Share

Chapter 4

Author: iamAexyz
last update Last Updated: 2025-09-03 08:24:13

NATASHA

"Gulay! Gulay kayo diyan! Sariwang-sariwa, mura pa!" sigaw ko. Ibinigay ko na ang lahat ng energy ko upang makatawag pansin sa mga namimili.

"Gulay! Gulay kayo mas sariwa, mas mura! Mas maganda pa ang nagtitinda!" sigaw naman ng katapat ng stall ko na si Pinang. Kung malakas ang boses ko, mas nilakasan pa niya.

Mataray niya akong tiningnan kaya inirapan ko siya. Ang kapal ng mukha nitong sabihin mas maganda siya sa akin. Hinaharap pa lang, lamang na ako. May dalawang bundok ako, samantalang puro kapatagan ang kanya. Mas makinis lang siya sa akin dahil alagang-alaga niya ang katawan. Ako naman tamang tig-bebenteng sabon lang, siya may turok pa ng gluta habang ako panghilod lang ang gamit.

Si Pinang na yata ang tinik ng lalamunan ko. Lahat na lang ng ginagawa ko ginagaya niya. Noong magtinda ako ng kakainin, nagtinda rin siya sa tapat namin. Nang magtinda ako ng gulay dito sa palengke, aba kinabukasan nagtitinda na rin. Minsan iniisip ko nang may saltik siya dahil ayaw niya akong tatantanan kahit wala naman akong ginagawa sa kanya.

"Suki, bili na. Trenta lang ang kilo," nakangiting alok ko. Daig ko pa ang endorser ng toothpaste commercial sa ganda ng ngiti ko pero agad din naglaho ng marinig ko ang matinis na boses ni Pinang.

"Naku, manang dito ka na lang bumili. Bente-nieve lang ang isang kilo."

Ang babae naman ay lumapit sa mga paninda nito. Binigyan ako ni Pinang ng mapagyabang na tingin. Ang sarap niyang sakalin. Nangigil ako sa kanya.

"Naku, manang hindi. Dito ka sa akin bumili, twenty eight pesos at fifty centavos na lang." Kinuha ko pa ang pinakamagandang kalabasa at ipinakita sa kanya. Todo ngiti pa ako pero umepal na naman si Pinang.

"Manang, dito bente otso na lang. Wala nang butal."

"Manang, dito ka na lang bumili. Fifty-five na lang dalawang kilo." Kumuha ako ng isa pang kalabasa. Parehong kamay ko na ang may hawak na gulay na habang nakangiti ng todo. Endorser na endorser na ng kalabasa ang dating ko.

Hindi naman ako papayag na magpatalo sa kanya at agawan ako ng suki. Kahit na pakiramdam ko lugi na ako sa ginagawa ko. Pride na ang labanan dito hindi lang benta.

"Manang, huwag kang makinig sa kanya!"

"Manang-"

"Ang gulo ninyong dalawa, sa iba na lang ako bibili," saad ng babae at lumakad na palayo.

Hinayaan ko si Pinang na babatuhin ng kalabasang hawak ko sa sobrang inis. Umakto naman ito na babatuhin ako ng talong. Sabay naming inirapan ang sarili bago bumalik sa pagtitinda.

"H'wag mo na lang siyang pansinin. Inggit lang siya sa beauty mo masyado ka kasing gifted hinaharap man o pang-upo. Tingnan mo naman siya parang kawayan na kapag hinanginan yuyuko," pag-aalo sa akin ni Gerlie. Nagtitinda rin ito ng kilay sa kalapit ko pero hindi gaya ni Pinang na lahat yata ng suki ko balak agawin.

"Nangigil na talaga ako sa babaeng iyan. Masyadong bida-bida."

"Hindi ka pa nasanay." Naiiling pa ito.

Paano ako masasanay ay daig pa nito ang anino ko. Lahat na yata ng gawin ko alam niya at ginagaya niya. Isa siyang cheap immitation ko. Pwe!

Bago ko isara ang stall ko binilang ko muna ang perang kinita ko ngayong araw. Napasimangot ako. Hindi siya kalakihan dahil ang kakompetensya ko kulang na lang ipamigay ang paninda niya basta sa kanya bumili.

Naglalakad ako pauwi, hindi pa naman masyadong madilim kaya okay lang. Hindi rin naman kalayuan ang bahay namin kaya kayang-kaya kong lakarin. Sayang ang pamasahe. Pambili na rin iyon ng gamot ni nanay.

Nang may isang kotseng sumabay sa lakad ko. Hinto ko ito pinansin pero todo busina ito. Kaso bingi ako kaya hindi ko siya nilingon man lang.

"Tasya, hatid na kita." Malaki ang ngiti ng driver nito.

Ngumiti rin ako sa kanya pabalik pero peke. Umangat lang ang dalawang gilid ng labi ko kaya sino man ang makakakita, masasabing napipilitan lang ako.

