Share

Chapter 13

CHRISTINE

"So you mean to say na lumikha ulit ng sketch yung aklat at yung sketch na yun ay yung scene kung kailan niyakap kita sa awards museum? At may nakalagaw na ikatlong araw" Tanong ni Kent habang panay sa pag kain ng ice cream. Nandito kami ngayon sa isang bench sa school park. Yung lugar kung saan ko siya unang nakita in person.

"Oo nga! Paulit ulit?" naiinis kong sumbat sa kaniya. Pang-apat na beses na niya ata tinanong sa akin yun.

"Eh hindi ko kasi mavisualize sa isip ko eh. Is it my fault na nakalimutan mong dalhin yung aklat?" Sabi niya pero inirapan ko lang siya. Well, hindi sa nakalimutan kong dalhin yung aklat. Sinadya ko talagang iwan yun. Ayoko kasing makita niyang nakasmile ako nun habang niyakap niya ako. Baka ano pang isipin niya! I was just really happy that time kasi may nagcomfort sa akin. That's it. Period.

"So yun na nga yung nangyari diba? So by chance, do have any idea kung anong ibig sabihin nun?" Tanong ko sa kaniya dahilan para mapatingin siya sa langit at napaisip.

"Wala sa itaas ang sagot Kent," sabi ko sa kaniya dahilan para mapatawa siya ng kaunti at mapatingin siya sa akin. Nung nagka-eye contact na kami ay bigla na lamang tumibok ng malakas ang puso ko kaya mabilis akong nagsalita para mabawasan yung tensyon. "Ano? May idea ka?" Tanong ko at ikinaway kaway ang kamay ko sa mukha niya kasi parang nakatulala siya.

"Hindi kaya may kinukuha na ramdom moment sa pagitan natin yung aklat at yun yung nagiging sketch?" sabi niya na ngayon ay nakatingin na sa malayo.

Mukhang agree ako dun sa sinabi niya kaya agad ko yung inilista sa notes ko sa phone. Inililista ko na kasi ngayon yung mga possibilities.

"Teka, nagaagree ka dun sa idea ko?" Sabi ni Kent na mukhang naguguluhan kasi itinatype ko na ngayon ang sinabi niya kanina.

Tumango lang ako sa sinabi niya at nagpatuloy lang sa pagtype.

"Hay nako, genius talaga ako," sabi niya at inayos ayos pa ang buhok niya dahilan para mapalingon ako sa kaniya.

"Genius? Talaga ba?" Tanong ko at napatawa ng malakas. Bakas na ngayon sa mukha niya na mukhang naaasar siya. "Do you even remember what you did here when I first saw you in person?" Tanong ko.

"Yiieee, so naalala mo pala na dito mo ako unang nakita?" Sabi niya kaya ngayon ako naman ang naasar. "Tandang tanda mo pala babe eh," sabi pa niya.

"Duh, how can I even forget your stupidity that time," sabi ko sa kaniya at inirapan lang siya.

Bago siya nagsalita ay nilunok niya muna ang kahuli hulihang piece ng ice cream cone.

"Dahil dun sa school paper?" Tanong niya.

"Liban doon, alam mo rin bang napaka stupid ng ginawa mo nun sa itlog?" Sabi ko naman.

"Bakit? Ano bang mali dun sa paggawa ko ng newspaper shield? Sinabi lang naman samin eh na dapat daw hindi mabasag yung itlog pag hinulog," Nagtataka niyang tanong. Parang hindi talaga niya naiintindihan yung experiment na yun.

"Alam mo kasi, yung topic nun is air resistance. So basically, ang purpose nung newspapers ay gagawin mo siyang parachute para magreresist yung air thus, mapapabagal na yung paghulog ng itlog," pag-eexplain ko naman sa kaniya.

Napatango tango naman siya na para bang ngayon niya talaga naintindihan yun kaya natawa lang ako.

"Oh, bakit ka natatawa? Kahit ano pang sabihin mo, ang tanging paraan lang talaga para hindi mabasag ang isang bagay pagnahuhulog na ito ay kung sasaluin ito mismo," sabi niya at ngumiti. Bakas sa mga mata niya na para bang may iba siyang ibig ipahiwatig dun sa sinabi niya pero hindi ko nalang iyon pinansin.

