Share

Chapter 3

last update Last Updated: 2024-11-11 08:12:27

Chapter 3

Pababa pa lang ng sasakyan si Taurus, sinalubong na kaagad siya ng bati ng dalawang kasambahay na naka-abang sa kanyang pag dating.

"Good evening Sir," pareho pa ang dalawa niyuko ang kanilang ulo para mag bigay galang sa kanilang Amo. Taas noong nilampasan na lang ni Taurus ang katulong na naka-yuko pa din at blangkong expression ang pinapakita nito.

Dire-diretso lamang mag lakad si Taurus hanggang maka-pasok sa kanilang Mansyon at pinapasadahan lang ng tingin ang katulong na abala sa kanilang ginagawa.

​"Taurus!" Tawag ng isang babae na mag paagaw ng atensyon ni Taurus na bumunggad ang Inang palapit na may ngiti sa labi nito. Suot na mamahalin na pulang kasuotan at kumikinang na mga alahas. Sa edad na fourty six years old, mukhang bata pa rin ang Mama ni Taurus dahil maintain nitong inaalagaan ang sarili sa pag lalagay ng anong treatment sa kanyang katawan at sunod rin sa usong trend sa mga kababaihan.

“Kumusta ang first week na pag aaral mo sa Apollo University? Sinabi ko naman naman sa'yo na magugustuhan mo dito sa Pinas." Kinikilig at halong excitement ang pananalita ng Ginang, gustong malaman ang magiging Opinyon ng anak sa pag-aaral nito.

Hindi na lang sumagot si Taurus, sa mukha pa lang nito makukuha mo na ang sagot nito. Lingid sa kaalaman hindi gusto ni Taurus ang tumira at bumalik sa Pilipinas.

Ilang taon siyang nag-aral sa ibang bansa at sa isang iglap pinabik siya ng mga magulang niya na tumira dito at dito na ipag patuloy ang kanyang pag-aaral.

Hindi na lang tumutol si Taurus sa kagustuhan ng kanyang mga magulang lalo't kapag ang Papa niya ang mag desisyon wala nang mag papabago pa doon.

Sikat ang Dawson sa Pilipinas. Mayron silang maraming mga apartment na pina-parintahan at iba pang mga properties. Si Melinda Dawson, ang Ina ni Taurus, galing sa mayaman na angkan at namamahala ngayon ng Daisy's beauty at nag eendorse ng mga Beauty products dito sa Pinas.

Magaling si Melinda makipag-usap sa mga tao at maraming humahangga dito, hindi lang sa matalino, maganda at magaling din mag palakad ng mga negosyo.

Samantala naman ang asawa nitong si Sebastian Dawson, ang Ama ni Taurus. Namamahala ng malaking kompaniya dito sa Pilipinas at isa rin na founder ng Apollo University. Mayaman at kilala ang kanilang Angkan sa husay ng mag-asawa mag palakad ng kanilang mga negosyo.

​"Tsk! Alam mo na masasagot ko diyan," pinalabas ni Taurus sa ilong ang sagot nito.

​"Oh come on, magugustuhan mo rin dito." Pag papakalma ni Melinda sa anak. Alam niya rin ang ugali nito na hindi kumikibo pero iba rin tumatakbo ang isipan nito.

"Tumawag ang Daddy mo kanina at hindi siya makaka-sama sa hapunan dahil gagabihin siya maka-uwi kausap ang Client. Naisip namin ni Elise, na kumain ngayong gabi sa restaurant, nag pa book na rin ako ng reservation natin ngayon," Mula sa likuran ni Melinda lumabas ang nakaka-batang kapatid ni Taurus na babae na si Elise.

Blonde ang buhok nito at naka-suot ng maikling skirt na itim at puting longsleeve. Dalawang taon lamang ang agwat ng edad nila nang kapatid at nag aaral din ito sa Apollo University.

Inirapan na lang ni Taurus ang Ina at dire-diretso nang mag lakad paakyat, hindi interesado sa paanyaya nito.

"Sasama ka sa amin, Taurus?" Pahabol pang salita ni Melinda sa anak.

Tinaas ni Taurus ang kaliwang kamay at pahudyat na hindi ito sasama, na hindi binabalingan ng tingin ang kanyang Ina at kapatid.

