Share

Chapter 4

last update Last Updated: 2025-01-24 20:07:54

Chapter 4

CHLOE'S POV

Bagsak ang balikat ni Chloe na tinatahak ang daan papasok ng kanilang bahay. Una niya kaagad napansin ang naka bukas ang mga ilaw at walang katao-tao sa malawak na sala, alam niya rin sa sarili na naroon na ang kanyang mga magulang dahil nakita niya ang sasakyan ng mga ito na naka parada na sa labas.

Pagod na pagod na si Chloe sa mag hapon na klase at sinabayan pa rin na makita niya si Bernand na kasama nito si Tasya. Hindi lang ang buong katawan at isipan niya ang pagod kundi na rin ang kanyang puso.

Hanggang ngayon kasi, umaasa pa rin si Chloe, na maayos nila ang relasyon nilang dalawa ni Bernard, kahit alam niya na rin sa kanyang sarili na malabo na mangyari iyon.

Tatahak na sana paakyat si Chloe sa ikalawang palapag para ipag pahingga ang sarili sa silid, nang marinig ang yabag ng paa na paparating at pag tawag sa kanyang pangalan na kanya naman kina-lingon. "Chloe." Nang lingunin niya nakita niya ang kanyang Mama.

"Oh saan ma pupunta? Mamaya kana mag palit ng damit at saluhan mo na kami ng Papa mo sa dining para salo-salo na tayo mag hapunan." Ang salita nito ang hindi na nag paatubili pa para kay Chloe na tangihan ang kagustuhan ng kanyang Mama.

"Sige po." Sumunod na siya sa kanyang Mama hanggang mapunta sa dining area na malapit lang naman sa living area. Pag dating kaagad ni Chloe, nadatnan niya ang kanyang Papa, na perinting naka upo na sa silya at nauna ng kumain. Pansin din niya ang masasarap na hinanda at niluto ng kanyang Mama at ilan sa mga iyon paborito niya pa.

"Sige na Chloe, maupo kana para makakain kana." Pag papasunod ng kanyang Mama at nauna na itong maupo sa bakanteng silya na malapit lamang sa kanyang Papa.

Sa una, nag aalangan pa siyang maupo pero sumunod rin siya dito. Inalis ni Chloe ang pag kakasabit na bag na dala niya at nilagay niya ito sa bakanteng silya na katabi lamang kong saan siya uupo.

Sinabayan niya na rin kumain ang kanyang mga magulang, at sobrang tahimik nilang nag sasalo. Tangi mo nq lang maririnig ang tunog ng kubyertos.

"Siya nga pala, Chloe nasabihan mo na ba si Bernard tungkol sa family day natin? Bukas na iyon." Paalala ng kanyang Mama na basagin nito ang katahimikan sa pagitan nilang tatlo na kumakain.

Nahinto si Chloe sa pag susubo sana ng kanin, at nilapag ang hawak na kubyertos, hindi niya rin mapigilan na obserbahan ang kanyang Papa na tahimik na kumakain at ang pananahimik nito sa isang tabi ang mag pakaba sakanya ng husto.

"Ah, eh hindi po sasama si Bernard bukas." Sapat na ang hina ng kanyang boses na marinig ng kanyang Mama ang kanyang sinabi, at base pa lang sa mukha nito nabigla din ito.

"Ha? Hindi sasama? Bakit daw?"

"Aalis kasi sila ng kanyang pamilya bukas, biglaan din naman po kasi." Pag sisinunggaling niya. Ayaw niya pa rin sabihin sa kanyang mga magulang na break na silang dalawa ni Bernard, umaasa pa din siya na maayos niya ang relasyon nilang dalawa at kailangan niya lang ng tyaga at kausapin ito.

"Ganun ba? Sayang naman. Tatawagan ko na lang si Bernard, hindi iyon makaka hindi sa akin iyo—-" hahawakan sana ng kanyang Mama ang cellphone para tawagan si Bernard, na kaagad niya itong pinigilan.