"Ewan ko sayo," sabi ko nalang sa kaniya.

Lumipas ang ilang oras at wala namang masyadong ganap. Tapos na ang klase at na sa main hallway ako ngayon at kasalukuyang hinihintay na lumabas si Kent. Binabagabag kasi ako ng isipan ko ngayon. Hindi ko nagawang sabihin sa kaniya kanina na payag na akong magperform in his behalf at willing na akong magpaturo sa kaniya. Nahihiya kasi ako eh.

Ilang saglit pa ay naramdaman ko nalang bigla na nasa katawan ko na ako ngayon at nasa likuran na ako ng katawan ni Kent.

"Oh, ayan na pala ang boyfriend mo oh," sabi sakin ni Bea na ngayon ay katabi ko na pala. Hindi ko nalang namalayan at bigla ko na palang nayakap si Bea. Medyo matagal tagal na rin pala ng huli ko siyang makasama.

"Huy, anong problema mo Tine," sabi sakin ni Bea at ngayon ay tinatapik ang likuran ko. Napalingon din samin si Kent ng narinig niya ang pangalan ko.

"Namiss lang kita," sabi ko sa kaniya. 'Di baleng magtaka siya.

"Ano bang pinagsasabi mo diyan? Ayan na oh! Kaharap mo na si Kent," sigaw ni Bea sa akin at itinulak pa ako sa direksyon ni Kent. "Bye na besh, maaga kasi akong papauwiin ngayon sa bahay eh," dagdag pa niya tsaka tumakbo na palabas.

Kilalang kilala ko na si Bea. Alam kong dinahilan niya lang yun para maiwan ako dito ngayon kay Kent.

"So, kanina mo pa ako inaabangan dito?" Biglang tanong ni Kent.

"Ew, ang kapal ng mukha mo, bakit naman kita aabangan?" Sabi ko.

"Eh, sinong inaabangan mo dito?" Tanong niya sakin at lumapit pa sakin ng konti.

"W-wala," pautal-utal kong sabi. "Pero since andito ka rin naman, may sasabihin ako sayo," pagdadahilan ko.

"Ano?" Tanong niya.

"P-payag na ako," tugon ko tsaka napayuko. Nahihiya talaga ako eh.

"Na?" Sabi niya na mukhang may idea na sa kung ano ang sasabihin ko pero hindi lang niya pinapahalata.

"Alam mo na kaya yung tinutukoy ko," sabi ko at inirapan siya.

"Hindi eh, pano ba yan?" Pagbibiro naman niya habang nakangiti na ng todo.

"Bahala ka nga jan," sabi ko at tumalikod sa kaniya.

"Edi sige, mukhang hindi naman importante yung sasabihin mo eh. Sige mauna na ako," sabi niya at akmang aalis na sana pero pinigilan ko siya.

"Sandali," sabi ko dahilan para mapagtigil siya. Kailangan ko na talagang sabihin sa kaniya na pumapayag na ako na magperform bago pa ako mawalan ng oras para makapag rehearse. "Oo, pumapayag na ako na magperform para sayo," saad ko dahilan para lumingon siya muli sa akin.

"I knew it!" Sabi niya. "Halika, sumama ka sakin," bigla pa niyang sabi at hinila ang braso ko katulad ng palagi niyang ginagawa.

_

Nasa isang park kami ni Kent ngayon kung saan sandamakmak na food stalls ang makikita mo. Hindi ko maitatanggi na medyo masaya naman tuwing lumalabas kami ni Kent. Bukas na rin lang daw kami magsisimula sa music lessons total hindi ko rin naman nadala yung guitar ngayong araw. Pero sa totoo lang, mas gusto ko talagang tumutgtog ng piano.

"Anong gusto mo?" Tanong ko sa kaniya habang namimili kami ng pagkain.

"Ikaw," sabi niya dahilan para masapak ko siya. "Aray, joke lang! Limang fishball nalang," sabi niya habang hinihimas yung braso niyang sinapak ko.

"Sampung fishball po," sabi ko dun sa nagtitinda. "Paki hati nalang po sa dalawang orders," dagdag ko.

