Where Dreams Wear A Suit

Where Dreams Wear A Suit

last updateปรับปรุงล่าสุด : 2025-11-04
โดย:  ArtofPollyannaอัปเดตเมื่อครู่นี้
ภาษา: Filipino
goodnovel18goodnovel
คะแนนไม่เพียงพอ
5บท
3views
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด

แชร์:  

รายงาน
ภาพรวม
แค็ตตาล็อก
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป

Si Elara Renoir ay isang babaeng matagal nang nangarap ng tunay na pag-ibig. Isang lalaking mamahalin siya sa mundong puno ng panlilinlang. Syempre, hindi mawawala sa kanyang listahan ang gwapo, mabango, at mayamang lalaki. “Aminin na natin,” aniya, “hindi ka mabubuhay sa mundong ito kung hindi ka magiging praktikal.” Hindi siya sakim o gold digger. Gusto lang niyang matiyak na ang buhay at pamilyang bubuuin niya ay magiging maayos at maginhawa. Naranasan na niya ang hirap at ayaw na niyang bumalik doon. Then Rhett Alaric came into the picture. Years ago, she saw him on a magazine cover. Young CEO, perfectly tailored suit, handsome and composed. His gaze was sharp yet calm. From that moment, he became her ideal man, someone she thought she’d only admire from afar. But fate had other plans. One quiet afternoon in a coffee shop, she looked up and there he was. The same man from that magazine, real and breathtaking. For a moment, she could only stare, realizing the man she once dreamed of was standing right in front of her. Ngunit sa pinakanakakahiya pang pagkakataon ito nangyari. Hindi man lang tulad ng mga teleserye moments na may slow motion at background music. Sa pagmamadali niyang maibigay ang kape, hindi niya namalayang natapunan niya ito ng mainit na kape—at sa mamahaling suit pa talaga nito bumagsak ang lahat! Gulat. Pagkapahiya. Kaba. At oo, may halong kilig rin. Ngunit nang magtama ang kanilang mga mata, malamig. Matapang. He wasn’t just a man in a suit—he was the man everyone feared to disappoint. At sa oras na iyon, alam ni Elara na hindi lang kape ang natapon niya, kundi pati ang unang impresyon niya sa lalaking matagal na niyang pinapangarap.

ดูเพิ่มเติม

บทที่ 1

Chapter 1:

Elara Raenor had one simple dream, ang makapagtapos ng pag-aaral.

Mula pa pagkabata, alam na niya kung gaano kahalaga ang edukasyon. Hindi madali, pero ginawa niya ang lahat para makakuha ng scholarship. Sa dami ng applications, sa countless sleepless nights, at sa mga panahong halos gusto na niyang sumuko, hindi siya tumigil.

Panganay siya sa tatlong magkakapatid.

At alam mo naman kapag panganay, automatic kang sandigan ng pamilya. Maraming nakaatang na responsibilidad. Minsan nakaka-pressure, pero may kakaibang saya kapag nakakatulong ka.

Pero sa likod ng bawat ngiti, may mga gabing gusto niyang magpahinga. Gusto niyang maging bata ulit, kahit sandali lang.

Pagkalipas ng ilang taon ng pagsusumikap, nakamit din niya ang matagal niyang pinapangarap.

Finally, she graduated from a known university in Pampanga Bachelor of Science in Industrial Technology, Major in Food Service and Management. Ang saya ng pamilya nila noon. Kahit simple lang ang handa, ramdam niya ang labis na pagmamalaki ng mga magulang niya.

Pagkatapos ng ilang buwan, nag-apply siya sa Elite Coffee Shop, isang sosyal at kilalang kapehan sa lungsod.

Hindi siya sigurado kung matatanggap, pero naglakas-loob siya. And guess what?

She made it.

Sa unang linggo pa lang ng trabaho, halos gusto na niyang umatras.

Kailangan niyang kabisaduhin ang mga coffee blends, mga ingredients, at kung paano gamitin ang coffee machine. Pero kahit mahirap, hindi siya sumuko. Day by day, unti-unti niyang nakuha ang rhythm at sa bawat aroma ng kape na lumalabas sa espresso machine, ramdam niyang unti-unti na rin niyang natutupad ang pangarap niyang maging independent.

Isang umaga habang naglilinis siya sa counter, narinig niya ang boses ng manager nilang si Ma’am Natally.

“How many months or years are you working here again, Ms. Elara?” tanong nito habang inaayos ang files sa kamay.

“One year, Ma’am.” sagot niya, sabay ngiti. Hindi na siya nagtanong pa kung bakit, kahit curious siya at nangangati ang bibig niya na magtanong.

“Oh! Kaya pala sanay ka na sa daily routine mo. I’m glad dahil isa ka sa mga dedicated employees ko,” sabi nito habang tumingin sa gold wristwatch niya. “May gagawin muna ako, maiwan na muna kita.”

Tumango si Elara at nginitian ito.

Mula sa glass wall, natanaw niyang sumakay si Ma’am Natally sa kanyang kotse — eleganteng babae, business-minded, at halos never nag-absent. Isa sa mga babaeng tinitingala ni Elara.

Pagtingin niya sa wall clock, 6:00 AM pa lang. Maaga pa. Panaka-naka pa lang ang mga customer. Marahil ay busy pa sa trabaho o tulog pa sa bahay.