"Huwag na po Mama." Kulang na lang mapa tayo si Chloe para pigilan ang kanyang Mama sa tangkang gawin, na kaagad naman napa baling ang kanyang mga magulang sa reaskyon niya.

Kay lakas nang pintig ng puso ni Chloe at nanikip ang kanyang dibdib sa takot na baka, na baka mabuking ng kanyang Mama ang pag sisinunggaling niya dito.

Kusang napa-lunok si Chloe ng laway at pilit na ginagawang kalmado at natural ang kanyang galaw. "A-Ang ibig ko pong sabihin, huwag niyo na pong tawagan Mama. Kinumbinsi ko h-ho si Bernard pero hindi talaga pwede, babawi na lang daw siya sa susunod." Maski ang talampakan ni Chloe pinag pawisan na ng todo.

Umaasa siyang paniniwalaan ng kanyang Mama ang kasinunggalingan niya, pero mukhang epektebo naman ng mag salita ito. "Okay, sige." Anito na binalik ang cellphone na pag kakalapag sa table. "Sayang naman, naka ready na sana ang ingredients sa gagawin kong chocolate moist cake na paborito ni Bernard." May halong dismaya ang tono ng salita ng kanyang Mama pero kaagad din naman napawi at binalik ang sarili sa pag tapos ng pag kain.

Binalik ni Chloe ang sarili sa pag tapos ng kinakainan nang mag salita ang kanyang Papa. "Saan ka galing no'ng naka raang linggo? Sabi sa akin ng Mama mo inumaga kanang maka-uwi at lasing na lasing ka pa." Ang mahina at pagalit na tono na pag singgit na pag salita ng kanyang Papa ang mag bigay takot sa dibdib ni Chloe.

Kabado niyang sinilip ang kanyang Papa na naka tutok lamang ang atensyon nito sa kinakain ngunit kay dilim na nang mustra ng mukha at galit rin sa nalaman.

Mabait naman ang Papa niya, kundi may ugali talaga itong strikto at nakaka takot kapag nakikita nitong mali na ang kanyang ginagawa. Mahigpit nitong pinag babawal ang uminom, mag sigarilyo at bawal rin na mag labas ng bahay kapag sumapit na ang alas dyes ng gabi, kumbaga kahit college na siya may curfew pa rin siyang sinusunod.

"Sorry po Papa, nag kayayaan lang po kami ng high school friend ko po." Pag sisinunggaling niya na wala pa rin itong salita. Ang tinutukoy nito ang araw na kong saan nakipag break sakanya si Bernard at nilulong niya ang kanyang sarili sa pag iinom sa alak.

"Sino naman iyan na mga kaibigan mo?" Singit pa nitong wika, na ikalubog niya na ang sarili sa kina-uupuan. "Hindi sila magandang ihemplo sa'yo na tinuturuan ka nilang mag lasing, at umuwi na umaga na," patuloy pa rin nitong sermon, maski ang kanyang Mama nanahimik na rin sa isang tabi at mukhang natakot rin ito.

"S-Sorry po Papa." Iyon na lang ang nasabi niya para hindi na humaba pa ang deskusyon.

"Ayaw kong mauulit pa ito Chloe, ayaw ko rin na malaman na sumama ka pa sa dati mong kaklase."

"Opo Papa." Mahina at sapat niyang wika na naka yuko na ang ulo na takot na pagalitan pa.

Hanggang matapos na ang kanilang hapunan, pumanhik na siya sa kanyang silid para makapag pahingga na. Nilagay ni Chloe ang bag niya sa upuan at dumiretso na sa banyo para makapag paligo na. Simpleng pantulog na pajama ang kanyang sinuot na wala na siyang balak pang bumaba pa.

Kinuha niya ang cellphone naka lagay sa bag at halos tapunin niya na ang kanyang sarili na mahiga sa kama.

Binuksan niya ang cellphone at tinignan ang old convo nila ni Bernanrd, na mag panikip pa lalo sa kanyang dibdib na wala man lang reply sakanya si Bernanrd na ilang beses niya na itong sinubukan na itext at tawagan.

