"Hello po Tita, nice to see you again." Magalang na wika ni, Anderson. "Hello, Anderson. Ang laki mo pa ahh, matagal rin na hindi tayo nagkita." Nakangiti naman na wika din nito. Sa kaniyang itsura, parang hindi ko pa naman siya nakita noon. Ngunit, may kung anong bumabagabag sa puso ko ngayon na tila'y nagkita na kami. Dahil, wala rin naman akong masabi. Nanatili na lamang akong tahimik sa aking kinalalagyan. "Who's she, Anderson?" Mahinahon na tanong nito, sabay tingin ulit sa akin. Mas lalong nag iba ang pakiramdam ko nang magkasalubong ang aming mga mata. "Ahmm, Tita she's my wife." "Wife??? I see." "Tsk! Mom, siya lang naman ang sinasabi ko sayong nanlandi sa fiance ko." Lumabas naman si Menda galing sa likuran ng babaeng ito. Mom? Ibig sabihin mommy niya pala ang taong 'to? Ahm, baka mas masama din ang ugali ng babaeng 'to katulad ni Menda. "Menda, anak. Don't say that. You don't know kung nakakasakit ka or not sa mga sinasabi mo. Just be kind of her. Wala tayong mag
"Wala." Tipid kong sagot. "Menda, nag-uusap kami, you can go." Sambit naman ni, Anderson. "What? Ano tingin niyo sa akin tanga? Isa pa, baka nakakalimutan mo may nangyari na sa atin Anderson. Kaya kahit anong gawin mo, hindi pa rin ako lalayo sayo. Balang araw, malalaman mo rin naman kung may responsibility ka sa akin o wala. Just a big surprise, and abangan mo 'yon, Anderson." Biglang may dumapo na kaba sa dibdib ko. Anong surpresa ang sinasabi niya. "Just leave." "Okay, I will leave now. But soon, never. So, Nelia, just take your time with him. Baka soon, hindi na kayo magsama pa." Madiin na boses nito. Maya-maya pa, tuluyan siyang lumabas ng kwarto. Ikinatahimik naming lahat ang ginawa niya. "I'm very sorry, for her behavior. Ahmm, I'm sorry my dearest friend, kung ganun ang naging galaw ng anak ko." Paghingi ng tawad ng Ina ni, Menda. Ang layo talaga ng ugali nila. Kulang na lang isipin ko na ampon lang si Menda ehh. "It's okay, I think it's just normal. Lalo na may pin
"Ano ka ba love, ang daming nakatingin sa atin. Umayos ka nga diyan, kapag tayo matumba malalagot ka talaga sa akin." Bulalas ko rito. Halik nang halik ehh, kahit nasa gitna kami ng yelong ito. Kahit malamig rito oarang umiinit dahil sa pag-ibig na 'to."Psh, just focus para hindi tayo matumba." "Wow ahh, ikaw kaya ang mag-focus, ang likot mo ehh." Hindi ko na napigilan ang aking pagtawa. Patuloy pa rin naman kaming umaandar sa gitna nito. Habang ang iba naman na naririto ay parang kinikilig pa. Kahit hindi ko sila kilala at hindi nila kami kilala. Tila'y kumukuha sila ng litrato at video sa amin. Huhuhu, parang nakakahiya naman. First time ko lang dito tapos ganito pa."Love, tama na. Ahmm, alis na tayo parang nakaramdam ako nang gutom ehh." Aniya ko rito. Lumiyab din kasi ang tiyan ko. At syempre para na rin maka-iwas dito. Kasi, naman nakakakiliti na ehh."Okay, if that so. Aalis na tayo. Where do you want to eat ba?" Syempre nag-isip muna ako nang mabuti kung saan maganda. Kaso