"Ts! Such a weirdo!" Bulong pa ni Elise sa kapatid. Mortal silang mag kaaway ng Kuya nito at naiinis din si Elise sa kapatid kong minsan umaakto na malamig at walang pakialam sa mga tao.

"Sinabi ko naman sa'yo Mom, na hindi natin makukumbinsi si Kuya. Nag sasayang lang tayo ng oras sakanya." Sinalampak na ni Elise ang headphone para maitago ang iritasyon.

​"Hayaan mo na ang Kuya Taurus mo, at huwag mo siyang pag sasalitan ng ganiyan at baka magalit pa iyon sa'yo," saway naman ni Melinda sa anak at kina-irap na lang ni Elize, kahit may headphone sa taenga naririnig pa rin ang sinabi nito.

"Manang,"

​"Yes po Mam?" Lumapit ang katulong sa Amo.

​"Ipag handa mo na lang si Taurus na makakain niya ngayong gabi. Aalis kami ngayon ni Elise at hindi sasama si Taurus sa lakad namin ngayon,"

​"Yes po Mam."

Nginitian na lang ni Melinda ang anak at sabay na silang tumahak palabas nang Mansyon at nag hihintay ang sasakyan.

Sa kabilang dako naman; sinalampak ni Taurus ang katawan sa malambot na kama at hindi pa nag papalit na suot na uniforme.

Ilang segundo siya napa-titig sa kisame at wala sa sariling kinuha ang bulsa at nilabas ang hairpin na matagal na niyang tinatago.

Hairpin ng babae na iniingat-ingatan niya

At ang hairpin na iyon galing sa babae na naka-talik niya ng gabing iyon.

Ngumisi na lang si Taurus.

"Hindi ako pwedeng mag kamali, ikaw nga ang babaeng iyon."

CHLOE'S POV

​"Anong nangyari sa'yo? Nababaliw kana ba Nadya?" Sinamanggutan lamang ako ng pinsan ko at nag lalakad sila sa Hallway sa Campus. Balak sana nilang tumambay sa mga upuan sa likod ng building dahil maraming mga puno doon at masarap pa ang hangin.

Dalawang oras pa naman ang hini-hintay nila pareho sa susunod na pasok nila at doon na muna sila mag tatambay na dalawa.

Inaaya naman siya ni Nadya na kumain sila sandali sa restaurant at mag malamig muna sa malapit na Mall pero tinanggihan niya ang alok ng pinsan.

Tinatamad ako at sobrang init pa ng panahon ngayon lalo't alas dos pa lang ng hapon.

​"Hindi, gaga!" Inirapan siya ng pinsan. "Hindi ko lang maiwasan na kiligin. Nakita mo ba ang ginawa ni Taurus kahapon, ng awayin tayo ng tatlong asunggot sa Cafeteria?"

​"Oo, nakita ko dahil hindi naman ako bulag."

​"Ang pangit mo naman kausap." Pag susunggit nito at napapa-ngiti na lang talaga si Chloe sa tuwing nababara niya ang pinsan.

"Ang pino-point ko kasi, hindi mo napansin. Pinag tanggol tayo ni Taurus laban sa tatlong babae na iyon. Ang anggas niya talaga at ang guwapo-guwapo pa." Napa-ngiwi na lang ako sa inakto nito na day dream pa talaga. Seryoso?

Na gwa-guwapuhan siya doon?

I mean, gwapo naman talaga si Taurus, pero hindi siya ang lalaking type ko ano?

​"Hindi mo ba narinig ang sinabi niya? Naiinggayan lang siya kaya't ginawa niya iyon. Huwag mong bigyan ng anumang meaning ang ginawa niya Nadya." Ayaw ko na lang bigyan ng ibang meaning ang ginawa ni Taurus sa amin kahapon. Aba normal lamang sa isang tao na magalit kapag sobrang maiinggay naman talaga lalo't gusto nito ng katahimikan.

Kahit naman ako mas gusto ko ang tahimik na lugar at walang mainggay.

​"Iba ito Bakla. Iba talaga ang nararamdaman ko sa Taurus na iyon sa ginawa niya kahapon sa atin. Parang may something, talaga. Di mo pansin?" hula pa ni Nadya at hindi na ako umimik.