Nag tipa muli siya ng mensahe na ipapadala dito.

"Bernard, mag usap tayo. Please."

"Ayaw mo na ba talaga sa akin?"

"Ayusin natin ito. Mahal na mahal pa rin kita."

Pinadala niya ang mensahe at napa titig na lang si Chloe sa hawak na cellphone. Nag hintay pa siya ng ilang segundo na mag reply sakanya si Bernard pero walang nangyari.

Sa bawat segundong lumipas, bumibigat ang kanyang dibdib at pinag hihinaan na rin.

Lumipas ang isang minuto,

Limang minuto,

Sampung minuto at humantong sa isang oras pero, wala siyang natanggap na text o tawag mula dito.

Niyakap na lang ni Chloe ang cellphone at tumagilid na pag kakahiga sa kama. Doon na umagos ang luha sa kanyang mga mata na pilit niyang pinipigilan kanina pa.

"Bernard." Wika niya sa pangalan ng kanyang nobyo at kay pait ng tinig ng kanyang pag kakabigkas.

*****

Sumapit na ang Lunes, matamlay pa rin si Chloe na hindi pa siya nakaka hanap ng tyempo na kausapin at lapitan lamang si Bernard. Sa tuwing tina-tangka niyang lapitan ito, parati itong may kasama kundi ang kanyang mga kaibigan na mga lalaki o kaya naman ang bago nitong nobya na si Tasya.

"Kainis, paano ba naman kasi ito?" Ang pag hihimutok ng kanyang pinsan na si Nadya ang mag paagaw atensyon kay Chloe. Sinilip niya ang pinsan na katabi niya sa silya at ang hawak nitong ballpen nginangatngat na, hindi maalis ang tingin sa bagong tinuro sakanila ng kanilang professor sa subject na calculus.

Kulang na lang dumugo ang ibabang labi ng pinsan at ang pag kunot ng noo nito ang palatandaan na hindi nito nakuha ang bagong tinuro sakanila.

"Huy!" Kinalabit niya ang pinsan na kaagad din naman itong naalis ang tingin sa notebook na kanina pa tinitignan. "Kanina ka pa diyan." Sita niya dito at ang kanilang ibang kaklase sa iba't-ibang department naka centro na ang kanilang atensyon sa pag turo sakanila ng professor nila nag tuturo sa unahan.

Lahat ang atensyon nila naka pako na intindihin ang tinuturo nito. Maski ata mga ibang studyante, kapag math na ang tinuturo lahat kakabahan at duduguin na intindihin ang subject.

"Kanina pa, nag tuturo si Mam Cheska pero hindi ko pa rin makuha-kuha." Albuturo ng pinsan na ang kahinaan naman talaga nito ang subject na math, lalong-lalo na ang calculus. "Kailangan kong makuha itong bagong tinuro niya. Nakaka kaba nag roll call na si Mam na mag tawag sa hawak na sa index card, at baka bigla niya na lang ako tawagin at hindi pa ako maka sagot." Anito na kabadong tinig.

Matapos mag turo sakanila ng Professor nila, ayon nag roll call na mag tawag na mga estudyante may pinapasagutan ito sa black board na dapat mo rin masagutan.

Lahat na ata ng mga klase ni Chloe, kabado at tense na nag papanalangin na hindi sila matawag ng kanilang Professor na mag sagot sa unahan.

"Saan ka ba, nahihirapan? Tuturuan na kita." Pabulong niyang wika na hindi ipaparinig sa kanilang Professor sa unahan ang pag uusap nilang dalawa.

"Dito oh, Chloe." Tinuro pa ng pinsan ang hindi nito maintindihan.  "Hindi ko talaga maintindihan iyan kanina p——" hindi na natapos pa ang sasabihin nang pinsan na mag salita ang kanilang Professor.

"Taurus Ridge Dawson!" Natahimik naman ang buong klase at sabay napa lingon silang lahat kong saaan naka upo sa pinaka dulo pa na silya si Taurus. Kasabay na si Chloe sa pag sulyap ng tingin dito na naka yungko ito sa silya.