PENGPENG POV."Hoy Mylene! Lumabas naman tayo. Nakakbagot dito sa condo mo ang tahimik. Nasasabik ako sa labas, huhuhu...." Nakakamiss din gumala kahit galing lang ako sa hospital. "Peng, kaya mo na ba? Baka mamaya, bigla ka na lang matumba sa labas. Isa pa, baka sa kalagitnaan ng pagsasaya natin sa labas. Bigla ka na lang magyaya ng uwi??? Aba mabibitin ako sayong bakla ka." Ang taas ng boses niya, kala niya naman sobrang layo namin sa isa't isa."Wow, ang sungit mo naman. Dapat nagbago ka na, ang sungit mo pa rin Mylene. Akala mo naman maganda ka." Pag-aasar ko sa babaeng 'to."Of course I'm beautiful. Mas maganda pa ako sayong bakla ka. Hahaha, bahala ka diyan tumigil ka na lang. Alam mong nagluluto ako ehh, storbo ka naman." "Masarap ba ang luto mo huh???? Mas masarap nga si David, ehh!" Shalaaaa nadulas."Hoy! Mukha kang loko! Kapag Ikaw marinig bakla ka talaga noh!" "Bakit ba bawal ba? Hahha totoo naman.""Anong totoo? Bakit nakatikim ka na ba???" Yes, sa panaginip, charizzzz
"Ano ba ang ginagawa niyo dito?" Pagtataka ko naman, dahil sa ngayon dapat nasa condo lang si Pengpeng para magpahinga. "Ito namasyal, ang kulit kulit kasi ni Pengpeng ehh. Gusto niyang lumabas sa condo kaya ito pinagbigyan ko na." "Wow, hahha Mylene naman. Pero talaga na nanabik lang din ako dito sa labas kaya ito. Gusto ko talagang lumabas. Huwag kang mag-alala Nelia, dahil ayos lang ako. Kaya ko na ang sarili ko." Nakangiti naman na tugon ni Pengpeng. Halata sa kaniyang boses at itsura ang pananabik niya. Okay total wala rin naman kaming magagawa dahil sabik na sabik siya. Hindi namin siya pwedeng pigilan sa gusto niya. Habang naglalakad lakad kami, naka-sunod naman sa aming likuran si Anderson. Tahimik lang naman siya. Nang mapansin ko ang kaniyang pag-iisa. Agad akong nagpaalam sa mga kaibigan ko. "Guys, dito na muna ako sa likuran niyo. Ayos lang ba?" "Ohh sige, total walang kasama ang baby mo." Nakangising sambit naman ni Pengpeng. Hay naku may gana pa talagang mang asar.
"Hayaan niyo na lang baka bad mood lang." Pilit ko pa rin na pinababa ang emosyon ko. "Mabuti pa nga, baka mamaya magulpi ko pa 'yon." Pangigigil ni Pengpeng. "Gulpi? Baka Ikaw pa magulpi. Ehh ang hina pa nga ng katawan mo ehh. Na mimilit ka lang naman." Sambit pa ni Mylene. "Tumigil na lang nga kayong dalawa, baka mamaya nito mas una pa kayong magbugbugan." Singit ko naman sabay pwesto sa gitna nila. Ngayon naman lalabas na kami ng mall upang magtungo sa tambayan namin. • • • • DAVID POV. "What? Okay, kung 'yan ang gusto niyo. Ako ang magiging photographer ni Menda." I calmly said to them. Pinatawag ako para lang pumunta rito. May malaking birthday party ang magaganap sa ikatlong araw. Ito ang kaarawan ni Menda. Wala akong ibang magagawa kundi ang pumayag sa gusto ng Mommy niya, si Tita Lorna. Malapit din naman kasi sa isa't isa. Dahil matalik na kaibigan ni Mommy si Tita Lorna. Sa totoo lang ayaw ko naman na pumunta dahil magkikita kami ulit ng pamilya ko. Pero wala akon
"Anong gusto mong gawin ko? Magpanggap? Anderson, ikaw ang mas malapit at palaging nakakasama ngayon ni Nelia. Kaya dapat lang na hindi ka magsinungaling sa kaniya. Sinasabihan lang din kita dahil kilala ko kung paano magalit ang kaibigan ko. Hindi naman kita tinatakot ehh, pero kung takot bahala ka sa buhay mo. Isa pa, huwag mo rin akong takutin, dahil hindi ako takot." Madiin pa rin na boses ko. "Okay, Hahanap lang ako ng tamang oras para diyan. But now, hindi ko muna ma-isingit ang bagay na 'yan. Dahil, inuuna ko lang naman na iniisip ang kalagayan niya." BACK TO NELIA POV. PAKIRAMDAM KO PAGOD NA PAGOD NA AKO. GUSTO KO NANG UMUWI. "Peng, Mylene, umuwi na kaya tayo." Pagyaya ko na may mahinang boses. "Ano ka ba Nelia, hindi pa nga tayo nakakarating do'n ehh." Pagrereklamo ni Pengpeng. "Bilisan mo nga sa pagmaneho siyang Mylene! Ang bagal mo mukha kang pagong!" Dagdag pa niya na may masungit na boses. By the way, naka-upo kami sa likuran ng sasakyan. Samantalang si My
