Share

CHAPTER 8

Last day na namin ni Beau rito sa Bali. So, instead of going outside, we decided to stay in the villa. Bukas ng umaga ang alis namin at lilipat na rin kami sa iisang bahay.

Kaya kailangan kong ayusin ang mga gamit ko pag-uwi ko sa bahay namin bukas. Maaga akong nagising ngayong araw para ayusin ang mga gamit ko.

Right after I took a shower, I went outside the room. Pumunta ako sa kusina at napansin na tulog pa si Beau sa sofa sa sala. Binuksan ko ang refrigerator at kumuha lang quaker oats.

After I poured the milk in a bowl with quaker oats, I went upstairs again and immediately started packing my clothes and the things that I've brought here in Bali. Natigil lang ako nang narinig kong may kumatok sa pinto.

"Come in!" sabi ko habang nasa kama pa rin.

Bumukas ang pinto at niluwa no'n si Beau. Mukhang kaliligo lang niya dahil medyo basa pa ang buhok niya at may towel sa nakalagay sa leeg niya.

Dumungaw siya sa pinto. "Have you eaten breakfast already?" he asked while standing in front of the door and holding the door knob.

Tumango ako. "Yep! Kanina pa," sagot ko at tinuro pa ang wala ng laman na quaker oats sa night stand table sa gilid ng kama.

"Let's go eat lunch outside."

Tumingin ako sa mga damit at gamit ko na hindi pa naayos bago ngumuso at tumingin sa kanya pabalik. "Can we just eat our lunch here?"

"Pwede naman... let's take-out?"

Umiling ulit ako. "Gusto ko sana ng lutong bahay. I kinda miss filipino foods."

Ngumuso siya bago tumango. "Can you cook?"

Natigilan ako sa tanong niya. I can do things except doing chores and cooking! I mean, I can clean my own room and wash my underwears, but cleaning the whole house and cooking, no!

A big no!

Napangiwi ako. "I can't cook, Beau."

Natatawang umiling siya. "Just like what I've thought... you're Zyska." nagkibit siya ng balikat. "what do you want to eat for lunch?"

"You can cook?"

"Of course," he said like he's very confident. "I have lived alone when I was in College. Nasanay din akong pagawain ng mga gawaing bahay ni Mommy noong bata pa ako, kaya may alam ako."

"You do chores too?" I asked like it's very unbelievable question. "like nagwawalis ka ng mansion niyo o kaya naglalaba ka?"

Kumunot ang noo niya pero tumango. "Yeah... natural lang na matutunan ang mga bagay na 'yon, Zyska," sagot niya sabay ngumisi. "hindi mo kasi ginagawa."

"How can I do that when we have so many maids who could do that for me!"

"But still, you have to know some things... especially that you're married now."

I pouted. "We can just hire a maid, Beau!"

Umiling siyang natatawa. "I'll just cook our lunch. Tawagin kita pagkakakain na."

Tumango lang ako at lumabas na siya ng kwarto. Pinagpatuloy ko naman ang pag-aayos ng mga gamit ko. Tumayo ako para kunin ang maleta pagkatapos kong ayusin ang mga damit at nilagay ang 'yon sa loob ng maleta.

Nilagay ko ang naka-ayos na maleta sa gilid ng kama ko at inayos ang susuotin sa pag-alis namin ni Beau mamayang madaling araw.

After I packed my things, I went outside the room and went to kitchen to see Beau. Nasa malayo pa lang ako, amoy ko ang mabangong niluluto niya. Nadatnan ko siyang busy sa kusina. Nakatalikod siya habang nasa harapan ng stove.

"What are you cooking?" I asked as I walked towards him.

Nilingon niya ako. "Adobo at sinigang na baboy," sagot niya bago binalik ang atensyon sa niluluto. "you said you want to eat filipino foods."

Ngumiti ako bago umupo sa upuan kitchen counter. "So, you really know how to cook?"

Humarap siya sa'kin na may malaking ngisi sa labi. "Malamang, Zyska! Normal lang na matuto ang isang tao na magluto." he looked so proud saying those words.

"Ba't ako hindi marunong?"

