LOGINTatlong buwan matapos mamatay ang kanyang ama, napilitang lumipat ang dalawampu't dalawang taong gulang na si Celine Rivera sa Hacienda Villafuerte sa Moncada, Tarlac—ang tahanan ng bago niyang stepfather at ng lalaking unang araw pa lang ay gusto na niyang layuan. Sa unang gabi, dahil sa nakaawang na pinto ng lumang library, aksidente niyang nasaksihan ang isang pribadong eksenang hindi niya dapat nakita. Mula noon, tuwing magkakaharap sila, gusto na lang niyang lamunin siya ng lupa sa sobrang hiya. Ang mas malala? Ang lalaking iyon ay si Allister Dela Rosa—ang guwapo, dominante, at kilalang playboy na itinuturing ng lahat bilang ampon ng kanyang stepfather. Habang nauuwi sa walang tigil na asaran ang bawat pagkikita nila, napapansin ni Celine na may mga bagay tungkol kay Allister na hindi maipaliwanag. May mga gabing bigla itong nawawala. May mga armadong lalaking yumuyuko at tumatawag dito ng "Supremo." At kahit hindi ito kilala ng publiko, may mga makapangyarihang tao na tila nanginginig sa pagbanggit ng codename nitong... White Demon. Ngunit ang pinakamalaking sikreto... Hindi aksidente ang pagpasok ni Allister sa Hacienda Villafuerte. Pitong taon na siyang nagpapanggap na ampon ng lalaking pinaghihinalaan niyang pumatay sa kanyang mga magulang. Pitong taon na siyang naghihintay ng pagkakataong pabagsakin ang imperyong itinayo sa kasinungalingan, dugo, at nakaw na kayamanan. Ngunit habang papalapit siya sa katotohanan, may natuklasan siyang hindi niya inaasahan. May isa na namang pamilyang unti-unti nang nahuhulog sa parehong bitag na minsang sumira sa kanyang buhay. At sa pagkakataong ito... Kasama roon si Celine Rivera. Paano kung ang lalaking una niyang kinaiinisan... Siya rin palang misteryosong bilyonaryong namumuno sa kinatatakutang underground organization na White Demons? At paano kung ang "malaking sekreto" na una niyang nasaksihan sa library... Ay iyon pa lang ang pinakamaliit na lihim na itinatago ni Allister?
View MoreCELINE'S POV:
10:43 PM. Isang sigaw ng babae ang humila kay Celine palabas sa mahimbing na tulog. "Ouch... Allister! It hurts!" Bumangon si Celine. Habol ang hininga, magulo ang buhok, hinanap agad ng kamay niya ang cellphone sa ibabaw ng nightstand. Maliwanag ang screen. 10:43 PM. "Alas diyes pa lang? Gabi na pala," bulos ng boses niya, pinupunasan ang mata. Alas singko pa lang ng hapon nang makatulog siya matapos ang halos limang oras na biyahe mula Maynila papuntang Moncada, Tarlac. Hindi biro ang NLEX traffic at ang lubak ng daan papasok ng Hacienda Villafuerte. Pagbaba pa lang ng van, diretso higa siya sa guest room. Hindi na nakapagbihis. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwala na nandito siya. Tatlong buwan pa lang mula nang mailibing si Eduardo Rivera. Tatlong buwan pa lang mula nang gumuho ang mundo niya. At heto siya ngayon, sa hacienda ng lalaking ilang linggo pa lang dikit sa Mommy Martha niya. Si Tito Jayson Villafuerte. Naalala pa ni Celine ang pagdating kaninang hapon. Bumaba siya ng sasakyan, sinalubong siya ng mayordoma at dalawang kasambahay. "Kayo po pala ang unica hija ni Sir Eduardo," bati ng mayordoma. "Matagal na po naming naririnig ang Rivera Group." Isang linya lang, kilala na agad siya. Ganoon kalakas ang pangalan ng Daddy niya. Founder ng Rivera Group of Companies si Eduardo Rivera. Construction, real estate, equipment