Share

[PART TWO]

ANASTASIA

DALAWANG araw na ang nakakalipas magmula nang magkagulo sa kumpanya ko dahil sa nakawan ng designs na ginawa ko. Until now ay hindi ko pa ‘rin nalalaman kung sino ang may kagagawan kung bakit nakuha ng kalaban kong kumpanya ang designs na ginawa ko.

Unti-unti na ‘ring nagsialisan ang ibang investors namin para sa launching ng event na ito at hindi ko na talaga alam ang gagawin. Sa dalawang araw na iyon ay halos tumira na ako sa office ko parang lang maibalik sa dati ang lahat, pero bakit hindi ko magawa?

“Anastasia?”

Napatingin ako sa tumawag saakin at biglang bumukas ang ilaw dito sa kusina. Nakita ko ang nakakunot na noo ni Brandon. “Kauuwi mo lang?” tanong niya saakin. “At umiinom ka?” napayuko ako sa sinabi niya at inabala ang aking mata sa alak na nasa isang baso.

Naramdaman ko ang pagtabi niya saakin ngunit hindi ko siya nilingon. “Alam mo bang alas dos na ng madaling araw?” tumango lang ako sa sinabi niya at tinungga ang alak na nasa baso. Hinawakan kong muli
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status