로그인He needed a wife to claim his inheritance. She needed money to save her family. Neither of them expected to fall in love. Grey Alexander Montclair is a ruthless billionaire na sanay makuha ang lahat ng gusto niya. Cold, arrogant, and merciless. He doesn't care about anyone's feelings, at para sa kanya, walang sinuman ang may karapatang sumuway sa kanyang mga utos. But there's one condition he must fulfill to claim his grandfather's inheritance: he must marry Amber Bustamante. Years ago, nangako ang kanyang grandfather sa matalik nitong kaibigan, ang ama ni Amber, na balang araw ay magiging mag-asawa ang kanilang mga apo bilang kapalit ng kabutihang ginawa nito sa kanya. Ngunit ngayong pareho nang yumao ang dalawang lalaki, naiwan kay Grey ang isang pangakong kailangan niyang tuparin. Unfortunately, Amber is not an ordinary woman. Isang babaeng may military background, matapang, palaban, at hindi basta-basta nagpapasindak kaninuman. Pero sa kabila ng kanyang katapangan, may isang bagay na hindi niya kayang ipaglaban gamit lamang ang kanyang lakas-ang buhay ng kanyang nakababatang kapatid na may malubhang karamdaman. Kaya nang ialok ni Grey na sagutin ang lahat ng gastusin sa pagpapagamot ng kanyang kapatid kapalit ng pagpapakasal sa kanya, wala siyang ibang pagpipilian kundi ang pumayag. But marrying Grey Alexander Montclair might be the biggest battle of her life. "Don't forget your place, woman. You're only here because I need a wife." Napangisi si Amber bago siya walang takot na tumingin sa mga mata nito. "At huwag mong kalimutan na hindi ako isa sa mga tauhan mo na kaya mong utus-utusan. Asawa mo ako, hindi alipin mo!" "You're going to regret talking to me like that." He wants an obedient wife, but he gets a woman who knows how to fight back.
더 보기AMBER POV
CAFÉ AMOUR It was already 10:30 a.m. when I arrived at Café Amour to deliver a customer's order. Isa itong matandang babae na umorder ng simpleng damit pambata para sa kanyang apo. Sakay ang e-bike na ginagamit ko sa pagde-deliver, pumasok ako sa parking lot ng café at naghanap ng mapagpaparadahan. May napansin akong bakanteng parking space. Wala naman akong nakitang karatulang nagsasabing VIP parking iyon o may nakalaang pangalan para roon, kaya hindi na ako nagdalawang-isip na iparada ang e-bike ko. Pagkaparada ko, agad kong napansin ang isang matandang babae na nakaupo sa loob ng café. Panay ang tingin niya sa paligid na para bang may hinihintay. Ilang sandali pa kaming nag-usap bago ko tuluyang naiabot sa kanya ang inorder niyang damit. Nagpasalamat siya at binayaran ang order. Matapos iyon, nagpaalam na rin ako dahil kailangan ko pang bumalik sa pinagtatrabahuhan ko. Ngunit paglabas ko ng café, halos hindi ako makapaniwala sa bumungad sa akin. Nakatumba ang e-bike ko, at ang mas malala pa, halos nasa ilalim na ito ng isang mamahaling itim na kotse! Nanlaki ang mga mata ko. Agad akong napahakbang palapit sa sasakyan habang ramdam na ramdam ko ang pag-akyat ng dugo sa ulo ko. Hindi aksidente ang nangyari. Kitang-kita sa posisyon ng e-bike ko na sinadya itong banggain. "Seriously?!" bulalas ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Lumapit ako sa itim na kotse at mariing kinatok ang bintana nito. Ilang segundo ang lumipas bago bumukas ang bintana. Napatingin ako sa lalaking nasa loob. Nakasuot siya ng mamahaling damit, maayos ang buhok, at may ngising tila walang anumang problema sa mundo. Sa unang tingin pa lang, halatang sanay siyang nakukuha ang lahat ng gusto niya. "Binangga mo ba ang sasakyan ko?" mariin kong tanong. Sa halip na sumagot nang maayos, tiningnan niya lang ako mula ulo hanggang paa. Pagkatapos ay bahagya siyang ngumisi. "Didn't anyone tell you that this is a VIP parking space reserved exclusively for me?" Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Sana hinintay mo akong makarating bago mo ginawa 'yan! Alam mo bang hindi pa bayad ang sasakyan ko? Hinuhulugan ko pa 'yan!" mariin kong sagot. Pero imbes na makaramdam man lang ng kaunting awa o konsensiya, lalo pa siyang nagpakita ng kawalan ng pakialam. Para bang wala lang sa kanya ang ginawa niya. "I don't care, and I don't have time for your excuses. If you don't want your vehicle to end up like this, move it to the proper parking space and stop blocking the spot that's reserved for me." Napanganga ako sa kapal ng mukha niya. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o lalo pang magagalit. Siya na nga ang nakasira ng gamit ko, siya pa ang may ganang umasta na para bang ako ang may kasalanan. "Ganyan kayong mayayaman, eh, no? Wala kayong pakialam kahit makasira kayo ng gamit ng ibang tao! Bayaran mo 'yan! Bayaran mo nang buo!" sigaw ko. Tiningnan niya ako nang napakasungit. Mula sa mga mata niya, malinaw na malinaw na wala siyang balak makipagtalo pa sa akin. Ang gusto lang niya ay umalis ako sa harapan niya at pabayaan ang nangyari sa e-bike ko. Parang hindi niya man lang naisip na pinag-ipunan ko ang sasakyang iyon at kailangan ko iyon para kumita. "And what if I don't?" malamig niyang tanong. Napangisi ako sa inis. "Talaga lang, ha?" Maya-maya, napansin ko ang isang kabataang may dalang malaking baseball bat. Hindi ko na pinalampas ang pagkakataon. Nilapitan ko siya at hiniram ang dala niya. Pagbalik ko sa itim na kotse, mahigpit ko nang hawak ang baseball bat habang nakatingin sa lalaking nasa loob. "If you don't, babasagin ko ang windshield ng kotse mo!" Akala ko, kahit papaano, matatakot siya sa banta ko. Pero nagkamali ako. Sa halip na umatras, lalo pa siyang ngumisi. Para bang natutuwa pa siyang subukan kung hanggang saan ang kaya kong gawin. "Go ahead. I'm not someone you can intimidate. You have no idea what I'm capable of." Doon tuluyang napuno ang pasensiya ko. Hindi ako ang tipo ng taong basta na lang uurong kapag hinamak o inapi. Lalo na kung alam kong wala akong ginawang masama at siya ang unang nanira ng gamit ko. Kaya walang pag-aalinlangan kong iniangat ang baseball bat. BANG! Isang malakas na tunog ang umalingawngaw sa buong parking lot nang tumama ang baseball bat sa windshield ng mamahaling kotse. Nabasag ang salamin at kumalat ang maliliit na bubog sa paligid. Hindi lang ang lalaki ang natigilan. Pati ang mga taong nakapaligid sa amin ay napasigaw at napatingin sa ginawa ko. "What the hell?! What have you done? Do you have any idea how expensive this car is? It's worth more than your entire life!" Galit na galit siyang bumaba ng sasakyan. Halos mamula ang mukha niya habang nakatingin sa nabasag na windshield. Pero hindi ako natinag. "Wala akong pakialam! Kung ayaw mong masira ang mga gamit mo, huwag kang manira ng gamit ng ibang tao! Ayaw mong bayaran ang sasakyan ko, di ba? Puwes, patas na tayo!" Akala ko, hanggang sigaw lang ang kaya niyang gawin. Ngunit bigla niyang hinawakan nang mahigpit ang magkabilang braso ko at bahagya akong itinaas palapit sa kanya. Napangiwi ako sa sakit. Kitang-kita ko ang nag-aalab