"Kasi hindi mo sinusubukan."

"We have a lot of maids in our house, so what's the points of learning how to cook?"

Umiling siya pagkatapos ay pinag-krus ang mga bisig. "Of course, Zyska, it's for your future too! Paano kung ikaw na lang mag-isa at kailangan mong magluto? Walang ibang gagawan no'n kundi ikaw."

"Then, I'll just hire a lot of chefs! Duh!" umikot ang mata ko. "so simple."

He chuckled. "You're very silly," aniya bago lumapit sa'kin at kinurot ang ilong ko. "paano naman ngayon? I mean, you're already married woman, so it means you have to cook for me."

Ngumuso ako. "Kaya mo naman magluto, eh, kaya ikaw ang gagawa no'n!"

"How sweet of you, my wife," he said, sarcastically.

"Bakit? Anong gagawin ko kung hindi ako marunong? For sure ayaw mong pangit ang lasa ng kinakain natin sa araw-araw kaya kung ayaw mo ng ganoon, ikaw ang magluluto."

"What's the use of studying if you don't want to learn how to cook?" he fired back. "you can learn. Lahat naman ng bagay napag-aaralan."

Ngumuso ako ulit. "But what if I failed?"

"Then, try again until you can!"

"Sinong magtuturo sa'kin? I mean, does a wife really need to know how to cook for their husband?"

"Of course!" madiin na sambit niya. "iba sa pakiramdam na pinagluluto at inaalagan ka ng asawa mo."

Napangiwi ako. "Geez! Being a wife is really that hard pala!"

"Yes! Kaya saludo ako sa mga housewife. They'll cook, clean, do other chores, taking care of their kids, and etc."

Mas lalo akong napanguso. "Can I really do all of that in our marriage?" pagdududa kong tanong.

Ang hirap pala talaga maging asawa. Naisip ko rin 'yong mga taong walang katulong sa bahay. Wala silang choice kundi gawin ang mga gawaing bahay. Kaya ang daming nalolosyang!

Oh my God! Hindi naman mangyayari sa'kin 'yon, diba?

Hell no! I can't be like that! I can't lose my beauty even though I have a husband!

Naputol ang iniisip ko dahil kinurot ni Beau ang ilong ko. "Don't think negatively, Zyska," seryoso na wika niya. "I'll teach you how to cook. I'll promise, you can... we'll do that step by step. But we can hire maids to do the chores. Kaya huwag kang mag-isip ng kung anu-ano."

Tinapos niya ang niluluto at sabay kaming kumain. Tama ang sinabi niya na magaling siyang maluto dahil naparami ang pagkain ko. Busog na busog ako ng matapos kaming kumain.

Dumating ang gabi at ulam ulit namin ang ulam kaninang hapon dahil may tira pa. Ininit lang namin 'yon at iyon ang ginawang ulam para sa gabi. We talked about some things like eating. Hindi na nawawala 'yon tuwing kakain kami ng sabay.

That's helped a lot too because through that we got to know each other this time. Nagiging malapit din kami dahil doon. Mas lalo ko siyang nakilala dahil doon. I also enjoy his company too. He's very nice and a gentleman. A good husband material talaga!

Naisip ko lang na ang malas ni Mariana dahil iniwan niya ang kagaya ni Beau. He's totally repackaged! Handsome, rich, nice, gentleman and good at cooking. Literally, he knows everything.

Napakatanga lang ni Mariana na tinanggihan niya si Beau noong nag-propose ito sa kanya. And I found myself being lucky. Being married to him is a good choice of mine. Mabait si Beau, kaya hindi na ako talo pa roon.

Pagkatapos naming kumain, ako na ang nag-volunteer na maghugas ng pinggan. I might be born with a golden spoon in my mouth, but I know how to wash dishes. When I traveled alone, sometimes I wash dishes when I ordered take-outs.

"Are you sure?" Beau asked, confusedly. Sinusiguro sa gagawin ko.

"Yes," I said, smiling. Feeling proud of myself. "pag nag-order ako ng take-outs, ako naghuhugas ng pinggan na pinagkainan ko."

