Share

Chapter 12

CHRISTINE

Hindi halata sa pangangatawan nitong kuya ni Kent pero mukhang pagkain talaga ang most favorite thing nito because guess what? Nandito na kami ngayon sa isang 5 star restaurant. Matapos niya kasing malaman na may kasama daw si Kent na 'girlfriend,' agad siyang nagsuggest na kumain daw kami sa labas since wala pa naman daw kaming dinner. 

Agad din naman namin siyang sinabihan ni Kent na wala naman kaming relasyon pero ewan ko rin ba kung naniniwala 'tong si Kyle.

Tahimik lang din kami sa buong biyahe papunta dito. Well, hindi naman talaga 100% tahimik kasi ang daldal ni Kyle pero Kent and I just didn't respond to anything that he said kaya tumahimik nalang din siya. Hindi pa nga niya nababanggit na niligtas niya ako dati eh.

"So kailan pa naging kayo?" Biglang tanong ni Kyle at tinuro kaming dalawa ni Kent. Magkatabi kasi kami ngayon.

"Hindi ko pa nga siya girlfriend!" sigaw ni Kent dahilan para makuha niya ang attention ng mga tao sa restaurant.

"Shh! Hindi pa?" hirit naman ni Kyle at tumawa ng mahina.

Hindi lang siya pinansin ni Kent kaya siya nalang din ang umawat sa sarili niya.

"So, by the way, it's a small world huh?" sabi ni Kyle. Alam ko na ang ibig niyang sabihin pero mukhang nalilito ngayon si Kent.

"What do you mean?" tanong naman ni Kent.

"Oh yeah, I forgot to tell you. She's the girl I've been talking about. The girl whom I saved from those 4 guys," sabi naman ni Kyle.

"T-that girl you told me and dad?" pautal-utal na tanong ni Kent kaya napatango si Kyle.

Hindi na ako kumibo pa habang nag-uusap silang dalawa. Baka nagtataka na si Kent kung bakit hindi ko man lang nabanggit sa kaniya na iniligtas ako ng kuya niya dati. After all, ako pa naman ang gumawa ng 'report everything to each other' rule.

Natauhan na lamang ako ng bigla akong kausapin ni Kyle.

"Ano nga pala ang pangalan mo, miss soon to be girlfriend ni Kent?" sabi niya na ngayon ay nakangiti na sa akin.

"Ha a-ako?"

"Yeah, ikaw yung hindi pa girlfriend nitong kapatid ko diba?" sabi niya at inemphasize pa yung salitang 'pa.'

"I'm Christine," sabi ko habang siya naman ay nakangiti pa rin sa akin. Nakikita ko naman sa peripheral view ko na mukhang naasar na si Kent pero hindi ko nalang siya pinansin. "I'm Christine Del Rosario," pagpapatuloy ko pero pagkatapos kong sabihin ang buo kong pangalan ay bigla nag-iba ang mukha ni Kyle.

"A-are you related to Christian Del Rosario by any chance?" tanong niya ng pautal utal. Medyo nagtaka ako kung bakit kilala niya rin si kuya pero sinagot ko pa rin naman siya.

"Yes, he's my brother."

Pagkatapos kong sabihin yun ay pansin ko sa mukha ni Kyle na mukhang hindi siya makapaniwala. Balak ko pa sana siyang tanungin kung paano niya nakilala si kuya pero hindi ko na lamang siya tinanong kasi medyo nahihiya din ako sa kaniya. Baka batch mate niya siguro si kuya o old friend kasi magka edad din naman sila.

Second year college na sana si kuya ngayon kung nabubuhay pa siya.

Lumipas ang ilang oras at ngayon ay nasa kwarto na ako ni Kent. Alas 11 pasado na pero hindi pa rin ako makatulog. Pinagmamasdan ko ngayon ang makintab niyang itim na guitara. Habang pinagmamasdan ko ito ay unti-unti rin akong napaisip. Makakaya ko kaya ang pinapagawa sakin ni Kent?

Flashback

"Kuya aren't you gonna use your car?" Tanong ko kay kuya na ngayon ay linuluwagan ang strap ng kaniyang helmet. Proud talaga ako kay kuya kasi marunong na siya magdrive kahit grade 10 pa siya.

