INICIAR SESIÓNPinigil ni Sierra ang masakit na pakiramdam sa kanyang dibdib, mabilis na inayos ang kanyang damdamin, at sinikap na magmukhang walang pakialam. “Kumain na ako.” Ngumiti si Yazzy at sinabi, “Sabay kayong bumalik ni Mr. Elliott Montezides kaya siguradong sabay din kayong kumain. Narinig kong maraming masasarap na kainan sa paligid. Saan kayo kumain? Masarap ba doon?” Nakaramdam ng lungkot at galit si Sierra at ayaw na niyang makipag-usap pa kay Yazzy. Tumingin lang siya kay Marco at sinabi, “Kayo na lang ang mag-usap. Mayroon pa akong gagawin, mauuna na ako.” Pagkatapos ay tumalikod siya at umalis. “Kuya.” Tiningnan ni Elliott si Marco, tila may gusto sanang sabihin ngunit nag-alinlangan. Ngunit dahil puno ng tao at tsismisan ang lugar na ito, ibinalik niya ang nais sanang sabihin at sinabi na lamang, “Papasok na ako sa trabaho.” Bahagyang tumango si Marco. Sinundan ng madilim niyang tingin si Elliott na nakasunod kay Sierra. May ibinulong siya kay Sierra, at lumingon ang dalaga sa
“Sige po.” Umupo si Sierra sa tapat ni Elliott at sinabi, “Talagang masarap ang pansit sa tindahang ito.” "Napag-alaman ko na ang cook rito ay anak ng tagaluto sa Sta. Ignacia na kinainan natin noong nakaraan. Kaya hindi kataka-taka na masarap at malinamnam ang sabaw nila rito." “Mukhang marami kang alam tungkol sa pagkain, ah.” Ngumiti si Elliott at sumagot, “Hindi naman. Hindi ko ito pinag-aaralan, mahilig lang talaga akong kumain.” Tumango si Sierra. Bihirang makakita ng isang mayaman at kilalang binata na kasing simple at madaling makasundo. Hindi maiwasang sumagi sa isip niya si Rianna. Dati ay kilala si Rianna bilang taong mahilig kumain; ang mga meryenda at masasarap na pagkain ang paborito niya. Kung magkakasama silang dalawa ni Elliott, tiyak na marami silang pagkakahawig at mas magiging masaya ito kaysa sa piling ni Deion. Dahil dito, napatanong siya kay Elliott, “Madalas ka pa rin bang sumama sa mga blind dates nitong mga nakaraang araw?” Biglang nabalot ng
Ngunit ang katotohanan ay isa lamang siyang babaeng walang asawa at mababang katayuan—ginamit lamang para sa kasunduang pag-aasawa upang iwasan ang malas. Hindi niya alam ang kanyang tunay na lugar at nagkukunwaring makapangyarihan.Inagaw niya ang pwesto ni Yazzy, ninakaw ang lalaking tunay na minamahal nito. At ngayong narito siya sa pelikula, nais niyang iparamdam na siya ang tunay na may karapatan bilang asawa habang pinabababa ang tingin ng lahat kay Yazzy. Pati si Tiara na malapit kay Yazzy ay pinupuntirya rin niya.Ang taong kasing-yabang at kasing-labis ng pagtingin sa sarili ay tiyak na makaranas ng kapahamakan balang araw. Hinihintay lang nilang makita kung kailan siya parurusahan at tuluyang palalayasin mula sa pamilyang Montezides!Hindi pinansin ni Sierra ang mga kwentong kumakalat sa paligid at nakatuon lamang siya sa kanyang trabaho. Kapag tapos na ang kanyang gawain, tahimik siyang uupo sa isang sulok ng lugar ng pagsasapelikula at manonood sa pagkuha ng mga eksena, o
Hindi gusto ni Sierra na makipagsiksikan sa ibang tao tuwing tanghalian, kaya sadyang naantasan siya nang kaunti bago kumuha ng pagkain. Pagdating niya, nakita niyang nakikipag-usap si Tiara sa isa sa mga tauhan.“Ito ba ang nakalaang pagkain para kay Sierra?”“Opo.”“Ibigay mo sa akin.”“Ah eh…”“Ano ‘yan? Maganda ang gana ko ngayon, bawal bang madagdagan pa nang kaunti ang makakain ko?” Alam ng staff na si Tiara ang anak ng tagapamahala ng pananalapi ng pamilyang Cañedo at siya rin ang namumuno sa pangkat na nagbibigay ng pondo para sa pelikulang ito. Kaya natural na ayaw nitong makipag-away sa dalaga. Agad niyang ibinigay ang huling kahon ng pagkain.Natuwa si Tiara at tumalikod habang hawak ang pagkain. Hindi pa siya nakalalayo nang makita niya si Sierra. Walang bakas ng hiya o lungkot sa mukha ni Sierra. Sa halip, nakita ni Tiara na itinapon mismo ng dalaga ang kahon ng pagkain sa basurahan sa harap niya.Tiningnan siya ni Tiara nang may hamon, itinaas ang noo, at naglakad nang
