Share

Chapter 5

Penulis: iamAexyz
last update Terakhir Diperbarui: 2025-09-03 08:26:44

NATASHA

Parang biglang tumigil ang mundo ko sa aking narinig. Muntik na akong mabuwal buti at nahawakan ako ni Kaloy. Nanginig bigla ang mga kamay ko.

"Bakit? Anong nangyari?!" na-iiyak ng tanong ko. Natataranta ako at hindi ko alam ang gagawin ko.

Maayos naman kasi ito nang iniwan ko kaninang umaga. Todo paalala pa nga ito sa akin. Tapos ang balitang nasa ospital ito ang sasalubong sa akin.

"Hindi ko alam. Nakita na lang siya ni Aling Malou na walang malay. Sa Lopez Hospital siya dinala."

"Tasyang sakay, ihahatid na kita," ani ni Anton na nasa tapat ko pa rin pala sakay ng kotse niya.

Mabilis naman akong sumakay sa sasakyan. Kung kanina tinatanggihan ko siya ngayon wala na akong choice. Nagsisimula ng manginig ang mga kamay ko. Walang tigil rin sa pagkabog ang dibdib ko.

Pagkarating namin sa nasabing ospital ay agad akong tumakbo patungo sa information desk. Iniwan ko na si Anton kahit na tinatawag pa nito ang pangalan ko kanina pagkababa ko ng kotse niya.

"Miss, saang room si Ophelia Dimaranan?" nagmamadaling tanong ko.

Kinakain na ng pag-alala at takot ang puso ko. Hindi kumakalma ang kabog ng dibdib ko.

"Room 207 po, ma'am."

"Salamat."

Tinakbo ko ang Room 207. Nadatnan ko si Ninang Malou sa labas ng kwarto. Walang babalang pumasok ako. Sinusuri ng doctor ang nanay ko.

Tinanggal niyo ang stethescope na nasa tenga at humarap sa akin.

"Are you the relative?"

Kinakahang tumango ako. Pinagsaklop ko ang mga kamay ko habang naghihintay sa sasabihin nito.

"She needs to undergo coronary bypass surgery as soon as possible."

"What do you mean, doc?"

"The reason she always feels chest pain is because there is a blocked artery. We need to remove the blockage before it leads to a heart attack."

Pakiramdam ko nabingi ako sa aking narinig. Ganoon na ba kalala ang sakit niya? Kahit kailan hindi ko ito narinig na dumaing sa akin. Minsan nakikita ko itong minamasahe ang dibdib pero kapag tinatanong ko naman ay napagod lang daw ito sa gawaing bahay. Akala ko simpleng bagay lang kaya hindi ko na pinansin.

"Dok, gawin n'yo ang lahat para mabuhay ang nanay ko," umiyak na pagmamakaawa ko.

Siya na lang ang meron ako at hindi ko na kakayanin pa kapag nawala siya.

"We will, you need at least partial payments before we start the operation."

"Magkano po ba ang magagastos sa operasyon?"

"Prepare at least a million."

Tila lalo akong nanghina sa halagang narinig ko. Saan ako kukuha ng ganoon kalaking halaga? Pagtitinda lang ng gulay ang trabaho ko.

"Nay, lumaban. H'wag mo naman ako agad iiwan. Hindi ko kaya," umiiyak na paki-usap ko sa kanya kahit na hindi naman niya ako naririnig.

Nakahiga ito sa hospital bed, hindi pa rin nagigising at may oxygen mask na nakakabit dito.

"Tasyang, lakasan mo ang loob mo. Nandito lang ako.

Gagawa tayo ng paraan para maoperahan agad ang nanay mo." Nakatayo ito sa kalapit ko habang hinahagod ang likod ko.

"Ninang, pwede bang kayo muna ang magbantay kay nanay? Hahanap lang ako ng pera para sa operasyon niya." Pinahid ko ang luha ko at humarap sa kanya. She is my mom's best friend at alam kong hindi niya pababayaan si Nanay. Kailangan ko lang umalis para maghanap ng pera.

"May kukunan kana ba? Bakit hindi ka lumapit sa tatay mo?"