niyang galit. Wala siyang pakialam kung nasasaktan na ako sa higpit ng pagkakahawak niya. Para bang gusto niyang iparamdam sa akin kung gaano siya kalakas at kung gaano ako kaliit sa paningin niya. Pero kahit ganoon, hindi ko ibinaba ang tingin ko. "I underestimated you. I never thought you had this much nerve. Let's see just how far that courage of yours will take you." Nagkatitigan kami nang ilang segundo. Hindi ko alam kung ano ang balak niya, pero wala akong intensiyong magpakita ng takot. Kahit saan pa niya ako dalhin, hindi ako basta-basta susuko. At kung iniisip niyang madali niya akong mapapasunod, nagkakamali siya. POLICE STATION Nasa police station na ako ngayon dahil dinala niya ako rito matapos kong basagin ang windshield ng kotse niya. Ipinaliwanag ko sa mga pulis ang buong pangyayari-mula sa pagparada ko sa bakanteng parking space hanggang sa sinadya niyang banggain ang e-bike ko. Pero habang nagsasalita ako, napapansin kong tila mas pinakikinggan pa nila ang lalaking nasa harapan ko. Hindi ko maiwasang mapaisip kung dahil ba sa laki ng pangalan at yaman nito kaya ganoon na lang sila kung kumilos. Doon ko rin nalaman na isa pala siyang napakayamang tao. At ang mas nakakagulat? Gusto niyang pagbayarin ako ng isang milyong piso para sa pinsalang ginawa ko sa sasakyan niya! Isang milyon! Saan naman ako kukuha ng ganoong kalaking halaga? Hindi ako pumayag sa hinihingi niya. Patuloy akong nakipagtalo sa mga pulis dahil hindi naman ako ang unang nanira ng sasakyan. "Teka nga! Bakit parang ako lang ang may kasalanan dito? Siya ang nauna, oh! Hindi ko naman babasagin 'yang sasakyan niya kung hindi niya ako tatakasan at kung hindi niya sinadyang banggain ang sasakyan ko! Hinuhulugan ko pa 'yon, Sir! Bakit ako pa ngayon ang magbabayad? Hindi ba dapat patas lang kami?" sunod-sunod kong paliwanag. Napahawak ako sa noo ko dahil sa sobrang inis. Hindi ko maintindihan kung bakit parang walang gustong makinig sa panig ko. "Miss, para wala nang gulo, humingi ka na lang ng sorry. Baka sakaling bumaba pa ang babayaran mo para sa damage na ginawa mo sa sasakyan niya," mahinahong payo ng isang pulis. Napatingin ako sa kanya. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Ako pa ang pinapahingi ng sorry? Ako pa ang kailangang magmakaawa gayong siya naman ang unang nanira ng gamit ko? "Ano?" halos hindi ako makapaniwalang tanong. "Mas mabuti pang makipag-ayos ka na lang, Miss. Malaki ang naging damage sa sasakyan niya." Napailing ako at napatawa nang mapait. "Hindi ba ninyo ako pinakikinggan? Paulit-ulit ko nang sinasabi na siya ang unang nanira ng sasakyan ko! Bakit parang wala kayong pakialam doon?" Lalong uminit ang ulo ko. Pakiramdam ko, wala akong kakampi sa lugar na iyon. Habang patuloy kaming nagtatalo, biglang tumunog ang cellphone ng lalaking nasa harapan ko. Agad niyang kinuha iyon mula sa bulsa niya at sinagot ang tawag. Hindi ko na sana iyon papansinin, pero may napansin akong pagbabago sa mukha niya habang nakikinig sa kausap. Maya-maya, ibinaba niya ang tawag at tiningnan ang cellphone niya. Ilang segundo siyang nakatitig sa screen bago unti-unting nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Nagulat siya. Pagkatapos, dahan-dahan niyang iniangat ang tingin at diretsong tumingin sa akin. Napakunot ang noo ko. "Ano na namang problema mo?" tanong ko, halatang iritado. Pero hindi siya sumagot. Sa halip, patuloy lang siyang nakatitig sa akin na para bang may nakita siyang hindi niya