Kinagat ko na lang ang ibabang labi at naisip kaagad ang pino-point ng pinsan ko.

Hindi nga ba pinag tanggol talaga kami ni Taurus dahil no'ng nangyari sa amin ng gabing iyon?

Pinilig ko na lang ang ulo ko para iwaksi sa isipan ko, kong ano man ang iniisip ko.

Ano bang nangyayari sa akin?

Nag patuloy lamang kami ni Nadya sa pag lalakad nang biglang uminggay ang ilang estudyante sa harapan namin na kanina hindi naman nag kukumpulan.

Nag tilian at parang mga palakang natubigan ang mga estudyante na sinusubaybayan sa pag tipon-tipon nila.

Ilang sandali lamang, nag lakad na si Bernard at Tasya na mag ka holding hands pa ang dalawa nag lalakad.

Nag lakas pa lalo ang tilian ng mga estudyante at kahit na rin sila hindi maiwasan na kiligin at purihin ang kanilang relasyon.

Nanikip kaagad ang dibdib ko na tumitig kay Bernard at sobrang saya at aliwalas nang mukha nito na kasama si Tasya.

Kinurot ang aking dibdib sa inggit at sakit na ngayon ko pa lang nakita ang mata niya na masama at kumikislap kasama si Tasya.

Hindi ko lang matanggap na ang lalaki na mahal ko, may masaya na siya sa piling ng iba.

"Nakaka-gigil talaga ng lalaking iyan! Ang sarap tusukin ang mata!" Bulong ni Nadya. Hindi mapigilan na mailabas ang sama ng loob at hinanakit na hindi pinuputol ang titig kay Bernard.

"Ang kapal talaga ng mukha. Wala talaga siyang kahihiyan sa balat niya. Hindi man lang nag hintay ng isang buwan bago siya nag hanap ng bagong girlfriend." Himutok pa ni Nadya samantala naman ako walang imik at nasasaktan na sa napapanuod ko ngayon.

Nasasaktan dahil botong-boto ang mga estudyante sa relasyon nilang dalawa.

Samantala naman kami noon halos isuka na ako ng lahat.

Na hindi nababagay ang isang kagaya ko sa guwapo at sikat na basketball captain na si Bernard.

Bakit ang unfair?

Kapag sila pwede, samantala naman ako hindi?

Dahil maganda ba si Tasya?

Dahil ba popular siya at maraming mga lalaki nag kakagusto sakanya?

Paano naman ako?

Bakit ang hirap mahalin ang isang kagaya kong pangit?

Sinilip ako ni Nadya na napansin nito ang pananahimik ko kanina pa.

"Talaga lang ba bakla? Iiyakan mo ang tarantadong lalaki na iyan!" Himutok pa ni Nadya at tuminggala ako para pigilan ang pag-iinit ng sulok ng mata ko.

"Wala ito, napuwing lang ako," pag dadahilan ko at pinaningkitan lang ako ni Nadya. Kahit anong idahilan ko pa sakanya, hindi naman ito maniniwala sa akin.

"Gaga, huwag mo akong artihan. Alam ko naman na umaasa ka pa rin na mag kakabalikan kayong dalawa ni Bernard. Ang tarantado at manloloko na kagaya niya, hindi dapat sinasayangan ng mga luha!" Sermon sa akin ni Nadya, kahit ano pang pangaral nito sa akin hindi pa rin maalis ang nararamdaman ko para kay Bernard.

Pilit ko naman siyang kinakalimutan.

Pilit kong binabaon sa limot ang nararamdaman ko para sakanya na hindi na ako masaktan,

pero hindi ko kaya.

Sobrang mahal na mahal ko siya.

Tanga na kong tanga.

Wala eh.

Hindi ko kayang dektahan ang nararamdaman ko.

Kong kaya ko lang turuan ang puso ko na maka-limot, pero hindi eh.

"Kalimutan mo na siya Chloe, bagay lamang sila ng Tasya na iyan ano? Si Bernand na tarantado at si Tasya na malandi. Oh diba! Full package silang dalawa! Hayaan mo nang mag sama ang parehong freak."

"N-Nadya." Saway ko pa sa pinsan at pinandilatan na lang ako nito.