"Salamat na lang pero may paa naman ako. Kaya kong umuwing mag-isa," pagsusungit ko.

Araw-araw na lang yata ganito ang eksena naming dalawa. Masyado kasi siyang makulit. Sinabi ko na sa kanya noon na wala siyang pag-asa sa akin pero patuloy pa rin niyang hinahabol ang kagandahan ko. Mahirap pala talagang maging maganda, hayst.

"Ang sungit mo talaga. Kunwari ka pa gusto mo rin ako," mayabang na saad nito.

Heto na naman siya. Itinirik ko ang aking mga mata sa asar sa kanya. Gwapo naman talaga siya pero hindi ko kaya ang kahanginan niya. Parang bagyo ang kahanginan niya pakiramdam ko liliparin ako palagi.

"Tantanan mo ako, Anton. Huwag kang mangarap ng gising. Hindi ako pumapatol sa lalaking hangin lang ang laman ng utak."

Nagpatuloy ako sa paglalakad pero nakasunod pa rin ang kotse nito. Hindi ko na lang ito pinansin. Ayokong magsayang ng laway sa kanya.

"Tasyang! Tasyang! Ang nanay mo!" sumisigaw na salubong sa akin ni Kaloy. Nagtatatakbo ito. Nakayapak lang ito, tila nagmamadali at hindi na nakapagsapin sa paa.

Huminto ito sa harapan ko. Isa ito sa mga tambay na kaibigan ko. Hindi naman kasi porke't tambay adik na. Gaya nito na payat pa pero hindi naman humihithit, naglalaklak nga lang minsan.

"Bakit anong nangyari?" nag-aalalang tanong ko nang tuluyan na siyang huminto sa harap ko.

Humihingal pa ito. Kaya huminga muna ito bago nagsalita.

"Ang nanay mo, sinugod sa ospital!"

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • One Night with the Rich Man   FINALE

    TASYA"Ahhh! Poldo!" malakas na daing ko nang bigla niyang ipasok ang pagkalalaki niya sa loob ko.Ramdam ko ang kahabaan niya sa loob ko at parang virgin ulit ako dahil parang na-strech ulit ang loob ko. Bumaon ang mga kuko sa braso niya."Fuck, Tash. I want you bad," anas niya at muling hinalikan ang mga labi ko.Pumulupot ang mga braso at hita ko sa kaniya. Muntik ko nang makagat ang labi niya habang naghahalikan kami nang mas ibaon niya ang sarili sa loob ko. Nagsimula siyang humalaw sa ibabaw ko habang magkahinang pa rin ang labi naming dalawa. May gigil ang bawat kilos niya pero naroon pa rin ang pag-iingat niya. Habang ang mga labi ko naman ay hinahalikan niya ng mariin at tila punong-puno ng pagkauhaw.Napasabunot ako sa buhok niya nang maramdaman kong malapit na ako. Mas bumilis naman ang paggalaw niya. Nagtama ang mga mata naming dalawa at ngumiti ako sa kaniya bago ko kinagat ang ibabang labi ko, napatirik ang mga mata ko nang hugutin niya sa loob ko bago muling ibaon ang k

  • One Night with the Rich Man   Chapter 86

    LEOPOLDOKumunot ang noo ko kay Mommy. Kahit hindi niya banggitin sa akin kung sino ang tinutukoy niya ay alam kong si Tash iyon."That's why I never stop looking for her. Mahahanap ko rin siya," umaasang sambit ko.Ngumiti sa akin si Mommy."Wala na ang daddy mo, kaya pwede mo na siyang makita. Sa bahay natin sa San Vicente nandoon siya."Hindi makapaniwalang napatingin ako sa ina ko."How?""Nalaman kong kinausap siya ng iyong ama para palayuin sa iyo pero buntis siya at alam kong wala siyang ibang mapupuntahan kaya tinago ko siya sa isang obvious na lugar pero hindi iisipin ng ama mo na doon siya nagtatago. I am sorry for hiding her. I just want to make her safe. I am sorry if hindi ko agad nasabi sa iyo."Mabilis akong lumapit sa ina ko at mahigpit ko siyang niyakap."Thank you."Tinapik niya ako sa balikat."Sige na, puntahan mo na siya."Humiwalay ako ng yakap sa kaniya at nakita kong nakangiti sa akin ang si Mommy.Mabilis ko siyang hinalikan sa pisngi at patakbo akong lumabas