"Flat tire eh," sabi niya. Tinignan ko naman yung gulong ng sasakyan niya at medyo natawa ako kasi mukha itong tinapakan ni Incredible Hulk.

"Edi ipa ayos natin!" Sabi ko.

"Huwag na. Magmomotor nalang ako. Nagmamadali kasi ako Christine eh," sabi niya at bakas nga sa mga galaw niya na nagmamadali siya. "At tsaka don't worry about my appearance. Ipapa retouch ko nalang ito dun sa mga stylist," sabi niya at nagwink pa sa akin. Alam niya na siguro na worried ako na baka masira yung outfit niya. Nakasuot ngayon ng itim na suit si kuya na may red na necktie sa ilalim. Ngayon kasi ang grand recital niya sa music school. Mamayang gabi pa naman yung performance niya pero kinakailangan niya na kasi pumunta doon right now for briefing and final instructions.

"Kuya, actually kinakabahan ako bukas eh," sabi ko sa kaniya.

"Bakit ka naman kakabahan? Eh kuya mo ang pinakamagaling doon?" Sabi niya dahilan para matawa ako. After every recital kasi ng music school ay magkakaroon ng enrollment kinabukasan. Balak ko kasing sundan si kuya sa larangan ng musika kay magpapaenroll na rin ako kaso hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan at nahihiya ako kahit alam ko namang walang gagawin at magfifill up lang ng form.

"Oh sige na, aalis na ako, mamaya nalang natin pag usapan yan okay? Huwag ka nang kabahan," sabi niya tsaka pinaandar na ang motor niya.

Ngumiti naman ako sa kaniya at nagwave ng kamay.

"Huwag kayong malalate nila mom and dad ha! Baka maubusan kayo ng seats," sabi niya at nagwave back din sa akin. "Bye!" Sigaw niya.

Pinagmasdan ko si kuya habang papalayo na ang motorsiklo. Bakas lang sa pagmumukha ko ang saya at excitement para sa kaniyang performance mamaya ng hindi man lang nalalaman na ilang oras na lang pala ang natitira para manatili siya sa mundong ito. At sino ba namang mag aakala na sa mga huling oras niya ay buong puso pa rin niyang inilalaan ang kaniyang sarili para sa musika.

Hindi ko na namamalayan na pumapatak na pala aking mga luha ngayon dahilan para mabasa ang mga strings ng guitara ni Kent kaya agad kong hinila ang damit ko para punasan ito.

Matapos kong punasan ito ay mas lalo pang kumintab ang guitara dahilan para makita ko ngayon ang mukha ni Kent sa repleksyon. Hanggang ngayon ay wala pa rin kaming kamuwang muwang sa mga nangyayari ngayon sa amin. Hindi namin alam ang daan palabas sa sitwasyong aming nararansan ngayon. Kaya gustuhin ko man o hindi ay kailangan kong ng pumili.

At ito ay kung kakalimutan ko na ba ang sakit na dala ng nakaraan at susubukang matutunan ang musika sa isang maikling panahon kasama si Kent? O Pipiliin ko pa rin bang maging matigas at tumira sa masklap na alaala ng kahapon?

Hindi nagtagal ay narealize kong buo na ang aking desisyon. At ang pipiliin ko ay kung saan ako makakahanap ng kaligayahan.

Habang pinagmamasdan ko ang guitara ay muli kong narinig ang kakaibang tunog katulad ng kagabi. Ito ay ang tunog ng mga pahinang parang nagpa-page turn. Tinignan ko ang mesa kung saan ko inilagay ang mahiwagang aklat at katulad ng dati ay muli itong nagliwanag. Unti unti ko itong nilapitan at katulad rin ng nangyari kagabi ay may namumuo muling sketch at mga salita sa ibabaw nito.

Una kong binasa ang mga salitang 'Ikatlong araw.'

Bakit parang araw araw naguupdate 'tong aklat na ito. Magkatapos kong yung mabasa ay agad ko ring tinignan ang sketch na nabuo. Biglang lumakas ang tibok ng aking puso at animo'y hindi ko na maipaliwanag ang kabang aking nadarama ng marecognize ko kung anong scene ang nasa sketch.

Ito yung nangyari kanina sa awards museum. Kung saan niyakap ako ni Kent habang ako na naman ay nakangiti habang yakap yakap niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status