Nilibot niya ang tingin sa paligid.

Tahimik ang lugar, tanging mahinang jazz music ang umaalingawngaw sa speaker. Malamlam ang ilaw, kulay ginto, na nagbibigay ng init at kapanatagan. Amoy na amoy ang bagong giling na kape — matamis, mainit, at nakakaengganyo.

Ang bawat mesa ay may sapat na distansya para sa privacy, at sa mga sulok ay may bookshelf na puno ng lumang libro at magazines. Sa malalaking bintana, kumikislap ang mga ilaw ng lungsod na parang mga bituin sa gabi. Hindi lang ito lugar para uminom ng kape — ito ‘yung klase ng spot na gusto mong tambayan para magpahinga at magmuni-muni.

May mga customers na nakaharap sa kanilang laptop, may iba namang nagkukwentuhan habang hinihigop ang mainit na kape.

May ilan na nagbabasa ng libro, tila nasa sarili nilang mundo.

“Himala, hindi ata masyadong marami ang mga customer ngayon,” biglang sabi ni Theo — ang katrabaho niyang laging may nakahandang ngiti na para bang walang problema sa mundo.

“Baka tinatamad lumabas o baka busy sa work,” sagot niya habang nililinis ang counter.

Sa lamig ng aircon at amoy ng coffee beans, halos gusto na niyang humiga at matulog.

“Kung alam ko lang, nag-absent na lang sana ako ngayon. Edi sana tulog ako ngayon sa kama,” reklamo ni Theo sabay kamot sa ulo.

Napailing si Elara. “Kung mag-a-absent ka, sayang ang sahod. Ayaw mo nun? Chill ka lang tapos may sweldo ka pa.”

“Eh hindi ko naman kailangan ng pera,” sagot nito sabay ngiti. “Naiinip lang ako sa bahay kaya nagtrabaho ako.”

Napangiti siya ng mapait. Oo nga naman. Si Theo ay anak mayaman. Para rito, hobby lang ang pagtatrabaho. Mabuti pa siya hindi na problema ang pera. Habang ako, heto kailangang kumayod para makakain kami.

Makalipas ang ilang minuto, umalis si Theo papunta sa storage room. Ilang segundo pa lang, narinig niya ang pagtunog ng maliit na bell sa pinto.

May pumasok na customer. Isa. Dalawa. Hanggang sa tuloy-tuloy na ang pagdating ng mga tao.

Lumabas si Clarie mula sa likod para tumulong. Si Bella naman ang nasa cashier. Si Elara, as usual, ang nasa serving station. Palangiti, mabilis kumilos, pero laging maingat.

Ang galing na niya sa multitasking.

Nakikipag-usap sa customers, inaasikaso ang orders, at tinitiyak na walang nagrereklamo. Para bang natural na sa kanya ang ganitong routine.

Pero sa araw na ‘yon, tila gusto siyang subukin ng tadhana.

Habang nagmamadali siyang ihatid ang mainit na cappuccino sa mesa ng isang customer, hindi niya namalayang may nabangga siyang lalaki at sa kasamaang palad, natapunan niya ito ng kape.

Diretsong tumama ang mainit na likido sa mamahalin nitong navy blue suit.

“Oh my gosh! I’m so sorry, sir!” mabilis niyang sabi, halos manginig ang kamay niya habang hawak ang tray. Hindi niya alam kung ipagpapatuloy niya ba ang paghakbang ng kanyang mga paa para maihatid ang order na kape ng customer o punasan ng tissue ang mamahalin nitong suit. Tumingin siya sa dibdib nitong basang-basa, bago dahan-dahang itinaas ang tingin sa mukha nito.

At doon siya tuluyang napatigil.

Gulat. Pagkapahiya. Kaba. At, sa hindi maipaliwanag na dahilan, may halong kilig. Parang gusto niyang tumigil ang mundo sa sandaling iyon.

Matangos ang ilong, matalim ang mga mata, at kahit galit ito ay hindi maitatangging napakagwapo. Pero sa unang pagkakatitigan nila, ang nakita niya sa mga mata nito ay galit, matulis, malamig, at matapang.

“Watch where you’re going ms,” malamig nitong sabi, habang pinupunasan ng tissue ang basang bahagi ng suit.

Hindi agad siya nakasagot. Parang nanigas ang dila niya.

Wait lang… hindi ba ito ‘yung lalaking nakita ko sa magazine ilang taon na ang nakalipas?

Ang lalaking matagal ko nang hinahangaan?

Si Rhett Alaric, ang CEO ng isang kilalang engineering firm.

Ang lalaking minsan ay laman ng business magazine na naka-display pa nga sa bookshelf ng coffee shop nila.

At ngayon, nandito siya sa harap niya. At nabuhusan pa niya ng kape!

Walang naglalakas-loob na lapitan si Rhett Alaric. Lahat ay may takot at respeto. He wasn’t just a man in a suit. He was the man everyone feared to disappoint.

At sa mismong sandaling iyon, alam ni Elara na hindi lang basta kape ang natapon niya. Kundi pati ang unang impresyon niya sa lalaking matagal na niyang pinapangarap.

แสดง
บทถัดไป
ดาวน์โหลด

บทล่าสุด

บทอื่นๆ

ถึงผู้อ่าน

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

ความคิดเห็น

ไม่มีความคิดเห็น
5
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status