Naikuyom ko ang kamao ko nang marinig ko ang sinabi nito. Tatay? Minsan na akong nagmakaawa sa kanya. Pero pinagtabuyan niya ako. Uulitin ko pa ba? Pero buhay ng nanay ko ang pinag-uusapan ngayon. Kaya handa kong gawin ang lahat.

"Bahala na. Basta gagawa ako paraan."

My mother has already suffered a lot. Masyado na itong nahihirapan, hindi lang sa sakit nito ngayon maging sa mga nangyari sa buhay namin. At isa lang ang hiling ko ang manatili itong lumalaban dahil hindi pa ako handang maiwang mag-isa. Hindi ko pa kaya. Marami pa akong pangarap para sa aming dalawa.

Tumayo ako at pinahid ang aking mga luha. Gagawin ko ang lahat ng paraan para maoperahan agad ito. Hahanap ako ng pera. Kung kailangang magmakaawa akong muli sa tatay ko. Gagawin ko at kung hindi man niya ako muling pakinggan gaya ng dati. Hahanap ako ng ibang paraan. Sa mabuti man o masamang paraan, wala na akong pakialam. Ang mahalaga, mabuhay ang aking ina.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • One Night with the Rich Man   Chapter 29

    NATASHAHindi ko na lang pinansin ang nangyayari sa paligid ko at muling inayos ang mga talong na nagulo na ang pagkakapatong-patong nang biglang may kumuha sa talong na hahawakan ko sana."Mahilig ka ba sa talong?" malaki ang ngiting tanong sa akin ng lalaking kanina ay nakikita ko lamang na bumibili sa mga paninda ni Girlie.Kumunot ang noo ko dahil sa tanong niya. Gago ba siya? O baka naman madumi lang utak ko. Siguro nga, madumi lang.Todo ang ngiti nito pero walang epekto sa akin iyon. Hindi ako hayok sa gwapo. Kaya hindi gagana sa akin ang ginagawa niya sa ibang tindera na nandito na kulang na lang ay ibigay sa kanya ang lahat ng tinda ng libre.Napansin ko rin na sa amin naman nakatutok ang mata ng karamihan o mas tamang sabihin sa lalaking nasa harapan ko ngayon. Mas gwapo nga ito sa malapitan kaso idagdag pa ang braso nitong balot ng tattoo maging ang buong leeg nito na lalong nagpalakas ng dating dito. Pero hindi naman ako mahilig sa gwapo kaya hindi ako tinatablan ng charis

  • One Night with the Rich Man   Chapter 28

    NATASHAHumugot muna ako ng malalim na hininga bago nagsimulang magkalakad papunta sa pwesto ko sa palengke. Dalawang araw na ang nakakalipas mula ng ilibing si Inay, sariwa pa ang lahat sa akin pero hindi ako pwedeng magmukmok na lamang. Kailangan kung kumayod para sa sarili ko, nag-iisa na lamang ako ngayon kaya kahit mahirap kailangan kong magpatuloy. Kahit kumukirot pa ang puso ko dahil pagkawala niya hindi ako pwedeng tumigil."Tasyang okay ka lang ba? Dapat siguro hindi ka na muna nagtinda. Nagpahinga ka na lang muna sana. Halata sa mukha mong stress na stress ka pa. 'Yung eyebags mo pwede nang sidlan ng limang piso," nag-aalalang saad ni Klay. Habang inaayos ang mga paninda niyang prutas sa tapat ng stall ko."Oo nga naman, Tasyang. Mukhang kulang ka pa rin sa tulog kaya dapat nagbeauty rest kana muna," dagdag pa ni Girlie na lumapit pa sa may pwesto ko.Hindi rin naman ako mapapakali kapag nasa bahay. Mamimiss ko lang si nanay kaya mas mabuting magtrabaho na lang ako para mali

  • One Night with the Rich Man   Chapter 27

    LEOPOLDOTumingin ako paligid. Halatang luma na nga ito. Panahon pa yata ni kupong-kupong ang bahay. Capiz pa ang bintana nito at mataas na ang mga damo sa paligid.Medyo tago ang lugar. This is the best place for business. A secret place for all the rich men who want to waste their money and for me to be richer.I did not speak. I just got out of the car while scanning the place. Kaunting linis at renovate lang siguradong magiging maganda na ulit ang lahat. This is one of my dad's house na napabayaan na. Minsan na akong nakapunta dito pero bata pa ako.Dad loves buying properties, but he can't take care of all of it, gaya nitong bahay. At ang bahay na ito ang hiningi kong kapalit ng ipinag-utos niya sa akin. I am his son, pero wala ng libre sa mundo ngayon. After all, he knows that we are both businessmen. I will not follow his order unless I can gain something from it.I look at the dry fountain in front of the house. The house is far from the main gate because there is a long pathw

