Share

Chapter 4

CHRISTINE

"Hindi. Hindi talaga! Hindi talaga maari!"

Iyon ang mga naisigaw ko sa sarili ko habang paulit-ulit na tinitignan ang imaheng ipinapakita sa akin ng salamin. B-bakit? Bakit si Kent ang nakikita ko? Paulit ulit kong sinasampal ang sarili ko sa pagbabakasakaling panaginip lang ang lahat ng ito.

Pero sa bawat sampal ay mas lalo akong kinakabahan ng makita kong pumupula rin ang kaniyang mukha. Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko ngunit may biglang sumalin sa aking isipan.

Ito ba ang tinatawag nilang switching of places? That freaking body-swap I read in some fictional books? Pero wait! Kung na sa katawan ako ngayon ni Kent, then could it be that...

KENT

"Imposible".

Bulong ko sa sarili matapos kong mapagtanto ang mga maaring nangyayari ngayon.

Have I done something for this to happen? Inisip ko ang mga ilang posibilidad ng bigla kong naalala yung nangyari kagabi.

Oo! Tama! Bigla na lamang akong nahilo kagabi dahil uminom ako tapos...

"Alam mo, sana maramdaman mo yung nararamdaman ko ngayon! S-sana mapunta ka sa sitawasyon ko! S-sa posisyong ito na nabubusted! Sana mapunta ka sa kalagayan ko para alam mo kung gaano 'to ka frustrating!"

Paulit ulit kong hinampas ang ulo ko este yung ulo ni Christine ng marealize ang rason kung bakit nangyayari to. I wished for her last night to experience what I feel and the same goes with her. Hiniling niya rin na mapunta ako sa sitwasyon niya kaya siguro nangyayari to.

Pero how is this possible? Isang soul switch? Is it even real? Mas maniniwala pa ata ako sa avengers o aliens eh.

Pero kasi, nangyari na kaya totoong totoo talaga. Pero is there even a way to reverse this? Napaisip ako ng mga paraan hangga't sa may pumasok sa isipan ko.

If I were to take back what I said, and wish for a different thing, at the same place, could this be reversed? There is no time for asking.

I need to do this. Kailangan kong bumalik doon sa rooftop.

CHRISTINE

Tama! I need to do this. Kailangan kong bumalik doon sa rooftop.

Agad akong nagpalit ng damit pang-itaas. Kumuha na lang ako ng T-shirt mula sa drawer niya. Kinuha ko na din yung tsinelas na nakita ko. Wala naman sigurong malisya 'iyon diba? Pang-itaas lang yung hinubad ko. Ang mas ikinababahala ko ngayon ay kung baka ano ng ginawa niya sa katawan ko! Lagot talaga sa akin yung Kent na 'iyon pag may ginawa siyang kababuyan sa katawan ko. Pero mamaya ko ni siya papagalitan. I still need to fix this mess ASAP. Technically, may kasalanan din naman ako sa nangyari. We both wished for this.

Matapos akong makapagbihis, kinuha ko yung wallet sa suit niya kagabi at agad na akong lumabas sa kwarto niya. Dahan dahan akong bumaba sa isang staircase at dumiretso naman ito sa isang dining room. Nakita ko sa di kalayuan ang isang malaking pintuan. Baka iyon na yung main door nila.

Hindi naman ako nabigo sapagkat bumungad naman sa akin yung labas. Dali dali akong tumakbo papunta sa gate ngunit bigla na lamang akong tinawag ng isang matandang lalaki. Mukhang gardener siya dito.

"Sir, san po kayo pupunta?" Tanong nito.

Oh my! Sir daw!

"Shh. Act natural Tine, act natural," bulong ko sarili ko.

"Sir?" Paguulit pa niya.

"Ahh. Wala naman po. Feel ko lang po magexcercise para mas lalo pong gumanda," sabi ko kaya bigla kong natakpan agad yung bibig ko. G-gumanda? Patay.

"Gumanda ho?" Tanong naman niya.

"Ah este para gumanda po yung pangangatawan!" Sabi ko nalang with a forced laugh.

Napa 'Ahh' naman siya. Hays, muntik na yun ha.

Nakalabas naman na ako pero medyo malayo pa yung nilakad ko. Nasa isang subdivision kasi yung bahay nila kaya kinakailangan ko pang maglakad papunta sa gate. Mabuti naman kilala ng mga gwardya itong si Kent kaya mabilis na lamang akong nakalabas.

Mabuti't mabilis akong naka para ng taxi. Medyo malayo layo rin pala yung bahay nila from the venue kagabi sa Prom. Pagdating ko roon, agad na akong pumasok. Maraming tao roon ang naglilinis ng kalat mula kagabi pero di ko na lamang sila pinansin. Pero saglit na bumihag sa akin ang itsura ng venue. Kakaiba na ang itsura nito kung ikukumpara sa aking nakita kagabi. Wala na yung mga nagtataasang ribbons na naka sabit sa ceiling. Wala na rin yung parang portable na mini bar malapit sa entrance. Dumiretso na ako sa rooftop ngunit pagkarating ko roon, nakita ko ang isang napakapamilyar na babae.

Teka ako ba yan?

Ako nga! Marahil ay pumunta rin din dito si Kent para ireverse itong nangyayari. Nung papalapit na ako sa kaniya slash sa katawan ko, nakita kong nanotice niya ako kaya agad akong kumaway sa kaniya.

