Share

Chapter 46

Ipinulupot ko ang aking mga kamay sa leeg ni Miguel at sinabayan ang bawat galaw ng labi niya. Naramdaman ko ang paggalaw ng kaniyang kamay sa likod ko. May isinusulat siya pero hindi ko ito maintindihan dahil abala ako sa paghalik sa kaniya.

Bigla siyang huminto sa paghalik sa akin. Napatingin ako sa kaniya. "This is wrong," sambit niya. Kinuha niya ang kamay ko na nakapulupot sa leeg niya.

"W-Why?" Ipinulupot ko ang aking mga bente sa baywang niya. "Akala ko ba namimiss mo ako?"

"Mali 'tong ginagawa natin, Caroline," namamaos na sabi ni Miguel. Para akong binuhosan ng malamig na tubig sa hiya. Hinawakan niya ang dalawa kong paa. Hinaplos-haplos niya ito.

"May problema ba, Miguel?" tanong ko. Hinahanap ko ang mga mata niya. Ayaw niyang tumingin ng diretso sa akin. "Ayaw mo na ba? Nagsawa ka na ba sa akin?"

"Ikaw ang problema ko, Caroline," sagot niya. Para akong nawalan ng lakas. "Maling-mali 'tong ginagawa natin. May boyfriend ka at 'yon ang alam ng lahat. Ayokong dumating sa p
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status