Binaling ko na lang muli ang mata ko sa gawi ni Tasya at Bernard na hindi naman kalayuan kong saan kami naka-tayo.

Nag katitigan kami sa mata ni Bernard ng ilang segundo sa mata at siya naman ang unang bumawi na para bang hindi niya ako kilala.

Bumigat ang aking dibdib na may naka-patong na mabigat sa pag-iwas niya sa akin.

Pakiramdam ko, tuluyan niya na akong binura sa buhay niya.

Bakit ganito Bernard?

Bakit ang dali mo naman ako palitan?

Hindi mo na ba talaga ako mahal?

Nanubig ang mata ko sa sakit ng aking dibdib, pilit ko man itago, hindi ko pa rin maitanggi na nasasaktan ako.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • One Night Stand   Chapter 30

    Chapter 30CHLOE'S POVAlas dose ng tanghali natapos ang pasok namin kaya dumiretso ako kaagad sa cafeteria para kumain ng tanghalian. Pag dating ko doon, sakto lang naman ang mga tao na kumakain at marami-rami naman na mga bakanteng upuan. Karaniwan sa mga estudyante pinipili nilang kumain sa starbucks o kaya man sa mga mamahalin na restaurant.Pinili ko na lamang maupo sa pinaka-dulo na tago na iwas sa ilang mga estudyante. Wala rin naman ako sa mood kumain sa mga mamahalin na restaurant kagaya nila pero mas pinili ko na lamang kumain dito, dahil mas makaka tipid pa ako sa gastos."Chloe." Excited na umupo sa tabi sa harapan ko ang pinsan kong si Nadya, nilagay din nito ang bag sa tabi nitong upuan. "It's that true, pinsan? May nag bully na naman sa'yo?" Dire-diretso nitong tanong sa akin.Napa-tigil ako sa pag subo sana ng pag kain at pinanlakihan ko ng mata ang pinsan ko, na ngayo'y hindi na mapakali sa kina-uupuan sa balitang nakalap nito."Saan mo naman nabalitaan iyan, Nadya?"

  • One Night Stand   Chapter 29

    Chapter 29CHAPTER 29MR'S VALDEZ POVPakanta-kanta lamang ang Ginang na inaayos ang hapag-kainan, naka lagay na doon ang pinggan, kubyertos at tinimplang juice. Naka suot na siya ng uniforme pang pasok para mamaya aalis na lamang siya. Samantala naman ang kanyang asawa perinti lamang itong naka upo sa silya at sa isang tabi ang iniinom nitong paboritong black coffee, kagaya rin ng kanyang asawa naka suot na din ito ng uniforme at sabay na silang papasok.Binubuklat nito ang pahina ng binabasa na dyaryo at naka sentro lamang ang atensyon niya sa kanyang binabasa. Buong inggat ng Ginang na nilapag sa hapag-kainan ang ginawa niyang almusal, nag luto siya ng fried rice, kanin, hotdog, eggplant, itlog at dinadagdagan niya pa ng isang putahe ng ulam dahil na rin may mahalaga silang bisita ngayong araw.Ngayon lamang ang Ginang naka ramdam ng pag-kasabik lalo't dito natulog ang nobyo ng kanyang anak. "Hindi pa ba bababa ang anak mo? May pasok siya ngayon." Sinilip siya ng kanyang asawa na

  • One Night Stand   Chapter 28

    Chapter 28CHLOE'S POVHindi pa man ako nakakababa ng motor ni Taurus, napaka lakas na kaagad ang pintig ng aking puso na makita na bukas lahat ng ilaw sa bahay namin. Hindi ko maipaliwanag ang takot at kaba ang lumukob sa dibdib ko na pasubling gising ang aking mga magulang.Nang maitapat na inihuminto ang motor ni Taurus sa bahay namin, dali-dali naman akong bumaba at hunubad na rin ang helmet. Taranta na akong kumilos, dahil sa posibilidad na nalaman na nito ang pag alis ko. Isa ring bagay ang kinakatakutan ko, iyong pareho sasalubongin ang galit ng aking mga magulang, na hindi naman ako nag paalam sakanila.Napansin siguro ni Taurus ang pag mamadali ko, kaya't kinuha niya sa hawak ko ang helmet at hinubad niya na rin sakanya at nilagay na rin sa ibabaw ng kanyang motor."Sige na Taurus, mauna kanang umuwi." Pag tataboy ko sa binata dahil baka makita pa siya ng mga magulang ko at baka sumabog pa ang galit nila na malama nito na umalis ako nang dis- oras ng gabi kasama ang isang la