inaasahan. GREY POV Nasa police station ako ngayon dahil sa babaeng walang pakundangang sumira sa windshield ng kotse ko. Hindi ko pa rin lubos maisip na nagawa niya talaga iyon. Sa dami ng taong nakasalamuha ko, ngayon lang ako nakakita ng babaeng may ganoon katinding tapang at kapal ng mukha. Hindi man lang siya nagdalawang-isip bago hampasin ang kotse ko gamit ang baseball bat. At ang mas nakakainis, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya marunong tumahimik. Patuloy siyang nakikipagtalo sa mga pulis at ipinipilit na ako raw ang may kasalanan sa lahat ng nangyari. Hindi ko na lang siya pinapansin dahil wala akong balak sayangin ang oras ko sa pakikipagtalo sa isang babaeng hindi marunong kumilala ng lugar niya. Habang nakaupo ako at hinihintay ang magiging desisyon ng mga pulis, napansin kong tumatawag ang secretary kong si Daniel. Agad ko itong sinagot. "Yes?" "Sir, nahanap na po namin. Nakuha ko na rin po ang lahat ng impormasyon tungkol sa babaeng matagal na ninyong ipinapahanap." Napatuwid ako ng upo. Matagal ko nang ipinapahanap ang babaeng iyon. Siya ang susi para makuha ko ang buong kayamanang ipinamana sa akin ng lolo ko. Noong bata pa ako, napagkasunduan na ng lolo ko at ng dati niyang katiwala na balang araw ay mapapangasawa ko ang anak nito. Malaki ang utang na loob ng lolo ko sa lalaking iyon, kaya bilang kapalit ng kabutihang ipinakita nito sa kanya, nangako siyang magiging bahagi ng pamilya namin ang anak nito. At ngayong nasa tamang edad na ako, kailangan kong tuparin ang kasunduang iyon. Hindi naman malaking bagay sa akin ang pagpapakasal. Isa lamang itong kasunduan na kailangan kong tapusin para makuha ang lahat ng kayamanang nakalaan para sa akin. Pagkatapos kong makuha ang mana ko, makikipagdiborsiyo rin ako. Simple. Walang emosyon. Walang komplikasyon. "Okay. Send me the full information now," malamig kong utos. "Right away, Sir." Ilang segundo lang ang lumipas bago nakatanggap ako ng mensahe mula kay Daniel. Kalakip nito ang larawan at résumé ng babaeng matagal na naming hinahanap. Binuksan ko ang larawan. Ngunit sa sandaling makita ko iyon, bahagyang nanlaki ang mga mata ko. Napatingin ako sa screen ng cellphone ko, pagkatapos ay dahan-dahang ibinaling ang tingin sa babaeng kasalukuyang nakikipagtalo sa mga pulis. Muli kong tiningnan ang larawan. At muli akong napatingin sa kanya. Hindi ako maaaring magkamali. Siya iyon. Ang babaeng nasa larawan ay ang mismong babaeng dinala ko rito para pagbayarin sa pinsala ng kotse ko. Ang babaeng ilang minuto pa lang ang nakalilipas ay halos makipag-away sa akin. Ang babaeng walang takot na binasag ang windshield ng mamahalin kong sasakyan. Siya ang babaeng kailangan kong pakasalan para makuha ang buong mana ko. For the first time that day, hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. What the hell? Of all the women in this world, why her?AMBER POVBLACKWELL EMPIREAFTER THREE DAYSNasa harap ako ngayon ng computer, abala sa pag-aayos ng mga dokumentong ipinagawa sa akin ni Daniel, ang personal assistant ni Grey Alexander Montclair.Sa loob ng tatlong araw kong pagtatrabaho rito, marami na akong natuklasan tungkol sa CEO na iyon.Malinaw at sariwa pa rin sa aking isipan ang lahat ng nasaksihan ko simula noong una akong pumasok sa kumpanyang ito. Nakita ko kung gaano siya kalupit, kayabang, at kawalang-awa sa ibang tao.Wala siyang pakialam kung ilang tao ang masaktan o matapakan niya. Para sa kanya, tila walang halaga ang sinuman maliban sa sarili niya.Minsan nga ay naiisip kong baka hindi siya tao kundi isang demonyong nagkatawang-tao.Napailing ako at muling ibinalik ang atensiyon sa computer.Hindi naman ako narito para husgahan ang pagkatao niya. Kailangan ko ang trabahong ito, at iyon lamang ang mahalaga sa akin.Kailangan kong kumita ng sapat na pera para sa pagpapagamot ng nakababata kong kapatid. May Stage 2 c