At first, parang may pagkagulat sa mukha niya este sa mukha pero nagsalita din siya.

"Nandito ka rin to para ireverse 'to?" he said in my voice. Hindi ako makapaniwala na naririnig ko ang sarili ko ngayon mula sa ibang tao.

"Y-yes," sabi ko naman.

"I think we'll just have to wish for reversal, right?" sabi naman niya at tumango lang ako.

Napakaseryoso niya ata ngayon ha. Pero yeah, now is not the right time to joke around.

"Sige umpisahan ko na," sabi ko. "Sana, makabalik na ako sa katawan ko," sabi ko at pumikit.

"Ako rin, sana makabalik na ako sa katawan ko," sabi naman ni Kent.

Pumikit lang ako at naghintay ng ilang segundo ngunit wala pa rin akong naramdaman na kahit ano. I opened my eyes only to find out na kaharap ko parin yung katawan ko.

"No. Imposibleng hindi 'to mareverse! B-baka kailangan nating gawin yung katulad kagabi na iwiwish kita tapos iwiwish mo naman ako," sabi ko at pumikit muli.

This should work this time.

"Sana, makabalik ka na sa katawan mo," sabi ko sa kaniya.

"Sana, makabalik ka na din sa katawan mo," sabi naman niya.

Agad kong binuksan ang aking mga mata subalit dismayado ako nang makita kong walang nagbago. Nasa katawan pa rin ako ni Kent. Hindi ko lubos maisip na mangyayari ito. Nararamdaman kong unti unting tumutulo ang luha galing sa mata ni Kent ngayon na tila ba sumasabay ito sa pagkadismaya ko. Well, of course. What do I expect. Katawan ko 'to ngayon kaya syempre, kung feel ko umiyak, iiyak talaga tong mata niya.

Tatalikod na sana ako ngunit hinila niya ang braso ko at inilapit niya ako sa kaniya, dahilan para mapalit ng husto ang aming mga mukha sa isa't isa.

"Baka kailangan lang kitang halikan katulad nung sa mga fairytales," sabi niya at bigla akong hinalikan.

Masyado akong nabigla sa sinabi niya kaya agad akong lumayo sa kaniya at sinampal ko siya.

"Bastos ka! Akala ko stalker ka lang pero maniyak ka rin pala! Napaka---," hindi ko natapos ang sasabihin ko ng mapansin kong may kakaiba.

K-kaharap ko na siya ngayon. Ibig bang sabihin nito, na sa katawan ko na ako ngayon?

"Tsk, sabi ko sayo eh," sabi niya pero hindi ko iyon narinig dahil tinignan ko muna ang suot ko pati yung balat ko at masaya akong makita na akin nga ang mga ito.

"N-nakabalik na tayo sa mga katawan natin?" Tanong ko at tumango siya kaya napasigaw ako at napatalon talon sa saya.

"Thank you, thank you! Maraming maraming salamat!" sigaw ko. "Akala ko talaga di na ako makakabalik sa katawan ko!" Dagdag ko pa.

"Oh diba, worth it yung halik," sabi niya at tumatawa pa.

"Heh! Kahit na nakabalik ako sa katawan ko dahil doon, bastos pa rin yung ginawa mo! Nako, kung alam ko lang, pinagnasaan mo talaga 'tong katawan ko," sabi ko sa kaniya at inirapan siya.

"Woah, grabe ka naman kung makapag accuse.Wala akong ginawa jan no! Hanggang ngayon, yung gown mo nga pa rin yung suot mo eh! Ibig sabihin, hindi ko talaga pinakialaman yang katawan mo," sabi niya naman at naniwala naman ako doon.

"Eh pano yung halik? You should have asked for permission!" Sabi ko.

"Eh sinabi ko naman na gagawin ko bago ko ginawa diba?" Sabi niya sa akin at nagsmile. Nako, ang manyak talaga! Kainis.

"Kahit na! I haven't gave you the approval!" sabi ko naman kaya napatahimik siya.

"Sorry na nga, hindi na mauulit"

"Aba talagang hindi na mauulit kasi first and last conversation na natin 'to! Everything should go back now to its place. And don't worry. Dahil nagwork naman yung kiss, I will just forgive and forget!" Sabi ko. "Let's pretend na hindi nangyari yung kiss as well as the soul switch understood?"

"Does that mean, hindi mo ako papansinin ulit?" Tanong niya at nagpout pa.

Aba hindi niya ako madadala sa mga paganyan ganyan niya.

"Absolutely yes Mr. Cruz! Meanwhile, I think I should go na. I still have things to do for my weekend. Bye!" Pagkatapos ko yung sabihin, kaagad na akong naglakad papalayo.

Pero nung nakakailang hakbang na ako, napansin kong parang naging movie yung nangyari. Yung parang nagswitch ng camera angle. From my eyesight, biglang nagpalit yung pananaw ko at nakita ko ang sarili ko mula sa likuran. Nakita ko ring tumigil ako sa paglalakad at humarap ako sa sarili ko.

Nang tinignan ko yung posisyon ko ngayon, pati yung katawan ko, laking gulat ko ng...

NA SA KATAWAN NI KENT AKO ULIT!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status