  • One Night with the Rich Man   Chapter 85

    POLDOMy brother lost in the election.My father died.Nagbaril siya sa ulo, matapos niyang aminin ang kasalan niya niya kay Ludwick. Matapos niyang humingi ng sorry sa panganay na kapatid ko.Samantalang sa akin, hindi ko man lang siya natanong. Bakit niya ginawa ang mga bagay na iyon? Actually natanong ko na siya pero hindi sapat ang paliwanag niya sa akin noong una. Na balakid lang sa tagumpay ko si Tasha. Gusto kong pa sanang malaman, selfish lang ba talaga siya o may iba pa siyang dahilan? Bakit hindi siya nag-sorry sa mga kasalanan niya sa akin? Dapat hinintay muna niya akong dumating, dapat narinig ko rin ang paliwanag niya. Baka mas mabilis ko siyang matawad kung ganoon. Baka hindi mabigat sa dibdib ko na nawala siya na may sama ako ng loob sa kaniya. Na may galit akong kinikimkim sa kaniya.Napatingin ako sa mga kapatid ko habang inililibing ang ama ko. Kumpleto kaming lima ngayon.Umiiyak ang aming ina. Sa pagkawala ng ama namin, alam kong siya ang nasasaktan. Gusto kong sa

  • One Night with the Rich Man   Chapter 84

    POLDO"Who are you?" tanong ko sa babaeng kaharap ko ngayon.Siya ang babaeng nagpakilala na Diana kay Tasha at dahilan kung bakit muntik nang mawala ang anak namin. Ang tumulak sa babaeng mahal ko kaya dinugo ito.Kanina pa kami magkaharap na dalawa pero hindi siya nagsasalita kaya mas lalong lumiliit ang pasensya ko sa kaniya.Medyo nahirapan kaming hanapin siya pero kusa siyang nagtungo rito sa sugalan kaya hindi na sila pinalabas ni Gerry."Hindi mo ba talaga ako natatandaan? We slept before," sagot nito pero matalim ang tingin niya sa akin.Kinamot ko naman ang kilay ko.Hindi ko matandaan ang pangalan at mukha ng mga babaeng kinama ko dati dahil wala naman akong balak na kilalanin sila. At kung may nangyari sa amin dati, ibig sabihin ginusto niya iyon dahil hindi ko naman ugali ang mamilit ng babae. Sanay naman ako na sila ang kusang bumubukaka."What do you want? If we really slept before, why you pretended as Diana?"Napanganga ito sa sinabi ko."Pretended? Hindi ako nagpapang

  • One Night with the Rich Man   Chapter 83

    POLDOMag-iisang buwan na ang nakakalipas mula nang umalis si Tasha, pero hanggang ngayon, hindi pa rin ako tumitigil sa paghahanap sa kaniya.Bumalik din ako sa pag-aaral ko gaya ng gusto ng ama ko. Kahit late na ako ay pinilit niyang makapasok akong muli sa dahil lang malalakas ang kapit niya. Pati university na pinapasukan ko, ginamit niya ang baluktot na pamamaraan niya.Nandito na rin ulit ako sa mansyon nakatira, hindi dahil gusto kong bumalik dito, kundi gusto kong malaman ang bawat galaw ng ama ko. Kung wala ba talaga siyang alam kung nasaan si Tash.Busy akong magpanggap na mabuting anak sa ngayon, habang lihim kong hinahanap ang babaeng mahal ko. Oras na makita ko siya, maglalaho na rin akong parang bula.Hindi lang naman ako makalaban kay Dad dahil ayaw kong kay Tasha niya ibaling ang galit niya sa akin dahil sinusuway ko siya. Alam ko naman na halang ang kaluluwa ng ama ko. Maging ang babaeng tumulak sa kaniya, hindi na ako magugulat kung siya ang may pakana noon.Mag-iisa

  • One Night with the Rich Man   Chapter 82

    Nakipagtigasan ako ng tingin kay Dad. Tumigas ang panga ko habang nakatingin sa kaniya. Hindi ako naniniwalang wala siyanga alam."Kapag nalaman kong may kinalaman kayo, ako mismo ang sasabotahe sa lahat ng illegal na negosyo ninyo," tukoy ko sa pagbebenta niya ng mga illegal na baril.Bigla niya akong kinuwelyuhan dahil sa sinabi ko."Subukan mo, sisiguraduhin ko naman na bangkay na ng babaeng iyon ang matatagpuan mo," galit na pagbabanta niya."You can't do that!" malakas ang boses na saad ko."Don't try me."Mapakla akong napangiti sa kaniya."So you knew where she was.""Hindi ko alam kung nasaan siya, pero kaya ko siyang hanapin kong gugustuhin ko. Kaya huwag mo akong subukan. Bumalik ka dito sa bahay at ayusin mo ang sarili mo. Tinatama ko lang ang mga ginagawa mo, kaya umayos ka. Napupuno na ako sa inyong magkakapatid."Patulak niyang pinakawalan ang kwelyo ng damit ko. Naikuyom ko na lang ang kamao ko. Gusto ko siyang suntukin ngayon pero pinipigilan ko ang sarili ko. Baka kun

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status