Masaya naman ang aming pagkwekwentuhan dito sa cafeteria. Halos mapuno ng mga boses nila ang cafeteria na 'to. "Ehh, ngayon may oras ka na ba kay Mylene?" Kalokohan na wika ni Pengpeng Kay Vince. "Tumigil ka nga diyan Peng. Magkakaibigan tayo rito, tumahimik ka nga sa kalokohan mo." Pag-aawat naman ni Mylene. Hay naku! Pati love life nila ehh. Ito talaga si Peng, walang preno sa mga sinasabi niya. Kung ano ano na lang ang lumalabas sa bibig niya. "Hayts, aminin crush niyo naman ang isa't isa dati diba? Tsyaka, nasa tamang edad na rin kayo ngayon. Isa pa, pareho naman kayong single ahh, kaya walang problema do'n. Then, baka mawala na ang kasungitan mo Mylene kapag magkatuluyan na kayong dalawa, hahahha...." Kahit ako tawa na lang ang lumabas sa bibig ko. "Ano? Loko ka talaga, umayos ka na nga lang. Kakabalik pa nga lang ni Vince, ganyan na ang asal mo." Masungit na boses ni Mylene. Ngunit, nababasa ko sa kaniya ang kinikilig niyang itsura. Nagpapanggap pa kasi ehh, hindi na
Sa ngayon wala akong gana makipag-usap. Kaya, hinayaan muna ako ni Anderson. Gusto kong mapag-isa siguro naman ganun din ang nararamdaman niya. Magkaiba kami ng kwarto pero iisa pa rin naman ang tinutuloyan namin' dalawa. Marahan akong napahiga sa kama pilit na natutulog pero hindi ako makatulog dahil ang daming bumabagabag sa utak. "Aray!" Mahinang tugon ko sa sarili ko subalit may malalim itong tuno. Ang sakit ng tiyan ko, sobra ang hapdi. Dapat pala nag-pacheck up na ako. Ilang araw nang ganito ang nararamdaman ko. Pero, hindi ko manlang pinapansin dahil ang dami kong inunang bagay. Bukas na lang siguro. PENGPENG POV. "Bwesit na Menda 'yon, wala na ba siyang ibang magawa kundi saktan ang kaibigan natin? Walang hiya siya, malandi talaga. Halata naman na hindi siya papatulan ni Anderson diba? Kaya bakit si Anderson pa talaga ang naging ama ng anak niya? Tsk! Bwesit!" Pasigaw na bulalas ko rito sa condo ko habang kaharap ko sina Mylene ay David. "Tama na Peng, tama na
Mahigpit akong hinawakan ni Anderson. Hinila niya ako sa mga kaibigan ko. "Love, ano ba ang ginagawa mo? Bitawan mo ako love, baka kung ano ang isipin ng mga nakatingin sa atin..." Pagpupumiglas ko sa kaniya. Ngunit, tila'y hindi niya 'to naririnig. Nagawa ko pang pumiglas ulit. Subalit, mas humigpit lang ang pagkahawak niya sa akin. "Aaa!" Biglang sigaw na lumabas sa aking bibig, matapos akong matapilok. "Ang sakit..." Dagdag ko pa. Napatigil siya kaya napahinto rin ako. Humarap siya sa akin at ibinaba niya ang tingin niya sa mga paa ko. Puno nang pag-aalala ang mga mata niya. Pwede bang alalahanin mo muna ang sarili mo bago ako. "I'm sorry." "Teka, ano ang ginagawa mo?" Bulalas ko nang bigla niya akong binuhat. "I'm sorry, ilang beses na kitang nasaktan." Ramdam na ramdam ko ang bumabalot na pagsisi at kalungkutan sa tinig ng boses niya. Hindi ako naka-sagot, bagkus ay deretso lang ang tingin ko sa mata niya. Kalaunan, nagpatuloy siyang maglakad habang bitbit ako.