Tiningnan niya pa ako ng nakakunot ang noo. Parang hindi pa siya sure kung papayag siya o hindi, pero sa huli wala na siyang nagawa.

"I'll be on the living room," aniya.

Tumango lang ako bago niya ako iniwan sa kusina. Kinuha ko naman ang mga ginamit naming pinggan at tsaka iyon hinugasan ng maayos.

When I'm finally done, I feel so proud of myself! Nilagay ko ang mga ginamit na pinggan at kubyertos sa lalagyanan at pumunta sa living room. I saw Beau there, sitting comfortably on the square sofa while watching.

"Let's watch a movie together," he said as he tapped the seat beside him "sit here."

Naglakad ako papunta sa kanya at umupo sa tabi niya. "Anong panonoodin natin?" tanong ko.

"Hmm…" he put his fingers on his chin. "what about horror movies?" he suggested.

Natahimik ako bago umiling. "Huwag horror," mahinang wika ko.

He furrowed. "Why? Kalalabas lang ng bagong Sadako na movie. That's a good movie!"

Mabilis akong umiling. "I'm fine with everything, except Sadako!"

"You're scared?"

Ngumuso ako bago ako yumuko at tumango. "Ugh! I hate that movie! Ever since I watched that movie when I was young, I always had a bad dreams of Sadako!"

Hell, yeah! Sa lahat ng horror na napanood ko, 'yon ang pinaka-ayoko nang ulitin dahil subra-sobrang ang trauma na dinaan ko roon sa movie na 'yon noong bata ako. I feel like Sadako is just near me and always there, looking at me.

Nang magtaas ako ng tingin, he just looked at me. Ngumuso ako lalo. "I'm just scared of that movie!" pag-amin ko.

He chuckled and shook his head. "Silly, Zyska!" he said as he pinched my nose. "huwag kang matakot doon. Hindi naman totoo 'yon!"

"Kahit na! Hindi ako makakatulog nito nang maayos mamaya!"

Natawa siya. "Nandito naman ako, ba't ka matatakot?"

Simaan ko siya ng tingin. "Don't play around, Beau! I'm serious here! Takot ako kay Sadako!"

"Fine," pagsuko niya. "hindi na tayo manonood no'n. Anong gusto mo ba?"

Napaisip ako. Oh, well. I really like watching serial killer movies especially Halloween, Friday 13th, See No Evil and Screams.

"What about See No Evil?" I suggested. "maganda 'yon!"

He nodded. "Okay," he said. "See No Evil it is."

Tumayo siya at sinalang na ang palabas. When he was done, he quickly went back beside me. We were both quiet when the movie started.

Hugging the throw pillow, I focused myself on the movie even though I've watched it already. Actually, multiple times na.

Kinalabit ko si Beau. "Diyan! Nandiyan si Kane!" sabi ko habang tinuturo pa ang TV.

"Who's Kane?" he asked, confusedly. "Jacob Goodnight ang killer diyan, hindi ba?"

"My God, Beau! You don't know Kane?"

hindi makapaniwalang tanong ko. "siya 'yong gumanap na Jacob diyan sa movie na 'yan! Si Kane, iyong wrestler sa WWE!"

"Ah! Sorry, I don't watch those things."

"Shh!" saway ko. "mamatay na 'yang babaeng 'yan!" I said, pointing of what's gonna happen next.

"Zyska, I know! Stop spoiling it like I didn't watch this movie!"

Napanguso ako. "Okay-okay! Sorry," sambit ko. "na e-excite lang ako sa mga susunod na scenes!"

Natahimik kami pareho na habang nanonood. At habang tumatagal ang palabas, naramdaman ko ang antok. I didn't even know that I'd fallen asleep.

Basta ang alam ko, komportable ako habang natutulog.

Mga Comments (5)
goodnovel comment avatar
Lovely
ang cute talaga nila. parang totoo lang eh
goodnovel comment avatar
Yuri Naoi
simple lang bonding ng dalawa pero grabeeeee
goodnovel comment avatar
Yuri Naoi
grabe tawa ko sa dalawa hahahaha. ganda ng mga scenes dito.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status