Simula no'ng mag simula ang klase tulog na ito kaya hindi rin makapag tataka kong bigla itong tawagin ng kanilang Professor.

Naka limutan niya pala na kaklase niya si Taurus sa isang subject lamang at Calculus pa. Rinig niya rin sa ibang department na Engineering ang kinuha nitong course.

Inalis ni Taurus ang naka salampak na headphone sa taenga at kinusot-kusot pa ang mata na inaantok. "Mukhang hindi ka nakikinig sa klase ko Mr. Dawson." Kalmado pero galit na paraan ng tinig ng kanilang Professor. "Sagutin mo itong equation sa board, ngayon na." Utos nito at sinandal pa ni Taurus ang likod sa silya na naka tutok ang mata nito sa board at malalaman na tinignan ang bagong sinulat ng kanilang Professor na bagong ipapasagot.

Walang salita ang lumabas sa bibig ni Taurus at bored na tumayo para pumunta sa unahan. Lahat na ata na nga estudyante sa room na iyon, sinusundan na lang nang tingin si Taurus na mag lakad hanggang dinala ito sa unahan.

Kinuha ni Taurus ang chalk at sinimulan na isolve nag problem sa board. Lahat na lang kami naka sentro ang atensyon na sinusulat nito ang sagot doon hanggang matapos itong sagutan na kaagad naman kina-lapit ng kanilang Professor, para tignan kong tama ba ang sinagot nito.

"Impressive, tama ang sagot mo Mr. Dawson."

"Whoaa."

Iyon ang bulong-bulungan at ipa pa naming mga kaklase na amuse sa pag solve lamang ni Taurus na kahit tulog, nagawa pa rin nitong maka sagot.

Maanggas nag lakad si Taurus pabalik sa silya nito na hindi man lang binigyan ng pansin ang iba pa naming mga klase na may pag hanga sa kanilang mga mata.

Nilapit ng pinsan kong si Nadya ang bibig nito sa gilid nang taenga ko. "Ano kaya, kong kay Taurus na lang ako mag paturo?" hagikhik at may kalandian sa boses ng pinsan na kaagad naman kina-ningkit ng mata ni Chloe.

Nag beautiful eyes pa ang pinsan at kinikilig na sinusulyap sa gawi ni Taurus na masungit ang mukha at ilap rin itong makipag usap o makipag kaibigan.

Isang linggo na ito simula no'ng mag transfer, pero wala pa rin nakikita si Chloe na kasama o kausap man lang nito. Palagi itong mag-isa at iniiwasan rin nito ang mga taong lumalapit at nag papa-cute sakanya.

"Huwag kanang umasa, hindi ka niya papansinin." Binalik ni Chloe ang atensyon sa notebook na kina-noot naman ng noo ng pinsan.

"Bakit mo nasabi? Close ba kayo ni Taurus?" Kaagad din naman nahinto si Chloe sa pag susulat sa sinabi nito.

Umanggat ng tingin si Chloe sa pinsan na hindi na ito mag kadaundugaga sa kina-uupuan. "Wala, hula ko lang. Iba ngang mga babaeng lumalapit sakanya, hindi niya pinapansin. Ikaw pa kaya? Ako na lang ang mag tuturo sa'yo." Presinta niya pa.

Paborito din ni Chloe ang subject na Math, at hindi rin mahirap sakanya na tulungan at turuan ang pinsan niya na karaniwan siya naman talaga ang nag tuturo dito kapag hindi nito makuha-kuha ang ibang lesson.

Ngumuso na lang ang pinsan niya. "Ayaw ko noh?" Pag susungit nito. "Kay Taurus na lang ako mag papaturo, at baka matuto ako sa pag kakataon na ito. Kong ganiyan ba naman na napaka guwapo ang mag tuturo sa'yo, talagang sisipagin ako mag aral." Hagikhik pa nitong wika na pinandilatan na lang ni Chloe ang kaharutan nito.