  • One Night with the Rich Man   Chapter 26

    LEOPOLDO"Boss, pakiramdam ko pinatapon kayo pansamantala ng tatay n'yo dito sa San Vicente," saad ni Jago nang muli siyang pumasok sa kotse matapos niyang buksan ang gate ng bahay kung saan kami tutuloy na dalawa. Habang ako naman ay komportableng nakaupo lang sa passenger seat.Dad didn't allow me to go back to San Vicente unless one of his men would go with me. And Jago is one of his trusted men, and the only one I know, that's why I chose him. Alam ko na pinasamahan niya ako sa tauhan niya hindi dahil kailangan ko ng bodyguard gaya ng sinasabi niya kundi dahil kailangan niya ng mata sa akin habang nasa malayo ako. Kilala ko na ang ama namin. Gusto nito nalalaman ang bawat galaw namin lalo na ni Ludwig. Pero wala naman siyang magagawa kahit anong gawin ko.Dad asked me to teach his enemy a lesson, and I am already done with it. Nagbabalik lang ako dito dahil nahanap ko na ang matagal ko nang hinahanap. Sa wakas nakita ko na rin siya."He did not. It's my choice to stay here.""Sus,

  • One Night with the Rich Man   Chapter 25

    NATASHAHindi ko alam kong kailan mauubos ang luha ko. Kahit nang makalabas na kami sa kwarto kung nasaan ang aking ina ay wala pa rin humpay ang luha ko. Nanghihinang napaupo ako.Ang utos ko sa kanya kaninang umaga magpahinga lang siya pero bakit panghabang-buhay na? Alam kong may sakit siya pero okay pa siya kanina, nakakausap ko pa siya tapos ngayon. Ngayon, malamig na siya.Ang bilis naman masyado. Hindi ako handa. Hindi ko pinaghandaan ang bagay na ito dahil umaasa ako na magiging ayos pa siya. Na makakauwi pa kami sa bahay pagkatapos nang operasyon niya Ganoon ang tumatakbo sa utak ko kanina, hindi ang ganitong senaryo."Ang daya niya. Iniwan na niya ako. Ninang, bakit ngayon pa? Sobrang saya ko kasi may pera na ako. Maooperahan na siya pero bakit bigla naman siyang sumuko. Okay pa siya nang iniwan ko kanina. B-bakit... b-bakit ngayon wala na siya?"Lumapit si Ninang Malou sa akin at hinagod ang likod ko habang umiiyak pa rin ako."I am sorry, Tasyang, umalis lang ako para bumi

  • One Night with the Rich Man   Chapter 24

    NATASHANagising ako na nilalagnat pero kailangan kong bumangon. Alas diyes na ayon sa orasan. Kahit nanghihina ako dahil masakit ang katawan ko at parang matutumba yata ako ay pinilit kong tumayo para maligo.Matapos maligo ay mabilis akong nagbihis. Kailangan ko nang mapapalitan sa bangko ang hawak kong tseke para ma-schedule na ang operasyon ni nanay. Pero dadaan muna ako sa ospital dahil kailangan na rin ni Ninang Malou na umuwi. Siya kasi muna ang pinagbantay ko kay nanay habang wala ako.Nagtataka pa nga sila kung saan ako pupunta kahapon pero gumawa na lang ako ng dahilan na may kakilala akong kaibigan na taga-Maynila na pumayag akong pahiramin ng pera kaya pupuntahan ko.Nakasuot ako ng jacket kahit na medyo mainit ang panahon dahil giniginaw ang pakiramdam ko. Mabuti na lang at may paracetamol pang stock sa bahay kaya uminom muna ako bago umalis. Mabilis naman akong nakasakay sa tricycle.Biglang tumunog ang selpon ko. Dali-dali kong sinagot ang tawag.Matagal pa bago may nag

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status