rental, logistics. Lahat ng may kinalaman sa pagtatayo ng gusali sa Luzon, may tatak ng Rivera. Lumaki si Celine na walang salitang hindi pwede. May sariling condo sa Quezon City, may sariling kotse, may black cards na walang limit. Lahat ng gusto niya, binibigay. Akala niya, kahit wala na ang Daddy niya, ganoon pa rin. Nagkamali siya. Isang utos lang ni Martha, freeze ang lahat ng accounts niya. Block ang black cards. Bawi ang condo at kotse. Lahat hawak ngayon ng Mommy niya bilang legal na asawa habang inaayos pa ang mana. "Kailangan mong matutong tumayo sa sarili mong paa, Celine. Hindi habang buhay prinsesa ka," sabi ni Martha bago siya pinaalis ng Quezon City. At ang huling sabi ni Tito Jayson, "Sa Moncada ka muna. Doon nagsimula ang Villafuerte Sugar Mills. Si Allister ang namamahala doon. Marami kang matututunan sa kanya." Allister. Pangalan pa lang, parang trabaho na agad. Bumalik sa tenga ni Celine ang pangalawang sigaw. "Allister... please!" Tumayo si Celine. Nakasuot lang siya ng oversized shirt at shorts. Walang tsinelas. Lumabas siya ng kwarto. Tahimik ang buong mansyon. Patay ang ilaw sa baba. Ang naiwan lang, yung dilaw na ilaw ng antique wall lamps sa second floor. Sa labas ng bintana, malakas ang kuliglig. Humahampas ang dahon ng kawayan sa bubong. Amoy lumang kahoy at kape. Naglakad si Celine sa mahabang hallway. Nadaanan niya ang portrait ng pamilya Villafuerte. Nadaanan niya ang grand staircase. Nadaanan niya ang dining hall. Papalapit sa dulo ng pasilyo, mas malinaw na ang boses. Boses ng babae, hingal at mahina ang tawa. At boses ng lalaki. Baritono. Pamilyar. Sa tapat ng lumang library, nakita ni Celine ang p***o. Nakaawang. May ilaw sa loob. Huminto siya. Pinakinggan niya. "Allister, tama na..." sabi ng babae, pero tumatawa. Gusto sana ni Celine tawagin ang kasambahay. Pero naisip niya, paano kung may inaaway? Paano kung kailangan ng tulong? "Check ko lang," sabi niya sa sarili. Itinulak niya ng kaunti ang p***o. Sumilip siya. Si Celine, sanay sa bar sa BGC. Sanay makakita ng magkayakap, magkahalikan. Pero iba ito. Sa loob ng library, sa ibabaw ng malaking antigong mesa sa gitna, may dalawang tao na magkayakap. Magulo ang mesa. Yung ilang libro, nahulog sa sahig. Yung polo ng lalaki, nasa sahig din. Yung manipis na blouse ng babae, nakasampay sa armrest ng upuan. Yung lalaki, nakatayo sa pagitan ng mesa at ng babae. Malapad ang likod. Matangkad. Yung muscles sa braso, litaw sa ilaw. Yung babae, nakakapit sa leeg niya, nakasandal sa mesa, nakatingala. Si Allister. Kahit talikod, kilala ni Celine dahil kaninang hapon, nakita niya ang litrato nito sa office ni Tito Jayson. At yung babae, hindi niya kilala. Rinig ni Celine ang bulong ni Allister, mababa at paos, "Ang ingay mo." "Eh kasi naman..." sagot ng babae, sabay tawa na pigil ang hininga. Doon na nag-init ang buong mukha ni Celine. Mula pisngi hanggang leeg. Hindi dahil sa libog, dahil sa hiya. Gusto niyang umatras. Gusto niyang takpan ang mata. Pero yung paa niya, ayaw gumalaw sa pwesto. Hanggang sa gumalaw si Allister. Binuhat niya ang babae mula sa mesa, parang magaan lang. Yakap pa rin. Dikit pa rin ang katawan. Lumipat sila sa couch sa gilid ng library. Doon mas naging malinaw ang anino nila sa ilaw. Doon na natauhan si Celine. "Ay Diyos ko," bulong niya, takip ang bibig gamit ang palad. Atras siya. Isang hakbang. Pangalawa. Sa