"Tsk? Iyan? Guwapo? Saan banda?" Irap niya sa pinsan na kusa naman siyang napa baling ng tingin sa gawi ni Taurus.

Pinag pawisan ng malala si Chloe na mag tama ang mata nilang dalawa ni Taurus at kay lamlam siya nito tinitigan, na taranta niya naman na binawi ang tingin niya dito.

Shit.

Ano iyon?

Bakit pinag pawisan siya ng malala sa simpleng pag titig nito sakanya?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • One Night Stand   Final Chapter

    Final ChapterCHLOE'S POV"Bilisan na ang lalakad niyo riyan, at baka kanina pa nag hihintay sa atin sila Taurus." Binilisan pa ni Mama ang kanyang pag lalakad na nag mamadali, samantala naman kami ni Papa naka sunod lang sakanya na mabagal lamang. Sa kabilang balikat naman ni Mama naka sabit ang paborito niyang bag na parati niyang dinadala at sabay lingon sa likuran, para tignan kong binilisan na rin namin ang pag lakad namin. "Oh, ano Chloe, nag text na ba sa'yo si Taurus? Asan na ba daw sila?""Kaka text lang Ma, na doon na lang natin sila hintayin sa parking lot at papunta na rin sila doon." Tugon ko na lang na hindi inaalis ang mata ko na naka tingin sa cellphone na hawak ko, binabasa ang pinadala pa lang na mensahe ni Taurus.Napapa ngiti na lang ako na binabasa iyon at ini-scroll na tignan ang sunod niyang mensahe na pinadala."Kahit na, bilisan niyo na sa pag lalakad niyo at nakaka hiya naman kong pag pahintayin pa natin ang mga magulang niya ng matagal." Sita na lamang sa am

  • One Night Stand   Chapter 76

    Chapter 76CHLOE'S POVNapa yakap na lang ako sa aking sarili na humampas na lamang ang malamig na hangin sa aking katawan. Bumuntong-hiningga na ako ng malalim at inayos ang pag kakasabit ng sling bag na naka sabit sa aking balikat, na pinag patuloy na lang ang pag lalakad ko.Alas syete ng gabi ang tapos ng huli kong subject kaya't konti na lang ang mga tao sa Campus, iilan na lang sa ilang estudyante umuwi na.Ilang parte ng area ng Apollo University, nilamon na nang dilim at iilan na lang na building at floor ang naka bukas na mga ilaw at yayakap na lang talaga sa'yo ang katahimikan ng paligid. Nag patuloy na lang ako sa pag lalakad at ang mga kaklase kong kasabayan ko sa pag labas kanina, mas nauna na silang mag lakad sa akin dahil sa kanya-kanya nilang kasama ang kanilang mga kaibigan.Tahimik lamang akong nag lalakad mag isa hanggang mapa daan ako sa napaka lawak na field, at limang minuto na lang ang lalakarin ko bago maka rating sa mismong gate kung saan doon na lang ako mag

  • One Night Stand   Chapter 75

    Chapter 75NADYA'S POV"T-Taurus." Nauutal ko na lang na salita at aaminin kong dinapuan rin ako ng matinding takot at pangamba sa dibdib ko na makita ang madilim at nakaka takot niyang itsura ngunit hindi ko na lang pinahalata iyon.Lumunok na lang ako ng laway at hindi pinakita sakanya na natatakot ako at sa paraan na iyon, hindi niya ako madaling ma kontrol.Hindi niya madaling makita na mahina ako."Oh bakit, ang talim naman ata ng titig mo sa akin? Hindi mo ba ako na-miss, Taurus? Kasi ako, miss na miss na talaga kita." Akma ko na sanang hahaplusin ang kanyang pisngi subalit bago ko pa magawa iyon nang malakas niyang diniin na lang sinampa nang makakas ang likod sa malamig na pader kaya't napa ungol na lang ako sa sakit."Fuck! Hindi ka pa ba titigil diyan sa ginagawa mo, Nadya? Huwag mong sagadin ang natitira kong pag titimpi sa'yo at baka hindi mo magustuhan ang maari kong gawin sa'yo!" Asik niya na lang na may pag babanta, na ang mata'y kong puno ng saya ngayon napalitan ng pa