"Bakit hija? Hindi mo ba gustong makipagsalo nalang sa boyfriend mo?" Tanong niya na ikinainis ko. Panay naman ang tawa ni Kent na para bang masaya pa siya kasi napagkamalan kaming magboyfriend at girlfriend.

"Ah nagkakamali po kayo ale. Hindi ko po siya boyfriend," sabi ko naman pero napa iling lang ng kanyang ulo yung tindera.

"Aba'y bakit hindi hija? Bagay na bagay nga kayo eh," sabi niya at ibinigay na sa akin yung dalawang paper plates. Pilit ko nalang tumawa tsaka nagbayad na sa kaniya.

"May extra guitar naman doon sa music room kaya yun nalang ang gagamitin ko. Mas mabuti na rin yung tig-iisa tayo kasi mas mabilis kang matututo nun. Dalhin mo nalang yung sakin bukas," sabi ni Kent sakin. Nasa isang bench na kami ngayon sa park at kasalukuyang kumakain.

"Uhm, ang totoo kasi niyan, piano sana yung balak kong tugtugin sa competition. Kahit anog solo instrument naman diba?" Sabi ko sa kaniya. Nung una ay naguguluhan pa siya pero kalaunan ay napatango din siya.

"Sigurado ka na ba jan?" Tugon niya.

"Oo. Yun din kasi yung gusto ko dati eh," sabi ko. Naaalala ko dati na gustong gusto ko na matuto ng piano dahil kay kuya.

"Okay. Magaling naman ako sa lahat eh kaya kahit anong instrument pa yan, kaya kong ituro sayo," saad niya at binigyan pa ako ng approve sign. Bigla na lamang may kirot akong naramdaman sa puso ko matapos niyang sabihin sakin yun.

Flashback

"Kuya gusto ko ring matuto magplay ng instrument," sabi ko kay kuya Christian habang tinutugtog niya ang kaniyang guitara.

"Ano bang gusto mong instrument? Itong guitar ba?" Sabi niya.

"Hindi, mas gusto ko yung piano," sabi ko.

"Okay. Magaling naman ako sa lahat eh kaya kahit anong instrument pa yan, kaya kong ituro sayo. Isa naman ako sa magiging senior mo sa music school eh kaya pwede ring ako na ang magturo sayo," sabi naman ni kuya dahilan para maexcite ako.

"Talaga kuya?" Sabi ko naman.

"Oo syempre. Pero kailangan mo rin ng supervision ng mga mentors syempre," sabi ni kuya at nginitian ako.

"Huy, okay ka lang?" Biglang tanong sakin ni Kent dahilan para matauhan ako. "Tulala ka nalang bigla eh," sabi pa niya.

Hindi ko nalang siya sinagot tsaka inubos na yung huling butil ng chopped kong fishball.

"Siguro, naiisip mo na kung gaano ka kaswerte kasi ang pogi ng magiging mentor mo no?" Tanong niya tsaka tumawa pa. Hindi ko tuloy mapigilang humalakhak din. Minsan talaga, gumagaan ang mood ko dahil kay Kent.

Magsasalita pa sana ako kaso naramdman kong may tumutulong tubig mula sa langit.

"Umuulan ba?" Tanong ko habang pinagmamasdan ko ang mga maliliit na patak ng tubig na ngayon ay dumidikit saking balat.

"Mukhang umuulan nga," sabi naman ni Kent at tumayo na. "Maghanap na tayo ng masisilungan bago pa tayo tuluyang mabasa," saad niya tsaka hinila ang kamay ko para tumakbo kami subalit huli na ang lahat dahil nakakailang hakbang pa laming kami ay bumuhos na ng tuluyan ang malakas na ulan dahilan para mabasa na rin kami ng tuluyan.

Mabilis ang aming pagtakbo sapagkat basang basa na kami kung kaya't bigla na lamang akong natapilok at mawalan ng balanse at ganon din si Kent sapagkat hawak hawak niya ang braso ko.

Kasabay ng pagbagsak ng malakas na ulan ay pagbagsak rin ni Kent sa lupa gayun din ako na tuluyang bumagsag si dibdib niya.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status