AMBER'S POVBLACKWELL EMPIREMaaga akong dumating sa kumpanyang tumanggap sa akin bilang personal secretary ng kanilang CEO.Pagdating ko sa mismong gusali ng Blackwell Empire, ipinakita ko sa guwardiya ang invitation na natanggap ko. Sinuri niya muna iyon bago niya ako pinapasok. Ngunit hindi ko maiwasang mapansin ang tingin niya sa akin—mula ulo hanggang paa, para bang may hinahanap siyang kakaiba sa aking itsura.Hindi ko na lamang iyon pinansin.Ilang sandali pa ay may lumapit na personnel upang ihatid ako sa opisina kung saan ako kakausapin ng mismong CEO ng kumpanya.Habang naglalakad kami sa malawak na hallway, napansin kong halos lahat ng empleyadong nakakasalubong namin ay napapatingin sa akin. May ilan pang palihim na nagbubulungan habang sinusundan ako ng kanilang mga mata.Ano ba ang problema ng mga taong ito?May nakakatawa ba sa mukha ko?Sa halip na magpakaabala sa trabaho, tila mas interesado pa silang pagmasdan ako. Hindi ko alam kung may mali ba sa suot ko o kung may
AMBER POVKINABUKASANMaaga akong umalis ng bahay upang pumunta sa police station at ibigay ang mga kinakailangang dokumentong hinihingi ng mga pulis kaugnay ng nangyari kahapon.Hindi rin ako nagtagal doon dahil kailangan ko pang pumunta sa ospital. Ayokong matagalan sa labas dahil alam kong hinihintay ako ng kapatid ko. Bukod doon, kailangan ko ring samahan ang lola ko sa pag-aalaga sa kanya.Matapos kong maasikaso ang lahat sa police station, agad akong sumakay ng jeep papunta sa ospital.Ilang oras din ang lumipas bago ako nakarating. Pagbaba ko, mabilis akong naglakad papasok at dumiretso sa Room 201, kung saan naka-confine ang aking nakababatang kapatid.Dalawa lang kaming magkapatid, at siya na lamang ang natitira kong pamilya bukod sa aming lola. Pitong taong gulang pa lamang si Ethan, ngunit sa murang edad niya ay kailangan na niyang harapin ang isang sakit na hindi ko kailanman hiniling na maranasan niya.May Stage 2 cancer ang kapatid ko.Pagpasok ko sa silid, agad akong na
AMBER POVPOLICE STATIONNakita kong nag-uusap ang pulis at ang arogante at matapobreng lalaki sa medyo malayong bahagi ng police station. Hindi ko maiwasang mapaisip kung ano ang pinag-uusapan nilang dalawa.Kanina lang ay halos gusto na niya akong pagbayarin ng isang milyong piso. Ni hindi man lang siya nakaramdam ng awa sa akin kahit ilang beses kong ipinaliwanag na hindi pa bayad ang e-bike ko at ginagamit ko iyon para sa trabaho.Ngayon naman, mukhang may mahalaga silang pinag-uusapan.Ilang minuto pa ang lumipas bago sila tuluyang bumalik. Kasama ng lalaki ang pulis na nag-interview sa akin kanina. Napansin kong nakangiti ang police officer habang papalapit sa akin."Maswerte ka. Mukhang malakas ang guardian angel mo ngayon," nakangiting sabi niya.Nakunot ang noo ko.Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon ang sinabi niya. Kanina lang ay parang gusto na niya akong idiin at piliting magbayad ng isang milyon. Ngayon naman, tinatawag niya akong maswerte?"Anong ibig ninyong sabihi












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.