Dahan-dahan na nais kumawala ng luha ko. Ngunit, pilit ko 'tong pinigilan. Saksi ako sa magulong iniisip ni Anderson. Sino ang pakikinggan ko ngayon ang puso ko ang puso niya. Marahan kong inayos ang sarili ko sabay hinga ng malalim. Napahawak ako sa kamay niya ramdam ko ang panlalamig niya. Maya-maya pa, pansin ko ang pagtulo ng luha niya. Lubos akong nasasaktan, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko o ang gagawin ko. Pangarap ni Anderson ang magka-anak, pero hindi ko pa naibigay. Ngayon naman buntis si Menda sa kaniya. Paano na ako nito, natatakot akong mawala siya sa akin. Maya-maya pa, humarap siya sa akin. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko. Bigla siyang napayakap sa akin. Ngunit, ang kaninang pagluha niya ay napalitan ng galit. Ramdam na ramdam ko 'to kahit hindi niya sa akin sabihin."No, hindi ko matatanggap 'to. Honey, promise me please. You won't leave me. Just stay at my side. I'll promise I will do everything para malaman kung ano ko ba talaga ang pinagbu
"Ohh, anyari do'n? Narinig lang naman niya na bulong bulongan ka ng iba, tapos magtataray siya?" Inis na wika ni Mylene. "Ahm, hayaan niyo na lang. Isa pa, ayaw ko din ng gulo. Iwasan natin ang gulo rito, nakakahiya inimbita niya tayo rito. Kaya, umayos na lang tayo sa galaw natin." Kalmadong aniya ko naman. "Ohh, siya sige. Hayaan na lang natin, total lumabas na rin siya baka mag-announce na siya sa gusto niyang sabihin." Dagdag pa ni Peng. "Oum, baka nga," sabay ngiti ko. "Huwag kang mag-alala, kahit ano pa ang sabihin niya o gawin niya. Kami ang bahala sayo Nelia," pag-aalala ni Mylene. "Oum," sabay tango ko. "Okay everyone, good evening. Now, mag-uumpisa na tayo. Narito na ang ating birthday girl, na parang isang anghel na bumaba sa lupa. Nakikita naman sa kaniyang itsura na minana pa sa kaniyang Ina." Mahabang sanaysay ng isang lalaki sa harapan at nakangiti pa. "Sus, anong anghel ang sinasabi niya? Baka nga may sungay pa, tsk!" Pabulong na inis ni Peng. Agad ko naman s
"Hmm, hello po Tita." Mahinhin na wika ko. Ito ang Ina ni Menda. Katulad pa rin nang una, iba pa rin ang pakiramdam ko sakaniya. Sa Oras na ito, tila'y gusto ko siyang yakapin. Ang Gaan nang pakiramdam ko. Tama na nga self, mukhang may mali na sayo! "Nelia, mabuti na lang at naka-dalo ka. Akala ko bibiguin ako ni Anderson. But now, I'm very happy dahil nandito ka." Nakangiti na wika niya. Pakiramdam ko na dadala ako sa mga sinasabi niya. "Ahm, opo. Nag-usap po kami ni Anderson tungkol rito. Maraming salamat din po sa pag-imbita." Nakangiting wika ko rin sa kaniya. Ikinagulat ko ang biglang ginawa niya. Muli niyang ginawa ang paghawak niya sa mukha ko. Ginawa na niya ito sa hospital. Eiii KALMA lang self, wala naman ibang meaning ang pakiramdam na 'to! Please, lang tama na ginugulo mo lang ang pakiramdam ko. Agad akong umiwas sa paghimas niya sa mukha ko. "Pasensya na po Tita. Ahmm, baka hinahanap na rin po kayo ni Menda. Sige na po, ayos lang po kami rito. Mag-iing
Na una si Anderson sa birthday ni Menda. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako ngayong araw. Hindi ko naiintindihan ang tibok ng puso ko. Sobrang gulo, nag-aalangan tumuloy. Kaso nga lang naka-bihis na ako ngayon at nasa loob ng sasakyan. Naka-sandal lang ang ulo ko ngayon bandasa bintana, habang iniisip ang lahat. Hindi ko na nga alam kung ano ang uunahin ko. "Sana maging maayos lang talaga ang gbing ito." Mahinang sambit ko sa sarili ko. "Ma'am ayos lang po ba kayo?" Hindi ko alam kung sino ang nagsalita. Wala akong gana ngayon na makipag-usap sa iba. Hayts, kami lang din naman ng driver ni Anderson ang nandito ehh. Sino pa ba ang iniisip ko. Hays, mukha na talaga akong tanga sa mga ginagawa ko ngayon. "Bakit kasi ganun..." sabay buntong hininga ko. "Ang alin po ba ma'am? May problema po ba ma'am?" Umaatras ang dila ko kasi hindi ko rin naman alam kung ano ag isasagot ko. Hindi naman sa snober, sadyang ewan. Nanatili na lang akong tahimik habang nasa malayo pa rin ang tingi
