula nung maliliit pa kami na palagi kaming pinapagalitan ng Daddy namin at Mommy sa sobrang kulit namin.

QUEEN OF HEARTS|_9HEARTS

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status