pangatlong atras, tumama ang siko niya sa maliit na mesa sa gilid ng p***o kung saan nakapatong ang lumang flower vase. Tok! Malakas ang tunog. Sa katahimikan ng hallway, parang putok ng baril. Mabilis na sinalo ni Celine ang vase bago mahulog. Nanginginig ang kamay niya. Hawak niya ang vase na parang bomba. Mula sa loob ng library, tumigil ang tawanan. Katahimikan. Rinig ni Celine ang kaluskos. Parang may tumayo. Parang may lumingon sa direksyon ng p***o. Hindi huminga si Celine. Hawak pa rin niya ang vase. Isang segundo. Dalawa. Tatlo. Walang lumabas. Walang nagsalita. Pero ramdam ni Celine na may nakatingin sa p***o. Ramdam niya yung bigat ng tingin mula sa loob. Kaya dahan na dahan siyang umurong. Isang hakbang palayo sa p***o. Isa pa. Nakarating siya sa kanto ng hallway. Paglampas sa kanto, doon na siya tumakbo pabalik sa guest room. Hindi na niya inisip kung maingay ang yapak niya. Pagpasok sa guest room, sinara niya agad ang p***o. Ni-lock. Sinandal niya ang likod sa p***o. Habol ang hininga. Yung kamay niya, nasa dibdib. "Kalma ka lang, Celine. Kalma ka lang. Hindi mo sinasadya. Hindi mo sinasadya," paulit-ulit niya sa sarili. Umupo siya sa sahig. Yakap ang tuhod. Pero kahit anong pilit niyang kalimutan, bumabalik sa utak niya yung eksena. Yung likod ni Allister. Yung higpit ng yakap ng babae. Yung boses na paos. "Paano ako matututo sa taong yun kung ganyan ang inaabutan ko?" reklamo niya, pero mahina lang, parang nahihiya pa rin sa sarili. Tumayo siya at humiga sa kama. Nagkumot hanggang ulo. Pilit pumikit. Pero isang tanong ang ayaw tumigil sa utak niya. Nakita ba siya ni Allister sa p***o? Kinabukasan, alas sais pa lang ng umaga, may kumatok sa p***o ng guest room. Tok. Tok. Tok. Malakas. Lalaki. "Ms. Rivera. Gising na." Boses ni Allister. Nanigas si Celine sa kama. Nakakumot pa rin hanggang ulo. Hindi gumagalaw. "Ms. Rivera, alam kong gising ka. Naririnig ko yung cellphone mo." Napatingin si Celine sa cellphone niya. Nag-aalarm pa pala. Bumangon siya. Inayos ang buhok sa salamin. Pulang-pula pa rin ang mukha. Binuksan niya ng kaunti ang p***o. Nakatayo si Allister sa labas. Naka-white polo na nakatupi ang manggas, naka-maong, naka-bota pang bukid. Malinis. Mabango. Walang bakas ng puyat. Yung buhok, medyo basa pa. Bagong ligo. Tumingin siya kay Celine. Diretso. Walang ngiti. "Good morning. Sa baba ang almusal. Five minutes. Kapag late ka, wala ka nang kakainin. Sa bukid, walang prinsesa." Tapos tumalikod na siya at naglakad palayo, parang walang nangyari kagabi. Naiwan si Celine na nakanganga sa p***o, hawak pa rin ang doorknob. At sa isip niya, mas malakas pa sa alarm ang tanong, Alam ba ni Allister na nakita niya ang lahat kagabi?"Aalis kami ng Mommy mo sa susunod na linggo."Nasa private office pa rin sina Jayson at Allister. Hindi na tulad kanina na mabigat ang hangin. Mas kalmado na. Bukas ang bintana at kita ang tubuhan sa labas. Si Jayson nakaupo sa swivel chair, si Allister nakatayo pa rin sa harap ng mesa na parang ayaw magtagal.Tahimik si Allister."Out of the country," dagdag ni Jayson. Inayos ang isang folder sa mesa. "Switzerland at Italy. Matagal na naming pinaplano ni Martha. Ngayon lang natuloy."Hindi pa rin nagsalita si Allister."Ayokong maiwang mag-isa si Celine," sabi ni Jayson. Tumingin kay Allister. "Bago pa lang siya rito sa Hacienda. Hindi pa niya kabisado ang Tarlac. Hindi pa siya sanay sa mga tao.""May mga kasambahay naman," sagot ni Allister. Maikli."Hindi sapat," sagot ni Jayson. "Bago siya rito. Ikaw ang nakakakilala sa lugar. Ikaw ang pinakamalapit sa edad niya.""May klase rin ako," sabi ni Allister."Hindi ko hinihinging bantayan mo siya," sabi ni Jayson. Ngumiti nang bahagya,