  • One Night Stand   Chapter 27

    Chapter 27CHLOE'S POVKagat-labing naka tutok ang mata ko sa cellphone ko na naka lapag sa ibabaw ng lamesa. Hindi ako maka centro sa kosentrasyon sa aking ginagawa, dahil hanggang ngayon wala pa rin akong natanggap na mensahe o kaya naman tawag mula kay Taurus.Bakit kaya hindi siya nag paparamdam hanggang ngayon?May nangyari ba kaya?Hindi pa rin maalis sa isipan ko ang pag babago ng mustra ng mukha ni Taurus na sabihin na ang kanyang Papa ang nag text kanina.Malakas talaga ang kutob kong may nangyari.Pinag lalaruan ko sa kabila kong kamay ang hawak kong ballpen na hindi mapakali, sa aking ginagawa. Hindi maalis-alis ang mata ko sa cellphone nag babakasakaling umilaw iyon pero wala pa rin.Nang hindi na ako maka tiis, walang pag aalingan na kinuha ang cellphone ko at binuksan na. Ganun na lamang ang pag hihinayang ko na mag appear sa screen ang wallpaper doon at wala man lang text na mula kay Taurus."Wala pa rin?" Wika ko na lamang at tinignan ang oras na pasado dyes na nang ga

  • One Night Stand   Chapter 26

    CHAPTER 26TAURUS POVHininto ni Taurus ang kanyang motor sa harapan ng kanilang Mansyon at naka rating siya madilim na. Hinubad niya ang helmet sa ulo at nanatili pa ring naka anggas siya sa motor, na hindi niya inaalis ang mata sa kanilang Mansyon na sobrang liwanag sa mga ilaw. Bumaba na si Taurus ng motor at nilagay na rin ang helmet doon. Dire-diretso lamang siyang nag lakad, samantala naman ang isa niyang kamay naka lagay sa bulsa.Maanggas at taas-noo siyang nag lalakad, dinaraanan niya ng mata ang mga lalaking naka uniforme na naka hilera na naka tayo, at nag sisilbing bantay ang mga ito sa labas ng Mansyon.Walang ka emo-emosyon ang mata ni Taurus sa pag bati sakanya at kahit na rin ang pag vow ng mga ito sa tuwing nilalampasan niya ito. Matagumpay naman siyang naka pasok sa Mansyon at sumalubong sakanya ang katahimikan na wala siyang makitang ibang tao.Dire-diretso lamang siyang nag lakad hanggang maka rating siya sa malawak na living area. Nadatnan niya doon ang kanyang m

  • One Night Stand   Chapter 25

    CHAPTER 25CHLOE'S POVTaurus?Nahimasmasan at nakampanti ang loob ko na makita si Taurus dahil alam kong may mag liligtas na sa akin. May tutulong na sa akin laban ang dalawang taong gustong manakit sa akin.Hindi maalis ang mata ko kay Taurus, pangisi-ngisi pa ito at wala man lang takot na harapin si Patrick at si Louie. Hindi pa rin maka kilos si Patrick, maririnig mo ang munting unggol nito sa sakit at hindi na rin maipinta ang mukha nito sa isang tabi.Hinihila ko ang kamay ko na maka wala sa pag kakahawak ni Louie, subalit hindi ako makawala. "Tangina talaga, kanina ka pa ah!" iritadong wika ni Louie na bumaling ng tingin sa akin at umaapoy ang mata nito sa galit. "Babalikan kita mamaya!" banta nito at hindi naman ako handa sa sunod niyang gagawin at nagulat na lamang ako nang tinulak niya na lang ako. Sa lakas ba naman ng impact kamuntik na akong tumalsik, mabuti na lang talaga at nabalanse ko ang katawan ko at hindi gaanong natumba sa ginawa nito.Napaka-lakas na nang pinti

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status