Maya-maya lang lumabas si Anderson. Bagong ligo siya pero hindi ko 'to pinansin pa. Syempre umarte pa rin akong hindi nasasaktan. Nakaka-pagod din ang magpanggap pero wala akong ibang pagpipilian. Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko. Pinagmamasdan ko lang siya at hinihintay na may sasabihin siya. Nang kinapa niya ang kama, agad kong napansin ang invitation card. Hindi ko pala 'yon na-itago. Akmang kukunin ko na 'to, subalit inunahan niya ako kaya hindi na lang ako umimik pa. Unang tingin pa lang niya alam na alam na niya. "Invitation card? Sino nagbigay? Si Menda? Nagkita kayo?" Sunod-sunod na tanong niya. "Ahmm, oum, pumunta siya rito kanina. Tapos sabi niya, may malaking importanteng bagay daw siyang i-announce sa birthday niya. Kailangan ko raw pumunta para malaman ko." Mahinahon na sagot ko. Nasa kumot lang ang tingin ng mga mata ko. "Okay...." Pansin ko ang malalim niyang paghinga. "May problema ba love?" "Ahmm, nag-aalala lang ako. Baka kung ano ang gawin niya b
BACK TO NELIA POV.Napa-kapa ako sa kama dahil sa pag-vibrate ng phone ko. Kahit inaantok pa ako, agad ko pa rin itong binuksan dahil iniisip kong si Anderson ang nag massage. Napangiti naman ako. Ngunit, nang tuluyan ko itong buksan. Laking gulat ko na lang ang nakita ko. Tila'y dinurog ang puso ko. Mga malamig na patalim ang tumarak sa dibdib ko. "Love, bakit ganun...." Mahinang sambit ko sa sarili ko. Dahan-dahan na tumulo ang mga luha ko. Akala ko hindi na siya uulit, pero bakit sa litratong 'to makikita ko kung paano sila naghahalikan ni Menda. Hindi ko napigilan ang aking puso. Dahil sa sobrang sakit napa-iyak nang napa-iyak. Sana umuwi ka na lang, kailangan pa bang makipaghalikan sa iba bago ka umuwi. Masyado akong emosyonal ngayon. Sobrang sakit, sobra pa sa sobra.Mahigpit akong napayakap sa unan ko. Damang dama ang lamig na 'to. "Bakit ba ganun, bakit ganun. Anderson, siguro naman hindi totoo ang litratong 'to. Nilalandi ka lang ni Menda diba?" Kahit anong deny ko sa nak
"Nelia, alam mo naman na ex fiance ko si Anderson. Dapat alam mo na rin kung bakit ako nandito. Isa pa, you know na may nangyari na sa aming dalawa. So, may karapatan ako sa kaniya. Not only you Nelia." Mataray niyang wika at may kaartehan pa. Napakuyom ang aking kamao. Hindi ko gusto ang tinig ng pagkakasabi niya."Ano naman ngayon? Wala akong pake-alam kung ano ang meron ka kay, Anderson. Isa pa, ex ka lang diba? Asawa na niya ako ngayon. Kung isisiksik mo pa ang sarili mo sa aming dalawa. Isa ka lang kabet Menda." Nang gigigil na ako sa tulad niya. Kung pwede ko lang siya saktan nagawa ko na."Well, I don't care. As long as he's back in my life. Alam naman natin pareho na mang aagaw ka lang. Inagaw mo lang siya sa akin at marami ang nakakaalam sa bagay na 'yon." Tila'y bwenebwesit niya talaga ako ngayon. Hindi na nga maganda ang pakiramdam ko dagdag pa ang babaeng 'to."Sabihin mo na lang kung bakit ka nandito. Wala rito ang asawa ko, kaya hindi mo siya malalandi. Tsk! Menda, alam