"Kanina ka pa walang imik."Nasa likod ng SUV sina Martha at Jayson. Si Kuya George lang sa unahan, nakatutok sa kalsada ng NLEX. Bukas ang aircon pero mabigat pa rin ang hangin sa likod. Simula pa sa Ayala Avenue, walang nagsasalita. Kanina pa nakatingin si Martha sa labas ng bintana. Hawak ang strap ng handbag na parang may pinipigilan.Napansin ni Jayson ang katahimikan. Hindi ito normal na pagod. May iniisip."May iniisip lang," sagot ni Martha. Hindi lumingon."Tungkol sa nangyari?" tanong ni Jayson.Hindi agad sumagot si Martha. Hinayaan niyang dumaan ang ilang poste sa labas. Nakita ni Jayson sa salamin kung paano gumalaw ang panga niya bago siya nagsalita."Hindi ko lang maintindihan..." sabi ni Martha sa huli.Doon na naging alerto si Jayson. Alam niyang continuation ito ng nangyari sa conference room. Hindi pa tapos ang usapan sa law office."Bakit parang gusto mong matapos agad lahat?" tanong ni Martha. Humarap na siya kay Jayson. Diretso ang tingin. Hindi galit, pero may t
Makati City. 11:42 ng umaga.Malamig ang conference room ng law office sa 28th floor ng Ayala Avenue. Glass ang buong pader, kita sa labas ang mga gusali na nakabilad sa araw. Sa gitna ng mahabang mesa, sampung folder ang nakahanay, makakapal, may color tab at may nakadikit na post-it.Nasa isang dulo ng mesa si Martha Rivera. Katabi niya si Jayson Villafuerte. Naka white polo si Jayson, nakatupi ang manggas hanggang siko, nakangiti na parang tapos na ang lahat bago pa man magsimula. Sa kabila, nakaupo ang senior lawyer ng Rivera Group, dalawang corporate secretary na may laptop, at ang notary public na nakaabang lang.Inilapag ng lawyer ang unang folder sa harap ni Martha."Mrs. Rivera, ito po lahat ng napag-usapan natin last week. Nandito na lahat ng final drafts," bungad ng lawyer at binuklat ang cover page.Tumango si Martha at kinuha ang ballpen.Sumingit si Jayson habang nakatingin sa mga papel, "Wala nang problema dito, Attorney? Malinis na lahat para sa transfer?""Based sa in
Nasa canteen si Celine. Doon siya iniwan ni Allister.Mag-isa siya sa isang table na pang-apatan pero wala siyang kasama. Nakaharap sa kanya ang enrollment papers niya, yung extra helmet na hindi niya naibalik, at isang baso ng tubig na hindi pa niya nainom. Pinipilit niyang hindi makinig sa paligid pero ang hirap. Kahit saan siya lumingon, may nakatingin.Pilit niyang binabasa yung Civil Engineering prospectus na binigay ng registrar pero hindi siya makapag-focus. Ang ingay ng bulungan sa paligid ng canteen. Ramdam na ramdam niya na siya yung topic."Siya ba yung bagong transferee?""Ang ganda...""Kasama ni Allister kanina diba?""Pinsa ba niya? O girlfriend?""Civil Engr daw siya, transferee from Manila.""Shhh, baka marinig ka ni Trixie."Hindi alam ni Celine na bawat bulungan na naririnig niya, mas malakas at mas masakit na naririnig ni Trixie sa kabilang table. Para kay Trixie, hindi lang ingay yun. Insulto.Sa kabilang table, nakaupo si Trixie Trinidad kasama sina Collete at Ka
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.