Sinubukang bawiin ni Sierra ang kanyang kamay, ngunit dahan-dahang ibinuka ng lalaki ang kanyang mga labi at malalim na hinalikan, tila ayaw nang humiwalay. Sa hindi sinasadya, kumapit nang mahigpit ang dalaga sa damit ni Marco na nakapatong sa balikat nito.Pagkalipas ng ilang sandali, humiwalay din ang lalaki. Idinikit niya ang noo sa noo ni Sierra at sa mababa at medyo garalgal na boses ay sinabi, “Dapat sinabi mo na agad noon pa. Bakit pinatagal mo pang itinago sa sarili mo?”“Hindi totoo ‘yan!”“Matigas pa rin talaga ang ulo mo. Mukhang hindi pa sapat ang halik ko,” sagot ni Marco sabay lapit muli at mariing hinalikan ang mapupulang labi ng dalaga.Matapos ang mahaba at masidhing paghahalikan, namula ang buong pisngi ni Sierra, magulo ang kanyang paghinga, at bahagya pa siyang humihingal.Matigas pa rin ba ang ulo niya?Ang lahat ng inis at sama ng loob na matagal nang iniipon ni Sierra dahil sa pangkabit ay biglang naglaho na parang bula. Itinulak niya nang bahagya ang lalaki, u
“It's no big deal at all.”“Paanong hindi big deal? Laging may mga balita tungkol sa inyo sa internet. Kung makikita siyang nakasakay sa sasakyan mo, tiyak na magkakalat na naman ang iba’t ibang kwento. Matagal na siya sa industriyang ito, hindi siya baguhan na walang alam. Dapat alam na alam niya ito.” Straight face na sinabi ni Sierra.Hindi masyadong inisip ni Marco ang kahilingan ni Yazzy na ihatid ito. Para sa kanya, maliit na bagay lang kung hihiram ito ng sasakyan kay Deion o kung magpapahatid sa kanya—wala itong malalim na kahulugan.Ngunit matapos sabihin ito ni Sierra, tila hindi na pala ito kasing simple ng inaakala niya.Noong una, naramdaman niyang hindi ito nararapat kaya siya tumanggi. Ngunit hindi na niya inilabas ang isiping iyon. Kung alam niyang hindi ito maganda sa paningin ng iba, paanong hindi iyon malalaman ni Yazzy?Hindi na bata si Marco; sa katunayan, napakatalino niya. Hindi masyadong nagsalita si Sierra, nagbigay lang siya ng pahiwatig.Matapos ang sandalin
Ininda ni Sierra ang sakit at saka inilibot ang paningin sa paligid. Kung tatayo siya at itutulak si Beatriz, sarado naman ang pintuan at hindi siya makakalabas agad. At kung sakaling nagtagumpay man siyang mabuksan ang pintuan kahit na nakatali siya, siguradong hindi niya naman kakayaning talunin
Lumingon si Sierra sa lalaking may peklat sa noo. "Teka, huwag muna, ipakita ninyo muna sa akin ang anak ko. Ibibigay ko sa inyo ang hinihingi ninyo, kahit na anong halaga pa." "Sa mundo ng mga gangster, ang katapatan ang pinakamahalaga. Sa tingin mo ba ay tatanggapin namin ang pera mo?" Ngumisi a
Tumayo si Sierra at nagsimula ng maglakad palabas, ngunit may napansin siya. Kaya naman pumihit siya pabalik. "I guess, Mr. Narvaez is not alone tonight, huh..." Aniya. Walang emosyong tiningnan ni Sylvio si Sierra sa mga mata, hindi man lang nito itinatanggi.Malinaw na ang katotohanan—wala ng
Ipinikit ni Shanaia ang kanyang mga mata, bahagyang nakakurba ang kanyang mga labi, malinaw na nasa magandang kondisyon ito. "Bakit mo naman iyon pinoproblema? Well, kung hindi siya dumating, sigurado namang may ipapalit ang A.C's sa impleyado nila." "Pero wala naman akong natatanggap na anumang a