  • One Night Stand   Chapter 74

    Chapter 74CHLOE'S POVNapaka-kagat labi na lamang ako na napa tingin sa repleksyon ko sa hawak kong round mirror. Gamit lamang ang foundation tinakpan ko ang bahagyang pangingitim ng ilalim ng mata na walang anumang sapat na tulog at pamumugto na rin ng mata sa walang humpay na pag iyak.Tumitig ako muli sa salamin at pansin mo ang bahagyang pamumutla ng mukha ko na wala kanang makikita pang anumang bakas pa ng saya.Wala na ang masayahin na Chloe.Ang Chloe, na palaging naka ngiti.Sinarhan ko na ang hawak kong mirror at sinilid na rin iyon sa dala kong sling bag para makapag patuloy na mag lakad pababa ng hagyanan. Linggo ngayon at balak kong pumunta muna sa Mall para mag libang muna saglit, dahil sa tuwing nag kukulong at nag mumukmok na lamang ako sa kwarto ko mag hapon, hindi ko mapigilan na naman ang sarili kong maiyak na naman.Hindi ko mapigilan ang sarili kong maalala na naman ang sandaling mag papanikip ng dibdib ko.At sandali lamang na mag bigay kirot at sugat sa puso ko.

  • One Night Stand   Chapter 73

    Chaptee 73.2ELISSE'S POV"Good morning Mam Elisse.""Good morning Mam." Iilan lamang iyan sa bumabati sa akin na mga katulong na pababa pa lang ako ng hagyan. Pinagandahan at pinaartehan ko pa ang paraan na pag lalakad ko, sabay hawi ng red orange curly hair.Sa bawat pag yabag ko ng hagyan nakaka gawa na lamang iyon ng tunog sa high heels kong suot. Pormang-pormahan ang ayos ko ngayon na suot lamang ang off-shoulder puffed dress at nag lagay rin ako ng simpleng make-up sa na lumabas ang kagandahan ko pa lalo. Sa kaliwang kamay ko naman hawak ang chanel bag na binili ko lamang last week kaya't hindi na talaga maalis ang matamis na ngiti sa aking labi dahil mag hang-out kami ng mga friends ko.Pag baba ko pa lamang ng hagyan naabutan ko na si Mommy na naka tayo sa malawak namin na living room. Hindi na siya mapakali na, naka lagay naman sa kabila niyang taenga ang cellphone na para bang may tinatawagan na hindi na siya mandaugaga lamang sa pag aalala.Dinaraanan ko lamang ng tingin si

  • One Night Stand   Chapter 72

    Chapter 72CHLOE'S POVTulala lamang akong nag lakad palabas ng Campus at nilalampasan lamang ang bawat estudyante na maka salubong ko sa daan. Napaka lalim ng aking iniisip at napaka bigat na nang aking dibdib sa mga nalaman ko kanina na nag bibigay sakit at kirot sa aking puso. Namanhid na ang buong katawan ko at uminit na ang sulok ng aking mga mata na gusto ko nang humagolhol ng pag iyak ng sandaling iyon subalit tinatatagan ko na lamang ang sarili ko na hindi maiyak.Ayaw kong makita nilang lahat na umiiyak ako.Ayaw kong ipakita sa kanilang lahat na nasasaktan ako.Binilisan ko ang yabag ng mga paa ko para makaalis kaagad sa lugar na ito.Gusto ko nang mag pakalayo-layo sa kanilang lahat para mailabas ko lahat ng sakit at nag papabigat sa puso ko.Ayaw ko na.Sobrang sakit na.Bakit mo ito ginawa sa akin, Taurus? Bakit?Tuminggala na lamang ako para pigilan na pumatak na lamang ang luha sa mga mata ko, na buong higpit ko na lamang hinawakan ang straps ng sling bag ko na binibi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status